Sa isang mamahaling coffee shop, kaharap ni Vanilla ang Ina ng nobyo niyang si Darren na noon ay kitang kita sa matapobre nitong mukha ang pagkadisgusto sa kanya.
"Limang milyon, layuan mo ang anak ko." walang paligoy-ligoy nitong wika. HIndi naman maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya ni Vanilla. Hindi niya na din kasi mabilang kung ilang beses na siyang inofferan ng Ina ng boyfriend niyang si Darren ng pera para lang makipaghiwalay dito "Hindi ko po magagawa iyan, Madam! Nagmamahalan po kami ng anak niyo at hindi ko po kayang ipagpalit siya sa pera." buong pagpapakumbaba na sagot naman kaagad niya sa hilaw niyang manugang. "Then, six million...." nakataas ang kilay na muling wika ng Ginang. Muling umiling si Vanilla. Hindi kayang tumbasan ng pera ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanyang nobyo. "Seven million!" muling wika ng Ginang. Pataas nang pataas ang offer nito pero tanging pag-iling parati ang tugon ni Vanilla "Ipaglalaban ko po ang nararamdaman ko para sa anak niyo, Madam. Sorry po..." sagot niya din naman kaagad. "Okay, last offer. Ten Million...ten million, lubayan mo siya. Lubayan mo ang unico iho ko dahil kahit na ano ang gawin mo, hindi ako papayag na ikaw ang magiging asawa niya. Nakatakda na siyang magpakasal sa babaeng gusto namin. isang babae na may maipagmamalaki at ka-level namin sa lipunan. Hindi kagaya mo na isang hampas lupa!" seryosong wika ng ginang. Ni hindi man lang nito naisip na posibleng masaktan si Vanilla sa sinabi niya ngayun lang. "Sorry po. Hanga't kailangan po ako ni Darren, hindi ko po siya hihiwalayan. Sa inyo na po ang pera dahil hindi ko iyan kailangan." seryosong sagot naman ni Vanilla dito Masakit para sa kanya na makita na ganito na pala kababa ang tingin sa kanya ng Ina ni Darren pero wala siyang magagawa. Isa lamang siyang babae na galing sa mahirap na pamilya at gumagawa ng paraan para makaangat sa buhay. Kasalukuyan siyang nagta-trabaho sa isang government office bilang isang auditor at ang ganitong offer ng ginang sa kanya ay labis na nagpadurog sa puso niya. "Hmmm , masyadong matigas nag ulo mo, babae. Well, kung ayaw mo talaga...wala akong magagawa. Pero ito lang ang tandaan mo, never ka naming matatangap sa pamilya namin." nanlilisik ang mga matang wika nito. Kaagad namang nagbaba ng tingin si Vanilla dahil feeling niya sobrang liit ng tingin sa kanya ng mismong Ina ng nobyo niya. "Sorry po. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." mahinang sagot ni Vanilla sa kaharap niya. Pagkatapos noon, tinitigan niya muna ang walang bawas na kape na inorder kanina ng ginang para sa kanya. Sino ba naman kasi ang gaganahan na mag-kape kung ganito kagaspang ang ugali ng taong kaharap mo. "Okay, alam kong masyado ka pang emosyonal ngayun pero kung sakaling magbago ang isip mo, huwag kang mag-atubili na lumapit sa akin para kunin ang sampung million. Willing pa rin akong ibigay sa iyo iyun basta lumayo ka sa anak ko." seryosong wika ng Ginang at walang pag-aalinlangan na mabilis itong tumayo. Parang reyna na naglakad ito palabas ng coffee shop. Taas noo, sopistikada at unang tingin pa lang, halata talagang nakakaangat ito sa buhay. Samantalang hindi naman nagawa pa ni Vanilla na tumayo para umalis na. Ramdam niya kasi ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon. Nagbabadya din ang luha sa kanyang mga mata at kung hindi lang nakakahiya, baka kanina pa siya umiyak. Kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tawagan ang kanyang nobyo. May usapan sila na magkikita sila dahil isasama siya nitoo sa birthday party ng abuelo nito pero parang gusto nang magbago ang isip niya ngayun. Feeling kasi niya hindi siya welcome doon lalo na at nagpahayag na ang Ina nito na hindi nga siya gusto. "Hey...babe. Napatawag ka?" nakailang ring pa lang, sumagot naman kaagad si Darren. "Darren, saan ka ngayun? Teka lang, bakit ganiyan ang boses mo?" seryosong tanong naman ni Vanilla sa boyfriend niya. "Ha? A-anong ibig mong sabhin, Babe?" "Darren, parang boses kakagising mo lang kasi eh. Nasa opisina ka ba? Dadaan ako diyan ngayun. May importante kasi akong sasabihin sa iyo eh."" seryosong wika ni Vanilla sa kanyang nobyo. Kaya lang mas lalo siyang nagtaka dahil mabilis siyang pinigilan ni Darren. Halata sa boses nito ang pagpa--panic. "NO! No, Babe!! It's okay! Mamaya, susunduin na nalang kita sa apartment mo para maisama kita sa kaarawan ng Lolo ko." nakangiting sagot nito "Pero, Darren. Iyan nga ang dahilan kaya ako tumawag sa iyo eh. Nagbago na ang isip ko. Hindi na--" naputol ang sasabihin ni Vanilla kasabay ng pagkunot ng kanyang noo sa matinding pagtataka nang marinig niya na para bang umuungol si Darren. "Ahhhhhh!" 'Darren, sure ka ba na ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Vanilla sa nobyo niya pero ganoon na lang ang pagkadismaya nya dahil tuluyan nang naputol ang tawag. Tinawagan niya ulit ang nobyo niya pero hindi na ito sumasagot. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala kaya isang pasya ang nabuo sa isipan niya. Pupuntahan niya ang nobyo niya sa opisina nito. Nag-aalala kasi siya eh. Kakaiba kasi ang ungol nang boyfriend niya at baka kung ano na ang nangyayari dito ngayun.Vanilla “Honey, promise, I will not let you down! I love you!” narinig niyang wika ni Zakari pero tanging mahinang paghikbi lang ang naging sagot niya. Kay tagal niya kayang inasam ito! Kay tagal niyang hinintay at ngayung nandito na, wala siyang balak na pakawalan pa. Ito na ang hinihintay niya eh. Ang tuluyang magiging Mrs. Del Rio. “I love you! I love you, Vanilla!’ mahinang bulong ni Zakari sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at masuyo niya din itong tinitigan sa mga mata kung saan nababanaag niya ang ilang butil ng luha mula sa mga mata nito. Nagawang lumuha ni Zakari sa harap niya so ibig sabihin, galing din sa puso ang mga katagang binitiwan nito sa kanya ngayun. “I love you, too, Zakari! I love you!” lumuluha niyang bigkas. Isang matamis na ngiti sa labi ang kaagad na gumuhit sa labi nito bago walang sabi-sabing inangkin ang labi niya. Bulungan at hiyawan ang naririnig niya sa buong paligid pero wala siyang pakialam. Walang mas importante sa kanya ngayun kundi s
VANILLA “Cecil, ano ang ginagawa niyo dito? Tsaka, sino an mga kasama mo? Nasaan sila Nanay at Tatay pati na din si Robert?” nagtataka niyang tanong dito. Nginitian lang siya nito tsaka siya sinipat ng tingin sabay nakangiting tumango-tango “Kasama ko sila Nanay at Tatay pero mamaya na tayo mag-usap. Anong oras na oh? Late ka nang dumating at kanina pa naghihintay ang groom mo.” Nakangiting wika nito. Pagkatapos sabihin ang katagang iyun, inilabas nito ang isang maliit na kahon at sa mismong harapan niya, binuksan iyun at kaagad na bumungad sa paningin niya ang isang familiar na alahas. Ito iyun kwentas na ibinigay sa kanya ni Zakari noong minsan na dumalo sila sa auction six years ago at ito din ang kauna-unahang regalo na ibinigay nito sa kanya. “Mahalaga daw ito sa pag-iibigan niyong dalawa ni Kuya Zakari at ito daw ang kukumpleto sa suot mo ngayun.” Nakangiting wika ni Cecil at basta na lang nitong inilagay sa leeg niya ang nasabing kwentas. Hindi naman siya nakaimik Sa to
VANILLA Nakailang ring na pero hindi pa rin sumasagot si Zakari na labis na ipinagtaka ni Vanilla. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi nito sinagot ang tawag niya na labis niyang ipinagtaka. Bigla tuoy siyang kinabahan. Nag-aalala din siya na baka kung ano na ang nangyari dito “Dark, natatawagan mo ba si Zakari? Hindi siya sumasagot sa akin eh.” Muli niyang wika kay Dark “Baka busy po, Mam. Hayaan niyo na lang po, malapit na tayo.” Sagot din naman kaagad nito. Muli siyang napatitig sa labas ng bintana at hindi na din siya umimik pa. Baka nga totoo ang sinabi ni Dark na busy lang si Zakari. Haysst, walng dapat na ikabahala lalo na at malapit na din naman pala siya. Kaya lang, mas lalo siyang nagtaka dahil imbes na sa isang hotel or kung ano pa man ang punta nila, pumasok ang sasakyan sa isang makipot ng kalsada. Sobrang dilim na din ng buong paligid kaya hindi niya tuloy mapigilan ang mapayakap sa kanyang sarili. Parang gusto niya tuloy pagdudahan ngayun si Dark. Lalo n
Vanilla Mabilis na lumipas ang oras. Nandito na siya ngayun sa loob ng kotse habang bumibyahe patungo sa venue kung saan gaganapin ang party. Nabangit sa kanya ni Zakari na doon na lang sila magkikita sa venue kaya naman naging palagay ang kalooban niya. Isa pa, ang pinagkakatiwalaan nitong tauhan na si Dark ang sumundo sa kanya kaya walang dapat na ikabahala. Inilabas niya ang kanyang cellphone nang marinig niya na biglang tumunog iyun. Hindi niya pa nga maiwasan na mapakunot noo nang mapansin niyang si Devi ang tumatawag. “Devi!” wika niya. Pwede niyang kausapin ang kaibigan niya habang nasa biyahe pa siya. “Vanilla, nasaan ka ngayun? Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?” sagot din naman kaagad nito sa kanya. Kaagad naman siyang tumango “Nandito ako ngayun sa biyahe. May party kasi kaming dadaluhan ni Zakari pero pwede pa tayong mag-usap ngayun.. Ano ba iyun? Mukhang importante iyan ah dahil napatawag ka pa talaga.” Nakangiting sagot niya dito “Okay, great! Gani
HINDI alam ni Vanilla kung napansin pa ni Janna ang presensya nilang dalawa ni Zakari dito sa mismong coffee shop dahil mabilis na din umalis ang mga ito. Pero bago umalis ang dalawa, nahuli niya pang napatitig si Darren sa kinaroroonan nilang dalawa ni Zakari at ngumiti pa nga. Sa totoo lang, gusto niyang kumprontahin si Darren. Gusto niya itong pagsabihin na sana huwag nitong saktan si Janna. Na sana mahalin nito ang kaibigan niya dahil parang kapatid na ang turing niya dito. Kaya lang, paano niya magagawa iyun kung tuluyan nang naglakad paalis ang dalawa. Magka holding hands pa nga eh! Siguro, kakausapin niya na lang si Janna ng masinsinan sa mga susunod na araw. kailangan niya itong balaan. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Darren pa ito na-inloved gayung sa naalala niya, hate na hate nito si Darren noon pa. Nanatili pa silang dalawa ni Zakari ng halos tatlumpong minuto bago ito nagpayayang umuwi na. Muli nilang binalikan ang mga anak nila sa playground kung saan naabu
Tinupad ni Zakari ang sinabi nitong after ng trabaho nito sa opisina, ipapasyal sila nito sa mall. Of course, walang ibang mas masaya kundi ang mga anak nila. Hindi naubos-ubusan ng energy at palaging excited ang mga bata. Si Zakari naman todo alalay sa kanya. Kung anu-ano na naman ang mga binili para sa kanya. Mga alahas, mamahaling bags at kung anu-ano pa. kahit na ano ang pagtanggi niyang ginawa, ayaw talagang paawat kaya naman hinayaan niya na. Ganito naman talaga si Zakari noon pa eh. Mahilig talaga itong bilihan siya ng mga mamahaling bagay. Ewan, paraan yata nito para ipakita kung gaano siya nito kamahal. Sweet pero masyadong expensive. “Ang mga bata? Are you sure, ayos lang sila doon?” hindi niya pa nga maiwasang tanong kay Zakari. Basta na lang kasi nilang iniwan ang mga bata sa isang playground. May mga nakabantay naman sa mga ito. Si yaya Melai pati na din tatlong mga bodyguards kasama na si Dark pero hindi pa rin siya mapalagay. Nanay siya at hangat maari, ayaw niyan