Share

Chapter 4

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-06-24 21:53:01

Kahit papaano, nakahinga ng maluwag si Vanilla nang pagkapasok niya sa opisina ng nobyo niya, naabutan niya itong mukhang kakatapos lang ng matinding bakbakan sa pagitan ng sekretarya nito. Nasasaktan man si Vanilla sa nasaksiyan kanina, wala siyang magagawa kundi ang magkunwari sa harap ni Darren na ayos lang siya. Kailangan niyang magkunwari na hindi niya alam kung ano ang mga nakita niya kanina.

Hindi pa kasi siya ready eh. Hangang ngayun, gulong gulo pa rin ang isipan niya at kung bakit siya nagawang lokohin ng boyfriend niya.

''BABE, ano ang ginagawa mo dito sa opisina?" pagkagulat ang kaagad na rumihistro sa mukha ni Darren habang nakatitig sa kanya!

Naabutan niya pa ang secretary nito na si Lexi na inaayos ang magulo nitong buhok. Pasimple din siyang napasulyap sa trashbin at nang mapansin niya na puro tissue ang laman noon, alam niya na! Nakarami yata ang taksil niyang boyfriend at ang secretary nito

"Hindi mo sinasagot ang tawag ko kaya nagpasya akong puntahan ka dito sa opisina mo. Bakit, naka-isturbo ba ako sa inyo?" walang emosyon na nakikita sa mukha ni Vanilla na tanong niya kay Darren. Saglit na natigilan si Darren. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot niya sa kanyang girlfriend.

Kakatapos lang nilang magtalik ng kanyang secretary at nagulat din talaga siya sa presensya ni Vanilla. Kung napaaga siguro ang dating nito, baka nahuli na sila. Knowing her girlfriend, alam niyang hindi siya mapapatawad nito kapag malaman nito na may iba siyang babaeng kinalolokohan.

"Hindi naman sa ganoon, Babe! A-ano kasi eh...ahmm, nagulat lang ako! Tama...nagulat ako dahil hindi ka naman palaging bumibisita dito sa office ko eh." hilaw ang ngiti na nakaguhit sa labi ni Darren. Nag-uumpaw din ang guilt sa puso niya. Paano niya nagawang lokohin ang mabait niyang girlfriend? Tsaka, mahal niya si Vanilla at para sa kanya, isang laruan lang si Lexie.

Samantalang mula sa pintuan ng opisina, walan sabi-sabing pumasok sa loob si Zakari. Today, wiling siyang maging crying shoulder ni Vanilla kung sakali. Tsaka gusto niya ding makakita ng magandang palabas. Live na palabas at sana ibigay sa kanya ni Vanilla iyun.

"Bro! Good afternoon! Aba't mukhang busy ka ha?" nakangisi at makahulugang wika ni Zakari pagkapasok nito. Tumayo ito sa may likuran ni Vanilla. Pigil niya din ang sarili niya na lapitan ang dalaga para yakapin. Alam niya kasing sobrang nasasaktan ito sa mga nangyari at nandito siya para aluin ito.

"Bro, nandito ka din? Teka lang, sit down! Sit down, Bro!" nakangiting sagot naman ni Darren sa kaibigan. Pagkatapos noon, sinulyapan niya ang kanyang secretary para utusan na ipagtempla sila ng kape,.

"Lexi, kape para kay Zakari pati na din sa akin. Ikaw, BAbe, ano ang gusto mo?" tanong niya pa. Pinilit niyang magpaka-kaswal kahit na ang totoo ay nataatakot siya na baka malaman ni Vanilla ang mga kabulastugan na ginawa niya kanina lang.

"Wala akong gusto! Busog pa ako!'" walang ganang sagot ni Vanilla. Pagkatapos noon, ilang saglit siyang tumitig kay Zakari bago siya nagpasyang magpaalam.

"Aalis na ako, Darren. Siya nga pala, kaya ako pumunta dito para sabihin sa iyo na hindi ako makakasama sa iyo mamaya sa party." seryosong wika niya sa kanyang boyfriend. Pagtutol ang kaagad na gumuhit sa mga mata ni Darren. Makailang ulit itong umiling dahil hindi siya papayag.

Gusto niyang ipakilala itong si Vanilla sa kanyang Lolo at Lola bilang girlfriend niya. Bakit ang bilis naman yata nagbago ang isip ng dalaga?

'BAbe, hindi ba't napag-usapan na natin ito----"

"Nakausap ko kanina ang Mommy mo. Ayaw niya sa akin, Darren. Inutusan niya ako na layuan ka at sa palagay mo ba, welcome pa rin ako sa party na iyun?" seryosong sagot naman ng dalaga sa binata. Hindi naman nakaimik si Darren. Pakiramdam niya biglang umakyat ang dugo sa ulo niya. HIndi niya alam kung bakit bigla na lang nagkaganito ang nobya niya. May nasi-sense siya dito na ayaw niya lang tangapin. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling makikipaghiwalay ito sa kanya nang ganoon kabilis.

"Okay...sige! I think, pagod ka lang! Next time na lang kita ipapakilala sa kanila." nakangiting sagot ni Darren sa dalaga at pagkatapos non, nilapitan niya ito. Akmang hahawakan niya sana sa magkabilaang balikaat ang dalaga pero mabilis na umiwas si Vanilla.

"Aalis na ako." seryosong bigkas nito at walang sabi-sabing mabilis na naglakad paalis si Vanilla. Samantalang mabilis namang napatayo si Zakari. Gusto niyang sundan si Vanilla. Alam niyang wala ito sa tamang huesyo dahil sa mga nangyari ngayung araw.

"Bro, saan ka pupunta? Akala ko ba pag-uusapan natin ngayung araw ang business venture na niluluto natin?" nagtatakang tanong naman ni Darren sa kaibigan. Seryosong tinitigan naman ni Zakari si Darren bago ito nagsalita.

"Tsaka na lang, Bro! I think ang kailangan mong unahin ang sarili mo. Bro, may dalawa kang kissmark sa leeg at gawan mo ng paraan para matangal iyan. Baka kung ano ang isipin ng mga empleyado mo lalong lalo na ng girlfriend mo!" nakangising sagot ni Zakari sa kaibigan.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ni Darren sa narinig. Napahawak pa siya sa kanyang leeg at seryosong tinanong ang kaibigan.

"Sa palagay mo, nakita kaya ito ni Vanilla?" seryosong tanong niya.

"I don't think so, bro! Pero kung napansin niya man iyan...lagot ka!" sagot ni Zakari. Pagkatapos noon, naglakad siya palapit kay Darren at tinapik ito sa balikat.

"Iwasan mo nang mamangka sa dalawang ilog, Bro! BAka mamaya mahuli ka ni Vanilla, lagot ka talaga!" nakangisi nitong bigkas at ilang saglit lang, walang sabi-sabing basta na lang siyang naglakad paalis. Hahabulin niya pa si Vanilla. Ngayung medyo nagkalabuan na ang dalawa, ito na din ang tamang pagkakataon para pumasok siya sa eksena at sa pagkakaton na ito, hindi niya pakakawalan pa ang taong alam niyang ipinanganak para sa kanya lang!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #182

    DARREN POV THREE YEARS LATER "Ano ba iyan, Darren, tama na nga iyan. Ako itong nahihilo sa iyo eh. Maupo ka nga dito at magrelax." saway sa akin ni Mommy. Paano ba naman kasi, kanina pa ako paroon at parito. Hindi ako mapalagay dahil sobrang nag-aalala ako. "Mom,hindi mo ako masisisi kung bakit ganito. Nag-aalala ako sa asawa ko. Nakita ko kanina sa mga mata niya ang sakit dahil sa---- "At normal lang iyun sa isang babaeng mangnganak. Come on, Lemuel, hawakan mo nga iyang anak mo o di kaya igapos mo. Pati ako na stress kapag nakikita kong nai-stress ang lalaking iyan eh." reklamo ni Mommy Nandito kaming tatlo sa labas ng delivery room. Nasa loob na si Venus at kasalukuyang inaasikaso ng mga doctor dahil manganganak na. Pwede naman sana akong pumasok sa loob pero ayaw ko, hindi ko kayang makita na nahihirapan ang asawa ko. "Hindi ka pa rin ba nasanay? Pangalawa niyo na ito ni Venus at alam na ni Venus ang gagawin niya." muling bigkas ni MOmmy Wala sa sariling napahil

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #181

    VENUS POV "SA wakas, congratulations sa inyong dalawa ng anak kong si Darren, Iha." nakangiting wika ni Madam Laura. "Darren, ingatan mo ang asawa mo ha? Mahalin mo siya ng tapat at huwag mo siyang paiyakin." dagdag pa nito at si Darren na naman ang hinarap nito "Mom, of course...i will love her forever, Mom. Naipromise ko na po ito sa inyong dalawa ni Daddy, kila Nanay at Tatay pati na din sa kapatid ni Venus and of course, sa harap ng mga Ninong at Ninang at mga guest pati na din sa harap ng altar. I will love her forever and ever, Mom." nakangiting sagot naman ni Darren sa Ina "Good! Very good! And, Venus, iha...welcome to our family. Magmahalan kayo ng anak ko at sana, soon, mabigyan niyo na kami ng apo." nakangiting wika naman nito sa akin. Nahihiya naman akong napangiti dito Hangang ngayun, hindi pa rin kayang i-absorb ng utak ko na heto na...na ikinasal kami ni Darren pagkatapos ng halos dalawang buwan naming magkasama sa yate. Sobrang bilis ng pangyayari pero masaya ak

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #180

    VENUS POV PARANG isang panaginip lang ang lahat-lahat. Simula kanina sa yate hangang dito sa harap ng simabahan, lutang ako. As in super lutang ako. Kanina, nilapitan na ako nila Tatay at Nanay, kinumusta, kinang-gratulate pero wala ako masyadong naintindihan. Hindi ko alam kung nakakabubo ba ang palaging pagsisex namin ni Darren pero parang iyun na yata ang nangyayari sa akin. Lahat yata ng susutansiya sa utak ko ay naubos sa halos dalawang buwan na paglalayag naming dalawa ni Darren na wala kaming ginawa kundi ang i-enjoy ang isa't- isa. Nauna nang magmartsa ang entourage ng aking kasal. Bride daw ang huling papasok ng simbahan para magmartsa sa gitna ng Isle palapit sa aking groom na nasa harap na ng altar na kanina pa daw naghihintay sa aking pagdating. "Si Darren! Si Darren ang aking groom na wala na yatang ibang alam na gawin kundi ang i-supresa ako. Wala sa sariling napatingin ako sa aking orasang pambisig. Paano ba naman kasi, late ako ng sampung minuto. Kung bakit

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #179

    VENUS POV Halos isang buwan na wala kaming ginawa ni Darren kundi ang libutin ang karagatan bago kami nakarating sa isang Isla kung saan ko ito unang nakilala. Yes...hindi ko akalain na babalik pa kami sa naturang Isla pero hindi din naman kami nagtagal doon. After a week, muli kaming sumakay ng yate at bumiyahe na ulit pabalik ng Manila. Sa halos dalawang buwan kaming magkasama ni Darren na walang ibang ginawa kundi ang i-enjoy ang isa't- isa, feeling ko, pagkadaong ng yate namin sa Manila, hindi ko na yata kilala ang sarili ko. Feeling ko, marami ang mabago sa akin at ibang Venus na yata ako. Iba na ang gusto ko at parang ayaw ko nang humiwalay pa kay Darren Sa halos dalawang buwan na magkasama kami, feeling ko naka depende na ako kay Darren. Nasanay na din akong ito ang katabi ko sa pagtulog at lalong lalo nang nasanay ako na sa pagmulat ng aking mga mata kinaumagahan, siya pa rin ang una kong nasisilayan. Kaya nga ngayun pa lang, iisipin ko nang maghihiwalay na pala a

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #178

    DARREN POV HINDI KO mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Venus. Hindi ko akalain na darating pa ako sa ganitong klaseng senaryo ng buhay ko. Ang akala ko talaga noon, wala nang pag-asa ang buhay ko. Sa kabila ng dagok at pagkalugmok na nangyari buhay ko, hindi ko inaasahan na may isang babaeng darating at magpabago sa lahat ng aking paniniwala tungkol sa pag-ibig. Noong mga panahon na para bang gusto ko nang tapusin ang lahat sa akin lalo na at akala ko talaga, hindi na ako magiging masaya, may nag-iiisang Venus na biglang dumating at pina-realized sa akin na ayos lang. Na kahit na ilang beses pang nadapa, pwede naman bumangon eh. Na kahit na ilang beses pang nagkasala, pwede namang humingi ng tawad at magbago. Hindi ako naging isang mabuting tao. Alam ko iyun, aminado ako doon. Kaya nga siguro, pinarusahan din ako ng langit. Buti nga, parusa lang eh. Hindi pa ako tuluyang namatay kung hindi baka nagin

  • Love Me Harder, Mr. Billionaire   #177

    VENUS POV SA PAGLIPAS ng mga araw...naging langit ang pakiramdam ko sa piling ni Darren. Wala akong masabi sa ginagawa nitong pag-aalaga sa akin kaya naman tuluyan nang nahulog ang loob ko dito Ganoon lang kadali. Feeling ko, nasa honeymoon stage kami at talagang sinusulit namin ang mga araw na lumipas para mas makilala namin ang isa't-isa. Mabait naman itong si Darren eh. Sweet at higit sa lahat, palagi nitong isinaalang-alang ang kalagayan ko "Venus, I love you!" malambing na wika ni Darren sa akin. Nandito kami sa upper deck ng yate, nakahiga sa malambot na mattress at parehong nakatutok ang paningin sa maaliwalas na kalangitan. "I love you too, Darren." walang pag-aalinlangan ko ding sagot dito. May puwang pa ba ang pagpapakipot ko gayung nakuha na nito ang lahat sa akin? WAla na...bahala na ang kapalaran sa aming dalawa at siguro, hindi naman ako masasaktan lalo na at ramdam ko naman ang pagpapahalaga nito sa akin. Aasa na lang ako sa mga positibong bagay, kumbaga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status