Home / Romance / Love Under Legal Terms / Chapter 4: The Inheritance Game

Share

Chapter 4: The Inheritance Game

Author: Lyric Arden
last update Huling Na-update: 2025-03-13 22:00:18

Nagkunwaring nag-isip si Amber. “Hindi naman imposible. Basta papayag ka muna.”

Isang gabi ulit ng pag-iisa ng kanilang mga katawan? Kumpara sa mana na nagkakahalaga ng bilyun-bilyon, wala ‘yon sa kalingkingan ng makukuha niyang saya. Kung may nangyari na sa kanila, anong masama kung mangyari ulit?

Napangisi si West at binitiwan siya.

Kilalang-kilala si Amber sa Milchester sa pagiging palabiro, pero hindi siya nakakakuha ng kahit anong simpatya mula kay West.

“Attorney, huwag ka munang umalis! Pwede nating pag-usapan ‘to. Kung hindi ka pa rin masaya, mag-iisip ako ng ibang paraan.”

Hindi siya pinansin ni West at tinanggal ang kanyang wrist guard, handa nang umalis sa golf course. Pero bago pa siya makalayo, nakita ni Amber si Adam sa di kalayuan. Agad siyang lumapit kay West at hinawakan ang braso nito.

“Amber?”

“Kuya, aba’t ang swerte naman! Nagkita tayo rito.”

Nagbago ang ekspresyon ni Adam. Napako ang tingin niya sa braso ni Amber na nakapulupot kay West. “Kilala mo si Atty. Lancaster?”

“Ah!” Mapanlokong bumuntong-hininga si Amber. “Nakalimutan kong ipakilala siya sa ‘yo, Kuya. Boyfriend ko siya.”

Napakunot-noo si Adam. Ang babaeng ito… naunahan siya?

“Pinalitan mo na naman?”

Nagtaka si Amber. “Anong ibig mong sabihin na ‘pinalitan na naman’?”

Malamig na ngumiti si Adam. “Si Atty. West ay isa sa pinakakilalang batang abogado sa Milchester. Dapat mo siyang pakitunguhan nang maayos. ‘Wag kang pabago-bago ng isip, ha? Alam ko namang palit ka nang palit ng boyfriend.”

Itinuon niya ang tingin kay West, waring binibigyan ito ng babala.

Ngunit hindi nagpaapekto si Amber. Bagkus, lalo pa niyang idinikit ang sarili kay West, inilapat ang baba sa balikat nito. “Huwag kang mag-alala, Kuya! Gusto ko namang magpalit, pero sa boyfriend lang, hindi ko kailangang makipaghatian sa mana sa kung sino-sino.”

Hindi tulad mo, gago. Tatlong beses ka nang nagpakasal, at bawat isa sa mga asawa mo ay niloko ka ng tig sampung milyon.

“Sige, Kuya. Maglaro ka na lang. Paalis na kami.”

Sabay hila kay West papuntang lounge.

“Pwede mo na akong bitiwan.”

“Walang kwenta.”

Napangiti si West sa inis. Kapag may kailangan ito, sobrang tamis, parang asukal. Pero pagkatapos niyang pagbigyan, bigla siyang natatapakan ng kasungitan nito.

“O, ‘di sige. Maghanap ka ng ibang tutulong sa’yo sa kaso mo.”

Hindi man lang ito nag-abalang magpalit ng damit pang-sports. Basta kinuha niya ang kanyang mga gamit at naglakad palayo.

Pero hindi siya tinantanan ni Amber. Hanggang parking lot, nakasunod ito.

“Sigurado ka bang hindi mo talaga tatanggapin ang kaso ko? Pwede nating pag-usapan ang bayad.”

“That’s just money. Or maybe you want to be with me all night and day?” Napailing si West. “Alam mo ba kung bakit hindi kita tinutulungan?”

“Bakit?”

“Kasi ang hirap mong pakisamahan.”

Napakunot-noo si Amber. “Talaga? Kung mahirap akong pakisamahan, bakit tayo nagkakasundo sa kama?”

Narinig iyon ni Chito at nagulat. “Sandali, kama? Kailan pa?!”

Napatingin si West. “Bakit nandito ka pa rin? Lumayas ka.”

“Lumayas ka.” Ulit ni Amber.

Binuksan ni West ang pinto ng kotse, pero bago niya ito maisara, agad siyang pinigilan ni Amber, mahigpit na hinawakan nito ang pinto. “Dahil seryoso akong humihingi ng tulong, pwede bang pagbigyan mo na ako?”

Kapag humihingi ng tulong ito, palagi itong mayabang—parang sinasabing, Pinapayagan kitang tulungan ako, bakit hindi mo pa ako sinasamba?

Tinitigan siya ni West, at saglit, bumalik sa isip niya ang alaala ng kanilang kabataan.

Lintek. Muntik na naman siyang mahulog sa bitag ng babaeng ito.

Dahil sa mukha nito, nawasak siya kagabi. Kung hindi, paano niya ipapaliwanag kung bakit niya ito pinaglingkuran nang todo-todo, para lang sipain sa mukha pagkatapos?

“Amber, may tae ang sasakyan ko. Gusto mo pa ring kumapit diyan?” agad namang binitawan ni Amber ang pintuan ng sasakyan niya.

Mabilis na isinara niya ang pinto, inapakan ang gas, at umalis.

“Tsk, tsk. Miss Harrington, hindi ganyan ang tamang paghingi ng tulong.” Pilyong natawa si Chito. “Kapag humihingi ka ng pabor, dapat marunong kang s******p.”

“Hayop ka—”

Hindi pa natatapos ni Amber ang mura nang biglang sumulpot ang tunog ng nagmamadaling mga makina.

May paparating na mga motorsiklo.

Mabilis siyang umilag, pero bumalik ang isa at sumugod ulit.

Dumukwang siya sa likod ng sasakyan, binuksan ang trunk, at kinuha ang baseball bat. Isang mabilis na galaw, at binanatan niya ang motoristang paparating.

“P*ta! May batas tayo sa bansang ‘to!” sigaw ni Chito habang sumugod para tumulong. “May nakagalit ka ba?”

Humagikhik si Amber. “Ako? Galit?”

Napasinghap si Chito. “Ibig mong sabihin… anak ng tatay mo ang isa sa kanila?”

“Ayoko nang hulaan. Gusto ko pang mabuhay.”

Samantala, malayo na si West sa gulo, pero napansin niyang walang sumusunod sa kanya. Muli niyang narinig ang tunog ng mga makina.

Nag-iba ang pakiramdam niya.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan pabalik.

At doon, nakita niya ang eksena—si Amber at Chito, napapalibutan ng mga nagmomotorsiklo.

Walang pag-aalinlangan niyang inapakan ang gas at sinagasaan ang dalawa.

Bumaba siya, kinuha ang b****a mula kay Amber, at lumingon sa kanya.

“Kailangan mo ba talaga ng ganito, eh mas malaki pa ‘to sa’yo.”

“Akin na, sandata ko ‘yan!”

“Tss. Sa likod ka.”

Nang hindi naghihintay sa sagot niya ay agad siyang bumwelo at buong lakas na pinalo ang papalapit na lalaki sa balikat.

Kung hindi mababasag ang helmet, nababali naman ang buto.

Hangang-hanga naman si Amber sa paggalaw ni West, ni isa sa mga nakapalibot sa kanila ay walang nakakalapit sa kanya.

He looked good when fighting, much better than he was moving his hips. Mahalay niyang isip.

Sa loob ng ilang minuto ay napatumba lahat ni West ang kaninang nakapalibot sa kanila.

May tinapik itong nakatumbang lalaki at tinanggal ang helmet nito. “Any idea?”

Umiling lang si Amber. “No clue.”

Dumating naman ang tinawagang pulis ni Chito, at sumama sila sa istasyon upang kunan sila ng statement sa nangyari.

Nang makaalis sila ay madilim na, lagpas alas dyes ng gabi.

“Let’s get a late-night snack. Libre ko. Pagpapasalamat kay Atty. West sa pagligtas niya sa buhay ko.” Suhestyon ni Amber.

“Timing. Gutom na’ko.” Agad namang sagot ni Chito.

Habang nagmamaneho, napatanong si West, “Sa tingin mo ba ay pinadala iyong mga lalaking iyon ng anak sa labas ng Daddy mo?”

Sumandal naman si Amber bago sumagot. “Baka?”

Napatingin siya sa pasa sa balikat niya.

“May labindalawang anak sa labas at limang tunay na anak ang matandang ‘yun. Walang will, walang verbal testament. Kaya lahat ay nag-aaway away ng makukuha nila. Syempre, kung maliit lang ang maghahati-hati, mas malaki ang makukuha.”

Hindi naman nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni West.

Isa ang daddy ni Amber sa top 50 na pinakamayaman sa bansa. Napakalawak ng kayamanan nito.

Napangisi naman si Amber. “Dapat yata habaan ko ang pasensya ko at makipagtulungan kay Adam at nang makumbinse siyang magsanib-puwersa laban sa mga gagong ‘yun.”

“That’s illegal.”

“Then, it’s a good thing everyone thinks I’m your girlfriend. Kung babagsak ako, kasama ka.”

Tila nagsisi naman si West kung bakit pa siya nakikipag-usap dito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Love Under Legal Terms   Chapter 82: She Holds the Cards

    Sa marangyang katahimikan ng villa ni Amber, halos hindi gumagalaw ang oras. Madilim ang silid, tanging ilang malalamlam na ilaw sa sulok ang kumikislap sa mapuputing pader, parang mga alingawngaw na hindi matahimik. Nakaupo si Blake sa isang malambot na upuang nakaharap sa salamin, hawak ang kanyang telepono habang panaka-nakang sumisilip sa babaeng nakahilata sa sofa. Si Amber, na natatakpan ang mga mata ng malamig na eye mask, ay parang inubos ang lahat ng kanyang luha buong maghapon.Hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa paligid. Ang init ng mga nangyari kanina ay nananatili sa hangin, kumakapit sa bawat sulok ng silid. Bukas pa rin ang comment section ng live broadcast ni Amber at walang tigil ang pagbulwak ng mga opinyon, paratang, at intriga mula sa mga manonood. Minsan ay hindi napigilan ni Blake ang mapangiti habang binabasa ang mga komento.Tuloy-tuloy sa pag-scroll si Blake, tila ba naghahanap ng kasagutan sa sariling tanong. Ano nga kaya ang nasa isip ni Nicolas habang nan

  • Love Under Legal Terms   Chapter 81:  In Ashes

    Pamilyar na pamilyar na ang presensya ni Amber Harrington sa presinto. Para bang bahagi na siya ng araw-araw na gulo, isang mukhang hindi na kinakailangang ipakilala. Sa dami ng beses na siya'y nasangkot sa mga eskandalong kinasasangkutan ng mga sikat at may pangalan, halos naging routine na sa mga opisyal ang pagtanggap sa kanya. Subalit sa likod ng kanyang matatag at magarang panlabas, alam ng lahat na hindi niya sinasadyang lumikha ng ingay. Sadyang ganito ang mundo kung saan siya kabilang, isang mundong puno ng kamera, tsismis, at kasinungalingan na binabalot ng ilaw at palakpakan.Ngunit ngayong gabi, hindi si Amber lamang ang sanhi ng kaguluhan.Nakatayo si Nathan sa gitna ng silid, basang-basa at halos hubad, parang bagong ligo sa ulan pero walang kahit anong kasariwaan sa kanyang hitsura. Sa tabi niya, si Amber ay waring bumangon mula sa isang trahedya, ang kanyang buhok ay nakalugay at basa, ang kanyang suot ay parang kinaladkad sa baha, at ang kanyang titig ay tila hindi angk

  • Love Under Legal Terms   Chapter 80: The Devil Wears Silence

    Punung-puno ng ingay ang loob ng ballroom, parang dagat na sumisigaw at umaalon. Pero sa gitna ng ingay, sa mismong sentro ng bulwagan, isang salita lang ang bumulusok na parang kidlat sa katahimikan ng mga tao.“Putangina.”Kasunod ang halakhakan. Tila ba isang kabataan ang sumigaw, nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa gitna ng kaguluhan.“Ang astig ni Amber!”“Walang awa kapag nagkakalmutan na. Walang habag.”“Sandali lang… 'Di ba si West 'yun?”Tumigil ang mundo ni Nathan. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha, parang piniga ng kapalaran at itinapon sa harap ng lahat. Nakapako siya sa kinatatayuan, parang estatwa ng kahihiyan, habang ang mga bulung-bulungan ay unti-unting lumalakas. Ramdam niya ang tibok ng puso sa kanyang tainga, bumibilis, parang tambol na nagpapahayag ng panganib. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na niyang pinagtatawanan siya. Nilulunod siya ng mga matang sabik sa iskandalo.Ginagawang palabas ni Amber ang kanyang pagkasira—at ginagawa niya ito nang may s

  • Love Under Legal Terms   Chapter 79: Sea of Shame

    Ang hangin sa tabing-dagat ay malamig, ngunit hindi iyon sapat upang pawiin ang init ng tensyon na bumabalot sa paligid. Sa gitna ng umpukan, bumulwak ang isang tinig, malamig, matalim, at puno ng galit.“Charlene, saan ka na naman gumapang ngayon?” Malinaw at buo ang boses ng babae, tila kutsilyong dumadaplís sa balat. “Talagang wala kang hiya. At ngayon, nagpapaawa ka pa? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na kung paano mo ako dinuraan at tinapakan noon, literal. Ngayon, kunwari ka pang inosente. Noon, sobrang landi mo. Nakabuyangyang ka pa sa harap ng camera. Napanood ko ‘yon, buong-buo. ‘Yan ba ang balak mong ipamana sa anak mo?”Parang apoy na pinandiligan ng gasolina ang reaksyon ng mga tao. Mula sa mga bulong at ungol, naging lantaran ang mga reaksiyon. Napuno ng ingay ang paligid, bawat isa’y nag-aabang sa susunod na mangyayari.Ngunit hindi pa tapos ang babae. “At sasabihin mong ako ang masama? Ang tapang mong umakto, pero ngayon takot kang mapag-usapan? Kung sa sinaunang pana

  • Love Under Legal Terms   Chapter 78: The Past Remembers

    “Hindi ko akalaing mahilig si Miss Harrington sa mga balita tungkol sa ekonomiya,” ani West, malamig ang tono nito habang panakaw na sinulyapan si Amber mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan.Ikinuyom ni Amber ang isang hibla ng buhok sa daliri at tumikhim, halos nakangisi. “Gusto ko lang namang mas maintindihan si Attorney Lancaster.”Kalmado ang ngiti sa kanyang labi ngunit malinaw ang intensyon sa kanyang salita. Hindi siya hangal. Hindi dapat nag-aaksaya ng panahon ang isang babae sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala. Lalo na kung sakaling ang lalaking ito ay walang-wala pala. Nakakatawang trahedya iyon.Pero sa kaibuturan ng kanyang isipan, alam niyang hindi ganoon si West. Ang lalaking ito, kaya ang kahit anong uri ng buhay, maliban na lamang sa pagiging miserable.Hindi na sumagot si West. Bahagyang sumikip ang kanyang mga mata at may bahagyang kurbang nabuo sa kanyang labi, isang mapait na ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Hindi siya naniwala sa palusot ni

  • Love Under Legal Terms   Chapter 77: Taste of Control

    Napatitig lamang si Amber kay West, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Parang may umalingawngaw na tanong sa kanyang isipan; seryoso ba talaga ito? Sa dami ng pwede niyang maramdaman sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Gusto niyang matawa dahil parang biro lang ang lahat. Ngunit may parte rin sa kanya na gustong manuntok dahil hindi niya maintindihan kung anong larong pinasok ni West, at kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop nito sa isang mundong puno ng tukso.“Sigurado akong nasisiraan ka na ng bait,” mariing sambit ni Amber, kasabay ng pagyuko upang damputin ang kanyang bra. Hindi na siya tumingin pa kay West. Sa halip, buong determinasyon siyang nag-ayos ng sarili, handang umalis, handang limutin ang kakaibang tensyon na unti-unting namumuo sa pagitan nila.Ngunit bago pa siya makalakad palayo, mabilis na inabot ni West ang kanyang pulso. Mahigpit, ngunit hindi marahas. Parang sinasabi ng kanyang pagkakahawak na hindi pa tapos ang usapa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status