Início / Romance / Love Was Never In The Contract / Chapter 4: New life after signing

Compartilhar

Chapter 4: New life after signing

last update Data de publicação: 2026-11-02 23:01:27

Calista Gale Almores’ POV

Hindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.

Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?

Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot.

"I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

"Excuse me?”

"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”

Sandaling katahimikan ang sumunod.

"Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”

"Bukas agad?”

"Do you have a problem with that?”

"Wala. Nagtatanong lang naman.”

"Then be ready.”

Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.

Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”

Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.

Kinabukasan, dumiretso ako sa opisina ni Alejandro sa Salvatier Holdings. Naroon siya kasama ang isang lalaking nasa edad singkuwenta na may dalang makapal na folder.

"Ms. Almores, I'm Atty. Gabriel Reyes, family lawyer ng mga Salvatier,” pakilala niya.

"Nice to meet you po.”

Ipinaliwanag ni Atty. Reyes ang mga dokumentong kailangan kong pirmahan, kasama ang marriage agreement, allowance, at mga responsibilidad namin bilang mag-asawa.

Maingat kong binasa ang mga detalye bago pumirma. Hindi man ako sanay sa ganitong kalaking kasunduan, sisiguraduhin kong alam ko ang pinapasok ko.

"Everything is settled,” sabi ng abogado. “Congratulations in advance.”

"Thank you, Attorney.” Congrats sa akin, may tabaho na ako. May magigising asawa pa. Jusko, sungit nga lang. 

Pagkaalis niya, kinuha ni Alejandro ang coat niya.

"Come with me.”

"Saan na naman?”

"You need clothes.”

Tiningnan ko ang suot kong blouse at pantalon. "May problema ba sa damit ko?”

"Not for me. But you'll be meeting my family soon, and I won't have you showing up looking like you borrowed clothes from someone else.”

Napataas ang kilay ko.

"Wow. Salamat sa compliment.”

"Wasn't a compliment.”

"Alam ko. Hindi ka naman marunong no'n.”

Dinala niya ako sa isang mamahaling boutique. Pagpasok namin, agad siyang sinalubong ng mga sales lady.

"Prepare a few outfits for her. Dresses, shoes, bags. Everything she'll need.”

Napalingon ako sa kaniya. "Sandali. Magpapakasal ako, hindi ako magbubukas ng department store.”

"Choose what you like.”

"Puwede bang ikaw na lang pumili? Ikaw naman ang magbabayad.”

"Fine. Pick what you want. Don't look at the price tags.”

Napangiti ako." 'Yan ang gusto kong marinig.”

Pumili ako ng ilang dresses, blouses, pantalon, sapatos, at bag. Nang lumabas ako ng fitting room suot ang isang dark blue dress, napatingin ako sa salamin. Simple lang iyon, pero maganda ang fit at elegante ang dating.

"Ayos ba?” tanong ko.

Hindi agad sumagot si Alejandro. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Keep it.”

"Hindi mo man lang sasabihing bagay sa akin?”

"It looks good on you.”

Napakurap ako. "Ang hirap ba talagang sabihin no'n?”

"Apparently.”

Napailing ako, pero hindi ko napigilang matawa.

Pagkatapos ng ilang oras, halos mapuno na ng shopping bags ang sasakyan. Bago kami umalis, inabot sa akin ni Alejandro ang isang itim na card.

"Your allowance. The details are in the envelope with your contract. It'll be transferred to your account monthly.”

"Monthly? Hindi ko kailangang hingin sa iyo kada bibili ako ng shampoo?”

He gave me a flat look. "Do I look like I have time to approve your shampoo purchases?”

Napatawa ako.

"Baka gusto mong kontrolin pati conditioner ko.”

"Don't push it, Ms. Almores.”

Ngumisi ako. "Sige na nga, Mr. Salvatier.”

Bandang hapon, bumiyahe kami papunta sa mansion ng mga Salvatier.

Pagpasok pa lang sa malaking gate, napatuwid na ako ng upo. Malawak ang hardin, may fountain sa gitna ng driveway, at isang mansion na para bang sa pelikula ko lang dapat makita.

"Dito ka nakatira?” tanong ko.

"No. I brought you here to admire the landscaping.”

Napalingon ako sa kaniya.

"May talent ka bang sumagot nang hindi nang-iinsulto?”

"Not a talent. A choice.”

"Napakabait mo talaga.”

Pagbaba namin, iniabot niya ang kamay niya para tulungan akong bumaba. Saglit akong nag-alinlangan bago tinanggap iyon.

Sa loob, sinalubong kami ni Teresa Mendoza, ang namamahala sa mga staff.

"Welcome home, sir,” bati niya bago bumaling sa akin. “Ikaw po siguro si Ms. Almores.”

"Calista na lang po.”

Ngumiti siya. "Your room is ready.”

"Teresa will show you around,” sabi ni Alejandro. “I'll see you at dinner. Seven o'clock.”

"Wait. Hindi ba dito tayo—”

Umakyat na siya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Talagang hindi nauubusan ng paraan para mang-inis.”

"Don't worry, hija,” sabi ni Teresa. “Masasanay ka rin sa kaniya.”

Sana nga.

Dinala niya ako sa ikalawang palapag. Pagbukas ng p***o, bumungad sa akin ang isang malaking kuwartong may malawak na kama, sariling banyo, aparador, at mga bintanang tanaw ang hardin.

"Sa akin po talaga ito?”

"Oo, hija. Inihanda na namin ang mga gamit mo.”

Pumasok ako nang dahan-dahan. Ilang araw lang ang nakalipas, nagtatago ako sa sasakyan ng isang estranghero para makatakas sa mga taong naniningil ng utang ng kuya ko.

Ngayon, nasa mansion ako ng bilyonaryong papakasalan ko.

Bagong damit. Bagong kuwarto. Bagong buhay.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, may napansin akong maliit na sobre sa ibabaw ng kama. Wala itong pangalan, kaya binuksan ko iyon.

Isang litrato ang laman.

Ako iyon, palabas ng boutique kanina, katabi si Alejandro.

Sa likod ng litrato, may nakasulat:

HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA

Nanlamig ang mga kamay ko.

Sino ang kumuha ng litrato namin? At paano nito nalaman na nandito ako?

Dahan-dahan akong lumingon sa p***o, saka sa mga bintanang nakaharap sa hardin.

Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng pag-aasawa kay Alejandro Enzo Salvatier ay ang pakikisama sa isang lalaking sanay na nasusunod ang lahat.

Mukhang nagkamali ako.

Dahil bago pa man magsimula ang kasal namin, may isang taong ayaw akong mapalapit sa kaniya.

At mukhang may alam ito na hindi ko pa alam.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 7: The Photograph That Shouldn't Exist

    Calista Gale Almores' POV“Ano na naman ba ito?”Hindi ko agad napansin ang litrato.Nasa sahig ito, bahagyang nakasingit sa ilalim ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko noong una ay papel lang na nahulog mula sa isang dokumento, kaya yumuko ako para pulutin.Pero nang makita ko ang larawan, nanlamig ang mga kamay ko.Ako iyon.Kasama si Alejandro.Kuha ang litrato noong gabing dumalo kami sa business gathering. Nasa labas kami ng venue, at nakahawak siya sa kamay ko habang papunta sa sasakyan.Hindi ko alam kung sino ang kumuha niyon. Mas lalong hindi ko alam kung paano ito nakarating sa harap mismo ng kuwarto ko.Binaliktad ko ang litrato.May nakasulat sa likod.HINDI IKAW ANG UNANG BABAENG PINILI NIYA.Ilang segundo akong nakatitig sa mga salitang iyon.Hindi ako agad nakagalaw. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko, kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mensahe.Unang babae?May nauna ba sa akin?At kung mayroon, ano naman kinalaman ko room? Kinuha ko ang

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 6: Behind the Smiles

    Calista Gale Almores' POVIlang beses kong inayos ang laylayan ng suot kong damit habang nakatayo sa harap ng salamin.Dark blue silk dress. Simple ang design, pero halatang hindi basta-basta ang presyo. Si Teresa ang pumili nito para sa akin matapos sabihin ni Alejandro na kailangan kong sumama sa isang business gathering.Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa damit kaysa sa mismong event.“Ma’am Calista, naghihintay na po si Sir Alejandro sa ibaba,” paalala ni Teresa.Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.Nakita ko agad si Alejandro sa may pinto. Nakasuot siya ng black tailored suit, maayos ang pagkakatali ng necktie, at walang kahit anong bakas ng pagmamadali sa kilos niya. May kausap siyang lalaki sa telepono, pero nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang tawag.“You look good.”Napatingin ako sa suot ko. “Talaga?”Hindi na ito sumagot. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang isang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Pagkatapos, kinuha ni

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 5: On his side

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.Nang marinig ko ang katok sa pinto, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer."Come in.”Bumukas ang pinto at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko."Dinner,” sabi niya."Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”Tiningnan niya ang relo niya."It's seven

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 4: New life after signing

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot."I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag."Excuse me?”"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”Sandaling katahimikan ang sumunod."Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”"Bukas agad?”"Do you have a problem with that?”"Wala. Nagtatanong lang naman.”"Then be ready.”Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.Kinabukasan, dumir

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 3: The offer she didn't expect

    Calista Gale Almores’ POVKung may isang bagay akong natutuhan sa buhay, iyon ay ang huwag basta magtiwala sa mga lalaking may perang kayang bumili ng halos lahat.At sa kasamaang-palad, isa sa mga lalaking iyon ang kailangan kong kausapin ngayong umaga.Ilang beses kong tiningnan ang business card na nasa mesa bago ko dinampot ang cellphone ko. Wala akong balak na tawagan si Alejandro para lang magtanong tungkol sa dokumentong hindi naman dapat napunta sa akin.Pero mas ayaw kong magkunwaring walang nangyari.Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card.Isang ring. Dalawa. Tatlo."Speak.” Napatuwid ako ng upo."Hello. Si Calista ito.”"I know.”Siyempre naman. Sino pa ba ang may lakas ng loob na tumawag sa kaniya nang ganito kaaga?"May kailangan akong itanong.”"About the contract?”Napakunot ang noo ko. "Aling kontrata?”"You're calling me, Ms. Almores. I assume you have a reason.”Napapikit ako sandali."May dokumentong kasama sa ipinadala mong employment contract. Hindi naman iy

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 2: A mistake?

    Calista Gale Almores’ POVKung may medalya para sa pinakamalas na tao ngayong araw, malamang nasa leeg ko na iyon.Wala akong trabaho, wala akong matuluyan, at may dalawang lalaking posibleng naghahanap pa rin sa akin. Ang mas nakakainis? Nasa isang mamahaling suite ako dahil sa kabutihang-loob ng isang estrangherong masungit.Alejandro Enzo Salvatier.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mag-ingat. Sa ngayon, mas lamang ang pangalawa.Napalingon ako nang may kumatok sa pinto."Sino ’yan?”"Open the door, Ms. Almores.”Napabuntong-hininga ako. Siya na naman.Pagbukas ko, nadatnan ko si Alejandro na may dalang paper bag. Maayos pa rin ang buhok at damit niya, samantalang ako, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Unfair!"May kailangan ka?” tanong ko."Have you eaten?”Napatingin ako sa bag. "Para saan ’yan?”"Food. You haven’t eaten, have you?”May sandwich, tubig, at prutas sa loob."Para sa akin ’to?”"Do you see anyone else here?”"Hindi mo kailangang maging masungit

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status