홈 / Romance / Love Was Never In The Contract / Chapter 3: The offer she didn't expect

공유

Chapter 3: The offer she didn't expect

작가: J. MELANCACAO
last update 게시일: 2026-11-02 23:01:19

Calista Gale Almores’ POV

Kung may isang bagay akong natutuhan sa buhay, iyon ay ang huwag basta magtiwala sa mga lalaking may perang kayang bumili ng halos lahat.

At sa kasamaang-palad, isa sa mga lalaking iyon ang kailangan kong kausapin ngayong umaga.

Ilang beses kong tiningnan ang business card na nasa mesa bago ko dinampot ang cellphone ko. Wala akong balak na tawagan si Alejandro para lang magtanong tungkol sa dokumentong hindi naman dapat napunta sa akin.

Pero mas ayaw kong magkunwaring walang nangyari.

Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card.

Isang ring. Dalawa. Tatlo.

"Speak.” 

Napatuwid ako ng upo.

"Hello. Si Calista ito.”

"I know.”

Siyempre naman. Sino pa ba ang may lakas ng loob na tumawag sa kaniya nang ganito kaaga?

"May kailangan akong itanong.”

"About the contract?”

Napakunot ang noo ko. "Aling kontrata?”

"You're calling me, Ms. Almores. I assume you have a reason.”

Napapikit ako sandali.

"May dokumentong kasama sa ipinadala mong employment contract. Hindi naman iyon tungkol sa trabaho.”

"What document?”

"Contract Marriage Agreement.”

Natahimik siya sa kabilang linya.

"Hello? Nawala ba ang signal o nag-iisip ka pa ng magandang palusot?”

"Where are you?”

"Sa suite na ipinagamit mo sa akin. Bakit?”

"I'll send someone to pick you up. Be ready in thirty minutes.”

"Sandali lang. Hindi pa natin napag-uusapan ang—”

Naputol ang tawag.

Pinatay niya ang tawag. Talaga bang ganoon siya makipag-usap sa mga tao? Basta na lang nagdedesisyon para sa lahat?

Mabibigwasan ko na talaga ang lalaking ito.

Pero kailangan ko ng trabaho, kaya nagbihis na lang ako at inayos ang buhok ko.

Pagkalipas ng tatlumpung minuto, dumating ang susundo sa akin. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Mas gusto kong marinig ang paliwanag ni Alejandro kaysa ubusin ang pasensiya ko sa paghula.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking building.

Salvatier Holdings.

Alam kong mayaman siya, pero ibang usapan pala kapag nakikita mo mismo ang laki ng kumpanyang pag-aari niya.

Sumunod ako sa assistant papunta sa opisina niya. Pagpasok ko, nakita ko si Alejandro sa likod ng malaking mesa, abala sa mga dokumento.

"Sit.”

Tiningnan ko ang upuan sa harap niya.

"Magandang umaga rin sa 'yo.”

Bahagya niyang itinaas ang isang kilay.

"Good morning, Ms. Almores. Sit down.”

"Better.”

Umupo ako at inilapag ang bag sa kandungan ko. Inilabas ko ang dokumento at inilapag sa mesa niya.

"Ano ito?”

Tiningnan niya ang papel bago ako muling hinarap.

"A marriage agreement.”

Napakurap ako.

"Alam ko. Marunong akong magbasa.”

"Then why are you asking?”

Napailing ako.

"Ang ibig kong sabihin, bakit may ganitong dokumento sa employment contract na ipinadala mo sa akin?”

Kinuha niya ang papel at sinuri ang unang pahina.

"That shouldn't have been included.”

"Talaga? Lumipad lang at sumama?”

"Someone made a mistake.”

"At dapat ba akong maniwala roon?”

"You're free to believe whatever you want.”

Napahawak ako sa noo ko. Paano ba nakikipag-usap ang lalaking ito nang hindi nakakapagod?

"Fine. Kung mistake nga iyon, bakit may nag-text sa akin tungkol sa pagpapakasal mo bago matapos ang buwan?”

Biglang naging tahimik ang silid.

"What message?”

Ipinakita ko sa kaniya ang mensahe mula sa hindi kilalang numero. Binasa niya iyon bago ibinalik ang cellphone sa mesa.

"Did you reply?”

"Hindi. Hindi naman ako tanga para basta makipag-usap sa hindi ko kilala.”

"Good.”

"Good? Iyon lang?”

Tumayo siya at lumapit sa malaking bintana.

"I need to get married before the end of the month.”

Napatitig ako sa kaniya.

"Excuse me?”

"You heard me.”

"Bakit mo sinasabi sa akin?”

"Dahil gusto mong malaman kung bakit may marriage agreement sa mga dokumentong ipinadala sa iyo.”

May punto siya. Nakakainis, pero may punto siya.

"Kung ganoon, ano ang kinalaman ko roon?”

Bumaling siya sa akin.

"I'm offering you a marriage contract, Ms. Almores.”

Ilang segundo akong nakatitig lang sa kaniya bago natawa. Hindi dahil nakakatawa ang sinabi niya, kundi dahil hindi ko alam kung ano pa ang puwede kong gawin sa harap ng ganitong kabaliwan.

"Ikaw ba, normal ka pa?”

"I'm serious.”

"Nababaliw ka na! Ako? Pakakasalan mo ako? Kahapon, housekeeper ang offer mo. Ngayon, asawa na? Ano ako, package deal?”

"Sit down, Calista.”

"Huwag mo akong utus-utusan habang sinasabi mo sa akin na gusto mo akong pakasalan!”

Napahawak ako sa sentido ko at muling umupo.

"Okay. Sige. Explain.”

"My grandfather has made certain decisions regarding the company and our family's inheritance. My marriage is part of the conditions attached to them.”

"Hindi ka puwedeng basta pumili ng babaeng gusto mo?”

"I can.”

"Kung ganoon, bakit ako?”

Diretso siyang tumingin sa akin.

"You're not connected to my business circle. You don't have a public reputation to protect, and you're not likely to agree just to please me.”

Napakunot ang noo ko.

"Iyon ang dahilan mo?”

"Among other things.”

"At ano ang mapapala ko?”

"Financial security. A place to live. Your brother's debt will also be dealt with.”

Nawala ang ngiti sa labi ko.

Ang kuya ko. Kahit saan ako tumingin, utang niya ang humahabol sa akin. At ngayon, ginagamit ni Alejandro ang bagay na iyon para kumbinsihin akong pumasok sa isang kasunduang hindi ko kailanman naisip.

"Anong ibig mong sabihin sa 'dealt with'?”

"I'll make sure the people pursuing you stop.”

"At babayaran mo ang utang niya?”

"If that's what it takes to settle the matter.”

Napahigpit ang hawak ko sa bag. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng pag-asa o lalo pang magduda.

"At ano ang kapalit?”

"You'll marry me. In public, you'll act as my wife. The duration and terms will be stated in the agreement.”

Napatingin ako sa kaniya.

"At iyon lang?”

"That's the arrangement.”

"May iba ka bang hinihingi? Halimbawa, kailangan kong matulog sa kuwarto mo? Kailangan kong sundin ang lahat ng sasabihin mo?”

"Separate rooms. You will have your own privacy. The agreement will specify our obligations and boundaries.”

Mas kinabahan ako sa pagiging mahinahon niya. Para bang matagal na niyang pinag-isipan ang lahat at isa na lang akong pirasong kailangan niyang ilagay sa tamang puwesto.

"Paano kung tumanggi ako?”

"You can refuse.”

Napatingin ako sa kaniya, nagtatakang ganoon lang kadali ang sagot niya.

"But the offer will expire tomorrow afternoon.”

Aba, may deadline pa talaga.

"At kung tumanggi ako, ano'ng mangyayari sa trabaho?”

"The housekeeper position is a separate offer. You can still take it.”

Sandali akong natigilan. Ibig sabihin, hindi kailangang maging asawa niya para magkaroon ako ng trabaho.

"Kung puwede naman akong magtrabaho para sa iyo nang hindi kita pinapakasalan, bakit mo pa ako inalok nito?”

"Because I need a wife, Calista. And you need a way out of your current situation.”

Natahimik ako.

Hindi siya nagkunwaring may romantikong dahilan. Hindi niya sinabing espesyal ako o matagal na niya akong gusto. Diretsahan niyang inilatag ang kailangan niya at ang kailangan ko.

At sa isang banda, iyon ang mas nakakatakot.

Kinuha ko ang marriage agreement mula sa mesa at inilagay sa bag ko.

"Hindi ako pipirma sa kahit ano nang hindi ko binabasa ang bawat detalye.”

"That's expected.”

"At hindi ako papayag na kontrolin mo ang buhay ko dahil lang asawa mo ako sa papel.”

"I don't need an obedient wife. I need someone who can play the role convincingly.”

"Good. Kasi hindi ako sunod-sunuran.”

Tumayo ako at isinukbit ang bag sa balikat ko.

"Pag-iisipan ko.”

"Tomorrow afternoon, Ms. Almores.”

"Oo na. Narinig ko.”

Pagdating ko sa p***o, narinig ko siyang muling nagsalita.

"Calista.”

Lumingon ako.

"Don't discuss this agreement with anyone. Especially the person who sent you that message.”

Nawala ang natitirang pang-aasar sa mukha ko.

"Bakit?”

"Because I don't know who they are, or what they want.”

Ilang segundo kaming nagtitigan. Sa unang pagkakataon, may babala sa mga mata niya, na para bang hindi lang simpleng pagkakamali ang nangyari sa mga dokumento.

Tumango ako nang bahagya at lumabas ng opisina.

Habang naglalakad ako pabalik sa elevator, paulit-ulit na umikot sa isip ko ang alok niya.

Isang trabaho.

Isang kasal na may kontrata.

At isang lalaking kayang baguhin ang takbo ng buhay ko sa isang pirma lang.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 7: The Photograph That Shouldn't Exist

    Calista Gale Almores' POV“Ano na naman ba ito?”Hindi ko agad napansin ang litrato.Nasa sahig ito, bahagyang nakasingit sa ilalim ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko noong una ay papel lang na nahulog mula sa isang dokumento, kaya yumuko ako para pulutin.Pero nang makita ko ang larawan, nanlamig ang mga kamay ko.Ako iyon.Kasama si Alejandro.Kuha ang litrato noong gabing dumalo kami sa business gathering. Nasa labas kami ng venue, at nakahawak siya sa kamay ko habang papunta sa sasakyan.Hindi ko alam kung sino ang kumuha niyon. Mas lalong hindi ko alam kung paano ito nakarating sa harap mismo ng kuwarto ko.Binaliktad ko ang litrato.May nakasulat sa likod.HINDI IKAW ANG UNANG BABAENG PINILI NIYA.Ilang segundo akong nakatitig sa mga salitang iyon.Hindi ako agad nakagalaw. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko, kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mensahe.Unang babae?May nauna ba sa akin?At kung mayroon, ano naman kinalaman ko room? Kinuha ko ang

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 6: Behind the Smiles

    Calista Gale Almores' POVIlang beses kong inayos ang laylayan ng suot kong damit habang nakatayo sa harap ng salamin.Dark blue silk dress. Simple ang design, pero halatang hindi basta-basta ang presyo. Si Teresa ang pumili nito para sa akin matapos sabihin ni Alejandro na kailangan kong sumama sa isang business gathering.Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa damit kaysa sa mismong event.“Ma’am Calista, naghihintay na po si Sir Alejandro sa ibaba,” paalala ni Teresa.Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.Nakita ko agad si Alejandro sa may pinto. Nakasuot siya ng black tailored suit, maayos ang pagkakatali ng necktie, at walang kahit anong bakas ng pagmamadali sa kilos niya. May kausap siyang lalaki sa telepono, pero nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang tawag.“You look good.”Napatingin ako sa suot ko. “Talaga?”Hindi na ito sumagot. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang isang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Pagkatapos, kinuha ni

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 5: On his side

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.Nang marinig ko ang katok sa pinto, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer."Come in.”Bumukas ang pinto at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko."Dinner,” sabi niya."Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”Tiningnan niya ang relo niya."It's seven

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 4: New life after signing

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot."I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag."Excuse me?”"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”Sandaling katahimikan ang sumunod."Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”"Bukas agad?”"Do you have a problem with that?”"Wala. Nagtatanong lang naman.”"Then be ready.”Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.Kinabukasan, dumir

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 3: The offer she didn't expect

    Calista Gale Almores’ POVKung may isang bagay akong natutuhan sa buhay, iyon ay ang huwag basta magtiwala sa mga lalaking may perang kayang bumili ng halos lahat.At sa kasamaang-palad, isa sa mga lalaking iyon ang kailangan kong kausapin ngayong umaga.Ilang beses kong tiningnan ang business card na nasa mesa bago ko dinampot ang cellphone ko. Wala akong balak na tawagan si Alejandro para lang magtanong tungkol sa dokumentong hindi naman dapat napunta sa akin.Pero mas ayaw kong magkunwaring walang nangyari.Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card.Isang ring. Dalawa. Tatlo."Speak.” Napatuwid ako ng upo."Hello. Si Calista ito.”"I know.”Siyempre naman. Sino pa ba ang may lakas ng loob na tumawag sa kaniya nang ganito kaaga?"May kailangan akong itanong.”"About the contract?”Napakunot ang noo ko. "Aling kontrata?”"You're calling me, Ms. Almores. I assume you have a reason.”Napapikit ako sandali."May dokumentong kasama sa ipinadala mong employment contract. Hindi naman iy

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 2: A mistake?

    Calista Gale Almores’ POVKung may medalya para sa pinakamalas na tao ngayong araw, malamang nasa leeg ko na iyon.Wala akong trabaho, wala akong matuluyan, at may dalawang lalaking posibleng naghahanap pa rin sa akin. Ang mas nakakainis? Nasa isang mamahaling suite ako dahil sa kabutihang-loob ng isang estrangherong masungit.Alejandro Enzo Salvatier.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mag-ingat. Sa ngayon, mas lamang ang pangalawa.Napalingon ako nang may kumatok sa pinto."Sino ’yan?”"Open the door, Ms. Almores.”Napabuntong-hininga ako. Siya na naman.Pagbukas ko, nadatnan ko si Alejandro na may dalang paper bag. Maayos pa rin ang buhok at damit niya, samantalang ako, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Unfair!"May kailangan ka?” tanong ko."Have you eaten?”Napatingin ako sa bag. "Para saan ’yan?”"Food. You haven’t eaten, have you?”May sandwich, tubig, at prutas sa loob."Para sa akin ’to?”"Do you see anyone else here?”"Hindi mo kailangang maging masungit

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status