共有

Chapter 2: A mistake?

作者: J. MELANCACAO
last update 公開日: 2026-11-02 23:01:12

Calista Gale Almores’ POV

Kung may medalya para sa pinakamalas na tao ngayong araw, malamang nasa leeg ko na iyon.

Wala akong trabaho, wala akong matuluyan, at may dalawang lalaking posibleng naghahanap pa rin sa akin. Ang mas nakakainis? Nasa isang mamahaling suite ako dahil sa kabutihang-loob ng isang estrangherong masungit.

Alejandro Enzo Salvatier.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mag-ingat. Sa ngayon, mas lamang ang pangalawa.

Napalingon ako nang may kumatok sa p***o.

"Sino ’yan?”

"Open the door, Ms. Almores.”

Napabuntong-hininga ako. Siya na naman.

Pagbukas ko, nadatnan ko si Alejandro na may dalang paper bag. Maayos pa rin ang buhok at damit niya, samantalang ako, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Unfair!

"May kailangan ka?” tanong ko.

"Have you eaten?”

Napatingin ako sa bag. "Para saan ’yan?”

"Food. You haven’t eaten, have you?”

May sandwich, tubig, at prutas sa loob.

"Para sa akin ’to?”

"Do you see anyone else here?”

"Hindi mo kailangang maging masungit sa simpleng tanong.”

"Then stop asking obvious questions.”

Napailing ako bago kinuha ang bag. "Fine. Salamat.”

"Don’t make a habit of it.”

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako magkakagusto sa ’yo dahil lang binilhan mo ako ng pagkain.”

"I never said you would.”

Ang kapal talaga ng mukha nito!

Umupo ako sa sofa at nagsimulang kumain habang may binabasa siya sa cellphone.

"May sasabihin ka pa ba?” tanong ko.

"Yes.”

Napatigil ako sa pagnguya.

"Kung tungkol ito sa bayad sa pagkain, wala akong pambayad ngayon, pero—”

"Do you ever stop talking?”

"Kapag may dahilan.”

"Then listen.”

Umayos ako ng upo.

"I need a personal housekeeper.”

"Ahh… congratulations?”

Napapikit siya na para bang sinusubok ko ang pasensiya niya.

"I’m offering you the job, Ms. Almores.”

"Ako? Bakit? Hindi mo nga ako kilala. Baka mamaya, magnakaw ako ng kutsara mo.”

"Then I’ll make sure you don’t.”

Napanganga ako. Grabe, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

"Marami kang puwedeng kunin na mas may experience kaysa sa akin.”

"You’re available, you need a job, and you don’t seem afraid to disagree with me.”

"Hindi ko alam kung compliment ba ’yan o insulto.”

"Take it however you want.”

Hindi naman masamang alok ang trabaho. Sa katunayan, iyon mismo ang kailangan ko. Pero ayokong basta tanggapin ang isang bagay dahil lang desperado ako.

"Ano ang magiging trabaho ko? At magkano ang sahod?”

"You’ll manage my private residence. You’ll have your own room and meals. Your salary will be stated in the contract.”

"May kondisyon ba?”

"Several.”

Ayan na nga.

"Professionalism, discretion, and following the house rules. You don’t enter my private office without permission, and you don’t discuss my personal affairs with anyone.”

"At kung ayaw ko?”

"Then you don’t sign.”

Napatingin ako sa kaniya. Hindi niya ako pinipilit, pero hindi rin niya ipinapangakong magiging madali ang lahat.

"If I sign, can I leave if I don’t like the job anymore?”

"Read the contract before you sign it.”

May isa pa akong gustong malaman.

"Kung kailangan mo ng housekeeper, bakit hindi ka na lang kumuha sa agency?”

"Because I need someone who can start immediately.”

"At ako ang napili mo? Ako na nagtago sa kotse mo?”

Tumango lang siya.

"Ang galing. Ang baba ng hiring standards mo.”

"I can still change my mind.”

Napangiwi ako. "Sige, tahimik na.”

Sandali kaming nagtitigan bago ako muling nagsalita.

"Safe ba talaga ako rito?”

Nawala ang gaan sa mukha niya.

"Did they threaten you?”

"Kanina, oo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kapag naabutan nila ako.”

"Did they hurt you?”

"Hindi. Hindi pa.”

"You won’t have to deal with them tonight. I’ll have someone check if they’re still looking for you.”

Napahigpit ang hawak ko sa sandwich.

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?”

"Because I don’t like unfinished problems.”

Siyempre. Hindi pala kabutihan. Isa lang akong problemang gusto niyang ayusin.

"At problema mo na ako ngayon?”

"You’re starting to understand, Ms. Almores.”

Napailing ako. "Ang yabang mo talaga.”

"And yet, you’re still here.”

Doon ako natahimik. Totoo naman. Wala akong ibang mapupuntahan, at siya lang ang nag-alok sa akin ng trabahong kailangan ko.

"Pag-iisipan ko,” sabi ko.

"I’ll have the contract sent tomorrow morning.”

Tumayo siya at inayos ang manggas ng polo.

"Tomorrow, 9 a.m. Be ready.”

"Paano kung hindi ako pumayag?”

Huminto siya sa may p***o at lumingon.

"You don’t have anything else but me.”

Pagkasabi niyon, lumabas siya.

Naiwan akong nakatitig sa pagkaing halos hindi ko na napansin.

Trabaho. Sahod. Matutuluyan.

Tatlong bagay na matagal ko nang ipinagdarasal. Pero natutuhan kong hindi lahat ng magandang pagkakataon ay madaling tanggapin. Minsan, kailangan mo munang alamin kung ano ang kapalit.

Kinabukasan, eksaktong alas-nuwebe, may kumatok sa p***o.

Isang lalaking naka-amerikana ang nag-abot sa akin ng makapal na sobre.

"Good morning, Ms. Almores. These documents are from Mr. Salvatier. Please review the employment contract before your meeting with him.”

"Meeting? Akala ko, babasahin ko lang ang kontrata.”

"He’ll explain the remaining details himself.”

Pagkaalis niya, inilapag ko ang sobre sa mesa at sinimulang basahin ang mga dokumento.

Pangalan ko. Pangalan ni Alejandro. Sahod. Mga responsibilidad. Mga patakaran.

Muntik na akong mapangiti nang makita kong mas mataas ang sahod kaysa sa inaasahan ko. Hindi masama. Baka ito na ang pagkakataong kailangan ko.

Pero nang ayusin ko ang mga pahina, may isang dokumentong nakasingit sa likod ng kontrata.

CONTRACT MARRIAGE AGREEMENT

Natigilan ako.

Kasal?

Binaligtad ko ang pahina. Naroon ang pangalan ni Alejandro Enzo Salvatier at isang bakanteng bahagi para sa pangalan ng magiging asawa niya.

Wala pang pirma. Wala rin ang pangalan ko.

Baka nagkamali lang ang taong naghanda ng mga papeles. Posible naman, hindi ba?

Bago ko maibalik ang dokumento sa sobre, umilaw ang cellphone ko.

May bagong mensahe mula sa hindi kilalang numero.

"If you want to know why Mr. Salvatier needs a wife before the end of the month, ask him what he’ll lose if he fails to marry." 

Nanlamig ang mga daliri ko.

Sino ang nagpadala nito? Bakit nila alam ang tungkol sa kasunduan? At bakit kailangan kong malaman kung ano ang mawawala kay Alejandro kapag hindi siya nagpakasal?

Muli kong sinuri ang mga dokumento. Magkahiwalay ang dalawang kontrata. Malinaw na hindi dapat napunta sa akin ang kasunduan sa pagpapakasal.

Ibig sabihin, may nagkamali.

O may gustong makaalam ako.

Napatingin ako sa business card ni Alejandro.

Kung gusto kong malaman ang totoo, kailangan kong marinig iyon mula mismo sa kaniya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 7: The Photograph That Shouldn't Exist

    Calista Gale Almores' POV“Ano na naman ba ito?”Hindi ko agad napansin ang litrato.Nasa sahig ito, bahagyang nakasingit sa ilalim ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko noong una ay papel lang na nahulog mula sa isang dokumento, kaya yumuko ako para pulutin.Pero nang makita ko ang larawan, nanlamig ang mga kamay ko.Ako iyon.Kasama si Alejandro.Kuha ang litrato noong gabing dumalo kami sa business gathering. Nasa labas kami ng venue, at nakahawak siya sa kamay ko habang papunta sa sasakyan.Hindi ko alam kung sino ang kumuha niyon. Mas lalong hindi ko alam kung paano ito nakarating sa harap mismo ng kuwarto ko.Binaliktad ko ang litrato.May nakasulat sa likod.HINDI IKAW ANG UNANG BABAENG PINILI NIYA.Ilang segundo akong nakatitig sa mga salitang iyon.Hindi ako agad nakagalaw. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko, kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mensahe.Unang babae?May nauna ba sa akin?At kung mayroon, ano naman kinalaman ko room? Kinuha ko ang

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 6: Behind the Smiles

    Calista Gale Almores' POVIlang beses kong inayos ang laylayan ng suot kong damit habang nakatayo sa harap ng salamin.Dark blue silk dress. Simple ang design, pero halatang hindi basta-basta ang presyo. Si Teresa ang pumili nito para sa akin matapos sabihin ni Alejandro na kailangan kong sumama sa isang business gathering.Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa damit kaysa sa mismong event.“Ma’am Calista, naghihintay na po si Sir Alejandro sa ibaba,” paalala ni Teresa.Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.Nakita ko agad si Alejandro sa may pinto. Nakasuot siya ng black tailored suit, maayos ang pagkakatali ng necktie, at walang kahit anong bakas ng pagmamadali sa kilos niya. May kausap siyang lalaki sa telepono, pero nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang tawag.“You look good.”Napatingin ako sa suot ko. “Talaga?”Hindi na ito sumagot. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang isang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Pagkatapos, kinuha ni

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 5: On his side

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.Nang marinig ko ang katok sa pinto, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer."Come in.”Bumukas ang pinto at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko."Dinner,” sabi niya."Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”Tiningnan niya ang relo niya."It's seven

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 4: New life after signing

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot."I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag."Excuse me?”"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”Sandaling katahimikan ang sumunod."Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”"Bukas agad?”"Do you have a problem with that?”"Wala. Nagtatanong lang naman.”"Then be ready.”Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.Kinabukasan, dumir

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 3: The offer she didn't expect

    Calista Gale Almores’ POVKung may isang bagay akong natutuhan sa buhay, iyon ay ang huwag basta magtiwala sa mga lalaking may perang kayang bumili ng halos lahat.At sa kasamaang-palad, isa sa mga lalaking iyon ang kailangan kong kausapin ngayong umaga.Ilang beses kong tiningnan ang business card na nasa mesa bago ko dinampot ang cellphone ko. Wala akong balak na tawagan si Alejandro para lang magtanong tungkol sa dokumentong hindi naman dapat napunta sa akin.Pero mas ayaw kong magkunwaring walang nangyari.Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card.Isang ring. Dalawa. Tatlo."Speak.” Napatuwid ako ng upo."Hello. Si Calista ito.”"I know.”Siyempre naman. Sino pa ba ang may lakas ng loob na tumawag sa kaniya nang ganito kaaga?"May kailangan akong itanong.”"About the contract?”Napakunot ang noo ko. "Aling kontrata?”"You're calling me, Ms. Almores. I assume you have a reason.”Napapikit ako sandali."May dokumentong kasama sa ipinadala mong employment contract. Hindi naman iy

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 2: A mistake?

    Calista Gale Almores’ POVKung may medalya para sa pinakamalas na tao ngayong araw, malamang nasa leeg ko na iyon.Wala akong trabaho, wala akong matuluyan, at may dalawang lalaking posibleng naghahanap pa rin sa akin. Ang mas nakakainis? Nasa isang mamahaling suite ako dahil sa kabutihang-loob ng isang estrangherong masungit.Alejandro Enzo Salvatier.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mag-ingat. Sa ngayon, mas lamang ang pangalawa.Napalingon ako nang may kumatok sa pinto."Sino ’yan?”"Open the door, Ms. Almores.”Napabuntong-hininga ako. Siya na naman.Pagbukas ko, nadatnan ko si Alejandro na may dalang paper bag. Maayos pa rin ang buhok at damit niya, samantalang ako, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Unfair!"May kailangan ka?” tanong ko."Have you eaten?”Napatingin ako sa bag. "Para saan ’yan?”"Food. You haven’t eaten, have you?”May sandwich, tubig, at prutas sa loob."Para sa akin ’to?”"Do you see anyone else here?”"Hindi mo kailangang maging masungit

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status