共有

Chapter 5: On his side

作者: J. MELANCACAO
last update 公開日: 2026-11-02 23:01:45

Calista Gale Almores’ POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.

Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?

Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.

HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA

"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”

Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.

Nang marinig ko ang katok sa p***o, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer.

"Come in.”

Bumukas ang p***o at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko.

"Dinner,” sabi niya.

"Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”

Tiningnan niya ang relo niya.

"It's seven fifteen.”

Napatingin ako sa orasan sa dingding.

"Hindi mo ba kayang magbigay ng limang minutong palugit sa bagong salta?”

"Fifteen minutes na ang palugit mo.”

"Grabe. May timer ka ba sa lahat ng tao sa buhay mo?”

"Only the ones who talk too much.”

Napanganga ako. "Excuse me?”

"Five minutes, Calista.”

Nagmamadali akong kumuha ng cardigan at inayos ang buhok ko bago siya sinundan.

Pagdating namin sa dining room, dalawang plato lang ang nakahain sa mahabang mesa. Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain.

Sa unang ilang minuto, tahimik kaming kumain. Nang mapansin kong paminsan-minsan niya akong tinitingnan, napakunot ang noo ko.

"Did something happen upstairs?” tanong niya.

Napahinto ako.

"Bakit?”

"You look distracted.”

Matalas ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakakainis dahil kahit hindi siya nagtatanong nang marami, pakiramdam ko napapansin niya ang lahat.

"May nakita lang ako sa kuwarto.”

"What?”

Nag-alinlangan ako bago sumagot.

"May nag-iwan ng litrato natin. 'Yung kuha kanina sa boutique.”

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Where is it?”

"Sa kuwarto ko. May nakasulat sa likod.”

"What did it say?”

"Na hindi mo raw ako pinili nang basta-basta.”

Inilapag niya ang kubyertos at pinauwi muna ang staff na nasa malapit.

"Show me the photo after dinner.”

"Hindi ka man lang nagulat?”

"I am.”

"Hindi halata.”

"Would you prefer I start shouting?”

Napabuntong-hininga ako. "Hindi. Pero kung may taong palihim na kumukuha ng litrato natin, hindi ba dapat may gawin tayo?”

"We will.”

Simple ang sagot niya, pero mas naging seryoso ang tono niya.

"May kaaway ka ba?”

"Marami.”

"Wow. Ang dami naman. May membership card ba 'yan?”

Hindi siya natawa.

"Calista, listen to me. Until we know who's behind this, don't go outside the mansion alone.”

Napakunot ang noo ko. "Hindi mo naman kailangang ikulong ako.”

"I'm not locking you up.”

"Parang gano'n na rin.”

"It's for your safety.”

"Puwede namang sabihin mo nang maayos. Hindi 'yung parang naglalabas ka ng bagong house rule.”

Saglit niya akong tinitigan bago bahagyang tumango.

"Fine. Please don't go out alone until we figure this out.”

Napakurap ako. Hindi ko inasahang maririnig siyang magsabi ng please nang walang kasunod na sarcastic na komento.

"Sige. Pero hindi ibig sabihin no'n ay susunod ako sa lahat ng sasabihin mo.”

"I wouldn't expect you to.”

Pagkatapos ng hapunan, dinala ko siya sa kuwarto ko at kinuha ang litrato mula sa drawer. Matagal niya iyong tinitigan bago kinunan ng larawan ang harap at likod gamit ang cellphone niya.

"May CCTV ba sa labas?” tanong ko.

"Yes. I'll have the footage checked.”

"Paano kung staff mo ang gumawa?”

"Then I'll find out.”

Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kapanatagan sa paraan ng pagsagot niya. Hindi siya nagbigay ng pangakong hindi niya kayang tuparin. Sinabi lang niyang aalamin niya ang totoo.

At sa ngayon, sapat na iyon.

Nang matapos siyang kunan ng litrato ang ebidensiya, ibinalik niya iyon sa akin.

"Keep it somewhere safe. Don't throw it away.”

"Hindi ako tanga.”

"I didn't say you were.”

"Pero parang gano'n ka tumingin.”

"That's just my face.”

Napatawa ako bago ko napigilan ang sarili ko.

Sandali siyang natigilan sa pagtawa ko bago umiwas ng tingin.

"Get some rest. We have a busy day tomorrow.”

"Bakit? May ipapagawa ka na naman?”

"You'll see.”

At muli, iniwan niya akong puno ng tanong.

Nang gabing iyon, matagal akong nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung sino ang nag-iwan ng litrato o kung ano ang gusto nitong mangyari. Pero alam kong hindi simpleng pagkakataon ang lahat ng ito.

At kahit ayaw kong aminin, may bahagi sa akin na gustong malaman kung ano talaga ang nangyayari sa buhay ni Alejandro.

Hindi dahil may kontrata kaming pinirmahan.

Kundi dahil, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nagsisimula na akong mag-alala para sa kaniya.

Napailing ako at hinila ang kumot hanggang dibdib.

Huwag kang magpapadala, Calista.

Isang kontrata lang ito.

At kailangan kong tandaan iyon.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 7: The Photograph That Shouldn't Exist

    Calista Gale Almores' POV“Ano na naman ba ito?”Hindi ko agad napansin ang litrato.Nasa sahig ito, bahagyang nakasingit sa ilalim ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko noong una ay papel lang na nahulog mula sa isang dokumento, kaya yumuko ako para pulutin.Pero nang makita ko ang larawan, nanlamig ang mga kamay ko.Ako iyon.Kasama si Alejandro.Kuha ang litrato noong gabing dumalo kami sa business gathering. Nasa labas kami ng venue, at nakahawak siya sa kamay ko habang papunta sa sasakyan.Hindi ko alam kung sino ang kumuha niyon. Mas lalong hindi ko alam kung paano ito nakarating sa harap mismo ng kuwarto ko.Binaliktad ko ang litrato.May nakasulat sa likod.HINDI IKAW ANG UNANG BABAENG PINILI NIYA.Ilang segundo akong nakatitig sa mga salitang iyon.Hindi ako agad nakagalaw. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko, kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mensahe.Unang babae?May nauna ba sa akin?At kung mayroon, ano naman kinalaman ko room? Kinuha ko ang

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 6: Behind the Smiles

    Calista Gale Almores' POVIlang beses kong inayos ang laylayan ng suot kong damit habang nakatayo sa harap ng salamin.Dark blue silk dress. Simple ang design, pero halatang hindi basta-basta ang presyo. Si Teresa ang pumili nito para sa akin matapos sabihin ni Alejandro na kailangan kong sumama sa isang business gathering.Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan pa ako sa damit kaysa sa mismong event.“Ma’am Calista, naghihintay na po si Sir Alejandro sa ibaba,” paalala ni Teresa.Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.Nakita ko agad si Alejandro sa may pinto. Nakasuot siya ng black tailored suit, maayos ang pagkakatali ng necktie, at walang kahit anong bakas ng pagmamadali sa kilos niya. May kausap siyang lalaki sa telepono, pero nang makita niya ako ay agad niyang tinapos ang tawag.“You look good.”Napatingin ako sa suot ko. “Talaga?”Hindi na ito sumagot. Lumapit siya at inayos nang bahagya ang isang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko. Pagkatapos, kinuha ni

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 5: On his side

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung dapat ba akong matakot o mainis sa litrato sa ibabaw ng kama ko.Sino ang nag-iwan no'n? Paano niya nalaman na nandito ako? At bakit parang gusto niyang ipaalala sa akin na hindi ordinaryong kasunduan ang pinasok ko?Paulit-ulit kong tiningnan ang sulat sa likod ng litrato.HINDI KA NIYA PINILI NANG BASTA-BASTA, CALISTA"Eh, ano ngayon kung hindi?” bulong ko sa sarili ko. "Hindi naman ako nag-audition para maging asawa niya.”Pero kahit anong pilit kong gawing biro ang lahat, hindi mawala sa isip ko ang litrato. Lalo na ang ideyang may taong palihim na sumusubaybay sa amin.Nang marinig ko ang katok sa pinto, mabilis kong itinago ang litrato sa drawer."Come in.”Bumukas ang pinto at bumungad si Alejandro. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko."Dinner,” sabi niya."Alam ko. Seven o'clock, di ba? Hindi pa naman ako nakakalimot sa loob ng isang oras.”Tiningnan niya ang relo niya."It's seven

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 4: New life after signing

    Calista Gale Almores’ POVHindi ko alam kung matalino ba ang desisyon kong pakasalan si Alejandro Enzo Salvatier o isa na naman itong malaking pagkakamaling pagsisisihan ko sa huli.Pero pagod na akong tumakbo sa mga problemang hindi ko naman ginawa. Kung may paraan para mabayaran ang utang ng kuya ko at makapagsimula ulit, bakit hindi ko susubukan?Kaya nang tawagan ko si Alejandro, diretso na ako sa sagot."I'm in,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag."Excuse me?”"Pumapayag na ako. Sa kasal. Sa kontrata. Sa lahat ng napag-usapan natin.”Sandaling katahimikan ang sumunod."Good. My driver will pick you up at seven tomorrow morning.”"Bukas agad?”"Do you have a problem with that?”"Wala. Nagtatanong lang naman.”"Then be ready.”Pinatay niya ang tawag bago pa ako makapagreklamo.Napatingin ako sa cellphone ko. "Ang sarap talaga niyang kausap. Parang laging may kaaway.”Pero kahit naiinis ako, nakahinga rin ako nang maluwag. At least, may malinaw na akong gagawin.Kinabukasan, dumir

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 3: The offer she didn't expect

    Calista Gale Almores’ POVKung may isang bagay akong natutuhan sa buhay, iyon ay ang huwag basta magtiwala sa mga lalaking may perang kayang bumili ng halos lahat.At sa kasamaang-palad, isa sa mga lalaking iyon ang kailangan kong kausapin ngayong umaga.Ilang beses kong tiningnan ang business card na nasa mesa bago ko dinampot ang cellphone ko. Wala akong balak na tawagan si Alejandro para lang magtanong tungkol sa dokumentong hindi naman dapat napunta sa akin.Pero mas ayaw kong magkunwaring walang nangyari.Tinawagan ko ang numerong nakasulat sa card.Isang ring. Dalawa. Tatlo."Speak.” Napatuwid ako ng upo."Hello. Si Calista ito.”"I know.”Siyempre naman. Sino pa ba ang may lakas ng loob na tumawag sa kaniya nang ganito kaaga?"May kailangan akong itanong.”"About the contract?”Napakunot ang noo ko. "Aling kontrata?”"You're calling me, Ms. Almores. I assume you have a reason.”Napapikit ako sandali."May dokumentong kasama sa ipinadala mong employment contract. Hindi naman iy

  • Love Was Never In The Contract   Chapter 2: A mistake?

    Calista Gale Almores’ POVKung may medalya para sa pinakamalas na tao ngayong araw, malamang nasa leeg ko na iyon.Wala akong trabaho, wala akong matuluyan, at may dalawang lalaking posibleng naghahanap pa rin sa akin. Ang mas nakakainis? Nasa isang mamahaling suite ako dahil sa kabutihang-loob ng isang estrangherong masungit.Alejandro Enzo Salvatier.Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mag-ingat. Sa ngayon, mas lamang ang pangalawa.Napalingon ako nang may kumatok sa pinto."Sino ’yan?”"Open the door, Ms. Almores.”Napabuntong-hininga ako. Siya na naman.Pagbukas ko, nadatnan ko si Alejandro na may dalang paper bag. Maayos pa rin ang buhok at damit niya, samantalang ako, mukhang ilang araw nang hindi natutulog. Unfair!"May kailangan ka?” tanong ko."Have you eaten?”Napatingin ako sa bag. "Para saan ’yan?”"Food. You haven’t eaten, have you?”May sandwich, tubig, at prutas sa loob."Para sa akin ’to?”"Do you see anyone else here?”"Hindi mo kailangang maging masungit

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status