Share

Chapter 170

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-07-16 14:33:36

Tumunog ang telepono ni Caleb, paulit-ulit at may urgency. Napakunot ang noo niya at kinuha ito mula sa mesa.

“Unknown number…” bulong niya, sabay sagot.

“Hello?”

Walang boses sa una. Tahimik.

“Hello? Sino 'to?”

Isang mahinang boses ang sumagot. Babae. Pabulong. Nanginginig.

“Alam ko ang mga plano niyo… at hindi ko hahayaang masaktan si Hannah at ang anak niya.”

Napatayo si Caleb. “Sino 'to?!”

Ibinaba na ang tawag.

“Anak? Anong nangyari?” tanong ni Miraflor, tumigil sa paghithit ng sigarilyo.

Caleb ay tila biglang kinabahan. “May tumawag. Babae. Hindi ko alam kung sino. Pero alam niya ang plano natin. Pinatay ang linya.”

Napamura si Miraflor. “ Si Leona kaya yan?"

“Hindi natin pwedeng hayaang makarating ‘to kina Edward. Kailangan nating mauna. Bilisan na ang lahat.” Agad siyang lumapit sa drawer at kinuha ang isang maliit na burner phone. “Ako na ang tatawag kay Tita Romina. Kailangang makuha na natin ang custody order. Ngayon din.”

“Dapat ipagpa-blotter na natin si Hannah,” mungkahi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
Hahaha para Kau ngayon mga dagang takot na takot s pusa kala Nyo magtatagumpay kau.thank miss a s update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 170

    Tumunog ang telepono ni Caleb, paulit-ulit at may urgency. Napakunot ang noo niya at kinuha ito mula sa mesa. “Unknown number…” bulong niya, sabay sagot.“Hello?”Walang boses sa una. Tahimik.“Hello? Sino 'to?”Isang mahinang boses ang sumagot. Babae. Pabulong. Nanginginig.“Alam ko ang mga plano niyo… at hindi ko hahayaang masaktan si Hannah at ang anak niya.”Napatayo si Caleb. “Sino 'to?!”Ibinaba na ang tawag.“Anak? Anong nangyari?” tanong ni Miraflor, tumigil sa paghithit ng sigarilyo.Caleb ay tila biglang kinabahan. “May tumawag. Babae. Hindi ko alam kung sino. Pero alam niya ang plano natin. Pinatay ang linya.”Napamura si Miraflor. “ Si Leona kaya yan?"“Hindi natin pwedeng hayaang makarating ‘to kina Edward. Kailangan nating mauna. Bilisan na ang lahat.” Agad siyang lumapit sa drawer at kinuha ang isang maliit na burner phone. “Ako na ang tatawag kay Tita Romina. Kailangang makuha na natin ang custody order. Ngayon din.”“Dapat ipagpa-blotter na natin si Hannah,” mungkahi

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 169

    "KAILANGANG mabawi natin si Hannah at ang kanyang anak! hindi mo man lang ba nakita yung sulat na iyon ng mga dati mong biyenan?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Miraflor kay Caleb."Hindi ko talaga siya nakita, mommy. Malay ko bang nasa last will pala nila yun." wika ni Caleb, "sa totoo lang, dapat, hindi ko hiniwalayan si Hannah, para may control pa rin ako sa kanya. Ang hirap niyang daanin sa pakiusap. Napagod na akong magpakabuti. Lahat na ,ginawa ko para lang bumalik siya, pero talagang nagmatigas na si Hannah. Hindi rin ako naniniwalang kasal na sila ni Edward.""Basta, kaya naman nating palabasin na anak mo ang batang iyon. Madali na yan, basta may pera!" sabi pa ni Miraflor sa anak."Kaya nga. Malay ko bang matapos naming ma annul ni Hannah, mag aasawa agad siya ng isang mayaman! or kung palabas man ang pagpapakasal nilang yun, iba pa rin dahil makapangyarihan si Edward Ignacio. Pero hanggang marami tayong resources, kaya natin silang malusutan," nakangiting sabi pa ni Caleb

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 168

    Habang hinihintay ang pagdating ng forensics team ni Lou, ramdam ni Renzelle ang bigat ng responsibilidad na nakapatong ngayon sa kanyang mga balikat. Hindi lamang buhay ng kaibigan niyang si Hannah ang nakataya—pati ng sanggol na si Hope, at ng katotohanang sinusubukang baluktutin ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at kontrol.Bumalik siya sa silid at sinilip sandali si Hannah. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil dahil sa gamot, marahil dahil sa pagod. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay."Konting tiis pa, Han," mahinang bulong ni Renzelle. "Hindi ko hahayaan na maagaw nila ang anak mo."Bigla siyang napalingon nang marinig ang katok sa pintuan. Tumayo agad siya at binuksan ito. Tatlong kalalakihan ang nandoon—naka-itim, may dala-dalang hardcase equipment. Naka-identify badge ang isa: Lou Intelligence, Private Investigations.“Ma’am Renzelle?” bati ng isa.Tumango siya. “diyan na tayo sa labas.”Lumabas siya dala ang laptop. “Nandiyan ang flash drive. Kailangan nating

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 167

    “Anong ginagawa mo rito?” mariing tanong ni Renzelle, ramdam ang pamumuo ng tensyon sa paligid. “Paano mo nalaman kung nasaan kami? At anong totoo ang sinasabi mo?”Tila hirap magsalita si Leona, ngunit nagpursigi. “Hindi ako andito para manira. Hindi rin ako andito para magkunwari. May mga bagay kang hindi alam, Renzelle. Si Caleb… hindi lang basta gusto si Hope. Gagamitin niya ang bata para saktan si Hannah. Para makuha ang mga dokumentong iniwan ni Edward—yung mga ebidensya laban sa kompanyang hinawakan nila dati.”Kumunot ang noo ni Renzelle. “Anong konek ni Hope sa mga dokumento?”“Hindi si Hope ang habol nila, kundi si Hannah. Pero alam ni Caleb na hindi basta-basta lalabas si Hannah sa ospital o sa bahay niyo kung walang dahilan. Kaya’t ginagamit niyang dahilan ang ‘paternal rights’ kuno para makalapit. Ang totoo, may inutusan siyang tao na peke ang pagkatao—isang social worker—na magpepresenta ng court order para makuha si Hope.”Nanlamig ang batok ni Renzelle. “Imposible. Hin

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 166

    Hindi makapaniwala si Renzelle, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Edward."Totoo bang nagpadala ka ng mga bodyguard dito?" bungad niya sa lalaki."Oo, para na rin sa kaligtasan ng mag ina. May banta mula sa kampo nina Caleb na kukunin nila si Hope," tugon ni Edward. "Pero, wag mo na lang ipaalam kay Hannah, ayokong mag alala ang asawa ko. Makakasama sa kanya yun.""Hindi na talaga tumigil ang lalaking yun!" inis na sabi ni Renzelle, "ano pa bang habol niya!""Pinag uusapan pa namin ngayon ng mga lawywer ko.""Pinag-uusapan pa namin ngayon ng mga lawyer ko," seryosong dagdag ni Edward. "May posibilidad na maghain sila ng petition para sa custody. Gusto nilang palabasin na si Caleb ang ama ni Hope."Napasinghap si Renzelle, halos mabitawan ang cellphone sa narinig. "Anong—anong sinabi mo? Custody? Si Caleb? Pero... paano nila nagawang umabot sa ganito?""May hawak silang mga pekeng dokumento, Renzelle. Pinapakita raw na si Caleb ang ama, na si Hannah ay hindi fit

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 165

    Tahimik na tumango si Hannah, pero bago pumikit ay humawak muna siya sa kamay ni Renzelle. “Salamat talaga. Sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako sinabayan ngayong mga panahong ‘to.”Ngumiti si Renzelle at dahan-dahang pinisil ang kamay ni Hannah. “Gano’n talaga ang magkaibigan. Walang iwanan. At kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan.”Iniwan niya sa pagkakahiga si Hannah at marahang lumabas ng silid. Habang tinatahak ang maikling pasilyo patungo sa nursery room, dama niya ang kakaibang katahimikan—hindi malungkot, kundi mapayapa. Sa wakas, parang unti-unti na siyang nakakahinga. Unti-unti na ring gumagaan ang bigat sa dibdib na matagal na niyang kinikimkim.Pagdating niya sa silid, natanaw niya agad si Hope sa loob ng incubator—maliit, mahina pa ang katawan, pero may tibok na matatag, at may hiningang nagpapatuloy sa laban. Napangiti siya, sabay idikit ang palad sa salamin.“Hello, baby,” mahina niyang bulong. “Alam mo ba, ako ang ninang Renzelle mo.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status