Ang kasambahay ni Ate Rose ang nagbukas ng pintuan para sa akin.
Namangha naman ako sa bahay ni Ate Rose. Bukod sa mamahaling gamit sa paligid, talaga namang nakamamangha ang dingding nila na yari sa salamin. Kitang-kita ang buong siyudad sa labas. Kamuntik ko pang mabangga iyong malaking banga na nakatayo sa gilid. "Anne! Akala ko hindi ka makakarating." Nilingon ko si Ate Rose. Ang ganda -ganda niya lalo sa suot niyang bestida. Matingkad ang kolorete sa kaniyang mukha ngayon. "Pasensya ka na, Ate. Naipit ako sa trapik kanina tapos kamuntik pa akong maligaw," sagot ko naman. Bukod sa magandang suot niyang bestida, ang ganda din ng suot niyang sapatos at mga alahas. "Maupo ka muna. Gusto mo ba ng juice?" Tumango ako. Nauuhaw na din ako. At hindi naman araw-araw na makakatikim ako ng juice ng mayaman. Inutusan niya ang kasambahay na kumuha ng meryenda para sa akin. "Magmeryenda ka muna bago mo ako hilutin." "Kahit pagkatapos na lang, Ate. Inom lang muna ako at nauhaw ako. Ang hirap makarating dito. Sabi nila penthouse pero wala namang nakalagay na penthouse sa elevator." Natawa si Ate Rose. "Naku, pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng maayos na instruction." "Ayos lang, Ate. Syempre hindi mo naman aakalain na tanga ako." Keme akong tumawa. "First time mo lang. Hindi ka tanga. Ikaw talaga. Oh, uminom ka na muna." Nilapag ng katulong ang isang baso ng malamig na juice. Agad ko naman itong ininom, kaso hindi ko naubos sa isang tunggahan kahit na uhaw na uhaw ako. Sumakit kasi ang ulo ko, sobrang lamig kasi. Nagpahinga ako saglit bago kami nagsimula ni Ate. Sa silid na kami pumuwesto dahil may darating daw siyang mga bisita. Pupunta daw dito ang mga kaibigan ng kaniyang asawa. "Magpalit ka muna kaya ng damit. Parang mainit iyang suot mo." Nakasuot ako ng sweater. Wala na akong masuot dahil hindi pa kami nakapaglaba. Hindi pa kasi kami nakapag-igib. Nakikiigib lang kami. Wala kaming sariling tubig sa tinitirhan namin. Wala din kaming sariling ilaw. Nakikikabit lang kami sa kapitbahay namin. Kaso hindi kami nakapagbayad nitong nakaraang mga araw kaya pinutulan kami. Mababalik lang iyon kung makapagbayad kami nung balanse namin. Binigyan ako ni Ate ng tshirt at pantalon. Hindi na daw kasya sa kaniya kaya akin na lang. Tuwang-tuwa tuloy ako. May bago na akong damit. Ang ganda pa man din nito at bagong-bago pa. "Madami pa akong damit na hindi ko na kasya, ibibigay ko iyon sa'yo sa susunod na balik mo." Ang laki ng ngiti ko sa mga labi. Pagkatapos mahilot si Ate, inaya na niya ako sa labas. Nagulat pa ako nang makita ko ang mga guwapong lalake na nakaupo sa sofa. Mga kaibigan siguro ng asawa ni Ate Rose ang mga ito. Teka... Iyong isa ay iyong kasabay ko kanina. Iyong nan-trip sa akin. "Hi, Rose. Didn't know you have a guest," sabi niya kay Ate Rose. Guwapo siya pero ang nakaagaw ng aking pansin ay iyong seryosong lalake na nasa tabi niya. Mukhang may malalim itong iniisip. Ang guwapo! Ganoon ang gusto ko sa lalake. Iyong parang suplado at tahimik. Ayaw ko iyong malakas ang sapak na kagaya nitong lalakeng nakatingin habang nakangiti sa akin. Mukhang hindi niya ako nakilala. Sabagay, nakasuot kasi ako ng sumbrero kanina. Snabero, mukhang masungit, matangkad, guwapo at higit sa lahat. Siya na siguro ang nilaan ng langit para sa akin. Dito ko lang pala siya makikilala, e. Saglit siyang sumulyap sa akin. Mukha siyang suplado pero ang aking puso ay naghuhurementado dahil sa kilig. Ang mga mata niya. Gusto kong tumili. Naku, Anne! Maghunus dili ka. Saglit lang at binalik na niya ulit ang tingin sa kaniyang celphone. "What's her name?" tanong ng lalake. "Anne," sagot naman ni Ate. "Hi, Anne! I didn't know that you have a pretty friend, Rose." Ano daw? Plano pa yatang paduguin ng lalakeng 'to ang ilong ko, e. Tumawa si Ate Rose. Napatingin na din sa akin sina Kuya Ethan at iyong guwapong lalakeng kasama niya. Nagtaas sila ng kilay at napailing. Teka ano ba'ng pangalan niya? "Sa kusina lang kami," sabi ni Ate Rose. "Hindi daw makakapunta si Mommy, kaya bumalik ka na lang ulit bukas. Kahit hindi ka na magtinda bukas." Napangiti ako. Mabuti naman. Mas sigurado pa na may kikitain ako dito kay Ate. At bukas kaya nandito din iyong lalake? "Sige po, Ate. Salamat po." Pinaupo niya ako. Sabayan ko na daw muna siyang kumain. Ang sarap ng mga pinahanda niya kaya napadami ako ng kain. "Mag-uwi ka na din sa Amang at Inay mo." Napangiti ako. Kanina pa nga ako bumubuwelo, e. Nahihiya lang talaga ako. "Salamat, Ate. Ngayon lang po ako nakakain ng ganito." Nginitian niya ako. Naglabas din siya ng pera. Dalawang five hundred. "Ate, masyadong malaki 'to." "Para na din sa pamasahe mo. Saka hindi ka nagtinda ngayon, di ba?" "Dahil mapilit ka, Ate. Hindi ko na 'to tatanggihan pa." Tumawa siya. "Hayaan mo, Ate. Sa susunod ipagpalalaba kita. Sobra talaga 'to. Kapag may nagpapahilot sa amin, donasyon lang talaga ang binibigay nila." "Ikaw talaga. Okay na iyan. Basta bumalik ka bukas, ha?" "Oo naman, Ate. Alam mo hulog ka talaga ng langit, Ate. Medyo matumal na din kasi ang benta namin sa puwesto namin. Tapos plano ko na din ngang maghanap ng ibang pagkakakitaan." "Ganoon ba? Hayaan mo kapag may mga alam akong raket, sabihan kita. May celphone ka ba?" "Wala, Ate, e. Iyong keypad ko nasira na. Hindi na daw kayang gawin sabi n'ong gumagawa sa Quiapo. Pero puwede mo akong tawagan sa number na 'to." Hinanap ko iyong notebook sa aking bag. Nilista ko dito iyong number ng katabi naming puwesto at kapitbahay. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok iyong isang kaibigan ni Kuya Ethan. Ang guwapo niya talaga kahit medyo suplado. Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa prigider at kumuha ng tubig. Pati pag-inom niya ng tubig ang guwapo pa din. Pumasok naman iyong isa pa, nakangiti agad ito. "Hi, Anne!" bati niya sa akin. " Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng kusina. Tumikhim si Ate Rose. "Crush mo?" "Huh, hindi, Ate, ah. Ano pala ang—" Natigil ako sa pagsasalita nang pumasok iyong isang lalake. Nakangiti ito. Lumapit ito sa amin. "Hi!" Sa akin siya nakatingin. Nakangiti siya. "You know what? You look familiar." Ano daw? Ba't ba 'to ingles nang ingles? Merisi! Dudugo na talaga ang ilong ko. Palapit na ito sa akin nang hilain siya nang kasama niya palabas. "Hey!" "Tsk, we're here for work," sabi nito doon sa lalakeng papansin. "Nice to meet you, Anne!" Kumaway ang lalake. Napatingin ako kay Ate Rose. "Ate, ano'ng pangalan n'ong— "Si Craig..." Tumawa siya. "Iyong naka-blue, Ate." "Si Craig nga," sabi naman niya. Napansin kaya ni Ate na gusto ko si Craig? Ba't alam niya? Craig. Guwapo. Bagay sa kaniya ang pangalan niya. "Iyong isa ay si Marko. Iyong naka-green." Napatango ako. "Guwapo ni Craig, no? Crush mo?" "Huh?" Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Tumawa naman si Ate Rose. Craig. "Iyong isa naman, Marko." Kay Craig lang naman ako interesado, e.Hindi maganda ang gising ko. Kanina ko pa hinahanap si Craig pero ang sabi ng mga maid ay umalis daw ito. Hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Baka bumili lang siya ng prutas. O kaya naman ay bumili ng bulaklak. Ganoon naman siya araw-araw. Sinisigurado na napapasaya niya ako. Pero tanghali na. Lunch time na, pero wala pa ding Craig na nagpapakita. Hinanap ko si Mommy sa labas pero wala daw ito sabi ng isa sa kasambahay. Wala sila. Ako lang mag-isa dito sa mansyon. Suddenly I felt lonely, pero nangingibabaw iyong iritasyon. Three pm. Gusto kong magmeryenda pero gusto ko sanang si Craig mismo ang mag-asikaso sa akin. But he's nowhere to be found and I'm getting mad and mad each passing minute. Urgh! "Xandria, ano'ng gusto mong snacks?" tanong ng maid. I shook my head. Wala."Gusto mo ng fruit salad?""Cake?"Nagsimula silang mag-suggest at manghula. Talagang ginagawa nila ng maayos ang trabaho at binilin sa kanila na gagawin kahit pa mainis ako. B
Ilang araw ng puyat si Craig, hindi dahil sa cravings ko sa sex, kundi dahil sa katakawan ko. Malakas na akong kumain at kung kailan dis-oras ng gabi at patulog na ako, saka ako nakakaisip ng kung ano-anong pagkain. Gusto kong kumain ng mga prutas na nasa iba't ibang mundo. Pero syempre, hindi naman ako puwedeng umalis, para makapunta ng mga bansa at kumain ng mga prutas nila. Umo-order si Craig online. Iyong iba, ang tagal dumating. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag, dahil umasa ako na dadating na iyong sampung prutas na pangako niya. "Dapat kasi nagpunta ka na lang doon, para ikaw mismo ang bumili at nagbitbit nung gusto kong prutas!" himutok ko. Nanlalata ako at nayayamot dahil wala akong ibang nasa isip kundi iyong mga prutas na iyon. Baka ngayon, nagdadalawang isip na siya kung gusto pa din niya akong pakasalan dahil sa ugali ko. Nagkamot siya ng ulo. "Ayaw akong payagan ni abuelo, baby. Huwag ka ng magalit sa akin. Tumawag na ako sa courie
Nakahiga si Craig sa sofa. Ako naman ay dito sa kama. Sinabi kong ayaw ko siyang makatabi at hindi na din niya pinilit pa ang gusto niya. O ayaw niya talaga akong makatabi. Nakatulog na siya. Nakanganga pa nga na akala mo pagod na pagod. Mas lalo lang tuloy akong hindi makaramdam ng antok. Nayayamot ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang batuhin ng unan. Napaayos ako ng higa. Tinitigan ko ang chandelier. Ang ganda-ganda talaga ng chandelier na 'to. Pinakabit ito ni Daddy para sa kuwarto ko. Nakita kasi niyang gustong-gusto ko iyong chandelier doon sa auction house nang bago pa lang ako dito sa Spain. Binili niya ito sa may-ari. Busy sila ni Lolo kaya sa mga material na bagay na lang sila bumabawi sa akin, sa amin ni Mommy. I sighed. Napatingin ako kay Craig. Sana hindi siya magaya kay Daddy na masyadong workaholic. Alam kong nalulungkot si Mommy kapag ganiyan na umaalis si Daddy. Ayaw kong maging malungkot. Ayaw ko ng makaramdam ng lungkot. Naupo ako. Nilabas ko ang aking journal
"D-Daddy..." Tumalikod na si Daddy. Si Mommy naman ay nakangiwi na sumunod sa kaniya. Nakatanga naman si Lolo at maya-maya pa ay tumikhim siya. Nagmamadali ko namang sinuot ang aking tshirt. "Let's talk in the conference room," sabi ni Lolo. "Sì, Tata...""Umalis ka na," sabi ko kay Craig. Nalukot naman ang kaniyang mukha. "I won't leave...""And who told you that you can leave?" tanong naman ni Daddy. Hindi pa ito nakakalayo. Masungit na tumikhim si Lolo. Pinandilatan ko naman si Craig, pero hindi siya nakinig sa akin. Nauna pang maglakad kaysa sa akin. Nakarating na kami sa loob ng bahay. Nakasunod si Craig kina Mommy at Daddy. Si Lolo naman ay naglalakad sa gilid ko habang may sinasabi sa kaniyang assistant. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ibang lengguahe ang gamit niya. Hindi ko pa ito natutunan, hindi pa ako nakapag-take ng lesson. Apat na lengguahe pa lang ang natututunan ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko bago pa man kami makarating sa conference room. Sobra
Mom and I were both excited. Three weeks pa lang pero nagpa-schedule na kami ng ultrasound sa ob-gyne na kilala niya. We want to make sure that as early as now, the baby in my womb was well taken care of. Ayaw kong maulit iyong nangyari sa una kong baby. Hindi pa ako nag-pregnancy test. Sa clinic na lang mamaya. Muntik pa kaming himatayin nang bigla na lang sumulpot si Daddy sa aming harapan. "Where are you going this early?" May hawak siyang tasa sa isang kamay at celphone sa kabilang kamay. Napag-usapan namin ni Mommy na hindi muna ito puwedeng malaman ni Daddy. Busy naman siya sa work, kaya saka na namin sasabihin. Kapag nakalabas na ang baby at wala na siyang ibang magagawa pa. Baka kasi hanapin niya ang ama. Okay na kami ng baby ko lang. Iyon naman talaga ang plano ko. "We're going shopping. We're so bored!" Hindi puwedeng work ang idahilan dahil Sunday ngayon. Ganitong araw ay tanghali kaming gumigising ni Mommy. Dinadalhan na nga lang kami ng maid ng pagkain sa room, kaya
Gabi na pero hindi pa din bumabalik si Craig. Hindi pa din ako kumakain. Nakailang tanong na sa akin ang mga bodyguard kung ano ang gusto kong sabihin, pero sinasagot ko lang sila ng mamaya na. nakaidlip na nga ako. Nagigising-gising lang ako dahil akala ko dumating na si Craig. Nasaan na kaya ang lalakeng iyon? Naisip pa atang katagpuin ang kaniyang babae. Napairap ako. What am I thinking?Napataas ako ng kilay nang magbukas ulit ang pintuan. This time, si Craig na ang pumasok. Magulo ang buhok na para bang may sumabunot sa kaniya dahil sa sarap. Napangiwi ako kaya napakunot naman ang kaniyang noo. "Saan ka ba galing?" masungit kong tanong. "Let's go," aya niya sa halip. "Saan?""Kay Maisie.." Napatanga ako. Totoo? Nagawan niya ng paraan? Kaya niya?Naiiyak ako habang sakay kami ng elevator. Ilang araw na akong nangungulila kay Masisie. Akala ko nga hindi ko na siya makikita pa. "Si Marko?" tanong ko. Baka kasi nandoon ang lalake. Alam ko naman na hanggang ngayon ay galit pa din