LOGIN“Kung gano’n… may isa pa akong pruweba. Pero hindi ko pwedeng sabihin dito. Kailangan natin ng pribadong lugar.” Nahihiyang bulong ni Celine habang palinga-linga sa paligid. Tumingin sa Kanan, sabay tingin sa kaliwa. Nag tataka naman tong si Adrian kung bakit may pag tingin sa paligid.
“Okay, sa kotse ko na lang. Doon mo sabihin kung ano man ’yang pruweba mo.”
Hindi na nag-aksaya ng oras si Adrian at mabilis silang naglakad papunta sa kanyang sasakyan.
Nagulat si Celine nang makita ang kotseng tinutukoy, isang mamahaling Tesla. Sa Pilipinas, iilan lang ang meron nito. Hindi niya mapigilang mamangha habang sinusuri ito sa likod papunta sa harap, makikita mo talaga sa kanyang mga mata dahil hindi pa ito nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan.
Pagpasok nila sa loob, umupo si Adrian sa driver’s seat at tumingin kay Celine, na tila bang naghihintay ng paliwanag.
“Meron akong hickey dito… banda sa dibdib. Hindi ko matanggal-tanggal.” Mahinang sabi ni Celine habang dahan-dahang ibinunyag ang marka.
Napatingin si Adrian. Ang simpleng ebidensya ay tila kidlat na biglang nagpaalala sa kanya ng isang gabing hindi na niya inasahan pang babalik.
“Kung hindi ka sigurado sa mapapangasawa mo… bakit ka pumayag ng oo?” Tanong ni Celine, may halong pagtataka.
Umayos ng upo si Adrian, sabay hawak sa manibela. “May rason ako kung bakit. Pero hindi mo na kailangang malaman.” Malamig ang tono nito kaya hindi na rin nangulit si Celine.
Inandar ni Adrian ang sasakyan at mabilis na umalis. Habang nagmamaneho, sumagi sa isip niya ang dahilan kung bakit siya pumayag sa kasal na ito, ang kondisyon ng kanyang ama, si Theodore Castillo. Upang makuha ang mana, kailangan niyang mag-asawa.
Kaya nang tawagan siya ni Celine, narinig niya ang mahinahon at maganda nitong boses, na tila bang napaka kalmado at masarap pakinggan kaya pumayag siya agad. Kahit hindi niya pa niya naaalala ang mukha nito.
“Sir,” seryosong wika ni Celine, “diba sabi mo aakuin mo ang responsibilidad bilang ama ng bata? Base sa itsura mo, hindi ka mukhang taong sisira ng pangako, hindi ba?”
“Alam mo na ang sinabi ko… at pinakasalan mo ako.” Tugon ni Adrian, malamig ngunit matatag.
Napangiti si Adrian ng bahagya sa tapang ng babae. Hindi pala ito basta-basta, prangka at hindi siya Pekeng tao. Sinasabi ni Celine kung ano ang tunay niyang nararamdaman at gustong sabihin ng deretso.
Ang “responsibilidad” na tinutukoy ni Celine ay hindi para sa kanya, kundi para sa bata—pang-check-up, panggastos sa pagkain, at iba pa.
Wala sa kaalaman ni Adrian na ang babaeng ito ay may ganitong dignidad at lakas ng loob.
“Wag kang mag-alala, sir,” dagdag pa ni Celine. “Kahit kasal na tayo, hindi ako hihingi ng pera para sa sarili kong interes. Hihingi lang ako kapag para sa bata. Kaya kong suportahan ang sarili ko. At sa ganitong klase ng kotse, alam kong mas malaki ang kita mo kaysa sa akin. Kaya kung iniisip mong magte-take advantage ako sayo, nagkakamali ka. Hindi ako gano’n.”
Tahimik lang si Adrian, ngunit sa loob-loob niya, unti-unting humahanga siya sa prinsipyo ng babae.
Celine, isang saleslady sa SM na kumikita ng ₱16,000 kada buwan, sabay freelancing bilang editor. Nagtapos siya ng Hospitality Management, ngunit hindi iyon sapat para umasenso agad. Samantalang si Adrian, sa anglan na Castillo, limpak-limpak ang kinikita sa bawat segundo. Ngunit nananatiling low-profile ang pamilya, malayo sa mga mata ng social media.
“Hindi ka ba natatakot sa akin?” Tanong bigla ni Adrian, seryoso ang tinig habang nakatutok sa daan.
“Bakit naman ako matatakot?” Matapang na sagot ni Celine. “Madami na akong nakilalang iresponsableng lalaki. Alam ko agad kung responsable o hindi. At ang pakikipagpakasal mo pa lang—iyon na ang pruweba.”
Nagbuntong-hininga si Adrian. “Baka… saktan kita. Tulad ng ibang pamilya.”
Napatigil si Celine at napatitig sa kanya. “Bakit? Sasaktan mo ba ako?” Halatang may kaba sa boses niya.
Agad natawa si Adrian, saka umiling. “Hindi, chill ka lang.”
Huminga nang maluwag si Celine. Ngunit sa likod ng isip ni Adrian, may tanong siyang paulit-ulit na bumabalik, kilala ba talaga niya kung sino siya?
“San kita ihahatid?” Tanong ni Adrian.
“Ah… ’yun din yung concern ko. Wala akong matutuluyan eh. Lumayas kasi ako sa bahay.” Mahinang sagot ni Celine, sabay bigay ng paawang tingin.
Napahinto ng sasakyan si Adrian, nagulat. “Ano? Kaya pala gusto mong sumama sa akin… Wala ka talagang matutuluyan?”
“May kaibigan akong pwede kong pansamantalang pinupuntahan, pero nakakahiya rin sa kanya kung mag tatagal ako dun.”
“Hayst.” Napatagilid ng ulo si Adrian. “Sige, pansamantala ka muna sa kanya. Aayusin ko kung saan ka pwedeng manatili.”
“Salamat. Ihatid mo na lang ako sa bahay ng kaibigan ko. May F******k ka ba?” tanong ni Celine.
“Wala. Sa number ko na lang.” Malamig na tugon ni Adrian, sabay patakbo ng mabilis.
Pagkaraan ng ilang minuto, narating nila ang bahay ng kaibigan ni Celine.
“Salamat sa oras at sa paghatid… pati na rin sa pagpapakasal,” magalang na wika ni Celine bago bumaba.
Bumusina lang si Adrian at agad na ring umalis. Sa phone niya, nilagay ni Celine ang number ni Adrian at pinangalanan itong “Mr. Sungit.”
Habang nagmamaneho, hindi maalis sa isip ni Adrian kung pineperahan ba siya ng babae o talagang inosente itong nadala ng sitwasyon. Tunay ba na hindi niya kilala si Adrian?
Ito ba ang bagong paraan para mang-akit ng lalaki?
Samantala, hindi namalayan ni Celine ang sunod-sunod na tawag ng kanyang kuya. Nang sagutin niya,
“Bakit, Kuya?”
“Hinahanap ka ni Mama! Kailangan mo raw magpakasal sa lalaking ’yon!” Minamadali siya ni Marko.
“Ano? Hindi pwede! Hindi ko nga alam pangalan niya tapos ipapakasal ako?” galit na sagot ni Celine.
At mariin niyang dagdag, “Kuya… kasal na ako. Sabihin mo na lang kay Mama.”
Agad niyang pinatay ang cellphone at pumasok sa bahay, habang ang isip niya ay puno ng bigat at kaba.
Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh
“Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap
"Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu
Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba
Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma
Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma







