LOGIN“Hey, hanapan mo ako ng apartment. Yung may dalawang kwarto, sala, kusina, at dalawang CR. Siguraduhin mong komportable at maayos tumira. Gusto ko rin na bawat sulok may dekorasyon, at lahat ng appliances kumpleto. Gawin mo agad.”
Seryosong utos ni Adrian sa kanyang assistant, sabay abot ng itim na credit card mula sa wallet niya.
“Kung kulang, sabihin mo agad sa akin.”
Tumango lang ang assistant, walang imik na umalis, habang muling bumalik si Adrian sa trabaho.
---
Samantala, habang si Adrian ay abala sa opisina, si Celine naman ay mahigit limang oras nang nakatayo sa mall. Hawak ang mga hanger, abala sa pag-aayos ng mga damit at pagtulong sa sunod-sunod na customer. Pagod man, kailangan niyang kumapit. Mayroon lang siyang tatlumpung minutong pahinga—isang oras na siksikan para sa kain at konting hinga.
“Anong ulam mo, Celine?” tanong ng katrabaho niyang si Ava, na siya ring kasama noong nag-bar sila.
“Yung niluto ko kanina—pinakbet at kanin.” Sagot niya, sabay bukas ng baon.
“Wow, healthy living ka na ngayon. Dati hotdog lang, ah.” Pabirong komento ni Ava habang nagsisimula ring kumain.
Napangiti si Celine ngunit hindi mapakali. May bumabagabag sa kanya, isang sikreto na matagal na niyang gustong sabihin.
“Ava… may sasabihin ako. Pero promise, huwag mong ikakalat kahit kanino.” Mahinang bulong niya.
“Ano yun?” Nilapit ni Ava ang mukha, puno ng kuryosidad.
“Buntis ako.”
Halos matumba si Ava sa upuan. “Ano?!” Napasigaw siya, dahilan para mapatingin ang ibang staff.
“Shh! Ang lakas ng boses mo.” Pinandilatan siya ni Celine.
“Sorry! Sorry…” mabilis na paghingi ng tawad ni Ava. “Pero… paano?!”
Napabuntong-hininga si Celine. “Naalala mo noong nag-bar tayo? May nakilala akong lalaki. Nag-one night stand kami, tapos dinala niya ako sa motel. Siya ang ama ng dinadala ko.”
“Ha? Sino? Hindi ko na maalala eh, lasing din ako nun.” Sagot ni Ava habang patuloy lang sa pagsubo ng pagkain.
“Siya… at nagpakasal kami kahapon.”
Muli na namang lumaki ang mata ni Ava. “Ano?!” Halos malaglag ang kutsara niya.
“Hay naku, tumigil ka nga.” Naiinis na si Celine. “Baka marinig pa tayo.”
“Okay, okay, sorry.” Mahinang tawa ni Ava. “Pero grabe… ang bilis ng pangyayari sa buhay mo. Para lang kayong dumaan sa fast lane. Tapos hindi pa ako invited sa kasal mo! Ano handa niyo, pansit canton?”
Napatawa nalang si Celine. Hindi ito yung tipikal na kasal na makikita sa mga altar, may puting gown at pulang carpet. Wala ring engrandeng handaan o piling bisita. Basta lang, isang papel na pinirmahan at isang pangakong pilit niyang tinatanggap.
“Hindi gano’n ang nangyari, Ava… kasi ganito ‘yun—”
“Balik na sa trabaho!” sigaw ng manager nila, kasabay ng pagkalampag ng heels sa sahig.
Sabay silang napa-ismid. Halata ang pagkadismaya sa mukha nila, lalo na’t naputol ang kwento sa pinakakritikal na parte.
Tahimik na ibinalik ni Ava at Celine ang kanilang mga baon sa bag, sabay lakad pabalik sa floor.
“Mamaya, ituloy mo ah. Gusto kong malaman ang buong kwento.” Mahinang sabi ni Ava bago sila naghiwalay ng puwesto.
Tumakbo si Celine palabas ng staff room, pilit na ikinukubli ang kaba at bigat ng sikreto sa dibdib.
Matapos ang buong araw ng pagtayo at pakikipagngitian sa mga customer, halos mabuwal na si Celine sa pagod. Lumabas siya ng mall dala ang maliit na shoulder bag at diretso umupo sa waiting shed habang hinihintay ang jeep. Habang pinapahanginan ang sarili gamit ang kamay, kinuha niya ang cellphone at sinilip ang notifications.
Isang headline ang bumungad sa kanya, “Malakas na bagyo, papasok sa loob ng 3 araw. Maghanda, lalo na sa Metro Manila.”
Natigilan siya. Napakagat-labi at agad napahawak sa tiyan. “Lord… ngayon pa?” bulong niya sa sarili.
Ang mga mata niya’y napuno ng lungkot at takot.
Muli siyang napatingin sa ulap—madilim na ang kalangitan, parang may babala.
Habang nasa jeep pauwi, nakatingin siya sa bintana. Lumulutang ang isip, para bang bawat ugong ng makina ay nagsasabing wala na siyang kasiguraduhan sa hinaharap. Wala pa siyang bahay na matutuluyan, hindi naman siya pinapalayas pero nagsabi kasi ito na kapag nakahanap na nang pwedeng rentahan na kwarto ay aalis na.
Pagdating sa bahay ni Olivia, sinalubong siya ng amoy ng instant noodles at kape. Nakatambay sa sala ang kaibigan niyang abala sa laptop.
“Uy, grabe ang bagyo ah,” bungad ni Olivia habang nanonood ng balita. “Sana hindi lumakas pa.”
Tahimik lang na umupo si Celine at tumango. Hindi na niya kayang ikuwento ang bigat na nararamdaman. Pinilit niyang ngumiti, pero ang totoo, gusto na niyang humikbi.
Nang gabing iyon, habang nakahiga sa sofa bed, hawak-hawak niya ang tiyan, ibinulong niya sa hangin,
“Kapit lang, anak. Kakayanin natin ‘to. Kahit anong unos, hindi kita pababayaan.”
Samantala, sa kabilang bahagi ng siyudad, abala si Adrian sa pagbabalik-balik ng assistant niya sa mga listahan ng condo units. Ilang araw na rin nilang hinahanap ang tamang lugar—hindi lang basta tirahan, kundi isang lugar na ligtas at maayos para sa kaniya.
“Sir, mukhang ito na po ang pinaka-okay,” sabi ng assistant habang ipinapakita ang video at pictures ng unit. Maliwalas ang sala, kumpleto ang appliances, at may malawak na bintana kung saan tanaw ang mga ilaw ng lungsod.
Tahimik na tiningnan ni Adrian ang screen, saka tumango. “Pwede na. Ayos ito.”
Agad naglakad ang assistant papunta sa leasing office para asikasuhin ang papeles. Habang si Adrian naman ay kinuha ang cellphone niya at nag-type ng mensahe, “Celine, nakahanap na ng condo. Mag-ayos ka na ng gamit mo, lilipat ka na dito.”
Ilang segundo niyang pinagmasdan ang text bago tuluyang pinindot ang 'send'.
Hindi niya alam kung paano tatanggapin iyon ni Celine. Hindi rin niya alam kung may lakas pa itong sumunod matapos ang lahat ng pagod at problema. Pero isang bagay lang ang malinaw kay Adrian—ayaw na niyang patagalin pa. Hindi niya hahayaang mahirapan ang babae at ang sanggol nito sa gitna ng paparating na bagyo.
Sa kabilang dako, habang nakahiga si Celine sa sofa bed at nakatingin sa kisame, nag-vibrate ang cellphone niya. Pagbukas niya, bumungad ang mensahe ni Adrian.
Natulala siya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya sa tuwa o matatakot sa biglaang pagbabago.
Hindi pa rin makapaniwala si Celine sa natanggap na mensahe. Pinagmasdan niya ulit, baka nagkamali lang siya ng basa. Pero malinaw ang nakasulat, si Adrian mismo ang nagyaya na lumipat na siya sa condo.
Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh
“Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap
"Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu
Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba
Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma
Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



