Share

2. Marry Me

Author: Cephari
last update Last Updated: 2025-09-12 20:19:44

"Ano ba ang pinagsasabi mo, puro kahibangan!" mariing sambit ni Amelia habang palapit nang palapit kay Celine.

"Totoo nga," mariin na ulit ni Celine, pinipilit panindigan ang kanyang sinabi.

"Huh? Paano nangyari? Kalapastanganan ito! Hindi ko akalaing pinalaki ko ang isang babaeng walang hiya!" halos pasigaw na wika ni Amelia, kitang-kita ito sa mga ugat ng kanyang leeg, na para bang handa nang saktan si Celine sa galit.

Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na rin nakapagpigil si Celine. Sawang-sawa na siyang makarinig ng masasakit na salita mula sa sariling ina. Alam niyang hindi na siya makakaasa ng anumang kabutihang loob mula rito.

Umakyat siya sa kwarto, diretsong isinara at nilock ang pinto. Kinuha niya ang kanyang mga maleta at sinimulang mag-impake.

Patuloy ang malakas na pagkatok ni Amelia, halos mabasag ang pinto sa lakas ng kanyang galit.

"Ma, ako na bahala kumausap kay Celine. Bumaba ka muna," mahinahong pigil ni Marko, pilit na inaawat ang kanilang ina.

Huminga nang malalim si Amelia at, bagamat nagngingitngit pa rin, bumaba ito. "Oo, kausapin mo yang kapatid mong iyan! Puro kahihiyan lang ang dinudulot niya sa pamilyang ito!"

Naiwan si Marko sa tapat ng kwarto. "Celine, papasukin mo ako. Mag-usap tayo," mahinahon niyang pakiusap habang marahang kumakatok.

Huminga nang malalim si Celine bago buksan ang pinto. Pagpasok ni Marko, bumungad sa kanya ang maleta at nakakalat na gamit sa kama.

"Alam kong hindi kita mapipigilan," sabi ni Marko habang tinitingnan ang kapatid, "pero saan ka pupunta?" Tanong nito

"Hindi ko rin alam, Kuya," umiiyak na sagot ni Celine, hawak ang sariling dibdib na tila ba pinipigilan ang pag-iyak.

"’Wag mong alalahanin si Mama. Galit lang siya. Alam mong tutulungan kita kahit anong mangyari, hindi ba?" sinubukan siyang pakalmahin ni Marko.

Tumango si Celine, "Alam ko, Kuya…"

Alam ni Celine, kahit gaano kalupit ang trato ng kanilang ina, mayroon siyang isang kuya na handang sumalo sa kanya. Kung wala si Marko, malamang matagal na siyang itinaboy palabas ng bahay.

"Kahit anong galit mo kay Mama, hindi mo kailangang lumayas. Paano ang bata?" seryosong paalala ni Marko.

Ngunit pursigido na si Celine. Hinaplos niya ang kanyang tiyan at tumitig sa kapatid. "Kaya ko, Kuya. Ipapakita ko sa lahat, lalo na kay Mama, na kaya kong buhayin ang sarili ko at ang anak ko, kahit wala siya."

Hindi na kumibo si Marko. Hinayaan na lang niyang mag-impake si Celine, sabay baba para ipaalam sa ina ang desisyon ng kapatid.

"Lalayas siya, Ma," seryosong sabi ni Marko.

"Ano?! Lalayas? Paano ang bata? Satingin mo kaya niya?" galit na sigaw ni Amelia.

"Kung magpapakasal siya dun sa sinabi kong lalaki, tatanggapin ko pa yung bata!" mariing alok ng ina, tila bingi sa pakiusap.

"Ma, hayaan mo na siya. Nakapagdesisyon na si Celine. Supportahan na lang natin," pinilit ni Marko na pigilan ang ina bago ito muling akyatin ang kwarto.

Narinig lahat ni Celine ang usapan. Kahit mayaman at may kapalit pang isang milyon, hindi siya kailanman papayag na ipakasal sa taong hindi niya mahal.

Habang nag-iimpake, may nahulog na papel mula sa kanyang bag. Pinulot niya ito—isang maliit na note na may nakasulat: "If you need help, call me: 09xxxxxx789."

Napaisip siya kung saan niya nakuha iyon. Maya-maya, bumalik sa alaala ang isang gabing pilit niyang kinalimutan ang isang one-night stand sa isang liblib na motel. Nalasing siya, nagising na lamang sa umaga at nakita ang note sa tabi ng kama.

Agad niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang numero.

"Hello, sir?" mahina at nanginginig ang kanyang tinig.

Isang pamilyar ngunit malamig na boses ang sumagot.

"Naalala mo pa ba? Ang gabing nagkita tayo sa Bonifacio Global Center matapos tayong uminom? Sinabi mo sa akin noon na dapat maging responsable ako sa lahat ng kahihinatnan. Kaya bukas, ihanda mo lahat ng dokumento mo. Pupunta tayo sa City Hall. Kailangan mo akong pakasalan."

Nang matapos ang tawag, mas lalong bumilis ang kanyang mga kilos. Dali-dali niyang tinapos ang pag-impake at lumabas ng bahay, hindi na napansin ng kanyang ina.

Kinabukasan, kasama si Olivia, kaibigan niya noong kolehiyo, dumiretso siya sa City Hall.

Nakatitig siya sa gusali, halong kaba at pangamba ang bumabalot sa kanya. Hindi na niya maalala ang mukha ng lalaking iyon. Ngunit ngayon, ang lahat ay magbabago. Kahit hindi niya alam kung ano ang itsura nito, itutuloy niya parin, yun ang kanyang pasya.

Sa loob, muntik pa siyang mabangga ng isang lalaking pumasok sa loob ng City Hall. Malaki, makisig, naka-tuxedo, may salamin. Masungit ang aura ngunit halatang galing sa mayamang angkan—branded ang lahat ng suot, malinis ang tindig. Singkit ang mata, kayumanggi ang balat, at higit sa lahat—sobrang gwapo.

Muli siyang napatingin dito, ngunit agad ding umiwas at nagpatuloy. Sa halip, pumasok siya sa opisina ng mayor, kung saan naghihintay ang ilang lalaki.

At doon, nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang lalaking nakita niya sa labas, siya rin ang hinihintay niya. Si Adrian Castillo.

"Ikaw… siya pala," mahina niyang bulong, halos hindi makapaniwala. Sabay unti unting papalapit sa harap ni mayor.

Sa harap ng lahat, nagsimula ang kasal.

"Ikaw, tinatanggap mo ba si Celine Alcaraz bilang iyong asawa?" tanong ng mayor.

"Opo, Mayor," sagot ni Adrian, mababa at malamig ang boses.

"Ikaw naman, tinatanggap mo ba si Adrian Castillo?"

"Opo, Father," agad na sagot ni Celine, bagamat nanginginig ang puso.

"You may kiss the bride."

Nagkatinginan silang dalawa, parehong naiilang, at dahan-dahan ay nagtagpo ang kanilang mga labi—isang mabilis, malamig na halik na nagtakda ng isang bagong kapalaran.

Paglabas ng lahat, biglang nag paalam ang kaibigan ni Adrian na may kaylangan pa silang tapusin sa opisina, samantalang si Olivia may trabaho pang tatapusin. Naiwan silang dalawa sa hallway.

Tahimik. Mabigat. Hanggang sa tuluyang nagsalita si Adrian.

"May tanong ako."

Napatigil si Celine.

"Paano mo mapapatunayan na ikaw ang babaeng iyon?" malamig na tanong nito.

"Hindi mo ba naaalala?" nagtatakang sagot ni Celine.

"Hindi. Kaya, paano nga?"

"Una, binigay mo sa akin ang iyong number. Tinawagan kita. Hindi ba sapat ’yon?"

"Syempre hindi. Paano kung nakuha mo lang iyon sa ibang paraan?" malamig na tugon ni Adrian.

Natahimik si Celine, hinahanap ang tamang sagot. At matapos ang ilang sandali, tinitigan niya ito nang diretso.

"Kung gano’n… may isa pa akong pruweba. Pero hindi ko pwedeng sabihin dito. Kailangan natin ng pribadong lugar."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    10. My Boss

    Halatang nanginginig sa kaba ang babaeng kasama ng ina ni Celine. Ramdam nito na baka totohanin ni Celine ang pagbabanta na tatawag siya ng security mula sa ibaba ng gusali.“May araw ka rin. Tandaan mo, babalik ako.”Mariin at mabigat na sambit ng kanyang ina, bago tuluyang lumabas ng bahay at ibagsak ang pinto na tila ba gumuhit ng pangako ng hinaharap na gulo.Huminga ng malalim si Celine, pinipilit pakalmahin ang dibdib na halos kumakawala sa tindi ng kaba. Sa wakas, nawala rin ang panganib sa loob ng kanyang tahanan. Ngunit hindi rin ganap na kapanatagan ang dumapo sa kanya. Isa lang ang sigurado—hindi pa rito nagtatapos ang bangungot.Hinaplos niya ang kanyang tiyan, bahagyang namimigat. Apat na buwan na rin ang sanggol na dinadala niya. Binalaan siya ng kanyang doktor na huwag masyadong ma-stress, huwag pagurin ang sarili, at manatili sanang payapa ang kanyang kapaligiran. Ngunit paano iyon mangyayari kung mismong dugo ng kanyang dugo ang siyang nagdadala ng unos sa kanyang buh

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    9. Security

    “Una, ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, kung ano ang suot mong brief kahapon, iyon pa rin ang suot mo ngayon. Wala akong binago doon. At kung natatakot ka, huwag na—nakita ko na rin naman ang tinatago mong iyan, wala akong intensyon na mali.” Bahagya siyang ngumiti, pilit binabawas ang bigat ng sitwasyon.“Pangalawa, sobrang lasing ka kagabi. Hindi ka na makalakad, kaya may kasama kang naghatid sayo. Halos mabali ang katawan niya sa bigat mo, kaya ako na ang nag-asikaso sa iyo.”“Pangatlo. bakit ako nandito? Dahil ikaw mismo ang nagsabi kagabi… na dito na lang ako matulog sa tabi mo.”Tahimik ang sumunod na sandali. Nakayuko si Celine habang nagsasalita, tila ba iniisip kung paano tatanggapin ni Adrian ang kanyang paliwanag.Si Adrian nama’y napakunot ang noo, pilit inaalala ang mga nangyari. Ngunit kahit anong pilit, wala siyang maaninag na alaala ng nagdaang gabi—parang isang blangkong papel ang kanyang isip.“Talaga ba…?” mahina niyang tanong, halatang hindi makap

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    8. Hangover

    "Adrian," mariing wika ni Cinco habang minamaneho ang kotse, "isipin mo si Celine. Kung makita ka niya kanina... kung nalaman niya..." Napahinto ito, nag-igting ang panga. "Hindi niya deserve ang ganun."Hindi nakasagot si Adrian. Wala siyang lakas ni boses para ipagtanggol ang sarili. Ang tanging naroon sa kanyang dibdib ay guilt-matinding guilt na tila unti-unting lumulunod sa kanya, higit pa sa alak na kanyang ininom.Pagkarating nila sa gusali kung saan sila naninirahan, agad na pinindot ni Cinco ang pinakamataas na palapag ng elevator. Tahimik lang silang dalawa sa loob, tanging tunog ng umuugong na makina ang maririnig, habang hawak-hila niya si Adrian na halos matumba na sa bawat hakbang.Nang makarating sa pinakamataas na palapag, kinaladkad niya ito hanggang sa mismong pintuan. Halos hindi na makagalaw si Adrian, kaya pinaupo muna siya ni Cinco sa malamig na sahig, sabay pindot sa doorbell nang sunod-sunod.Lumipas ang mahigit limang minuto ng walang sagot, bago tuluyang bumu

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    7. Guilt

    Mahinahon ang tinig ng kanyang ina nang magsalita, pilit inaayos ang bigat ng sitwasyon. "Anak, kailangan mo munang ipakilala sa amin ang asawa mo." Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ni Adrian, tila ba sinusubukang pakalmahin ang anak na matagal nang may dalang bigat sa dibdib.Ngunit ang sagot ni Adrian ay lalong nagpagulo sa kapaligiran. "Makikilala niyo rin siya... pero hindi pa ngayon. Busy siya—dahil... magkakaroon na kami ng anak." Mahina ang tono, ngunit malinaw at matalim sa pandinig ng kanyang ama, na agad namang sumiklab ang mga mata sa narinig."Congrats, Kuya," nakangiting bati ni Chloe, inosente at masaya para sa kanyang kapatid."Heh—Chloe, sa kwarto ka muna," maagap na sambit ng kanilang ina, marahang itinaboy ang anak palayo. Walang nagawa si Chloe kundi sumunod, bahagyang nagtataka sa bigat ng usapan.Nanatiling nakangiti si Adrian, ngunit iyon ay ngiting puno ng pait at galit, nakatuon sa reaksyon ng kanyang ama. Kitang-kita ang frustrasyon sa mukha nito, para ba

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    6. Announcement

    Ilang araw na ang lumipas, nanatiling malamig ang pagitan nina Adrian at Celine. Para bang dalawang estrangherong nakatira sa iisang bubong. Si Adrian, umuuwi tuwing hatinggabi na laspag ang katawan at pagod ang mukha, samantalang si Celine ay mahimbing nang natutulog, pinipilit makabawi ng lakas para sa maaga niyang trabaho. Kapag umaga, si Celine ay nakabangon na't nakapaghanda ng almusal, ngunit si Adrian ay tanghali na kung gumising, tila ba sadyang iniiwasan ang anumang pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata. Sa loob ng ilang araw, ganoon ang naging siklo-walang usapan, walang sabay na pagkain, walang lambing. Kapag nagkakasalubong man sila, tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ni Celine, samantalang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Adrian, tila ba hindi siya marunong ngumiti. Ngunit kahit ganoon, hindi nagbago si Celine. ---- Linggo nang umuwi si Adrian sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagpasok niya, nadatnan niyang buo ang pamilya sa hapagkainan-ma

  • Love in the Shadows of Unexpected Marriage    5. Penthouse

    Kinabukasan ng umaga, habang abala si Celine sa pag-aayos ng kanyang mga damit, isang malakas na busina mula sa labas ang gumulat sa kanya. Napaigtad siya at agad na sumilip sa bintana.Laking kaba at gulat niya nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng isang mamahaling itim na kotse, si Adrian.Agad niyang binilisan ang pag-iimpake, halos nagmamadaling isiksik ang natitirang gamit sa kanyang lumang maleta. Hindi naman ganoon karami ang gamit ni Celine, kaya’t ilang hakbang lang ay handa na siyang lumabas.Paglabas niya ng bahay, natanaw niya agad si Adrian na nakatayo sa tabi ng sasakyan. Malamig ang ekspresyon nito ngunit halatang naghintay talaga siya. Walang sinabi, kinuha lang nito ang bag mula sa kamay ni Celine at isinilid sa likuran ng kotse.“Sumakay ka na,” maikli ngunit diretso nitong sabi.Sa loob ng sasakyan naging tahimik ang lahat. Tanging tunog ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang bumabalot sa paligid. Pasulyap-sulyap si Celine kay Adrian, ngunit hindi niya ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status