Share

His old Lover

last update Last Updated: 2024-08-12 21:02:20

♡ KABANATA 3 ♡

    What’s wrong with him hindi ako makaalis sa bisig niya, maging sa labi niya. Sinasabi ng utak ko na tumigil na dahil malapit na ako madala, inaamin ko na he's a good kisser kahit pa siya lang ang lalaking umangkin ng labi ko.

   Binibilang ko ang segundong tinagal ng pagkaka-ayos namin! At patuloy pa rin ako sa pag-iisip kong hanggang saan kami dadalhin ng mapusok niyang halik.

     Kalaunan tumigil siya, sinubsob muli niya ako sa bisig niya. Bumubulong siya ng mahina sa tainga ko at ang tanging tumatak sa akin ay ang pangalan ng isang babae.

    Selena!

    “Se…lena, I mi..ss yo..u!”

    Pagkasabi niya noon ay bumitaw na siya sa akin at natulog!

   Halos tatlong taun na ang lumipas, magmula ng maghiwalay sila ni Selena! Sinasabi sa balita, Selena cheated on him, yung iba sinasabing talagang hindi nila minahal ang isa’t isa kaya naghiwalay na sila ng tuluyan at sinasabi rin sa balita na tumagal lang sila para makaahon ang pamilya nila Selena sa malaking pagkakautang sa pamilya Lao na katulad ko. Naupo ako sa sofang nasa tapat ng kama, pinagmamasdan siyang nakaharap sa kisame, nakaawang ng bahagya ang bibig niya, habang ang noo niya ay nakakunot na kahit gising siya ay hindi natatanggal. Mukha siyang lugmok at hirap na hirap, hanggang sa nakita ko ang daliri niya! Ang daliring hindi niya pinakita sa akin kanina. Nakasuot pa rin sa kaliwang kamay niya ang satingin ko ay wedding ring nila ni Selena. Bakit hindi pa rin niya inaalis at nanatili itong nakalagay, kahit matagal na silang hiwalay!

     Napailing na lang ako, ano ba ang pakialam ko kung hindi niya tanggalin o kahit pa mahal niya pa si Selena, kailangan ko lang matapos ang dalawang taon katumbas ng dalawang milyon, tapos babalik na muli ako sa San Agustin para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

    Binangon ko sa sandalan ang likod ko. Nakaramdam ako ng gutom, lumabas muna ako ng kwarto at tungohin ang kusina. Masasarap ang nakita kong laman ng fridge, hindi ko alam alin ang unang kakainin ko. Sa rami ay lahat tinikman ko! Naupo ako sa sofa at sumandal! Busog na busog ako at hindi makagalaw. Hindi ko maimagine na para akong mayaman at pagmamay-ari ang unit na ito, tinaas ko pa ang paa ko sa sofa at kinuha ang unan. Pahiga na ako ng tuluyan ng marinig ko ang pag-ubo niya.

    Nagulat ako sa kalat ng makita ang suka niya sa sahig, sa kama at sa damit niyang suot! Lumapit ako para tignan siya. Nalukot ang mukha ko sa nakita ko, maging sa amoy nito.

   “Kalalaking tao ang hina uminom! Ang bagra pa!” napapailing na lang ako,  pinunasan ko muna ang mga sukang nagkalat sa sahig at kama sunod ay tinanggal ko ang butones ng white polo niya! Saka ako bumalik sa kusina at kumuha ng maligangam na tubig. Wala ako makitang tuwalya para ipunas sa kanya, kaya ang panyo ko na lang ang ginamit ko.

    Tinanggal ko lahat, maliban sa pang-ibaba niyang suot! Saka ko siya pinunasan paibaba, panay ungol lang siya at hawi sa akin. Muli kong pinalitan ang tubig na maligamgam para ipunas muli sa kanyang mukha. Napapaisip ako sa kalagayan niya, may ina naman siyang nagmamahal at nag-aalala sa kanya, ngunit bakit nais niyang mapag-isa. Ano ba ang kalungkutan ang tinatakasan niya? Hindi ba siya kuntento kung anong meron siya? At ano ba ang kulang ang hinahanap niya? Pera? Kung pera marami na siyang ganun! Negosyo? Marami na rin siya noon! Kung pag-ibig at kasiyahan maaring iyon ang kulang sa kanya.

     Tumabi ako sa gilid niya. Gumalaw siya at tumagilid din paharap sa akin. Tinanggal ko na rin ang panyong pinupunas ko sa kanyang mukha at binalik iyon sa maliit na palangganang nakapatong sa maliit na lamesa. Hinawi ko ang buhok niyang tumabing sa noo niya. Pinagmasdan pa siya at Tinapik ko ang likod niya, na parang nagpapatulog ng bata.

    “Hayaan mo! Hahanapin natin yung pag-ibig at kasiyahan mo!” Sabay pumikit na ako at patuloy na tinapik siya hanggang makatulog ako.

      Malakas na sigaw ang nagpagising sa akin, hindi ko minulat ang mata ko pero nahagip ng kamay ko ang malaking unan at binato.

   “Tumahimik ka natutulog pa ako!” sigaw ko din. Pero nanatili itong maingay kaya naghanap muli ang kamay ko ng unan para takpan ang tainga ko.

   “Hoy! Ano ginagawa mo rito ha!” Sigaw pa rin nito at yugyog sa likod ko, hindi ako nakapagigil at nasuntok ko siya, hindi ko alam kung saan tumama pero alam ko napuruhan ko siya.

    “Sabing huwag ka maingay Ellias eh!” Sigaw ko muli at bumalik sa pagkakatakip ng unan. Madalas akong gisingin ni Ellias kapag natutulog o kaya kulitin ako para maglaro. Dahil hindi ako mabait na ate minsan napapalo ko talaga siya.

        Narinig ko ang pagdaing niya, na parang may katunog na boses, napabangon ako para lingonin ito, sapo niya ang labi niyang namumula, saka ko naalalang nasa bahay pa pala ako ni Earniel, Tumakbo ako palabas ng kwarto lalo pa ng makita ko siyang nakaboxer short lang! Hindi ko na pala nagawang bihisan siya kagabi at nakatulugan ko na.

    Naupo ako sa sofa! At pupungaypungay pa. Lumabas siyang nakaligo at nakabihis na. Sa kitchen counter ang punta niya at nagpainit ng tubig, narinig ko rin na binuksan niya ang fridge. Napailing siya ng masilip ko.

    Matapos tumunog ang kettle naupo siya sa harap ko sabay humigop ng isang tasang kape. Hindi ‘man ako niya nagawang timplahan.

    “Wala ako ninakaw!” dahil nakatingin siya ng masama sa akin.

   “Alam ko dahil nandito ka pa rin! Pero bakit ka nga ba nandito ka?”

   “Wala ka ba naalala kagabi?” kumunot ang noo niya at parang nag-iisip.

   “Wala pang trainee ang nakapasok dito bakit ikaw narito?”

    “Ahh! Ganun ba? Akala ko gawain mo talagang manghalik, ako ba ang una sa lahat ng trainee mo?” Nandilat ang mga mata niyang singkit at napabagsak ng malakas ang tasa, tumingin siya ng pailalim!

   “Anong sinabi mo? Hinalikan kita?” bago ako sumagot ay napakagat ako ng labi at binasa ito. Napaatras siya papuntang sandalan at kinagat-kagat ang daliri niya. Halatang pilit niyang inaalala ang lahat. – “Iyon lang ba nangyari?” naningkit ang mata ko kahit hindi naman ako singkit, nag-iisip ako ng kasinungalingan, pero habang iniisip iyon ay hindi ko mapigilan matawa.— “Hoy! Ano nakakatawa?” inis niyang sabi.

   “Wala makikiligo na ako, ayoko kasing malala yung nangyari kagabi!” Nanakbo ako sa banyo niya, habang siya patuloy sa pagkatok at kalabog rito, pero hindi ko na pinansin iyon ng makita ko ang kabuuan ng banyo niya. Malaki, maganda at malinis! Hindi ganito ang banyo namin, wala kaming shower, bathtub o maayos na inidoro, at ang pinto ay gawa sa kawayan na sinasandal lang kapag may gagamit, pinakamahirap sa lahat kapag malakas ang ulan at may bagyo ay hindi kami makalabas para gumamit ng banyo.

   Binabad ko ang paa ko sa maligamgam na tubig ng bathtub, wala na rin ang ingay na nagmumula sa pinto at tanging lagaslas ng tubig sa gripo ang naririnig ko. Hindi ko na sinayang ang tsansa at naglublob na ako! Feel at home ang nararamdaman ko kahit pa hindi ako feel ng taong may-ari ng bahay na ito.

   Bumukas ng malakas ang pinto, nawindang ako dahil papalapit na siya sa akin.

    “Hanggang diyan kana lang!” pero lumapit pa rin siya papuntang bathtub. “Huwag kang titingin!” turo ko sa kanya.

  “Bahay ko ito, kaya bakit mo ako pinipigilan? Kung nakita ko na yan bakit mo pa tinatago?” Namewang pa siya at titig na titig. Malinaw ang tubig siguradong mapapansin niya ang hubad kong katawan, wala naman ako choice na hindi maghubad ng damit, dahil wala naman akong dalang extra.

  “Sabing huwag kang titingin. Wala akong suot na kahit ano!” bulyaw ko ng akma pa siya na lalapit, pero lumipat ang tingin niya sa undies kong nakasabit! “Hoy! Dito ka tumingin!” pukaw ko ng atensyon niya.

   “Sabi mo huwag ako tumingin sayo, ngayon gusto mo tignan kita!” humawak siya sa chin niya at hinagod-hagod iyon kahit wala naman siya balbas, naningkit rin ang mata niya lalo, habang tinitignan ang tubig.

  “Basta huwag ka titingin or pumikit ka - At dapat nga magpasalamat ka sa akin.”

    “At bakit naman dapat kita pasalamatan? Hindi porket may nangyari satin paninindigan kita!”

   “Huwag ka ngang assumero, walang nangyari satin at hindi iyon mangyayari dahil ayoko sa matanda!”

    “Anong matanda? Makakatikim ka talaga sa akin?”

   “Basta magpasalamat kana lang dahil inalagaan kita! Puro ka suka kahit tignan mo pa sa labahin mo!”

   “Okay Fine paniniwalaan kita kahit wala akong tiwala sayo! At pakibilisan nagugutom na ako,” lumabas na siya at sinara ang pinto, doon lang ako nakahinga ng husto.

    Sa isang restaurant kami nagpunta, malaking steak ang inorder niya para sa akin at parang iyon na rin ang pinakamahal, gusto kong magtaka ngunit mas ininda ko na lang gutom ko.

     Habang kumakain ako dumulas ang karne sa damit ko na puti pa naman, bago pa niya ako mapansin ay tumayo na agad ako para pumunta sa banyo at basain ito! Dahil puti ang suot ko ay nahirapan akong tanggalin ito! Hanggang may babaing nagbigay sa akin ng wipes, hindi na ako nag-atubili at kinuha ko na.

     Nang matanggal ay lumabas na ako ng banyo! Nawala si Earniel sa lamesa namin, pero nanatili ang mga order namin. Nanlumo ako na iniwan niya ako habang hindi pa ako natatapos kumain. Palapit na ako sa lamesa para maupo ng matanaw ko siya, may kasama siyang babae na satingin ko ay nakita ko na! At kung hindi ako nagkakamali ang babaing nagbigay sa akin ng wipes. Naglakad ako palapit sa kanila para ibalik sa babae ang wipes ng aksidente kong marinig ang pangalan niya.

  Selena

     His old lover and wife, seryoso ang usapan nila, nag-aalangan pa ako kung lalapit ba ako o hindi na, dahil wala naman ako kinalaman sa nakaraan nila.

   Lumipat ang tingin ko sa lalaking palapit at humalik sa labi ni Selena! Nag-ngitian pa ang mga ito at mukang masayang masaya. At kahit pa nakatagilid si Earniel nakita ko ang reaction niya. Bumaba ang tingin niya at kumuyom ang palad na nasa ibabaw ng lamesa.

   Tumalikod na ako at binalikan ang pagkain namin, pero habang nasa tinidor ko ang karne ay sumasagi naman sa isip ko si Earniel, ang reaksyion niya at kahit pa ang halik niya na alam kong hindi para sa akin.

     Nilingon ko sila patayo na ang dalawa, agad din ako tumayo at nilapitan sila. Wala sa isip ko at hindi ko pinalano pero nangyari. My eyes closed when I kissed him! Mabilis lang pero nag-iwan ng parehas sa ekspresyon sa tatlo.

      “Hello…Ms. Selena? I’m Doreena Salvador, Mr. Earniel Lao Fiancé!” Naglahad ako ng palad sa kanya, matapang ang mata kong tumitig sa kanya. Tumayo si Earniel at kinuha ang kamay ko para ibaba, napalingon ako sa kanya na parang ayaw niyang ipahawak ang kamay ng ex niya sa akin.

   “Aalis na kami!” hinila niya ako palabas bago niya pinakawalan ang kamay ko. Galit na galit ang mukha niya. At dire-diretso sa paglalakad. Hinila ko siya kahit pa parang bigat ng katawan niya, tumigil siya sa paglalakad. Ako na mismo ang lumipat at humarap sa kanya, tiningala ko siyang tinitigan.

    “May utang kana naman sa akin!”

   His eyes rolled up, hindi niya ako binigyan ng pansin. Nilampasan niya ako at pumasok siya sa kotse, sumakay na din ako. Nagseat belt siya at saka pinaandar ang kotse.

    “Hindi ka ba magpapasalamat, sinalba kita?”

   “Bakit ako magpapasalamat? Do I look pity? Hindi ko kailangan ng tulong mo!” singhal niya.

   “You have to!” salamat sa diksyonaryong binabasa ko kahit papaano ay may alam akong ingles.— “When I say, sasamahan kita hanggang dulo! Gagawin ko,” bigla siyang nagpreno ng malakas at napauntog ako sa headboard ng sasakyan.

    “Fuck! What are you talking about huh? Mas mauuna pa ako mamatay sayo, paano mo gagawin iyon?” huminga ako ng malalim, nag-iisip ng isasagot dahil hindi ko din alam ang gagawin.

   “Easy lang! Kung hanggang saan ka abutin ay iyon na ang dulo na sinasabi ko!” Nang tignan ko siya ay manghang mangha siya kaya sa isip ko napabilib ko siya.

   “I guess mauuna kang mamatay! Looked at yourself, duguan kana!” pinahid ko ang malagkit na likido na sumapaw na sa kanan kong mata, dugo nga pero his acting na parang wala lang at hindi nag-aalala. So cold-hearted heart. Then I closed my eyes to see what happened.

Gusto ko malaman kung makakaramdam ba siya ng pag-alala o hindi talaga!

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Love start at Contract    102. Crose Destiny

    Malapit sa isang train station ang nahanap ko na bagong apartment, maliit at kongkreto sapat sa iisang tao, hindi ko nagawang bumalik ng San Agustin dahil ayokong mag-alala muli ang mga magulang ko, lalo pa at nasa kanila na ang anak namin na si Earen na kanilang alaga. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal rito, ngunit parang gusto kong sanayin ang sarili na mag-isa. Abala ang mata ko sa pagtingin sa terris ng apartment, nasa ikalimang palapag ang tinitirhan ko numero 57, may fire exit na hagdan kung sakaling may sakuna, at elevator para mabilis makaakyat at baba. May kakaunting gamit kaya hindi ko na kailangan mamili ng sobra. Itinago ko na din ang sim na nakasalpak sa phone ko at ang pera sa card ko ay inilabas ko na. Dahil buo na ang aking pasya wala ng balikan, dahil iyon rin naman ang hiniling niya. Nagtry na din ako maghanap ng pwedeng pagkaabalahan, kagaya ng paghahanap ng trabaho. Matapos ang isang linggo ay nakakuha naman ako ng trabaho isang receptionist sa isang mali

  • Love start at Contract    101: He wanted a Divorced

    Akala ko ay okay na kami ng araw na iyon, ngunit pag-uwi niya ay matabang na naman siya sa akin, para akong multong dinaanan niya ng lumapit ako. Napahawak ako sa kwintas, para saan nga ba ito? Hindi ba ito sign ng pagiging okay namin o talaga bang simpleng regalo lang ito. Pinilit kong balewalain ang lahat kaya pinuntahan ko siya sa kwarto, napansin kong nakaupo siya sa kama at parang tulala. Agad kong binuksan at nilapitan siya, saka lang siya gumalaw. Sa wardrobe siya nagtungo. “Inihain na ko na ang dinner natin, baka pwedeng magsabay naman tayo!” Pinipilit ko ilagay ang ngiti sa labi ko kahit pa punong puno ng takot ang dibdib ko na baka tanggihan niya. “Kumain na ako sa labas, kaya ikaw na lang!” Matabang niyang sabi, at tuluyan ng nawala ang ngiti ko, hindi na rin ako nakipag argumento at lumabas muli ako ng kwarto. Bumalik ako sa kusina, unti-unti kong niligpit ang mga nakahain, nawalan na rin ako ng gana, kaya ang display na alak ang napagdiskitahan ko. Nang tamaan

  • Love start at Contract    100. Another Wedding Anniversary

    Isang malakas na sound ng alarm ang nagpagising sa akin, dinampot ko ang phone na nasa loob ng drawer, na hindi ko nakita kahapon.Walang password kaya nabuksan ko kaagad, sa message app ako nagpunta, pero katulad ng sabi ng mayordoma ay wala naman ako natanggap na mensahe mula sa kanya.Saka ko tingnan pa lahat ng mga nasa notification, nahagip ng mata ko ang isang anniverary notes na kanina ay tumunog.Wedding anniversary ang nakasulat.“Para kanino?” kaya dagli akong bumangon at bumaba, sa mayordoma ako nagpunta na noon ay naghahanda ng almusal.“Magandang umaga Madam!” Bati nito sa akin.“May ideya ba kayo rito?” Pakita ko sa kanya ng phone“Sa pagkakaalam ko ay Wedding Anniversary ninyo iyan ni Master Lao!”“Wedding Anniversary namin?” Sa pag-iikot ko rito ay wala naman ako nakita na kahit anong magpapatunay na kasal kami, kahit pa sa kwarto.— “May ideya ba kayo kung kelan ang balik niya?”“Kadalasan naman ay gabi na siya umuuwi at sa opisina siya dumederetso! Meron ako numero n

  • Love start at Contract    99. Who is Ekio

    Nakalabas na ako sa ospital si Denver ang sumundo sa akin, at nasa opisina na rin si Earniel, kaya tahimik ang bahay ng dumating ako, habang pinagpasya ni Earniel na iuwi si Earen sa San Agustin habang nagpapagaling ako rito, base na rin sa kwento ni Denver kaya nakaramdam ako ng pagkalungkot.“Hindi ko ba pwedeng puntahan siya sa opisina?”“Pasensiya na pero hindi maari, bilin niya rin na siguraduhin na nakauwi kana para magpahinga.“O-okay!” Pagkahatid ni Denver sa akin ay umalis rin siya kaagad.Ginala ko na lang ang sarili sa kabuuan ng bahay, muli akong nanibago, dahil ba tila nagbago narin ang paligid sa paningin ko.Nilibang ko na lang ang sarili sa paglalaro ng tubig at paglublob ng paa sa pool. Nakakaaliw pero hindi nakakagaan ng loob.Nang may matanaw akong mukha sa likuran ko, kaya napapihit ako ng malala ako, si Ekio na ngayon ay nasa likuran ko at may ngiti sa labi, ang mga kamay niya ay punong puno ng kung ano ano, dagli akong umahon para lapitan siya.“B-bakit narito k

  • Love start at Contract    98. My Cold Husband

    Habang nasa ospital ay hindi ko inaasahan ang isang bisita, halos matakpan ang mukha niya ng isang bouquet ng roses at ilang box ng chocolate na parang sobra para sa isang pagdalaw. “Hello kumusta kana? Magiliw niyang bati sa akin.” Agad naman ako napabangon kahit sobrang sakit pa ng katawan ko. “M-mabuti naman, salamat sa pagdalaw mo!” “Siya nga pala para sayo!” lapag niya ng bulaklak sa mga hita ko. Kahit nakakailang ay tinanggap ko, ayoko lang isipin ni Earniel na may namamagitan sa amin. “S-Salamat ulit!” “Mabuti at nailigtas ka ni Mr. Lao!” nagulat ako ng tumayo siya at bigla akong yakapin, hindi ako kaagad makakilos para pigilan siya. “Sana hindi ako nakaistorbo!” namilog ang mata ko ng makita si Earniel na nakatayo sa pinto kasama si Denver, kaagad ko natulak si Ekio. “Ah…kanina ka pa ba?” “Sige aalis na lang ako!” Gusto ko siyang lapitan at pigilan, pero hindi ko magawa dahil sa pilay ko sa katawan. “Sige Sir! Aalis din ako maya maya babantayan ko siya!” Sambit ni Ekio

  • Love start at Contract    97. Lost and Found

    Natanggap ko ang Consolation Price na binigay ko naman kay Ikio, halos hindi siya makapaniwala at napayakap pa siya sa akin.Bumaling ang mga mata ko kay Earniel, agad siyang umiwas ng titig at umalis rin sa kinatatayuan niya, hindi na lang din ako nagpaapekto at tinuon muli sa bagong gagawin.Naisipan ng team manager na maghiking rin kami sa lugar bago kami umuwi ng kinahapunan.Kasama ko pa rin si Ikio na todo ang alalay sa akin kahit hindi naman kailangan dahil pakiramdam ko ay sanay na sanay ang katawan ko, may umuudyok pa nga sa isipan ko na magpabaging baging kapag may nadadaanan kami na zip line, hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay taga bundok ang dating ako.Napalingon ako sa likuran ng mahirapan si Ikio na makaakyat sa mataas na bahagi ng bundok, ngunit napukaw ang mata ko sa direksyon papunta kay kay Earniel! Parang gustong magsalubong ng kilay ko ng makita kong magkahawak pa sila ng kamay ng First wife niya.Hindi ko maawat ang sarili na mag-ngitngit sa inis, na hindi k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status