Share

KABANATA 10

Alexena

"Salamat po," ani ko sa may-ari ng kamay na pumigil sa pinto ng elevator bago iyon magsara para makahabol na makasabay ako.

Sumalubong kaagad sa akin ang magandang kanta na nagmumula sa maliit na speaker sa loob mismo ng elevator noong nakapasok na ako roon. Pero hindi ko makuhang i-appreciate iyon sa pagkangarag ko ngayong araw na ito. Pati nga ang nagmagandang loob na kasama ko sa elevator ay ni hindi ko na nilingon pa at hindi na ako nag-abala pang magtaas ng tingin mula sa abalang paghahanap sa bag ko ng telepono kong hindi ko alam kung saan ko ba nailagay dahil sa pagmamadali ko kanina sa paggayak.

F*ck. Nasaan ka na... magpakita ka naman na.

Nananalangin na pakiusap ko habang naghahalungkat pa rin.

Hays. Naiwan ko pa yata.

Kainis. Umagang-umaga ay naba-badtrip tuloy ako, doon pa naman nagpapadala ng mensahe ang ibang mga board pati na ang iba na makaka-meeting at nagpapa-schedule ng meeting kay Hero.

Patay ako, kung alin pa ang importante ay mukhang iyon pa ang nalimuta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status