AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-
AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n
AlexenaItinabi ko na muna ang ibang papeles na inaayos ko sa gilid ng lamesa bago ko nilingon ang bagong dating na padiretso na ngayon sa direksyon ko.Kakamot-kamot ito sa batok habang naglalakad. "Sorry kanina, aksidente ko palang naisama sa ibang files 'yong business proposal. Naabala ka pa tuloy sa ginagawa mo, alam ko naman na ang dami ko pang iniwan na ipinapaasikaso sa iyo rito," bungad agad na paliwanag nito na parang hiyang-hiya sa nangyari nang tuluyan na itong makalapit sa akin. May mga ka-meeting kasi ito kanina, pero noong magsisimula na sana ay noon lamang nito napansin at ni Mathos na wala pala sa mga ito ang may bitbit ng bagay na pinaka-importante sa lahat. Nakakaloka. Sa dami ba naman kasi ng puwedeng makalimutan at maiwan ay iyon pa talagang business proposal! Gayong kahapon ko pa iyon ibinigay rito mismo nang personal iyon dahil gusto raw nitong ma-review iyon para sa gaganapin na meeting ngayon. Ang nangyari tuloy ay humahangos na bumalik sa opisina si Mathos at
AlexenaHindi na ako nagulat nang bigla itong kumanta. He's always like this, lagi nito akong kinakantahan every time na may napapansin itong kakaiba sa akin. Ilang taon pa lang kaming magkasama at magkakilala but it seems na kilalang-kilala na ako nito. Sabagay, hindi naman na rin nakakapagtaka dahil gano'n din ako rito. Hindi ko na napigilan ang pagpikit habang dinadama at pinapakinggan ang ganda at lamig ng boses nito. He's really a good singer.Nakaka-relax at nakakapawi ng alalahanin. Walang kupas, kahit pa nga hindi na ito nakakakanta sa entablado na alam kong isa sa mga bagay na kailanman ay hindi mawawala rito kahit na lumipas pa ang mga taon at tumanda na kami. Kung first love ko ang volleyball, sobrang obvious naman na ang kay Hero ay ang pagkanta.Nangiti ako dahil sa mga lyrics ng kinakanta nito na kanta ni JK Labajo, ang title niyon ay Para sa 'yo. Sinasalamin kasi sa mga kataga ng kanta na palagi itong nariyan para sa akin. At totoo naman talaga iyon. He's been there
Alexena"Babe, I need your help para mag-set-up sa conference room. Darating sina Dad, may biglaang meeting. Patulong ka na lang kay Mathos kapag may mga kakailanganin ka pa, lalo na kapag may bubuhatin," pag-imporma ni Hero sa akin.Itinigil ko na ang ginagawa kong pagbabasa ng mga email at sinamsam ang mga papel sa mesa ko bago ito tiningnan. Sa nakikita ko ay mukhang masyado itong aligaga dahil dumiretso agad sa puwesto nito, pagkatapos ay nagtitipa sa laptop na nasa harap.Hindi nakapagtataka kung bakit ganito ito, alam ko kasi kung gaano na ayaw na nitong maulit pa ang nakaraan at ma-disappoint ang ama nito rito. I can see clearly that he's really a changed man now. Ibang-iba na ito sa Hero na nakilala ko noon. Nakakatuwa lang dahil better version na nito ang nasa harapan ko ngayon. And I'm really proud of him... saksi ako kung paano nito ginustong baguhin ang takbo ng sariling buhay, kung gaano ito katapang at pilit na ginusto ang bagay na alam kong una pa lang ay ayaw na nito k
AlexenaAlam ko na hindi magkaapelyido ang mga ito at lalong alam ko rin na may stepbrother si Hero, pero hindi kailanman sumagi sa isip ko at hindi ko inakala na si Mikey iyon. Hindi naman kasi nababanggit ni Hero ang pangalan nito at maging ang apelyido man lang para nagka-clue sana ako, tapos noong itinanong ko naman noong nakaraan ay hindi nito ako sinagot!Gusto ko tuloy kalbuhin si Hero ngayon at sakalin! Argh! Paano nga ang tagal na naming magkasama at magkaibigan tapos... tapos may koneksyon pala kami sa isa't isa! At ang koneksyon pa talaga namin ay 'yong iniwan ko dati at naging dahilan noong pag-alis ko!D*mn it!Ngayon tuloy ay pansin ko na parang ako lang yata ang nasosorpresa sa mga nangyayari, pati si Mikey kasi ay hindi. Parang cool na cool lang nga ito at ngayon lang talaga kami nagkita.Pero teka... ibig bang sabihin niyon ay matagal na nitong alam na kasama ko ang kapatid nito kaya wala na akong makita ni anino o bakas man lang ng pagkagulat sa reaksiyon nito? "I
AlexenaTumikhim muna ako bago magsalita. "H-Hero?" patanong kong bungad."Nasa pantry ka pa? Bumalik ka na rito, mag-start na tayo in ten minutes." Ngumuso ako kahit na alam kong hindi nito ako nakikita. "Huwag mo na lang kaya akong isama? Marami pa akong gagawin, e," agad na pagdadahilan ko. Natawa ito. "Talaga ba? Kung marami kang gagawin, dapat ay nandito ka at wala ka riyan sa pantry," panonopla nito.Paano akong makakagawa at makakapagtrabaho kung nariyan sa opisina mo 'yong gusto kong iwasan?"Nagkakape pa kasi ako. Break, you know. Uso ang break, Hero," palusot ko."Wala ka namang gagawin do'n. Mauupo ka lang at makikinig, so... sumama ka na," panghihimok pa rin nito.Nailing-iling ako. "Exactly. Wala akong gagawin do'n. So, mas mabuti kung mag-stay na lang ako sa office mo para maging kapaki-pakinabang ako sa kompanya ninyo. Para maging sulit kahit paano ang sinusuweldo ko." "Ah, gano'n. So... sino na kaya ngayon ang boss sa ating dalawa? Hmm? Tingin mo? Sino kaya ang dapa
[Four years ago..."]AlexenaNgawit na ako sa posisyon ko pero tinatamad pa rin akong magdilat ng mata, sobra kasi akong hinihila ng antok dahil sa malamig na hangin na nararamdaman ko na tila ba nakatutok ang pagbuga sa akin, ngunit gano'n pa man ay may kakaibang init naman na pumapawi roon na mas lalong tila ba humahatak at naghehele sa akin para ipagpatuloy pa ang pagtulog. I don't have any clue what it is and in my current state, my energy is still drained. I am physically worn out. I am emotionally exhausted. I do need to rest both to keep myself sane. Besides, I'm really too sleepy to even care what exactly that thing is, which is really making me feel better, comfortable and somewhat safe. Finding it out can wait, but sleeping peacefully cannot. So, I think I'll just find it out later. Bahagya akong gumalaw para maibsan kahit na papaano ang pangangawit ko at sumiksik sa mainit na bagay na nakadikit sa akin bago sumagap ng hangin habang nakapikit pa rin, nag-aagaw ang nararamd