LOGINLumuhod sa harap ko si Davielle habang may hawak na singsing. Sa pangalawang pagkakataon, inipit na naman niya ako sa alanganin na sitwasyon.Wala na akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niyang kasal. Ayokong magmukhang masama sa harap ng maraming tao. What I mean is, ayaw ko siyang mapahiya. "Yes, I will marry you."Kahit si Davielle hindi makapaniwala sa naging sagot ko, halatang-halata naman kasi ang gulat sa mga mata niya, pero kaagad din naman itong napalitan ng pilyong ngiti."Finally, pumayag ka na rin," bulong niya sabay yakap sa'kin at isinuot ang singsing sa daliri ko. Nginitian ko lang siya, at pinanliitan ko ng mata si Cheska na sobrang natutuwa. Ang lapad ng ngiti niya, kaya senenyasan ko siya na isara ang bibig."See, sister-in-law na kita soon," aniya at pumalakpak pa."Si Lola ikaw ba ang nagpapunta dito?"Tumango naman siya at sabay kaming naglakad papunta sa kinauupuan ni Lola. "Salamat sa pagtugon sa paanyaya ko, Lola." Nagmano siya rito at ngumiti nama
Nakaramdam ako ng sobrang awa kay Davielle dahil sa mga sinabi niya kanina. Tama nga sila, huwag muna tayong mag judge kapag hindi pa natin alam ang background story ng isang tao."Ayusan niyo siya, gawin niyong medyo wavy ang end ng hair niya. You also do her nails, yong pinakamahal ang gusto kong quality ng magiging output niyo. I'll pay any amount."Literal napanganga ako nang marinig ko ang usapan nila Davielle at ang bakla na may ari ng parlor na pinasukan namin. Hindi ko alam kung parlor lang ba ito or ano, basta nakaupo ako sa harap ng malaking salamin at maraming umaasikaso sa'kin.Ayaw ko sanang ipagalaw ang straight ong buhok pero, tama naman si Davielle, kailangan kong mag ingat muna sa ngayon. Lalo pa't wala akong maalala, kung tutuusin wala akong laban dahil kahit sinong kalaban ay pwede akong paglaruan."Ang ganda mo na, pero gusto ka pang pagandahin ni fafa, hanep talaga, ang swerte mo. Girl, ano bang gayuma ang ginamit mo sa kaniya?"Ako pala ang kinakausap ng bakla n
Labis akong namangha nang pagmulat ko ng aking mga mata, nagtataasang mga gusali ang bumungad sa’kin. Ang luwag ng kalsada, mas nasa itaas pa. Malayong-malayo sa probinsiya. “Can we eat first, kuya? Noodles and biscuits lang naman kasi ang kinain natin kagabi,” pakiusap ni Cheska sa kapatid na tahimik na nag dradrive. Simpleng tango lang ang isinagot nito at maya amya ay huminto kami sa tapat ng isang mataas ng building. “Tara na,” aya sa’kin ni Cheska at siya na nga ang nagbukas ng pintuan ng kotse at hinatak ako palabas. Masyadong gutom na yata ang isang ito, halatang nagmamadali.“Maupo na lang kayo, ako na ang mag oorder,” wika ni Davielle kaya tumango kami pareho at napansin ko pa na para bang may ibang ningning sa mga mata ni Cheska.“Oh bakit parang kakaiba ang ngiti mo, Cheska?” tanong ko dito. “Minsan lang iyan maging mabait si Kuya,” wika niya na pabulong lang at humagikhik pa ito. “Masyadong halata na nagpapabilib sa’yo eh,” dagdag pa niya at kinurot-kurot pa ang pisnge
Nagising ako na madilim ang paligid. Hindi naman sa takot ako sa dilim pero, biglang bumigat ang dibdib ko. "May tao ba diyan? Davielle? Cheska!"Nag echo lang ang boses ko sa loob ng kinaroroonan ko. Tumayo ako at kahit wala akong maaninag sinubukan kong humakbang. Paano ba ako napunta sa loob ng madilim na kwartong ito? Ang huli kong naaalala ay magkatabi kami ni Cheska na natulog. "May tao ba riyan? Kung naririnig mo ako sumagot ka!"May narinig akong mga yabag ng paa na papalapit sa kinatatayuan ko. Unti-unting bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Matangkad at kahit nakatalikod ito, nakilala ko siya. It's Davielle."Ano'ng trip mo na naman Davielle? Bakit mo ako kinulong dito sa madilim na kwartong ito?"Naglakad siya papalapit sa'kin. Tahimik, matalim ang tingin sa'kin at may kakaibang gisi sa labi. "A-anong gagawin mo sa'kin?"Biglaan niya akong idiniin sa pader at walang pasabi, naglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw at nagmistulang mga tuod
Kinaumagahan ay may mag asawa na nagtungo sa compound. Kaagad ko naman silang nakilala. Mga magulang ito nila Ace at Jack. Papalabas na sana ako nang biglang nakita ko si Davielle na tinutukan ng baril ang ama ng mga bata. Nagkubli ako sa likod ng malaking tank ng tubig. "Mangako ka na hindi ka na ulit magbibisyo. Nadadamay pati mga anak niyo dahil sa kagagawan mo.""Pasensiya na boss, hindi na ako uulit. Magbabago na ako para sa pamilya ko," sagot naman ng lalaki.Dahil sa sagot nito, dahan-dahan na ibinaba ni Davielle ang baril niya. Nakita ko naman na lumapit si Bruce at kaagad din naman naglakad papasok. Nagmadali akong bumalik sa kwarto at kunwari lalabas pa lang ako. Nang makita niya naman ako ngumiti naman siya at nilagpasan lang ako. "Ate, sinusunod na pala kami nila mama at papa. Uuwi na po kami, maraming salamat po!"Bago pa man makalabas ng bahay ay niyakap muna ako ng dalawa na kaagad ko naman ding tinugunan. Sinamahan ko sila sa labas at kalmado ang lahat. Si Davielle
Gabi na pero dinala pa rin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Napatingala ako sa kalangitan na sobrang daming bituin na kumikinang. "Kailangan ko ba talagang mamili sa dalawang option na 'yon? Seryoso ba talaga siya?"Kung pinili kung magpa ampon sa kaniya, ang baduy naman nun. Ilang taon lang naman ang gap namin tapos tatawagin ko siyang daddy o papa. At kapag naman nagpakasal ako sa kaniya, aba walang hiya, magkaka asawa ako ng wala sa oras. Ayaw ko pang magka anak, at kung magkaka anak man ako, hindi sa lalaking katulad niya."Nag-iisip ka na ba sa sagot mo?" Mula sa main door lumabas si Davielle. Nakangisi ito at nakapamulsa habang naglalakad. "Hinanap kita sa buong bahay, nandito ka lang pala. Ano'ng hinihintay mo dito? Tikbalang para itakas ka.""Sira, ano'ng tikbalang ka diyan! Huwag ka ngang manggulo dito, naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha mo," sagot ko at napatakip ng mata."Allergy ka sa gwapo kong mukha? Isipin mo ilang araw na lang magiging daddy o di kaya hubby