LOGINHitting 100,000 followers feels unreal. To my amazing readers, thank you for being my inspiration and my strength. I promise to keep writing stories worth your time and love.
Napatitig si Fiona kay Cassandra na para bang hindi makapaniwala.“Wait,” sabi nito, ibinaba ang hawak na iced coffee. “Pinapirma mo si Zion ng annulment papers?”“Oo.”“At ayaw niyang pumirma?”“Oo.”“Girl, niloloko mo ba ako?” halos pabulong pero intense na tanong ni Fiona. “Akala ko ba eleven months ka pa? Bakit nag-give up ka na?”Napatingin si Cassandra sa kabilang bahagi ng office, kung saan si Chelsea ay abala sa pagpapakilala sa mga empleyado na parang nasa welcome party ito at hindi first day sa trabaho.“Bakit? Ayaw mo ba?”Napakurap si Fiona.“Ayaw? Gusto siyempre. Pero hindi ibig sabihin hindi ako na-shock. I’ve been waiting for you to give up, pero hindi ganito kabilis.”“Then tulungan mo ako.”“Sa annulment?”“Oo.”“Cassey, seryoso ka?”“Tingin mo nagbibiro ako?”Tiningnan siya ni Fiona nang matagal. Sa unang pagkakataon, nawala ang pilyang kislap sa mga mata nito. Parang ngayon lang nito lubos na nakita kung gaano kalalim ang sugat na pilit itinatago ni Cassandra sa lik
Hindi agad nakapagsalita si Zion. Kumunot ang noo nito, tila nasaktan. Iyong klase ng sakit na ayaw niyang makita dahil kapag nakita niya nang matagal, baka maalala niyang mahal pa rin niya ito.“Don’t do that.”“Do what?”“Huwag mong gawing kasinungalingan ang alam kong totoo.”Napangiti siya.“Hindi ba sinabi ko na sa sulat? Kapritso lang iyon. Spoiled brat lang ako. Gusto kitang makuha noon. Nakuha kita. Tapos nagsawa ako,” sabi ni Cassandra.Bawat salita ay lason sa bibig niya, pero mas mabuting siya ang magmukhang masama kaysa manatili si Zion dahil sa guilt.Lumapit si Zion ng isang hakbang.“Stop lying.”Huminga siya nang malalim at inilapag sa desk nito ang resignation copy.“Approve my resignation, Sir James.”The title hit him harder than any slap.“Cassandra.”“Please,” sabi niya, kalmado.“You don’t have to resign.”Hinila ni Zion ang folder na naiwan niya sa mesa kagabi.“At isa pa, hindi ko tinatanggap ang annulment.” Napakurap siya. “Excuse me?”“You’ll be my wife for
Nagkakandarapa si Theo palabas ng executive floor.Hawak niya ang phone sa isang kamay, folder sa kabila, at ang hininga niya ay halos maubos sa bilis ng lakad. Hindi niya alam kung tatawagan ba muna ang drivers, security, airport contacts, o magdasal na lang muna dahil sa tono ni Zion kanina, parang may bombang sumabog.“Find my wife, Theo.”Iyon lang ang paulit-ulit sa tenga niya.Pagdating niya sa lobby ng Silver Lining, muntik na siyang madulas sa sobrang pagmamadali. Hawak na niya ang phone, ready nang magbigay ng utos sa security team, nang bigla siyang napahinto.Parang may humila sa kanya pabalik.Sa harap ng reception area, papasok si Cassandra.Maayos ang buhok. Elegante ang suot. May kaunting makeup ang mukha at tuwid ang tindig. Hawak niya ang isang brown envelope.At lalong hindi ordinaryo ang kaba na biglang sumakal kay Theo.“Ms. Cassandra?” halos mapasigaw ito. Gulat na gulat na parang nakakita ng multo.Napatingin si Cassandra sa lalaki.“Good morning po,” bati niya.
Kinabukasan, nagising si Zion sa lamig ng kabilang bahagi ng kama.Hindi siya agad dumilat.Sa halip, inabot niya ang kamay sa tabi niya, gaya ng nakasanayan nitong mga nakaraang araw. Hahanapin niya sana ang init ng katawan ni Cassandra. Ang maliit nitong katawan na minsan ay nakatalikod sa kanya pero kusang napapalapit kapag madaling-araw na. Ang buhok nitong minsan ay kumakalat sa unan. Ang tahimik na presensiyang hindi niya inaming hinahanap niya tuwing umaga.Wala.Malamig ang kumot at unan.Doon siya dumilat.“Cass?”Tahimik ang kwarto.Umupo siya, bahagyang kumunot ang noo. Baka nasa kusina. Maaga itong gumising minsan. Baka nagluluto. Baka nag-aayos ng gamit.Kakausapin niya ito at ipagtatapat na ang kanyang totoong pagkatao. Kagabi dapat kaso ay mukha itong pagod. At isa pa ay naduwag siya. Hindi niya alam kung paano sisimulan.At natakot din siya sa magiging reaksyon nito.Bumaba ang tingin niya sa sahig.Nandoon ang tsinelas pambahay nito.May kakaibang lamig na gumapang sa
Hindi na alam ni Cassandra kung paano siya nakauwi.Parang gumalaw lang ang katawan niya nang kusa. Bumaba ng elevator. Lumabas ng Silver Lining. Sumakay ng taxi.Pagdating niya sa bahay, ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa labas ng pinto.Dati, tahanan ang tawag niya rito.Pero ngayon, habang binubuksan niya ang pinto, parang iba na ang nakikita niya.Kasinungalingan pala ito.Hindi sila mahirap. Hindi kapos si Zion. Hindi pala ito lalaking kailangang magtipid, magtiis, at magtrabaho nang normal para mabuhay.Pinili nitong bigyan siya ng simpleng buhay para parusahan.Napangiti siya nang mapait.Ang sakit palang malaman na hindi ka naghihirap dahil sa sitwasyon.Naghihirap ka dahil pinili ng taong mahal mo na ilagay ka doon.Pumasok siya sa kwarto at kinuha ang maliit niyang maleta.Hindi siya nagmadali.Isa-isa niyang inayos ang mga damit na sa kanya talaga. Iyong mga dinala niya. Ilang blouse. Ilang dress. Ilang gamit na binili niya gamit ang sariling pera. Skin care. Makeu
Mabuti na lamang at nahawakan si Cassandra ng isang staff bago tuluyang bumagsak sa sahig ang kanyang katawan. Saglit lang siyang nawalan ng malay. Dinala siya sa clinic ng kumpanya.Napatayo siya ng mahimasmasan,“Ma’am, dahan-dahan po.” Mabilis na lumapit ang nurse na nakabantay sa kanya. Kinuha nito ang blood pressure niya.“Mababa po ang blood pressure ninyo baka kaya kayo nahihilo.”Hinawakan niya ang kanyang noo.“Pero ma’am, kailangan po kayong dalhin sa hospital for proper check-up.”Mabilis siyang umiling. “Hindi. Okay lang ako.”“Ma’am, hindi po okay. Nahimatay kayo. Mas safe kung--”“Hindi ako pupunta sa hospital.”Napahinto ang nurse sa tigas ng boses niya.Hindi siya galit sa nurse. Hindi rin siya takot sa ospital. Pero hindi iyon ang kailangan niya.Hindi gamot.Hindi dextrose.Hindi doctor.Ang kailangan niya ay sagot.At sa unang pagkakataon, ang mga sagot ay nasa loob mismo ng building na akala niya ordinaryong pinapasukan lang niya.“Ma’am, tatawag po ako ng kasama n
Tahimik na bumukas ang pinto ng opisina.Napalingon si Maya, mabilis ang tibok ng dibdib. Pero bago pa siya makasagot, dumiretso sa loob si Camille Montemayor, maganda, elegante, pero alam niyang maldita.“Mukhang close na close na kayo ng fiancé ko, Ms. Marasigan.”Matamis ang tono, pero matalim a
Tumayo si Maya at nagpaalam makalipas ang sampung minuto. “I should go.”“Coffee muna. Saglit lang,” pigil ni Lance.“Next time na lang,” putol niya, at lumapit sa pinto. Nang hawakan niya ang knob, sumabay ang biglaang patak ng malakas na ulan sa bintana. “Salamat dito,” aniya, itinaas ang chocolat
“Sino?” tanong ni Lucas.“‘Yung CEO ng TimelessEssence.”Biglang natigilan si Lucas. Saglit lang, pero sapat para mapansin ni Maya.“Teka,” aniyang bahagyang kumunot ang noo. “Parehong-pareho talaga.”“Coincidence lang siguro,” paliwanag ni Lucas, habang binubuksan muli ang isang bote ng essential o
“Kung ganoon,” mabigat ang tinig nito, “pinaplano mo na akong iwan.”“Sir, wala pong papatunguhan ang kasunduang ito. Ayoko pong maging kabit.”“Hindi ka magiging kabit, I’m offering marriage.”“Kailan pa pwedeng magpakasal sa dalawang tao?”Lumapit ito nang dahan-dahan, halos magdikit ang mga labi







