Share

Chapter Five

last update Huling Na-update: 2021-09-23 13:52:03

BAKIT ba kita gagawing ama ng anak ko kung pwede namang ninong na lang?

Damn it! Shit! Gigil na gigil na sabi ni Gray habang biling baligtad sa kama. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay parang naririnig pa niya ang boses ni Hannah, puno ng excitement. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mga mata nitong parang bituin na kumukuti-kutitap. At hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panggigigil dahil alam niyang hindi iyon para sa kanya. 

Shit na shit na shit talaga!

Dapat sana ay makahinga na siya nang maluwag dahil hindi na interesadong magpabuntis sa kanya si Hannah. Ibig sabihin, hindi na masisira ang kanilang pagkakaibigan. Ngunit nang sabihin ni Hannah na pwede namang ninong na lang siya, daig pa niya ang hinagisan ng granada.

Talagang hindi niya kayang isipin na may iba ng gusto si Hannah na maging ama ng anak nito. Nang makita nga niya ang lalaking iyon kung gaano ka-sweet kay Hannah ay parang gusto na niyang magwala. Paano pa kapag nalaman niyang nagtalik ang mga ito?

No way!

Pakiramdam niya'y makakapatay siya kapag nangyari iyon. Ang tagal na panahon niyang iningatan si Hannah. Kung minsan nga ay iniiwan niya ang kanyang ka-date para lang mabantayan niya ito sa mga lalaking nagkakainteres dito tapos ngayon, malulusutan lang siya. Mararahas na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya. Gusto niya talagang mawala ang pagka-badtrip na kanyang nararamdaman. 

Kung malalaman lang ni Silver ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, siguradog ipagpipilitan na naman nitong in-love siya kay Hannah. At tiyak niyang mahihirapan na siyang tumanggi.

Sa kauna-unahang pagkakataon tuloy, tinanghali siya ng gising. Mataas na kasi ang araw nang mapadilat siya. Hindi na nga rin siya sigurado kung anong oras siyang nakatulog. Basta ng magising siya ay dumungaw agad siya sa may bintana. 

Muntik na siyang mapamura nang mahagip ng tingin niya ang mala-Diyosang kagandahan ng isang babae. Ang mapuputi nitong balat at ang mayaman nitong dibdib na kitang-kita dahil may kasikipan ang pang-itaas nitong suot na para lang malapad na bra dahil sleeveless din iyon.

"Shit!" hindi niya napigilang sabihin dahil sa naramdaman niyang paninigas ng isang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi pa siya nakaka-recover sa pagkabiglang nararamdaman niya nang lumingon sa gawin niya ang babae na para bang ini-expect na makikita siya. 

"Good Morning," bati ng babaeng kanyang pinagnanasaan. Pagkatapos ay kumaway pa ito sa kanya na para bang siyang-siya ito sa nakitang pagkakatulala niya. Mabuti na lang at nakatago ang kanyang pang-ibabang katawan kaya hindi nito nabuking kung gaano siyang naapektuhan sa hitsura nito. 

"GB!" sigaw nito na talaga naman nagpagimbal sa kanya. Isa lang naman kasi ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon. 

Muli'y napamura siya dahil tuluyan na niyang nakilala kung sino ang babaeng nakabilad halos ang katawan dahil parang malapad na bra at mahabang panty lang ang suot dahil ngumiti na ito sa kanya ng pagkatamis-tamis -- si Hannah.

-

PARANG gustong magdalawang-isip ni Hannah nang makita niyang muli ang kanyang mga pinamili. Napagtanto niya kasing kapag isinuot niya iyon, kitang-kita na ang kanyang balat. Halos ang maseselang parte na lang kasi ng katawan niya ang itatago nu'ng mga damit na pinili niya.

Kung nabubuhay lang ang mga lola niya'y siguradong makakatikim siya ng kurot sa singit. Pinalaki siya ng mga itong konserbatibo tapos ngayon ay ibibilad niya ang katawan para makuha ang pansin ng isang lalaki. Iyon nga lang, may iba pa ring lalaki na nakakita sa halos hubad na niyang katawan pero wala naman siyang pakialam sa mga ito kaya pakiramdam niya'y hindi naman counted iyon. 

Well, si GB naman talaga ang kanyang target kaya tiyak niyang mapapatawad din siya ng kanyang mga lola. Alam naman kasi niyang boto ang mga ito kay GB kahit magkaibigan lang naman sila. Napabuntunghininga tuloy siya ng muling rumehistro sa kanyang isipan ang relasyon nila ni GB.

Magkaibigan.

Mag-bespren.

Ewan niya kung bakit bigla na lang bumigat ang kanyang kalooban sa salitang iyon. Kahit pa sabihing matalik silang magkaibigan ay hindi pa rin mababago ang katotohanan na hanggang doon lang ang relasyon nila.

Mahal na nga ba niya si GB?

Kung paniniwalaan niya ang sinabi nina Chesca at Oliver, marahil 'oo' agad ang kanyang sagot. Si GB lang naman kasi ang labis niyang pinagkakatiwalaan. Siguro nga dahil lagpas dalawang dekada na niya itong kakilala. Sanay na siyang lagi itong nakikita at nakakasama. Ayaw na niyang mabago pa 'yon. Tiyak niya kasing katakut-takot na adjustment na naman ang kanyang gagawin kaya't ninanais niyang manatili ito sa piling niya habambuhay.

Iyon nga lang ba ang dahilan kaya gusto niyang magkaanak sila ni GB?

Marahil, kung magkakaanak sila ni GB tiyak niyang hindi mapuputol ang kanilang relasyon kahit magkaroon pa ito ng sariling pamilya. Alam niya kung gaano karesponsableng bestfriend si GB kaya nasisiguro niyang magiging responsableng ama rin ito.

"Anong kalokohan ang ginagawa mo?" galit na galit na tanong ngayon sa kanya ni GB. 

Hindi niya napigilan ang mangiti sa galit na nakikita sa mga mata ni GB. Katunayan, inaasahan na niya iyon. Kahit naman kasi weakness nitong nakakakita ng babaeng halos hubad na ay hindi nito gustong makita siya na tumutulad sa mga babaeng iyon. 

"Masama bang mag-exercise?" nagmamaang-maangang tanong niyang ganito ang magiging reaksyon ni GB, hindi niya makuhang mailang man lang. Ang lapad pa nga ng ngiti niya rito.

"Mag-exercise ng halos hubad?" hindi makapaniwalang tanong ni GB.

Biglang naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Ang inaasahan niya ay makikita ang paghanga sa mga mata nito pero hindi iyon ang nababasa niya sa pagtitig ni GB.

"Wala ba akong karapatang magsuot ng ganito?"

"Wala," mariin niyang sabi.

Ayaw sana niyang paniwalaan ang sinabi nito dahil nakita niya sa mga mata ng tenant niyang lalaki ang paghanga sa mga mata ng makita siya. Gayunman, hindi rin niya maitatanggi sa sariling hindi siya kumportable sa kanyang suot.

"Kailan ka pa natutong magsinungaling, bespren," nang-aasar niyang tanong kay GB.

"I'm not lying."

"Ang dami kayang lalaking lumuwa ang mga mata kanina nang lumabas ako ng bahay." Nakangisi niyang sabi nang maalala niya ang reaksyon ng ilan niyang tenant. May narinig pa nga siyang sumipol.

"Hindi naman kasi kataka-taka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito sa kanya. Ngayon lang naman kasi siya nagsuot ng daring. As in sobrang daring.

Sunud-sunod ang murang pinawalan ni GB kaya naman napahagikgik siya. Sa pula kasi ng mukha nito, alam niyang nagagalit ito.

"Hindi ka ba makapaniwala na sexy and hot pala ang bespren mo?" kunwa'y sabi niya sabay nguso. 

"Shut up!"

At bago pa siya muling nakapag-react, hinila na siya nito papasok sa kanyang bahay. Ang lakas ng kanyang pagsinghap nang mapagtanto niya kung anong klaseng paghawak ang ginawa nito sa kanya. Nagkasalikop ang kanilang mga palad. Walang pinagkaiba sa magkarelasyong magka-holding hands.

"Magpalit ka nga ng damit mo," inis nitong sabi sa kanya. Wala pa ring salitang ibig lumabas sa kanyang bibig. Hindi pa rin kasi siya nakaka-recover sa nararamdaman niya nang magdaop ang kanilang mga palad. Pakiramdam niya'y may milyun-milyong boltahe ng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

"Ganito na rin ang iba kong damit. Ang mga luma kong damit, inimpake ko na. Nagdesisyon na akong magpalit ng image."

"Why?"

"Para maakit sa akin ang magiging ama ng baby ko."

"Kung ako lang pala ang aakitin mo, hindi mo na kailangan pang ipakita sa iba ang katawan mo."

"Hindi ikaw ang aakitin ko, 'no," defensive niyang sabi. Siyempre, hindi muna nito kailangang malaman ang totoo hanggang hindi niya nasisiguro na papayag itong maging ama ng kanyang anak. 

Naningkit ang mga mata nito. "Ang lalaking iyon ba?"

Napangiti siya dahil kahit na si GB na ang kanyang kaharap ay rumehistro pa rin ito sa kanyang isipan. "His name is Oliver."

"Gaano mo ba kakilala ang lalaking iyon?" madilim ang mukhang tanong nito. 

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para huwag na mangiti. "Kahapon lang kami halos nagkakuwentuhan at kahit sasandaling oras pa lang parang kilalang-kilala ko na siya. Siguro, kami ang destiny."

"Tigilan mo nga 'yang sinasabi mo."

"Palibhasa, wala kang karoma-romansa sa katawan. Ang alam mo lang, tumira nang tumira."

"Magpalit ka ng damit."

"Wala na nga akong ibang damit."

"Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay kung wala kang matinong damit."

Natawa siya sa sinabi nito. "Kung umasta ka naman parang tatay. Sus, bakit ba nakalimutan kong wala nga palang pakialam sa akin ang sarili kong ama?" wika niya sabay buntunghininga.

"Ako, may pakialam sa'yo. Best friend mo ako."

Hindi na siya kumibo. Naisip niya kasi, maya-maya naman ay aalis na si GB kaya't magagawa na rin niya ang gusto. Gayunman, wala na rin naman siyang balak na lumabas. dahil marami siyang trabahong haharapin. Saka, si GB lang naman talaga ang dahilan kaya gusto niyang magbago ng image.

"I'm not going anywhere," wika nitong parang nabasa ang laman ng kanyang isip. 

"Hindi ka pupunta sa firm mo?" mangha niyang tanong.

"Ayokong alisin ang tingin ko sa'yo. Mahirap na, baka bigla kang mawala," anitong titig na titig sa kanya. "Anong gusto mong breakfast?"

"Ikaw," wala sa loob niyang sabi. Kung bakit ba naman kasi napatitig pa siya kay GB. Muli tuloy niyang napagtanto kung gaano kaguwapo at kamacho ang kanyang bestfriend lalo na't nasilayan niyang muli ang pilyong ngiti ni GB.

"Gusto mo akong kainin. Game!"

"I-ibig kong sabihin, ikaw, a-anong gusto mong kainin?" kandautal pa siya dahil talagang nataranta siya.

Ngumisi ito bago sumagot. "Kapag ba sinabi kong ikaw, papayag kang kainin kita?"

"Manahimik ka," inis niyang sabi dahil sobra siyang naapektuhan sa sinabi nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay kinilig daw oh
goodnovel comment avatar
Dimple
ayiieee konte na lang magakak aminan na............
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
pigil pa gray............
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Four

    NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Three 

    INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Two

    MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-One

    DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy 

    KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Nine 

    "ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Eight 

    SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Seven

    AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Six 

    MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status