Share

Chapter Four

last update Last Updated: 2021-09-22 20:40:34

MUNTIK na mapatalon si Hannah na nakapuwesto sa may bintana nang biglang magsalita si Oliver. "Umakyat pa tayo kung sisilipin mo rin pala si Abo."

"Abo?" taka niyang tanong. 

"Abo -- Gray sa wikang Ingles," natatawa nitong sabi pero hindi niya makuhang mangiti man lang sa corny joke nito. Pagkaraan ay hinarap niya si Oliver na kampanteng nakaupo sa single sofa na gawa sa narra habang umiinom ng juice. "Teka nga pala, anong ginawa mo sa akin kanina sa may sasakyan?"

Natawa ito. "Kung magsalita ka naman parang hinalikan kita, ah."

"Eh, bakit mo nga ginawa iyon? Nakita ni GB 'yong ginawa mo kaya ang talim-talim ng tingin sa'yo. At kung hindi ko lang napigil ang sarili ko, natulak na kita."

Marahang tawa ang pinawalan nito. "Hindi mo naman ako matutulak dahil wala naman talaga akong planong halikan ka. Gusto ko lang makita ni Abo na kunwari'y hinalikan kita para malaman ko kung may pupuntahan nga ba talaga itong palabas natin."

"Ano bang mayroon ang babae na 'yon at hindi pa niya maitaboy?" inis niyang tanong kay Oliver saka umupo sa pandalawahang upuan. Kahit kasi wala na siya sa may bintana ay nag-iinit pa rin ang kanyang ulo. Paano, parang naka-paste na sa kanyang isipan ang mala-lintang pagkakayapos ng babaeng iyon kay GB.

"Sexy at maganda kasi iyong babae."

"Mukha namang pok --," kahit inis siya ay hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil ayaw niyang manira. Ngunit, talaga namang marami itong lalaking nakakasama kaya hindi na siya magtataka kung sasabihin ni GB na hindi naman ito ang nakauna sa babaeng iyon. Kaya lang dahil gentleman si GB, hinding-hindi ito magkukuwento sa kanya tungkol sa sexcapades nito. Talaga kasing babangasan niya ito kapag nagkuwento ng ganoon sa kanya. 

Tinawanan siya ni Oliver. "Selos ka lang."

"Kung umasta ka naman parang close na close tayo," inis niyang sabi rito pero bigla rin siyang natigilan. Alam niyang nasobrahan siya sa pagtataray kaya na-guilty siyang bigla. Kaya, maya-maya ay nag-sorry rin siya rito. 

Humugot ito nang malalim na buntunghininga. Nang tingnan niya ito'y pilit itong ngumiti. "Sabi ko nga sa'yo, may task ako sa pinsan ko. Iyon ay ang tulungan kang pagselosin si Abo."

"Hindi mo naman kailangang sundin ang ang pinsan mo," nahihiyang sabi niya rito. 

Ngumiti ito sa kanya. "Tulad ng sabi ko, may TF naman. Kaya kung tutuusin ay ako rin ang mas makikinabang."

Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ito. Gusto niyang tanungin ito kung kailangan ba talaga nito ng pera para sundin ang 'kalokohan' ng pinsan nito pero ayaw naman niyang ma-offend si Oliver. Kaya, pinili na lang niyang manahimik. Iyon nga lang dahil sa hindi siya nagsasalita ay kung anu-ano naman ang kanyang naiisip. Gaya ng kung anong ginagawa ngayon nina GB at Nicole sa bahay ng kanyang bespren. 

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya kay Oliver pagkaraan.

Kumunot ang noo nito. "Saan?"

"Mag-shopping. Gusto kong mag-makeover."

Lumapad ang ngiti ni Oliver. "Let's go."

"Ngayon na?" gulat niyang tanong. 

"Hindi ko na hihintayin pang magbago ang isip mo. Saka, talagang kailangan mong magpalit ng image para naman mataranta mo ang puso ni Abo," wika nito sabay palakpak.

Mangha siyang napatingin dito. "Are you gay?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Shhh..."

"IKAW, anong drama mo?"

"Saan?" natatawa niyang tanong kay Oliver kahit gets na niya ang tanong nito. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na nagsasabi ng nararamdaman sa bagong kakilala. Kaya lang, magaan ang loob niya kay Oliver. Siguro dahil pinsan ito ni Chesca. Saka, ito ang unang nagbahagi ng damdamin nito sa kanya. Hindi raw kasi nito maamin sa pamilya ang tunay nitong pagkatao dahil ayaw nitong ma-disappoint ang ama nito. Dati raw heneral ang Papa nito kaya magiging kasiraan dito kung malalaman ng lahat na isa itong bading.

"Bakit hindi ka pa nagkaka-bf? Don't tell me dahil kay Abo? Matagal ka ng in love sa kanya?" maarte nitong tanong sa kanya. Nag-out na ito sa kanya kaya hindi na rin nito itinago sa kanya ang tunay nitong tono at kilos. 

"Ayoko talagang ma-in love dahil ayokong ma-broken hearted. Wala naman kasi akong parents na. Hindi dahil sa dedo na sila kung hindi dahil sa mayroon na silang sari-sariling pamilya. Nagpakasal sila hindi dahil sa nagmamahalan sila kundi dahil pinilit sila ng kanilang mga magulang na magpakasal."

"Arranged marriage. Usong-uso talaga 'yan sa mga rich."

Hindi na siya nakapag-komento sa sinabi ni Oliver dahil tumunog na ang kanyang cellphone.

Nang mabasa niya ang BESTFRIEND GB CALLING, napangiti siya. Pakiramdam niya lahat ng tampo niya rito ay naglaho na. Talagang nakatulong ang pagsa-shopping. Kaya, hindi na siya nagdalawang-isip na i-accept ang call ni GB.

"Where are you?" pagalit nitong tanong matapos siyang mag-'hello'.

"Mall."

"Pupuntahan kita. Saang mall?"

Sinabi muna niyang nasa SM Manila siya siya bago niya sinabing, "Kasama ko si --,"

"Susunduin kita."

"Pero --,"

Natigil siya sa kanyang pagsasalita ng senyasan siya ni Oliver na hayaan na lang si GB.

"Papunta na ako dyan. Kaya, pwede paalisin mo na ang kasama mo," inis nitong sabi saka pinutol ang linya.

"So, itutuloy na ninyo ang date." nanunuksong sabi sa kanya ni Oliver.

Hindi man niya tunay na ka-date si Oliver, sobra pa rin siyang nahiya nang sabihin niyang susunduin siya ni GB. Sa halip na ma-offend, ang lawak pa ng ngiti nito. Ang sabi'y umipekto raw ang kanilang gimik. Dapat sana talaga ay matuwa siya pero di niya makuhang mangiti man lang dahil madilim ang anyo ni GB nang dumating sa mall.

"Ang dami mong pinamili, ah," pansin nito pero wala pa rin itong kangiti-ngiti.

"Ngayon lang kasi ako nag-shopping," kunwa'y balewala niyang sabi kay GB. Hindi pa rin niya pinansin ang malamig na pakikitungo nito kay Oliver.

Hinintay muna kasi ni Oliver na dumating si GB bago ito umalis. Siyempre, bahagi iyon ng 'drama' nito. Kaya naman nang makita ni Oliver na palapit si GB, naging extra sweet ito sa kanya at inilapit sa bibig niya ang straw sa orange juice na iniinuman naman talaga niya.

Matapos kasi niyang mamili ng mga bagong damit at sapatos, niyaya muna siya ni Oliver na kumain muna sa Shakey's. Natuklasan niya na paborito rin pala nito ang pizza. Bigla tuloy niyang na-miss si GB habang kumakain siya. Kapag nagba-bonding kasi sila ay palaging pizza ang kanilang pinagsasaluhan.

"Bakit ba naisipan mong mag-shopping?" malamig pa ring tanong nito habang bitbit ang pitong plastic bag.

Hindi niya napigilan ang mangiti dahil hindi siya nito hinayaang magbitbit. Para tuloy kinilig siya sa gesture ni GB. Pakiramdam kasi niya'y itinuturing siya nitong prinsesa.

Bigla lang siyang natigilan nang maisip niyang gentleman naman talaga si GB. Lagi nga itong nakaalalay sa kanya pero hindi niya iyon napapansin. Ngayon lang.

Dahil sa'yo, iyon sana ang gusto niyang isagot sa tanong ni GB. Ayaw na kasi niyang balikan ang inis na naramdaman nu'ng makita niyang nakayakap ang babaeng iyon kay GB. "Nasa mood lang akong gumastos,"wika niya sabay hagikgik nang nasa loob na sila ng Space Wagon pero wala pa ring nababago sa hitsura nito.

"Nasa mood gumastos o nasa mood na iwasan ako?" sarkastikong tanong nito sa kanya.

"I'm sorry," sabi na lang niya pagkaraan.

"You should be," inis niyang sabi sa kanya pero kahit naka-start na ang sasakyan, hindi pa rin nito nagawang paandarin iyon. Nanatili lang nakatingin si GB sa daan. "Masyado mo ako pinag-alala."

"Sobra kasi akong nahiya sa'yo."

"Narinig mo ba 'yang sinabi mo, Hanna Marie?" Nang hindi siya kumibo, muli itong nagsalita. "Bestfriend mo ako. Six years old pa lang tayo, magkakilala na pero nahiya ka pa sa akin."

"Sobra naman kasing nakakadiri ang hinihingi kong birthday gift sa'yo. Parang hindi ako nag-isip." Nakangiwi pa niyang sabi pagkaraan.

He laughed.

Dapat makaramdam siya ng kasiyahan dahil parang balewala na rito ang nangyari pero para pa ring may kumurot sa kanyang puso. Para kasing sinasabi nu'n na balewala siya rito bilang babae. Kunsabagay, hindi niya ito masisisi kung one of the boys din ang tingin nito sa kanya dahil puro maluluwag na t-shirt at puruntong short ang madalas niyang isuot pa ang madalas niyang isuot kapag nasa bahay. Kung aalis naman siya'y t-shirt, maong pants at rubber shoes ang kanyang suot.

"Kalimutan mo na 'yon."

"Talaga," mariin niyang sabi. "Kung pwede nga lang ma-delete sa memory natin ang eksenang iyon, idi-delete ko na."

"Ayaw mo na akong maging tatay ng anak mo?" nanunudyong tanong nito sa kanya.

Shucks, bulalas niya ng bigla itong lumingon sa kanya. Kung kanina kasing naka-sideview ito at madilim na madilim ang mukha'y ang guwapu-guwapo na nito sa kanyang paningin, ngayong humarap ito sa kanya at ngumiti nang pagkatamis-tamis, anghel na ang tingin niya rito. Maamo naman kasi talaga mukha ni GB.

"A-ayoko na," sabi niya kahit na ang gusto naman niya talagang sabihin ay 'gustung-gusto niya'. Tiyak kasi niyang kapag ang mga salitang iyon ang ibubulalas niya ay may tendensiya na masira ng tuluyan ang kanilang pagkakaibigan. "Naisip ko kasing bakit ba kita gagawing ama ng anak ko kung pwede namang ninong na lang."

"Damn," buwisit na sabi ni GB saka pinaharurot ang sasakyan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
From daddy to ninong. Real quick yon ah hahahahaha 🥹
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
Kala ko magkakaroon na talaga ng karibal si Gray, omg chapter 4 palang ang dami ko na agad nalaman.🫣
goodnovel comment avatar
Mabel Vieron
witty din pala 'to si Oliver eh Hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Four

    NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Three 

    INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-Two

    MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy-One

    DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Seventy 

    KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Nine 

    "ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty-Eight 

    SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Seven

    AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n

  • Lover ko si Bespren   Chapter One Hundred Sixty Six 

    MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status