Tahimik ang ospital ngayong araw. Walang kaguluhan. Walang sigawan. Walang kahit anong dapat ikabahala. Pero sa loob ko, parang may lindol. Sa una, mahina lang pero habang tumatagal, palakas nang palakas na sumabay din sa pagbagal ng aking hakbang. Nakatayo na ako sa hallway ng ward 511. Hawak ko ang chart at paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng bagong pasyente—Crisanto R. Villanueva. Isang simpleng pangalan. Ngunit pamilyar. Pinilit kong isawalang bahala ang nararamdaman ko. Pinilit na hindi ininda ang emosyong parang naghihintay na sumabog. Bumuga ako ng hangin. Mapait na ngumiti. Isa lang siyang pasyente. Isa lang dapat sa marami kong inaalagaan. Binasa ko ang buong detalye ng pasyente—67 years old, post-operative patient from gallbladder surgery, stable condition. Galing sila sa probinsya. Huminga ako nang malalim. Nagbilang ako. Hinanda ang sarili bago lumapit sa pintuan ng kuwarto. Hawak ko na ang doorknob, ngunit hindi pa ako handang pumasok. Napatingin din ako sa kama
“Sa wakas. Tapos na,” sabi ni Cherry pagkarating namin sa bahay. Kanina, habang nasa kotse kami, tahimik lang siya. Yakap ang braso ko, nakasandal ang ulo sa aking balikat, at panay ang buntong-hininga.Maging ako ay tahimik din. Oo, tapos na nga ang lahat, pero ang tensyon… ang mga nasaksihan namin kanina, at ang epekto ng ginawa nina Anthony at Grace, ay hindi pa rin nawawala. Sariwa pa rin sa aming alaala.“Pagbabayaran na nila ang kasalanan nila…” sagot ko nang makarating kami sa balcony.Mahigpit na yakap na lang ang isinagot ni Cherry. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko, dinadama ang katahimikan ng paligid. Tanging tunog ng mga dumaraang sasakyan, ihip ng hangin, at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.Hinaplos ko ang likod niya. Ilang beses ko na kasing naramdaman ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahil, katulad ko, hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga naganap.Hinaplos ko ang buhok niya, saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo. “Cherry…” Tumingala siya. Tumit
“Kanina ka pa?” Kabadong tanong ni Cherry na malungkot na titig ang sagot.Hindi rin ako umimik. Lalong bumakas ang kaba at pag-aalala sa mukha niya. Malamang iniisip niya na narinig ko ang usapan nila.“Mag-usap muna kayo…balik na ako kay Liza,” sabi naman ni Riza at dali-daling lumabas ng clinic.Katahimikan ang sumunod sa pagsara ng pinto. “Reynan…” Lumapit sa akin si Cherry. “Hindi ako sumagot. Wari'y nabibingi sa lakas ng tibok ng aking puso. Tumitig ako sa kanya. Malamlam ang ilaw sa clinic, ngunit sapat na iyon upang mabasa ko ang emosyon sa mukha niya—guilty, takot, pangamba.“Bakit ka naglihim?” Malalim ang boses kong tumawid sa pagitan namin. Napakunot ang noo niya, ngunit hindi na siya nagtangkang ikaila pa. “Reynan…sorry…” “Sabi mo, mag-asawa tayo, kung may problema, dapat dalawa tayong lalaban—dalawa tayong lulutas?” Bumaba ang tingin niya, at tila may mabigat na bagay na bumagsak sa balikat niya. Marahan siyang lumapit sa akin. Huminga siya ng malalim. “Ayoko lang..
Napabuga ako ng hangin paghinto ng kotse. Kinalma at siniguro kong walang makikitang bakas ng lungkot sa mukha ko nang pumasok ako ng bahay. Napangiti naman ako nang madatnan ko si Reynan sa living room. Nakasandal siya sa sofa, hawak ang isang mug ng kape, habang matamis ang ngiti sa akin. “Hi, asawa ko? How’s your day?” Nilapag niya ang tasa at lumapit sa akin. Agad naman akong yumakap sa kanya habang ang tingin ay sa dibdib niyang sadya yatang ibalandra sa akin dahil nakabukas ang tatlong butones, revealing just enough to tease.Ngumiti siya, inilapit ang mukha sa aking tainga, sabay tanong, “mas gusto mo yatang titigan ang dibdib ko kay sa mukha ko…” Hinalikan niya ako sa leeg na ikinahagikhik ko dahil sa kiliti.“Lahat gusto kung titigan…” Kagat ng ibabang labi ang tumapos sa pagsasalita ko na ikinakislap ng mga mata niya. “Gano’n ba?” Hinapit niya ang baywang ko. “Reynan…” Bahagya ko siyang itinulak, hinawakan ang kamay niya at hinila siya paupo sa sofa na sumabay sa aking b
Maaga akong pumunta sa hospital, gusto pa sana akong ihatid ni Reynan, pero hindi na ako pumayag. Alam ko may meeting na naman siya. At saka, plano ko ngang kausapin ang director, kaya hindi pwedeng kasama ko siyaa ngayon. Ngayon nga ay nandito na ako sa labas ng office ni Mr. Norman. Kumatok muna ako ng isang beses bago pumasok.“Good morning, Mr. Norman,” bati ko sa may katandaan naming boss. “Good morning, Doktora Villafuerte,” bati nito at iminuwestra ang kamay sa upuan na katapat ng inuupuan niya. Nagpasalamat ako at umupo. “Mr. Norman, tungkol po sa mensahe ko sa inyo kahapon,” simula ko na ngiti naman ang sagot nito. “Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo sa bata, pero masaya ako na may isang doktor na gaya mo na nagmamalasakit.” Ngumiti ako. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga ang dahilan ko sa pagtulong sa bata. Wala rin akong intensyon na pati siya ay madamay sa aming problema ni Reynan.“Bilang doktor po, masaya akong makatulong sa mga nangangailangan.”“Alam mo,
Nanlalamig ang palad ko habang nakasiksik sa sulok ng madilim at tahimik na restroom. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking puso. Dumadagundong sa maliit na espasyong kinasiksikan ko.Napigil ko ang aking hininga, takip ang mga palad sa aking bibig habang nakatingin sa marahang pag-ikot ng doorknob. Ni kaunti, hindi ako gumalaw. Naipikit ko ang aking mga mata nang kaunting bumukas ang pintuan.“God…” Tamihik kong tawag sa panginoon habang pigil pa rin ang hininga. Napakapit ako sa lababo. Tila tumigil din ang oras habang nakikiramdam sa galaw sa labas.“Sigurado ka bang dito siya pumasok?” tinig ni Grace pino ngunit may bakas ng pagkainis.“Wala na sa hallway, dito lang siya pwedeng magtago,” sagot ni Anthony, kalmado ngunit may halong iritasyon. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib.“Sigurado ka bang tao ang nakita mo? Baka namamalikmata ka lang—” sabi ni Anthony na pinutol sa biglang pag-ring ng cell phone.“Tara na nga…” iritan