Share

Kabanata 66

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2025-06-01 22:55:36

Tahimik ang ospital ngayong araw. Walang kaguluhan. Walang sigawan. Walang kahit anong dapat ikabahala. Pero sa loob ko, parang may lindol. Sa una, mahina lang pero habang tumatagal, palakas nang palakas na sumabay din sa pagbagal ng aking hakbang.

Nakatayo na ako sa hallway ng ward 511. Hawak ko ang chart at paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng bagong pasyente—Crisanto R. Villanueva. Isang simpleng pangalan. Ngunit pamilyar.

Pinilit kong isawalang bahala ang nararamdaman ko. Pinilit na hindi ininda ang emosyong parang naghihintay na sumabog.

Bumuga ako ng hangin. Mapait na ngumiti. Isa lang siyang pasyente. Isa lang dapat sa marami kong inaalagaan.

Binasa ko ang buong detalye ng pasyente—67 years old, post-operative patient from gallbladder surgery, stable condition. Galing sila sa probinsya.

Huminga ako nang malalim. Nagbilang ako. Hinanda ang sarili bago lumapit sa pintuan ng kuwarto.

Hawak ko na ang doorknob, ngunit hindi pa ako handang pumasok. Napatingin din ako sa kama
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! maypinagdaanan Pala si Cherry dahil sa taksil niyang Ama na Ngayon ay may sakit na karma sa ginawang pag-iwan nila nuon,kaya masmabuti Yan Yan na nagpakita para Malaman Kong àno Ang dahilan nya sa paghiwan ya at sana katanggaptanggap Ang reason nayon
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 68

    “Cherry…ikaw na ba ‘yan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang tanong na ‘yon. Wala akong intensyon na lumingon, pero nagkusang gumalaw ang katawan ko. Bahagyang pumihit sa pinagmulan ng tinig na ‘yon.Halos mapigil ko ang hininga ko nang bumungad sa akin si Crisanto—nakaupo sa wheelchair na tulak ni Emalyn. Tumitig siya sa akin—titig na parang may gustong sabihin—maraming ibig sabihin. Malinaw ‘yong tanong niya kanina na umuulit sa isipan ko, ngunit hindi ko masagot. Wala akong maintindihan sa kung ano ang nangyayari ngayon. Gusto kong magtanong, pero maski ang pagbuka ng aking bibig ay hindi ko na magawa. Sa likod nila, tahimik na nakahanay ang kanyang pamilya. Si Emelda, at ang dalawa pa nilang anak.Lahat sila nakatingin rin sa akin. At katulad ko, lahat sila ay tahimik. Lahat sila, may tingin na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin.At sa totoo lang, para na akong nasasakal sa titigan at katahimikan naming lahat. Ang daming tanong ang biglang lu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 67

    Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng hallway ng ospital, dala ang clipboard ni Crisanto Villanueva.Paminsan-minsang ko ring binubuka ang bibig ko, makahinga lang ako ng maayos. “Doctor Cherry, okay ka lang ba?” tanong ni Nurse Lea habang kasabay ko.Napangiti ako ng pilit. “Ayos lang ako.”Pero sa loob-loob ko, ang bigat. Para akong nakabaon sa buhangin. Ramdam na ramdam ko ang pressure sa aking dibdib. Paano ba naman…papunta na naman ako sa kwarto ng taong ayaw ko na sanang makita buong buhay— ang taong dahilan kung bakit muling namayani ang sakit ng sugat ng pag-abandona sa akin.Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.Pagkapasok ko, una kong nakita ang isang babae, nakaupo sa tabi ng kama. Nakatagilid ito, naghihiwa ng mansanas.“Nasaan pala ang Mama mo?” Saktong ‘yon ang narinig ko, pagpasok ko.Isang mapait na nangiti ang muntik nang sumilay sa labi ko. Makita ko ba naman ang aking kapatid—kapatid sa ama na ako lang ang nakakaalam.Tumayo naman ang babae, ngumiti sa akin pero

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 66

    Tahimik ang ospital ngayong araw. Walang kaguluhan. Walang sigawan. Walang kahit anong dapat ikabahala. Pero sa loob ko, parang may lindol. Sa una, mahina lang pero habang tumatagal, palakas nang palakas na sumabay din sa pagbagal ng aking hakbang. Nakatayo na ako sa hallway ng ward 511. Hawak ko ang chart at paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng bagong pasyente—Crisanto R. Villanueva. Isang simpleng pangalan. Ngunit pamilyar. Pinilit kong isawalang bahala ang nararamdaman ko. Pinilit na hindi ininda ang emosyong parang naghihintay na sumabog. Bumuga ako ng hangin. Mapait na ngumiti. Isa lang siyang pasyente. Isa lang dapat sa marami kong inaalagaan. Binasa ko ang buong detalye ng pasyente—67 years old, post-operative patient from gallbladder surgery, stable condition. Galing sila sa probinsya. Huminga ako nang malalim. Nagbilang ako. Hinanda ang sarili bago lumapit sa pintuan ng kuwarto. Hawak ko na ang doorknob, ngunit hindi pa ako handang pumasok. Napatingin din ako sa kama

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 65

    “Sa wakas. Tapos na,” sabi ni Cherry pagkarating namin sa bahay. Kanina, habang nasa kotse kami, tahimik lang siya. Yakap ang braso ko, nakasandal ang ulo sa aking balikat, at panay ang buntong-hininga.Maging ako ay tahimik din. Oo, tapos na nga ang lahat, pero ang tensyon… ang mga nasaksihan namin kanina, at ang epekto ng ginawa nina Anthony at Grace, ay hindi pa rin nawawala. Sariwa pa rin sa aming alaala.“Pagbabayaran na nila ang kasalanan nila…” sagot ko nang makarating kami sa balcony.Mahigpit na yakap na lang ang isinagot ni Cherry. Kinulong ko naman siya sa mga bisig ko, dinadama ang katahimikan ng paligid. Tanging tunog ng mga dumaraang sasakyan, ihip ng hangin, at kaluskos ng mga dahon ang maririnig.Hinaplos ko ang likod niya. Ilang beses ko na kasing naramdaman ang kanyang pagbuntong-hininga. Marahil, katulad ko, hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang mga naganap.Hinaplos ko ang buhok niya, saka dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo. “Cherry…” Tumingala siya. Tumit

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 64

    “Kanina ka pa?” Kabadong tanong ni Cherry na malungkot na titig ang sagot.Hindi rin ako umimik. Lalong bumakas ang kaba at pag-aalala sa mukha niya. Malamang iniisip niya na narinig ko ang usapan nila.“Mag-usap muna kayo…balik na ako kay Liza,” sabi naman ni Riza at dali-daling lumabas ng clinic.Katahimikan ang sumunod sa pagsara ng pinto. “Reynan…” Lumapit sa akin si Cherry. “Hindi ako sumagot. Wari'y nabibingi sa lakas ng tibok ng aking puso. Tumitig ako sa kanya. Malamlam ang ilaw sa clinic, ngunit sapat na iyon upang mabasa ko ang emosyon sa mukha niya—guilty, takot, pangamba.“Bakit ka naglihim?” Malalim ang boses kong tumawid sa pagitan namin. Napakunot ang noo niya, ngunit hindi na siya nagtangkang ikaila pa. “Reynan…sorry…” “Sabi mo, mag-asawa tayo, kung may problema, dapat dalawa tayong lalaban—dalawa tayong lulutas?” Bumaba ang tingin niya, at tila may mabigat na bagay na bumagsak sa balikat niya. Marahan siyang lumapit sa akin. Huminga siya ng malalim. “Ayoko lang...

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 63

    Napabuga ako ng hangin paghinto ng kotse. Kinalma at siniguro kong walang makikitang bakas ng lungkot sa mukha ko nang pumasok ako ng bahay. Napangiti naman ako nang madatnan ko si Reynan sa living room. Nakasandal siya sa sofa, hawak ang isang mug ng kape, habang matamis ang ngiti sa akin. “Hi, asawa ko? How’s your day?” Nilapag niya ang tasa at lumapit sa akin. Agad naman akong yumakap sa kanya habang ang tingin ay sa dibdib niyang sadya yatang ibalandra sa akin dahil nakabukas ang tatlong butones, revealing just enough to tease.Ngumiti siya, inilapit ang mukha sa aking tainga, sabay tanong, “mas gusto mo yatang titigan ang dibdib ko kay sa mukha ko…” Hinalikan niya ako sa leeg na ikinahagikhik ko dahil sa kiliti.“Lahat gusto kung titigan…” Kagat ng ibabang labi ang tumapos sa pagsasalita ko na ikinakislap ng mga mata niya. “Gano’n ba?” Hinapit niya ang baywang ko. “Reynan…” Bahagya ko siyang itinulak, hinawakan ang kamay niya at hinila siya paupo sa sofa na sumabay sa aking b

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status