Share

Chapter 41

Author: Yarnie
last update Last Updated: 2025-07-04 21:47:25

Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon.

“Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone.

“Hello?”

“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”

“Okay naman.”

“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”

[Kinabukasan]

Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table.

Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”

Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”

Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 49

    “Bakit pala nandito si Kev?” tanong ni Hannah, dina-divert ang usapan. “Nag-aaya ng kasal,” tamad kong sagot. Nanlaki ang mata niya at napanganga. Umupo si Sol sa harapan namin, yakap-yakap ang isang box. “Ano ulit sabi mo? Hindi ko narinig,” sambit ni Sol. Sumandal siya sa sofa at ni-relax ang likuran niya. “Sabi ko nag-aaya magpakasal si Kev,” pag-uulit ko sa sinabi. Tila nawala ang lahat ng pagod niya at lumingon siya sa direksyon ng lalaki. “Seryoso Kevin?! Inaaya mo talaga magpakasal ang kaibigan ko?”Tumingin sa amin si Kev. “Oo,” natatawa niyang sabi. Binuhat niya si Mina at lumapit sa amin. Tumabi ito sa akin. Ako lang naman ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Kevin. Sina Solene ay walang alam. Hindi nga rin nila mahalata, e. "Wow! Approve agad! ’Di ba, Hannah?”Tumango-tango si Hannah. “Oo. Approve ka na agad sa amin. Wala kang dapat pang alalahanin kung suporta namin ang kailangan mo.”Nahihiyang tumango si Kevin sabay tingin sa akin at tinaas baba ang kilay niya.

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 48

    Nagbabasa ng dyaryo si Teru nang dumaan ako sa harapan niya, dala-dala ang isang tray na puno ng dede ni Mina. Ibinaba niya ang binabasang dyaryo at sumunod sa akin. Nilapag ko ang tray sa lababo. Pinunasan ko ang lamesa sunod ang lababo. Sumandal siya dito. "Ano ba ’yon?” tanong ko. “Kanina ka pa nakasunod.”“Wala pa bang dumadating na parcel mo?”Kumunot ang noo ko. “Wala naman akong ino-order online. Bakit? Um-order ka rin ba gamit pangalan ko?” “Ha?”“Um-order ka rin ba kako gamit ang pangalan ko?”“Bakit ko naman gagawin ’yon?”"Hindi ko alam. Sina Sol at Hannah ganoon ang ginagawa, e.”Kumunot ang noo niya. “Hindi ka manlang nagtanong kung bakit?”“Hindi na. Sure naman akong hindi nila gagamitin sa mali ang pangalan ko, e.”“Hindi mo ba naisip na baka may tinatago sila sa ’yo?”“Bakit ikaw? Sa tingin mo ba wala ka ring tinatago?”Hindi siya sunagot bagkus ay lalo lamang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa malayo at biglang napamura. Dali-dali siyang umalis sa pwesto at luma

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 47

    Miya's POV Payapa na ang gabi nang makarinig ako ng mahihinang sigawan mula sa kusina. Tahimik ang paligid kaya kahit ang mga kaluskos ay maririnig mo. Inalis ko ang nakabalot na kumot at dahan-dahang umalis sa higaan. Ayokong magising si Mina. Umalis na ako sa higaan at naglakad papunta sa kusina. Maliliit lamang ang hakbang ko at tahimik. Ayokong makakuha ng atensyon. Sinilip ko kung sino ang nag-uusap at nakitang magkakaharap sina Teru, Hannah at Solene.May tinitimplang kape si Hannah samantalang may kinakain namang vegetable salad si Solene. Si Teru naman ay inaayos ang tea bag sa baso niya. Lalapit na sana ako ng magsalita sila, pero hindi ko marinig. Lumapit pa ako para marinig ko ang usapan nila. Nagtago na rin para hindi nila mapansin. May ilang kaluskos pero nawala ang mga boses. Kumunot ang noo ko. Bakit nanahimik bigla?Sumilip ako at nakita silang tatlo na masama ang tinginan sa isa’t isa. Nagpapaligsahan ba sila kung sino ang pinakamatalas tumingin? Ay, paniguradong p

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 46

    “Anong nangyari? Bakit kayo nag-iiyakan diyan?” pabirong sabi ni Kevin, bigla na lamang siyang sumulpot sa kung saan. May hawak pa siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. “Dada!” masiglang bati ni Mina sa kaniya. Pinantayan niya si Mina. “Heto ang ice cream ni baby Mina.” Tumingin sa akin si Mina. Nakangiti akong tumango. Inabot naman ito agad ng bata sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot naman ni Kevin sa akin ang ice cream. “Para naman sa pinakamagandang Nanay.”Natawa ako. “Nauwi ka lang dito, nambola ka na. Hindi ka naman ganiyan sa Maynila,” sabi ko at kinuha na rin sa kaniya ang ice cream. Ngumisi siya. "Siyempre. Kaharap ko ba naman ang pinsan mo. Ang init kaya ng dugo sa akin no’n, girl!”Nasamid ako at masamang tinignan siya. “Ginagawa mo na naman akong shield. Iyong totoo, nahuli ka ni Ma'am na may katawagang lalaki no?”Napakamot siya sa ulo niya. “Oo. Binantaan pa nga akong hindi na raw ako makakaalis dito sa isla kapag hindi ako tumino.” Lumabi siya. “Kaya may naisip

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 45

    Miya's POVDahil maaga kaming nakauwi, maaga ko ring naayos ang mga kailangang papeles ni Mina sa pag-enroll. Tinulungan pa nga ako ng Mama ni Kevin dahil wala akong alam sa ganito. Mabuti na lang talaga at nag-aya ng maaga si Sol, kung hindi ay baka hindi na nakaabot sa enrollment ang anak ko.Alam kong maaga pa para papasukin siya pero kailangan ko na rin kasing maghanap ng trabaho. Kapag nasa school si Mina, papasok muna ako. Para naman may pandagdag gastos at ipon kami. Hindi naman pupuwedeng habang buhay na lang akong umasa kay Teru at Sol sa mga bayarin dito. Nahihiya na rin ako dahil palaging sila ang nagbabayad. May minsan pang sila ang nagbibigay ng pera sa akin. May maliit naman akong nakukuha sa pagtuturo ko online pero hindi iyon sapat para bumukod ng gastos.Hawak-hawak ko ang maliit na kamay ni Mina habang naglalakad kami papunta sa school niya. Buhangin ang nilalakaran namin kaya ang bagal naming lumakad. Isama mo pang nilalaro ni Mina ang paa niya. Pinanatili nitong

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 44

    Hannah's povTahimik kong inaayos ang mga gamit. Tinutupi ko na ang mga damit at nilalagay sa maleta ng maayos. Nagtatawanan pa sina Teru at Lucas nang pumasok sa loob. “Nasaan sina Sol? Nakabihis na ba?”“Wala na ang gamit nila rito,” sagot ko. Kumunot ang noo niya. Nabahala ang mukha ni Lucas. Tinignan ni Teru ang kwarto pero malinis na lahat. Pati ang mga maleta nina Miya ay wala na rin.“Nasaan sila?”“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?” mahinahon kong tanong. Tumayo na ako at hinarap sila. “Ano bang sinabi mo kay Sol nong umaga?”Iniwas niya ang tingin sa akin. Nilabas niya ang cellphone at dinial ang number ni Miya. “Wala ring silbi iyan dahil hindi naman nila sinasagot,” sabi ko. Hindi siya nakinig. Tinawagan niya pa rin ng paulit-ulit. “The number you have dialed is un—”Napaupo si Teru at minasahe ang sintido. Bumuntong hininga si Lucas. Huminga ako ng malalim. Gusto kong kalmahin ang namumuong inis sa katawan ko. Sigurado akong wala na kanina pa lang sina Miy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status