Share

Chapter 8

Author: Yarnie
last update Last Updated: 2025-05-23 18:34:20

Namumula ang buong mukha niya, magulo ang buhok, sinabayan pa na maypagka-kulot at buhaghag ang buhok niya.

“Hannah, alam mo namang buntis ako. Ayoko namang maging ganiyan kasabig magiging itsura ng anak ko,” sabi ko pagkatapos ko siyang abutan ng tubig.

Matamlay siyang ngumiti tumingin sa akin. “Buntis ka nga pala. Bawal ka mag-inom.”

Kumunot ang noo ko. “Nakita mo na ngang buntis ang tao.” Umupo ako sa tabi niya. “Si Lucas nga hindi pa ako pinapayagan bumili ng ubas at baka raw malasing ako. Hindi naman ang pagkain ng ubas ang nakakalasing. Para namang hindi dadaan sa proseso iyong ubas para maging alak.”

Nginitian lang ako ni Hannah. Umalis din siya agad matapos kong magkwento. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam ko sa awra niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Teru. Hihikab-hikab pa siya ng sagutin niya ang tawag.

“Ano ba ’yon? Kung sasabihin mong hindi ka pupunta sa kasal, bababa ko na ’tong tawag.”

“Hindi! Tungkol ’to kay Hannah.”

“Ano namang pro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 41

    Kasalukuyan kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ni Teru. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Kevin, ang anak ng may-ari ng isla na tinutuluyan namin sa loob ng tatlong taon. “Hello? Napatawag ka?” panimula ni Teru. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay iniabot sa akin ang cellphone. “Hello?”“Hey, Miya. Kumusta kayo diyan?”“Okay naman.”“Do you mind getting a plus one tomorrow to celebrate Mina's birthday?”[Kinabukasan]Tinataas baba ni Solene ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Dinig na dinig ko pa ang impit niyang tili habang kumakain ng chocolate cake. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng table. Nilapit ni Hannah sa akin ang sarili niya at bumulong. “Nanliligaw na ba sayo ’yan at napunta pa rito?”Nanlaki ang mata ko at matigas na umiling-iling. “Ano ba ’yang iniisip mo? Hindi, a!”Ikinibit niya ang labi sabay tango. “Okay. Magpapanggap na lang ako na hindi tunog in-denial ang boses mo.” Nagkibit balikat siya. “Sa bagay, mas gugustuhin ko namang siya na ang kasa

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 40

    “Sol,” mangiyak-ngiyak ako. “Hindi ko alam kung nasaan ako. Si Mina hindi ko rin mahanap bigla siyang nawala sa hawak ko. Kanina lang nasa tabi ko siya pero ngayon—” Humikbi ako. First time lang nangyari sa amin ito at hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng hanapin. First time ko na lang din mapunta sa lugar na ito at wala akong kaalam-alam kung saan siya unang hahanapin. Sa mga coffee shop? Sa playground? Sa fast food? Sa mga nagbebenta ba ng mga street food? Sa mga bazaar? Saan? Ang daming shop. Ang daming kanto na puwedeng puntahan. Paano na lang kung na-kidnap pala siya? Paano kapag kinuha nila ang organs ng anak ko?! O kaya ay tinali nila ito at ginutom? Paano kung...tutukan nila ng baril at patayin?! Paano kung—Dinig na dinig ko ang pagmumura ni Teruya sa kabilang linya na nakaagaw ng pansin ko. “This is what I'm talking about! Ayan na nga at nangyari na!” sigaw ni Sol sa kabilang linya. “Anong gagawin ko? Tatawag na ba ako ng mga pulis para hanapin siya? Maghahanap na ba

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 39

    “I really don't get it why you approved of it!” naiinis na sabi ni Sol habang hitak-hitak ang maleta niya. “Kailan ka ba titigil? Kanina ka pa talak nang talak,” naiinis na ring sagot ni Teruya habang kinakalikot ang tenga. Rinding-rindi na yata sa kakasalita ni Solene. Nanahimik ako. Ako naman may kasalanan kung bakit sila nag-aaway. Pero ikinikibit-balikat ko na lang dahil masaya at ngitingiti si Mina. Naupo muna kami ni Mina sa couch sa loob ng lobby. Sina Solene at Teruya naman ang dumiretsyo sa front desk. Mula rito at kitang-kita ko pa rin ang busangit na mukha ni Solene at ang nakakunot na noo ni Teruya. Iyong kumakausap tuloy sa kanila mukhang natatakot dahil sa mga itsura nila. Ilang saglit pa ay lalong umasim ang mukha ni Solene nang may lumapit sa kanila na lalaki at kumausap kay Teruya. Nakasuot ito ng black suit at may hila-hila ring maleta. Sa likod niya ay may nakasunod pang dalawang lalaki na nakasuot din ng black suit. “Mommy kailan po magpapakasal sina Tito Ter

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 38

    [ Three Years After]Miya's POV Pumapalakpak ako habang nakangiting nakatingin kay Mina. Magtatatlong taon na siya sa susunod na linggo, at ngayon pa lang siya nakalakad! Nauna kasi ang pagsasalita niya kaysa sa paglalakad. Sabi nila anak ko raw si Mina. Hindi rin naman ito maitatanggi dahil kuhang-kuha nito ang lahat ng facial features ko. Magmula sa mata, kilay, iling at labi. Pero ang kutis niya ay mala-gatas, iba sa amin ni Teruya na morenang-morena ang kutis.Kahit na ganoon, na wala man akong maaalala, at kahit na hindi ko man alam kung sino ang ama. Gusto ko pa ring mahalin si Mina at ibigay ang lahat sa kaniya. Sabi ng doctor kaya mabagal ang proseso ni Mina sa mga bagay-bagay, side effects daw ito dahil maaga ko siyang pinanganak. Magiging okay naman ang lahat, masanay lang daw dapat si Mina. Pero wala naman akong makitang mali sa bata. Normal ito sa paningin ko at hindi kailanman naging abnormal sa mata ng iba. Wala man akong matandaan pero napaka-espesyal ng bata sa akin

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 37

    Solene's POV“Kumusta po ang kaibigan ko at ang baby niya?”“Matagumpay po ang operasyon pero sa ngayon hindi ko po masasabi kung matagumpay nga. We still need a week for more observation kay patient.”“Nailigtas po ba silang pareho?”Ngumiti ang doctor at dahan-dahang tumango. Napahawak ako sa dibdib ko at napaatras ng kaunti. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nalaman. “Kailan po magigising si Miya?”“Maybe later or tomorrow. As of now, kailangan lang po natin maghintay. If you'll ask about the baby, okay ang bata pero kailangang ilagay siya sa incubator lalo na at anim na buwan at kalahati pa lamang po siya sa tiyan ng mommy niya,” sagot ng doctor. “After po mailagay sa sariling room ang patient at si baby sa NICU, we can proceed sa procedures and mga needs na kailangan pa nila. So, if you may excuse me.”Nagyakapan kami ni Hannah. Parehong ligtas si Miya at ang baby niya! Hindi namin napigilan at kusang naglabasan ang lahat ng luha namin. Masayang-masaya kami ni Hannah sa nal

  • Loving Mr. Chavez   Chapter 36

    Solene's POV Maraming pulis ang dumating. Nagkukumpulan sila. Dahil sa height ko ay mabilis akong napunta sa likuran sa halip na sa unahan. Itinulak ko silang lahat para makapasok ako. Agad kong dinaluhan ang walang malay na katawan ni Miya. Niyakap ko siya at tinalik-tapik. Nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang basang katawan niya...Iniangat ko ang kamay at lalong nanginig nang makita ang kulay nito. Dugo, puro dugo!Nilingon ko sina Teruya.“Nasaan na ang paramedics?! Duguan ang kaibigan ko!”May sigawan. May ilang putok ng baril. Nagkakagulo na ang lahat ngunit ang paningin ko ay nakapako lamang kay Miya. Tinalik-tapik ko ang pisngi niya. “Miya? Miya! Miya!” Bumuhos ang mga luha ko habang pilit na ginigising ang katawan ni Miya. Hindi ka pupwedeng mawala, Miya. Hindi pwede. ---Sapo-sapo ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakayuko at nakaupo sa harapan ng operating room. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi kanina. Ang alam ko lang, nasa panganib ang mag-ina. Naiiyak ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status