Indie EmersonThe call ended, but before that, Weston got the chance to tell me kung saan na hospital isinugod ang Mommy niya. Agad akong nag-book ng sasakyan papunta sa hospital. Kinakabahan akong lumabas ng penthouse ni Weston at dumiretso sa elevator para makababa sa lobby. Signs of a heart attack are no joke. Hindi mo alam kung kailan ka aatakihin, it's a silent killer. Ganoon ang nangyari kay Ingrid, hindi niya kinaya 'yong sa kinasangkutan namin na aksidente at inatake siya. I took all the blame, I suffered emotionally when she died. Ang dami ko pang gusto gawin kasama siya pero dahil sa nangyari nawala lahat, mas nagulo lalo. Hindi ko akalain na mangyayari 'to sa Mommy ni Weston, hindi mo mahahalata sa kanya na may sakit siya kung meron man talaga. She looks so fine and strong, she's always smiling like she had no problems in life. At natatakot ako sa magiging kahihinatnan ng mga mangyayari kapag lumala 'to, I was thinking about Weston. Panganay siya, dalawa lang sila ng kapa
Indie EmersonParang piniga ang dibdib ko sa narinig mula kay Weston. Umangat ang isang kamay ko at dinala sa dibdib ni Weston, hinaplos ang parte ng dibdib niya para pakalmahin siya. Bumaba ang tingin niya sa akin at malungkot na ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na humahaplos doon, he leaned on me then kissed my forehead. I know how much Ma'am Ester wants me for his son, damang dama ko 'yon. She treated me like her own daughter, kung gaano naging kalupit ang Mama ko sa akin ay kabaliktaran ang ipinakita niya. Simula nung hindi ako sumipot sa hinanda nilang kasal ay bumawi ako sa Mommy niya. Pumapayag ako kapag gusto niyang lumabas na kasama ako. Iyong mga ayaw ko ay nagawa ko na ata habang kasama ang Mommy niya, walang reklamo 'yon at bukal sa loob ko. Sobrang nahulog ang loob ko kay Ma'am Ester. Parang mas nauna ata akong napalagay sa kanya kaysa sa anak niya, and I know that's a good thing. I was deprived by a mother's love and affection at sa kanya ko 'yon naramdaman, kaya so
Indie EmersonNag-order na si Weston ng makakain naming apat, sabay-sabay na rin kaming kumain sa isang room. Nagising na rin si Winona at napansin ko na pinipilit niya lang na magmukhang masaya. Iyong ngiti niya sa akin ay pilit lang. May dumating din na maid nila dahil may inabot na bag, mukhang gamit nila. May kinakausap na rin siya sa phone para paalahanan ang mga tao na importante para sa event bukas. Nakausap niya na rin 'yong event organizer na hindi siya makakapunta at eto na ang bahala sa event at makipag-ugnayan na lang sa dalawang secretary niya. I got a chance to take a glimpse of event program at talagang ayos lang nga na hindi sila makapunta. Maraming pakulo kasi ang magaganap kaya mas matutuon ang pansin ng mga dadalo sa mismong event. Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami ni Weston sa penthouse para kumuha ng iilang damit. Nakatulog nga ako sa sasakyan habang pabalik kami sa unit niya, ganoon din nung pabalik na kami sa hospital, pero ginising niya ako kasi may nad
Indie EmersonNaranasan ko na ang mawalan ng mahal sa buhay, sobrang sakit at ang hirap. I became a lost woman after that and I never find myself back until now. I don't know if how can I comfort him kung hanggang ngayon ay terrified pa rin ako sa nangyari kay Ingrid. Alam kong sobrang sakit sa parte ni Weston dahil mommy niya ang nawala. When I saw him cry on that ICU, I knew that his world collapsed and this will be incredibly tough. There's an indescribable pain in this painful brutality na habambuhay dadalhin ni Weston dahil sa pagkawala ng Mommy niya. This death is too much lalo na't biglaan. The parental connection and bond with her Mom is so strong, and I could also feel how depth it was. "I can't believe this," he mumbled. "She can't just leave us like this," he added. Naramdaman ko ang pagyakap ni Weston sa akin at sumubsob din siya sa leeg ko at doon muli humikbi. Ilang minuto ang nakalipas ay inaya akong umalis ni Weston sa ICU at bumalik sa private room kung saan kami n
Indie Emerson "Ililibre mo ako?" pa-cute na tanong ni Maya sa akin. Kahit hindi niya tanungin ay gagawin ko naman. Ngayon lang ulit kami nagkasama sa isang Art exhibit pagkatapos ng ilang buwan. Malaki-laki ang nakuha ko sa bidding kaya ililibre ko talaga siya. Na-miss ko rin 'yong ganitong event kaya hindi ko 'to pinalampas. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pumunta talaga ako. Ang sakit ng ulo ko na para bang pinukpok 'to, sobrang init pa ng mukhang ko. Ayoko rin naman biguin si Madam Sonya dahil inaabangan niya ako. "Ang saya kanina, 'no? Ang galing pa nung performer na kinuha ni Madam. Ang sarap sa tainga pakinggan ng boses niya! Para kang hinihila papuntang higaan!" natutuwa niyang sambit. Tumango ako sa kanya at nginitian siya. Isang oras na ang nakalipas magmula nung matapos ang Art Exhibit. May dinner magaganap pero mamaya pa iyon at nagdadalawang isip pa kami ni Maya kung pupunta ba kami or kakain na lang sa labas. Kakakuha ko lang din kasi nung cheque galing sa bidding,
Indie Emerson Kagabi, naisip ko na sana ay makausap ko ang batang ako. Gusto ko siyang maharap at makausap nang masinsinan kahit ilang minuto lang. Gusto ko kasing tanungin kung masaya na ba siya sa kung ano ako ngayon? Kung may ginhawa na ba sa kanya kasi wala na ang mga gabi ng pag-iyak at pagkukwestiyon sa sarili kung nararapat ba talaga para sa akin na maramdaman ko ang lupit ng mundo. Ano kaya ang pakiramdam ng batang ako kung sasabihin kong kaya ko na ngayon harapin ang realidad? There are already no days of worrying about something they'd probably say about me, days of thinking how unworthy I am of something. No more looking up into a thousand mirrors, mumbling my imperfections, and hating myself for what I am. It was not easy, I stumbled, and was so close to stopping because I thought it'd not work. It was so terrifying and compelling at the same time. I have been carrying luggage for a long time and it was so hard to get along in life with those. Along the way, mas dumami
Indie Emerson"Aalis na ikaw?" Napatingin ako kay Israel nang magsalita siya. Nasa Attic kami at katatapos lang mag-agahan. Andito na naman siya dahil weekend, imbes na sa playground o sa kamag-anak ng umampon sa kanya siya pumunta ay pabalik-balik na siya rito sa orphanage. Kaya natatawa ang yaya niya dahil ibang klase ang playground ni Israel. Buti nga mabait ang mga umampon sa kanya at hinahayaan siya na pumunta rito palagi. Minsan binabalikan na lang siya ng driver at yaya niya kapag uuwi na. Tinanguan ko si Israel at ginulo ang buhok niya. Nagsalubong naman ang kilay niya sa pagtango ko at maya-maya ay may dinukot siya sa bulsa. Isang paper plane na halatang gawa niya o 'di kaya ni Dion dahil lukot-lukot na! Parang ang dami ng pinagdaanan ng papel bago pa nila mabuo. Kinuha ni Israel ang isa kong kamay at binuka ang palad. Nilagay niya ro'n ang paper plane na kulay asul, colored paper pa ata ang ginamit nila. Nang malagay niya ay isinara niya ang kamay ko saka itinuro si Dion
Indie Emerson I've spent a long time fixing myself rather than taking care of Dion. There was also a time they needed to take her away from me because I'm suffering from postpartum depression, nakadagdag pa na I'm not in a good state and emotionally stressed when I left the Metro. The orphanage, Maya, and Sister Mabel witnessed all of my struggles for two years. During my pregnancy, ang emotional ko at palakain, puro rin ako tulog. Thanks to Maya dahil nalampasan ko 'yong craving stage. Iyong walang tigil at biglaan na pag-iyak ko, pagsusungit o sobrang init ng ulo ko, wala sa mood. I also barely eat kasi hindi ako makaramdam ng gutom, kumakain ako pero sinusuka ko. Naranasan ko 'yan after my birth. I gained weight during the pregnancy period pero nawala 'yon after dahil sa nangyari. Makakatulog na lang ako sa sobrang pagod sa kakaiyak at mukmok. My coping mechanism was shutting the people around me including Dion. Dahil may previous psychological issues ako na hindi pinansin ay mas