共有

Chapter 5

作者: Nanami
last update 最終更新日: 2025-08-17 17:35:56

Kinagabihan, sinubukan kong gawan ng paraan para mapaamo ko si sir Fiandro. Sinimulan ko na sa pagluluto ng hapunan niya. Dahil ako naman ang nakatoka sa kusina, ako na ang bahala kung ano ang pwedeng makapagpalambot kay sir Fiandro kapag natikman niya ang luto ko.

"Hmm... ang bango naman niyan," puri ng kapwa ko kasambahay na nandito sa kusina. Siya ang tumulong sa 'kin para mag-prepare ng lahat ng lulutuin ko.

"Sigurado kayang magugustuhan 'to ni sir Fiandro?" tanong ko.

"Naku! Imposible namang hindi. Siguradong sigurado ako na magugustuhan niya 'yan. Walang duda," sagot naman nito. Napangiti ako nang malapad at tinuon ko ang atensyon ko sa iba ko pang niluluto.

Halos kwarenta'y singkong oras ang tinagal ko at isa-isa ko ng nilagay sa lalagyanan ang mga niluto kong ulam. Hinain ko na rin 'yon sa hapag-kainan.

"G-Good evening po, sir," pagbati ko nang makarating si sir sa hapag-kainan. Hindi niya ako binati pabalik at tanging seryosong tingin ang binato sa 'kin.

Naupo si sir Fiandro at sandaling tinignan ang mga niluto ko. Hindi siya nagsalita. Sa tingin ko, nagugutom na siya ngayon dahil masasarap ang nakahain sa mesa.

Balak ko siyang sandukan ng kanin pero agad niyang kinuha ang lalagyanan.

"Kaya kong gawin 'to. Umalis ka at baka mawalan ako ng gana," saad ni sir Fiandro sa 'kin.

"S-Sige po," sambit ko na lang at marahang tumango pababa. Matapos nito ay saka ako nagtungo sa kusina. Nagpunta ako sa gilid para marinig ko kung ano ang magiging komento niya sa hinain ko.

Dinig ko ang kalansing ng babasaging lalagyanan na tila nagsasandok na ng pagkain si sir Fiandro. Natutuwa ako at siguradong magugustuhan niya 'yon.

Nawala ang mga ngiti ko sa labi nang marinig ko ang pag-ubo ni sir Fiandro. Agad akong lumabas sa tinataguan ko upang puntahan siya.

"S-Sir? Sir Fiandro? Sir. Sir," pag-aalala kong tawag sa kaniya pero dire-diretso lang siya sa pag-ubo niya. "M-Manang Lucelle? Manang Lucelle! Pahingi po ng tulong!"

Dahil sa pagtawag ko sa pangalan ni Manang Lucelle, patakbo naman siyang nagtungo sa kinaroroonan namin. Agad niyang hinaplos ang likod ni sir Fiandro para mapakalma sa pag-ubo nito.

"Naku! May rashes si sir! Mercedes! A-Anong pinakain mo kay sir?!" nag-aalalang tanong ni Manang Lucelle kaya't mataas ang boses ng pananalita niya.

"B-Buttered shrimp po tsaka—"

"Jusko naman! Allergic si sir sa seafoods!" sambit naman ni Manang Lucelle.

Nakaramdam ako ng kaba at takot dahil sa nalaman ko. Yung mga kamay ko, nanlalamig na. Ang mga tuhod ko naman ay halos nanginginig na dahil sa nararamdaman ko.

"A-Ano pong ga—gagawin sa—"

"Tumawag kayo ng doktor! Bilis!" sagot ni Manang Lucelle. Agad namang kumilos ang isang kasambahay at siya na ang gumawa no'n.

D-Diyos ko! A-Ano 'tong ginawa ko?

NASA loob ng kwarto si Manang Lucelle, sir Fiandro at ang doktor, habang ako at ang ibang kasambahay ay naririto sa labas. Hinihintay ko kung kumusta ang kalagayan ni sir.

Nagbukas ang pinto at lumabas si Manang Lucelle. Seryoso ang mukha niya lalo nang maibaling niya ang tingin sa 'kin.

"Yung iba, magsipagbaba na kayo. Okay na si sir," pagbibigay alam ni Manang Lucelle. Doon ay nakahinga ako nang maluwag. "Mercedes, maiwan ka."

Sa seryosong tono ng pananalita ni Manang Lucelle, alam ko na ang mangyayari.

"Bakit mo pinakain si sir ng hipon? Kung hindi mo alam, allergic siya sa mga pagkaing pandagat. Hindi mo dapat siya pinapakain ng gano'n," panenermon sa 'kin ni Manang Lucelle.

"P-Pasensya na po. H-Hindi ko naman po sinasadya e. Hindi ko naman po alam na may—"

"Hindi pwedeng hindi mo alam. Dapat, inaalam mo. Bago ka kumilos, siguraduhin mo munang kabisado mo si sir Fiandro. Hindi yung basta-basta ka," sabi pa niya.

"M-Manang, pasensya na po talaga. H-Hindi niyo man lang po sinabi sa 'kin kanina. S-Sana po, nagkaroon man lang po ako ng kaunting ideya," paliwanag ko.

"Sinisisi mo ba ako?"

"Hindi naman po sa gano'n. Mukhang kayo po ang mas nakakaalam kung ano ang lahat kay sir Fiandro e. Sana man lang po, sabihin niyo po sa 'kin para po magawa ko nang maayos ang trabaho ko," paliwanag ko pa.

"Ikaw ang alalay, hindi ba? Kaya't trabaho mo ang alamin lahat sa binabantayan mo. Iligpit mo na ang mga pinagkainan sa ibaba at matulog ka na. Kailangan mo pang gumising nang maaga bukas para asikasuhin ang alaga mo," sabi ni Manang Lucelle habang naglalakad na siya pababa. Tinignan ko lang ang papalayo niyang katawan habang napapaisip sa sarili.

Bakit gano'n si Manang Lucelle? Hindi man lang niya sinabi sa 'kin ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay sir Fiandro.

Pakiramdam ko tuloy, baka isa na ako sa mga taong mapapaaga ang pag-alis sa trabahong 'to. Baka hindi ko kayanin sa mga susunod pang araw.

Maya-maya ay lumabas ang doktor at nagpaalam. Sa tuluyan nitong pag-alis, naisipan kong pumasok sa room ni sir Fiandro.

Nakita ko kung gaano kasimple ang kwarto niya. Mahimbing na natutulog si sir kaya iniiwasan ko ang magbunga ng anumang ingay.

Napansin ko rin ang isang family picture na nasa ibabaw ng mesa. Si sir Fiandro, ang asawa niya at may batang lalaki sa gitna. Ito siguro ang pamilya niya?

Sandali ko 'yong tinignan at naalala ang kinuwento sa 'kin kanina ni Manang Lucelle. Ang pait din pala ng buhay ng mayayaman.

Agad na lang akong napatingin kay sir Fiandro nang magsalita siya.

"A-Amara..." sambit niya sa pangalan ng babae habang nakapikit siya. Agad ko namang hinaplos ang palad ko sa buhok niya.

"S-Sir, nananaginip lang po kayo," pabulong at mahinahon kong sabi.

"A-Amara... Amara," sambit pa niya kaya doon ay nagtaka ako.

Sino si Amara?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Loving The Tarvande   Chapter 25

    "Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj

  • Loving The Tarvande   Chapter 24

    Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig

  • Loving The Tarvande   Chapter 23

    Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong

  • Loving The Tarvande   Chapter 22

    "Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew

  • Loving The Tarvande   Chapter 21

    Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."

  • Loving The Tarvande   Chapter 20

    Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status