Share

Chapter 6

Penulis: Nanami
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-19 20:18:59

Alas sais ng umaga ako nagsimulang kumilos. Nalaman ko sa isang kasambahay kagabi na nag-eehersisyo si sir mula alas singko hanggang alas sais bago kumain.

Panay rin ang pag-check ko kay sir Fiandro kung maayos na ba ang kalagayan niya. Mabuti na lang at bumalik sa normal ang temperatura niya.

Nagsimula na akong magluto. Kung tutuusin, hindi ko alam kung pwede ba 'to sa kaniya o hindi. Inalam ko ang mga pwede kong lutuin sa cook book na naririto sa kusina. Hindi naman ako binibigyan ng ideya ni Manang Lucelle kung ano ang pwede, hindi pwede, at mga gustong kainin ni sir.

Halos kinse minuto lang ang tinagal ng pagluluto ko bago ko hinain ang lahat. Pinagtimpla ko na rin siya ng itim na kape na hindi matabang at hindi rin matamis.

Habang hinahain ko ang mga hinanda ko, nakita ko na lang ang pagdating ni sir Fiandro. Naka-sando siyang itim, short, medyas at sapatos. May maliit siyang tuwalya na nakasampay sa balikat niya.

Pawis na pawis si sir Fiandro, ngunit ang napansin ko sa kaniya ay batak at tila mabato ang katawan niya sa laki. Mukhang mali pa yata na tinanggap nila ako sa trabahong ito.

Ngayon lang ako nakakita ng senior citizen na babantayan na mas malakas pa sa 'kin.

"Good morning po, sir. Handa na po ang almusal," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

Hindi nagsalita si sir, sa halip ay pumunta siya sa hapag-kainan at tinignan ang mga niluto ko. Gusto niya yatang alamin na hindi siya allergic sa mga hinanda ko.

Naupo si sir Fiandro at saka niya kinuha ang kutsara. Isa-isa niyang tinikman ang mga niluto ko at wala siyang imik habang nginunguya niya 'yon.

"You made this coffee?" tanong niya.

"Ano—Ano po?" tanong ko. Huminga siya nang malalim bago ulit ang tanong niya sa tagalog.

"Ikaw ba ang nagtimpla ng kape na 'to?"

"O-Opo, sir," sagot ko. Tinignan niya ako bago niya hinigop ang kape. Nakadalawang higop pa siya hanggang sa hininto na niya.

"You did well. Get out of my sight."

"H-Hindi ko po—"

"Umalis ka na."

Mas mabilis pa sa humaharurot na sasakyan nang lisanin ko si sir Fiandro. Kinakabahan ako. Nagustuhan niya ba ang mga niluto ko?

Iniisip ko na baka mamali na naman ako sa hinain ko. Kinakabahan ako. Panay ang paghaplos ko sa magkabilang kamay dahil sa nararamdaman ko.

"Mercedes."

Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Saan ba nanggaling 'yon?

"M-Manang Lucelle," sambit ko nang makita ko siya na nakatayo sa may likod ng hagdanan. Agad naman akong nagpunta sa kaniya para malaman kung ano ang sadya niya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kumusta ang mga hinain mo? Baka may makain na naman si sir na bawal sa kaniya. Siguradong maliligwak ka rito," tanong niya na may pagbabanta.

"H-Hindi ko na nga po alam e. Sinabi niya na umalis ako matapos niyang tikman isa-isa ang mga niluto ko. Pati po ang kape ko, tinikman niya rin," sagot ko.

Huminga nang malalim si Manang Lucelle at marahang tumango. Iniba niya ang tingin niya habang seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ginalaw mo ba ang libro doon sa kusina?" tanong niya.

Paano niya nalaman?

"O-Opo."

May mga kamera ba siya rito sa bahay?

"Hindi kakain si sir Fiandro kapag ang mga hinain na pagkain ay wala sa cook book. Iyon ang mga pwede sa kaniya at mga gusto niyang kainin," paliwanag ni Manang Lucelle.

Napatango ako nang dahan-dahan dahil sa bagong nalaman ko. Kaya pala!

"Pero ang nakapagtataka, bakit gusto niya ang luto mo? Walang ibang naghahain ng mga pagkain na 'yon sa kaniya kundi..."

Hininto niya ang pagsasalita at tila napaisip pa siya kung sasabihin ba sa 'kin ang karugtong o hindi na.

"Sino po, Manang Lucelle?" tanong ko.

"K-Kundi ako."

"P-Pasensya na po, Manang Lucelle. Hindi ko naman po alam na kayo po ang dapat na—"

"H'wag kang humingi ng tawad sa 'kin. Ikaw na ang alalay niya kaya ikaw na ang dapat na gumawa no'n. Mamaya, sasabihin ko sa 'yo ang mga dapat at 'di dapat mong gawin para maiwasan mo ng magkamali. Magtungo ka na lang sa kusina at ayusin ang mga dapat ayusin. Ayaw ni sir Fiandro na nakatanga lang ang mga kasambahay niya," paliwanag pa ni Manang Lucelle.

"O-Opo. Maraming salamat po, Manang Lucelle. Mauuna na po ako," pagpapaalam ko. Marahan pa akong tumango paibaba bago ako umalis nang tuluyan para gawin ang sinabi niya.

Nadatnan ko si sir Fiandro na abalang kinakain ang mga hinain ko. Dumiretso ako ng kusina para asikasuhin lahat ng dapat kong asikasuhin.

Habang abala ako, bigla na lang pumasok sa isipan ko ang isa sa mga pangungusap na sinabi ni Manang Lucelle kanina.

"Ikaw na ang alalay niya kaya ikaw na ang dapat gumawa no'n."

Nagtataka nga ako kung naging alalay na rin ba siya ni sir Fiandro dati?

Kung oo, bakit hindi na siya ang alalay ni sir ngayon? Hindi naman siya kasama sa labing-siyam na nawalang alalay.

Hay, Mercedes! Ang mabuti pa, gawin mo na lang ang trabaho mo. Tsk!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Thanks po s update author,, next po please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loving The Tarvande   Chapter 25

    "Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj

  • Loving The Tarvande   Chapter 24

    Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig

  • Loving The Tarvande   Chapter 23

    Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong

  • Loving The Tarvande   Chapter 22

    "Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew

  • Loving The Tarvande   Chapter 21

    Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."

  • Loving The Tarvande   Chapter 20

    Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status