Nilibot ako ni manang sa buong kabahayan para makabisado ko raw ang mga dapat kong puntahan. Dahil ako ang magbabantay kay Sir Fiandro, ako ang nakatoka sa kusina para hainan siya ng pagkain, mag-ayos ng mga gamit ni sir sa kwarto, at magbantay sa kaniya para makainom din ng gamot sa tamang oras."Ayaw ni Sir Fiandro ng babagal-bagal, palpak at mahinang umintindi sa lahat. Mabilis siyang magalit dahil nga may high blood," paliwanag pa ni Manang Lucelle habang nasa tinatawag na laundry area kami naroroon.Ang gaganda at ibang klase ang mga gamit dito! Kahit kailan, wala akong nakitang mga malalaki at payat na telebisyon, malalaking ilaw, at ganito kalaking bahay sa probinsya. Puro gawa sa dahon ng niyog ang mga kubo namin doon."A-Ano po ba ang pwede kong gawin ngayon?" tanong ko."Alas dos na ng hapon kaya wala kang gagawin dito. Mas mainam na pumunta ka kay Sir Fiandro sa kwarto niya sa taas para alamin kung may ipag-uutos ba siya sa 'yo," paliwanag ni Manang Lucelle."E-E... baka po
Last Updated : 2025-08-17 Read more