Share

Chapter 4

Author: Nanami
last update Last Updated: 2025-08-17 16:55:56

Nilibot ako ni manang sa buong kabahayan para makabisado ko raw ang mga dapat kong puntahan. Dahil ako ang magbabantay kay Sir Fiandro, ako ang nakatoka sa kusina para hainan siya ng pagkain, mag-ayos ng mga gamit ni sir sa kwarto, at magbantay sa kaniya para makainom din ng gamot sa tamang oras.

"Ayaw ni Sir Fiandro ng babagal-bagal, palpak at mahinang umintindi sa lahat. Mabilis siyang magalit dahil nga may high blood," paliwanag pa ni Manang Lucelle habang nasa tinatawag na laundry area kami naroroon.

Ang gaganda at ibang klase ang mga gamit dito! Kahit kailan, wala akong nakitang mga malalaki at payat na telebisyon, malalaking ilaw, at ganito kalaking bahay sa probinsya. Puro gawa sa dahon ng niyog ang mga kubo namin doon.

"A-Ano po ba ang pwede kong gawin ngayon?" tanong ko.

"Alas dos na ng hapon kaya wala kang gagawin dito. Mas mainam na pumunta ka kay Sir Fiandro sa kwarto niya sa taas para alamin kung may ipag-uutos ba siya sa 'yo," paliwanag ni Manang Lucelle.

"E-E... baka po pagtaasan na naman ako ng boses ni s-sir," sambit ko sa kaba.

"Aba? Tinanggap mo itong trabaho, ineng, kaya dapat mong panindigan. Hindi ka naman pwedeng tumunganga lang dito. Ako ang mapapagalitan," paliwanag muli ni Manang Lucelle.

Napalunok na lang ako ng laway at marahan siyang tinanguan. Pagtapos nito ay saka na ako naglakad paakyat ng hagdanan. Sandali pa akong napahinto dahil hindi ko alam kung saan sa ikalawang palapag ang kwarto ni Sir Fiandro.

Gusto ko sanang bumalik sa pinanggalingan ko kanina pero h'wag na. Hahanapin ko na lang.

Sa pag-akyat ko sa ikalawang palapag, isa-isa kong kinatok at binuksan ang bawat pinto para hanapin ang kwarto ni sir Fiandro. Nakakalima pa lang ako at sa wakas ay nakita ko rin!

"M-Magandang hapon po, sir," pagbati ko matapos kong sumilip sa pinto.

Hindi ako narinig ni sir Fiandro dahil nakaharap siya sa malaking bintana ng silid at may kausap siya sa teleponong hawak niya.

"Alfred, you mind your own business. Bakit mo ba ako kinuhanan pa ng magbabantay?! Ano bang akala mo sa 'kin?! Uugod-ugod?! I can manage myself. I can drink my medicine and I can do whatever I want!" sigaw pa ni sir Fiandro bago niya binagsak ang mala-salamin niyang telepono sa ibabaw ng mesa niya.

Hindi ko alam kung ano yung ibang sinabi niya.

Nalinga siya sa paligid, nang dumako ang paningin niya sa direksyon ko, bakas sa reaksyon niya ang pagkagulat.

"What the hell are you doing there?!" tanong niya sa mataas na tono ng pananalita.

"P-Po? Pasensya na po, sir Fiandro, a? Hindi ko po kayo maintindihan e," sambit ko at saka pumasok nang tuluyan sa loob.

"Boba! Ang sinabi ko, anong ginagawa r'yan?! Nakikinig ka sa usapin na 'di mo dapat pinakikinggan! Anong klaseng babae ka ba?!" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin. Parang bumara ang laway ko sa lalamunan ko. Para akong masasamid ano mang oras.

"P-Pasensya na po, s-sir. P-Pumunta po ako rito para po sana tanungin kayo kung... kung ano po ang ipag-uutos ninyo? N-Naituro na po sa 'kin ni Manang Lucelle ang lahat ng parte ng bahay po ninyo para makabisado ko," paliwanag ko kay sir Fiandro.

"Ang mabuti pa, lumayas ka sa silid na 'to! Saka ka na lumapit kapag sinabi ko. Alis!" pagtataboy sa 'kin ni sir Fiandro. Ngumiti ako nang pilit at nagpaalam bago ako tuluyang umalis.

Sa paglabas ko ng pinto, sumandal ako sa pader at huminga nang malalim. Wala pa akong isang oras dito pero nakakatakot talaga si sir Fiandro. Bakit ba siya high blood?

Naglakad ako pababa habang abalang kinakalikot ang magkabilang daliri ko. Hindi ko alam kung paano ako makakakilos.

"Ano? Kumusta?"

Napatingin kaagad ako kay Manang Lucelle na nasa salas. Hindi ko siya napansin.

"P-Pinaalis lang po niya ako sa room e. Hindi ko po alam kung anong gagawin ko," saad ko.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong niya.

"Mercedes po. Mercedes Abeleda."

"Alam mo, Mercedes, panglabing-siyam ka ng na-hire dito bilang PA ni sir Fiandro. Iba-iba ang age niyo, iba-iba rin ang experiences. Lahat sila, sinukuan ang amo natin. Sa pagkakatantsa ko, nasa isang linggo lang ang pinakamatagal na nanilbihan kay sir Fiandro. Pagtapos no'n, hiring na naman," paliwanag ni Manang Lucelle.

"B-Bakit naman po nagkagano'n si sir Fiandro? Paano kung may mangyari po sa kaniya? Wala pa naman po ang anak niya," tanong ko.

Sinenyasan ako ni Manang Lucelle na sumunod sa kaniya. Nakita ko ang mga kasambahay na kumakain na ng meryenda. Nagpunta kami sa isang gilid kung saan kami lang dalawa ang nakakarinig.

"Ito, sasabihin ko 'to sa 'yo dahil ikaw naman ang alalay ni sir Fiandro," paninimula ni Manang Lucelle. "Naging gan'yan si sir Fiandro dahil iniwan siya noon ng misis niya at piniling sumama sa kaibigan ni sir. Buntis si ma'am kay sir Fiandro nang makipag-divorce si sir sa kaniya. Pagtapos no'n, naipanganak ang anak nina ma'am at sir Fiandro na si sir Alfred. Nagduda si sir Fiandro sa anak niya na hindi kaniya 'yon. Nagkamali siya kasi napatunayan sa DNA test na biological father siya ni sir Alfred."

Halos mapaawang ang bibig ko sa nalaman kong balita. Kaya pala siya gano'n?

"Kaya kung napapansin mo, wala si sir Alfred dito dahil nasa ibang bansa siya kasama ng nanay niya. Binibisita niya si sir pero ayaw nito sa kaniya. Mercedes, ikinuwento ko sa 'yo 'to para naman magkaroon ka ng ideya kung paano mo mapapaamo si sir Fiandro. Marami na ang nabigo, sana, hindi na umabot pa sa 'yo," paliwanag pa ni Manang Lucelle.

"M-Maraming salamat po sa pagbibigay alam ninyo, Manang Lucelle. Hayaan niyo po, ako na po ang gagawa ng paraan. Sisiguraduhin ko po na mapapaamo ko si sir Fiandro," sabi ko naman dito.

Ngumiti siya sa 'kin at nagsimulang humakbang nang may bigla naman akong gustong itanong.

"Manang Lucelle, sandali po," pagpapatigil ko. Nilingon niya ang gawi ko. "Matanong ko po, paano niyo po nalaman yung tungkol doon? Matagal na po kayo rito?"

"Tatlong dekada na akong nagtatrabaho rito," sagot niya.

"E... bakit po hindi na lang kayo ang kinuha para mag-alalay kay sir Fiandro?" tanong ko pa.

Hindi niya ako sinagot, subalit bakas sa mga mata niya ang lungkot. Kahit na seryoso ang mukha ni Manang Lucelle, alam kong may bumabagabag sa kaniya.

Bakit ganito ang nararamdaman niya?

May mali ba sa tanong ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loving The Tarvande   Chapter 25

    "Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj

  • Loving The Tarvande   Chapter 24

    Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig

  • Loving The Tarvande   Chapter 23

    Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong

  • Loving The Tarvande   Chapter 22

    "Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew

  • Loving The Tarvande   Chapter 21

    Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."

  • Loving The Tarvande   Chapter 20

    Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status