Share

Chapter 7

Auteur: Nanami
last update Dernière mise à jour: 2025-08-25 17:00:37

Naghain ako ng pananghalian ni sir Fiandro nang makita ko naman siya pababa ng hagdanan. Suot niya ang maayos na porma at tila may pupuntahan.

"Sir! Sir, saglit!" sambit ko habang tumatakbo patungo sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin kaya't hinarangan ko siya sa daraanan niya. "Saan po kayo pupunta?" tanong ko.

"What do you care?! Lumayas ka!" galit naman niyang tanong pabalik sa 'kin at walang ano-ano niya akong tinaboy paalis. Sa lakas ay halos mawalan ako ng balanse pero naagapan ko pa ang sarili ko para hindi matumba.

"Teka lang po, sir," sabi ko pa. Muli ay sinundan ko siya kahit na nakalabas na siya. Agad akong humarang sa pagpasok niya sa sasakyan. "Sir, dapat po, kasama niyo ako. Hindi ko po kayo pwedeng hayaan dahil ito po ang trabaho ko e—ang bantayan kayo."

"Ano ba ang problema mo?! Hindi kita kailangan. I have an important meeting to attend kaya umalis ka. Pinalalala mo lang ang sakit ng ulo ko!" sigaw naman ni sir Fiandro. Bakas ang pamumula ng mukha niya sa galit at ang panlilisik ng mga mata niya.

Akma niya akong itataboy ulit pero isang boses ang biglang umapela sa 'min.

"Hindi pwedeng hindi mo siya isama. Kapag may nangyaring masama sa 'yo, tiyak na magagalit ang anak mo kay Mercedes."

Tinignan ko si Manang Lucelle na nakatayo sa may pintuan habang seryosong nakatingin kay sir Fiandro. Marahan naman siyang tinignan ng amo namin at tila nanahimik saglit.

"Bwiset!" sambit ni sir at napahampas sa bubungan ng sasakyan. "Sumama ka na at baka atakihin pa ako sa puso ng wala sa oras."

Gumuhit ang malapad kong ngiti sa labi ko dahil sa pagpayag ni sir. Ngumiti ako kay Manang Lucelle para pasalamatan siya at saka ako sumakay sa sasakyan. Sumakay na rin si sir Fiandro. Marahan akong lumayo sa kaniya dahil halata sa mukha niya na ayaw niya akong tignan at naiinis siya sa 'kin.

Pinaandar na ni Manong driver ang kotse habang sumusulyap-sulyap nang bahagya sa salamin na nasa unahan. Siguro, nagtataka siya sa 'kin? Hindi ko alam.

"Saan po ba tayo pupunta, sir?" tanong ko kay sir Fiandro pero hindi niya ako inimikan. Nakaramdam tuloy ako ng kahihiyan. 'Di bale, ititikom ko na lang ang bibig ko.

Tahimik kami sa sasakyan hanggang sa magpunta kami sa isang magara at pang-sosyal na kainan. Ito na yata ang tinatawag nilang restaurant? Ganito yung mga nababasa ko sa notebook nina Myrna at Mae noon.

Pumarada ang kotse at saka bumaba ang driver. Pinagbuksan niya ng pinto si sir Fiandro ngunit hindi ako. Aba!

Sa pagmamadali na sundan si sir Fiandro ay agad akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Nakapwesto ako sa likod niya nang lingunan niya ako. Sa kabila ng pagtataka niya kung bakit ako sumusunod ay ngumiti na lang ako nang malapad.

"This is an important meeting, Mercedes. Hindi mo ako kailangang sundan," pabulong ngunit naiinis niyang sabi sa 'kin.

"Sir, hindi ko po kayo pwedeng hayaan. Ano po bang malay ko kung mapaano kayo? Kahit saang lugar po, walang pinipili ang kapahamakan," bulong ko pabalik. Napapikit si sir Fiandro at huminga nang malalim sa labis na inis sa 'kin.

Hindi na lang siya nagsalita pabalik, sa halip ay pumasok na siya sa loob kaya sumunod naman ako sa kaniya. Naiwan naman si Manong driver sa labas at walang balak na sumama sa loob.

Sa pagpasok namin sa loob, ngayon lang ako nakakita ng kainan ng mga mayayaman. May pamilya, magkaibigan, magkasintahan, at mag-isang kumakain. Yung paligid din, ang gaganda!

Nagpunta kami sa pwesto kung saan ay may naghihintay na lalaki sa isang bakanteng pwesto. Tumayo ito at kinamayan si sir Fiandro.

"Good morning, Mr. Tan. It's good to see you," pagbati ni sir Fiandro.

Bago pa man siya umupo, lumingon siya sa gawi ko at tinuro ang bakanteng pwesto. Sandali pa akong napatingin doon at napaisip. Nagkaideya na lang ako na doon muna pala ako pinapupwesto ni sir kaya agad akong sumunod.

Magkatalikuran kami ni sir Fiandro. Dinig ko silang nagsasalita pero hindi ko maintindihan ang iba kasi puro english. Hindi pa naman ako masyadong nakakaintindi ng salitang 'yon.

"Hello, ma'am! Good morning! Would you like to try anything in our menu?" tanong bigla ng isang babaeng taga-serve nang lapitan niya ako. Medyo napapakunot pa ang noo ko sa sinabi niya.

"P-Pasensya na po. Hindi ko po alam kung ano yung tanong ninyo," tanong ko sa kaniya na may pag-aalangang ngiti sa labi.

"Sorry po. Bale, may gusto po ba kayong subukan sa mga pagkain?" tanong muli nito.

Ahh... Ito pala ang tanong niya.

"Ehh... alalay lang ako ni sir Fiandro e. Wala akong pera. Hihintayin ko lang po sila na matapos sa meeting daw po para makaalis na rin po kami," sabi ko rito.

"H'wag po kayong mag-alala, ang boss niyo po ang tumawag sa 'kin para makapili na po kayo ng gusto ninyong kainin."

Marahan pang nanlaki ang mga mata ko at napataas ang mga kilay ko sa pagkabigla.

Talaga?

Ibig sabihin, kakain ako rito?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Loving The Tarvande   Chapter 20

    Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa

  • Loving The Tarvande   Chapter 19

    "Anak, ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong sa 'kin ni Nanay. Kasalukuyan kaming nakaupo sa de kahoy na upuan sa labas ng kubo. Hatinggabi na pero gising pa rin kami."T-Tinanggal po ako sa trabaho ng amo ko. Pinagalitan po niya ako dahil sa nabalik po sa kwarto niya yung mga pinatapon niya po sa 'kin. H-Hindi ko naman po kagagawan 'yon e, pero hindi po nila ako pinaniwalaan," pagkukuwento ko sa kanila sa gitna ng paghikbi ko habang hinahaplos ni Nanay ang likod ko para pakalmahin."Anak, tubig. Uminom ka muna para makalma ka," sabi naman ni Tatay at inabot sa 'kin ang isang basong tubig."Hindi kaya merong taong may galit sa 'yo, anak?" tanong sa 'kin ni Nanay."A-Ayoko naman pong magbintang. Wala naman po akong sapat na ebidensya kung sino ang may gawa no'n kaya ako po ang talagang masisisi," sagot ko."E yung anak ni Ante Asyang? Alam niya na ba 'to?" tanong muli ni Nanay ngunit umiling ako bilang tugon. Bakas sa mukha ni Nanay ang inis kay Darlene na siyang kumuha sa 'kin p

  • Loving The Tarvande   Chapter 18

    "S-Sir, pakiusap naman po, oh? H-H'wag niyo naman po akong tanggalin. May pamilya pa po akong sinusustentuhan," pagmamakaawa ko pero tanging galit na ekspresyon ng mukha lamang ang binato sa 'kin ni sir Fiandro."Mag-impake ka na at umalis ka na rito. Ayokong ipakaladkad pa kita palabas ng pamamahay ko. Layas!" sigaw pa ni sir."S-Sir... m-maawa po kayo...""Halika na, Mercedes. H'wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ni sir Fiandro. Tara na," sabi naman ni Manang Lucelle habang inaalalayan akong lumabas.Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa 'kin para hindi ako makalapit kay sir Fiandro.Dahil hindi na ako pinakikinggan ni sir Fiandro, sumama na ako palabas ng silid niya at saka lamang ako binitiwan ni Manang Lucelle."M-Manang maniwala naman po kayo, oh?" naluluha kong pakiusap sa kaniya."Kahit na ipagtanggol kita kay sir Fiandro, magagalit at magagalit lang siya sa 'tin. Hayaan mo na lang kung ano ang desisyon niya," sabi lang nito."Pero—""H'wag ka ng magpaliwanag, Mercedes. Mag-im

  • Loving The Tarvande   Chapter 17

    Habang kumakain si sir Fiandro, nagtungo na ako sa opisina niya para hanapin at itapon na ang sinasabi niyang nasa isang kahon. Sandali pa akong naghanap nang makita ko ang nag-iisang kahon sa gilid na may laman na kung ano-ano.Agad akong nagpunta roon para tignan isa-isa. Malay ko ba kung may makita akong gamit na pwede ko pang gamitin e 'di akin na lang."Hmm... Alin kaya ang okay rito?" tanong ko sa sarili ko habang iniisa-isa ito. May mga luma at sirang aklat, papeles na marumi, at ang mga litratong—teka?Parang ito yung mga nakalagay sa mesa ni sir Fiandro, ah? Ito yata yung pamilya niya. Yung tinitigan niya. Bakit itatapon niya na ang mga 'to?"Bakit nandito ito?" tanong ko ulit nang makita ang isa pang litrato. Yung magandang babae. Bakit kasama ito?Dahil nagagandahan ako sa larawan ay sinuksok ko na lang 'yon sa bulsa ko. Yung mga litrato sa frame ay hinayaan ko na roon. Mga litrato yata ito ng pamilya ni sir noong medyo bata-bata pa sila.Kinuha ko na ang kahon at binaba an

  • Loving The Tarvande   Chapter 16

    Bigla akong napatingin sa taas nang makarinig ako ng kung anong ingay. Saan nanggagaling 'yon?Baka sa kwarto ni sir Fiandro 'yon?Dahil sa biglaang pag-alala ay mabilis ngunit maingat akong umakyat patungo sa taas ng silid ni sir. Gusto ko sana siyang katukin pero nakakarinig ako ng mahinang ingay mula rito sa labas.Unti-unti kong dinikit ang tainga ko sa pinto para pakinggan kung ano ang nangyayari kay sir Fiandro."Ohh! Fuck!"Nanlaki ang mga mata ko sa gano'ng salita. Sa lahat ng ingles na salita, ito lang ang tanging naiintindihan ko dahil sa mga dayuhan na pumupunta sa probinsya namin. Ito ang madalas nilang sinasabi sa mga kababaihan doon.Kahit na nagulat at nabigla ako, patuloy ko pa rin'g pinakinggan si sir Fiandro. Hindi ako nagkakamali. Boses niya 'yon."Fuck! A-Ahh! Ahh! Yes! Yes!"Parang nanginig ang buong kalamnan ko dahil sa naririnig ko. Hindi pa ako nakuntento kaya't sinubukan kong pihitin ang busol ng pinto ng kwarto ni sir. Mas nabigla pa ako dahil hindi ito naka-

  • Loving The Tarvande   Chapter 15

    "Ayy kapagod!" sambit ko sa sarili ko. Ramdam ko ang ngalay dahil sa dami ng inayos at nilinis ko. Sana, hindi ako pagalitan ni sir Fiandro sa ginawa ko.Para kasing kahit anong galaw ko, galit na galit siya. Tsk! Kung hindi ko lang kailangan ng pera e.Lumabas ako ng kwarto para itapon na ang mga kalat sa malaking basurahan sa labas. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala.Naghugas ako ng kamay bago ako nagsimulang maghanap ng maaaring lutuin sa cook book. Si sir Fiandro, nasa may pool area at nakatambay roon. Hindi ko na muna pakikialaman at baka kung ano na naman ang sabihin niya sa 'kin.Nagsimula na akong maghiwa, maghugas, at maggisa. Kailangan na rin'g kumain ni sir Fiandro ng mga 7:30 pm hanggang 8:00 pm. Oo nga pala, nakakita ako ng listahan sa opisina ng mga dapat niyang gawin. Mukhang galing pa 'yon sa doktor dahil medyo magulo ang sulat."Tulungan na kita," sambit ni Anjie. "Ano pa ang gagawin?""Ito na lang. Pakihiwa nitong mga 'to. 'Di ko mabasa e. Ginagaya ko lang yung

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status