Share

Mistake 89

Auteur: Writer Zai
last update Date de publication: 2026-05-09 22:01:50

NAGNGINGITNGIT sa galit ang kalooban ni Erin. Ngali-ngali na niyang sigawan ang tao sa loob. Paano siya sinabihang oportunista ng mga ito? Hindi naman siya totally kilala ng mga empleyado. Ang papa na niya niya ang nagligtas sa Green Ivory, pero sila pa ang lumabas na kontrabida.

"Mahusay! Ang galing niyo!" hiyaw ng isipan niya.

Naghuhumiyaw ang kalooban niya. Parang sasabog na. Sa halip na dumiretso sa canteen ay lumiko siya patungong exit door. Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin, ngunit
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
Melai Olshope Ancheta
akala ko palaban ang bida di pala
goodnovel comment avatar
Jaslly Parana
C Tyler kaya yon?mukhang maraming matatanggal na emplyado sa Green Ivory ah.thank you,author..sa meron pang ud
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 91

    MARAMING masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, may lasagna, pizza, burger, fries, salad, at mayroon ding matamis na inumin. In-order ni Dorothy para kay Erin, ngunit may isa siyang na-mi-miss na pagkain... ang mangga. Nang maisip ang dating kinakain ay nahaplos niya ang ibaba ng tiyan. Kung hindi kaya nawala ang sanggol sa sinapupunan niya, ano kaya ang nangyayari ngayon? Okay na kaya sila ni Tyler? Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Klea, may dala itong polder. Iniabot nito yun kay Dorothy."Ma'am, heto na po ang pinapakuha mong document.""Thank you, Klea. Maaasahan ka talaga. Why don't you join us?! I'm sure na hindi ka pa rin kumakain. Kanina pa subsob na subsob ang ulo mo sa computer mo," nakangiting alok ng ginang, inilahad nito ang mga nakahaing pagkain."Huwag na po, Ma'am," tanggi nito. Para talaga itong babaeng nakulong sa aparador sa mahabang panahon. Pino ang bawat galaw. Maging ang pananalita, at ang pagngiti. "Magtat

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 90

    "WHAT did you do to her?" Natuon ang paningin ng lahat sa taong dumating. Agad itong lumapit sa kaniya. Puno ng pag-alala ang mukha. Tarantang inayos nito ang nabasa niyang damit. "Tss. Don't mind her, Ms. Secretary. But look at me, dinumihan niya ang mamahaling damit ko!" Nagpapadyak na parang bata ang babaeng nakatayo sa harapan niya."It's not my fault!" sabi niya rito sa paraang mahinahon. Kontrolado pa rin niya ang boses. Hangga't maaari, ayaw niyang gumawa ng eksena. "At sino ang may kasalanan, ako?" pasigaw nitong tanong. "Natigil sa pagpaplantsa ng kaniyang damit ang babaeng nasa tabi niya. Para itong hangin sa bilis na hinarap ang babaeng naghi-hysterical. "Anong karapatan mong sigawan siya?" galit ang tinig nito. Umikot ang itim ng mata ng babae. "Tingnan mo nga ang ginawa niya sa damit ko! Sa palagay mo, matatanggal ba ito ng isang labahan lang?" Iniyuko nito ang ulo, tiningnan ang damit na may nagsesebong mantsa.Narinig niya ang pagsang-ayon ng ibang empleyadong ma

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 89

    NAGNGINGITNGIT sa galit ang kalooban ni Erin. Ngali-ngali na niyang sigawan ang tao sa loob. Paano siya sinabihang oportunista ng mga ito? Hindi naman siya totally kilala ng mga empleyado. Ang papa na niya niya ang nagligtas sa Green Ivory, pero sila pa ang lumabas na kontrabida."Mahusay! Ang galing niyo!" hiyaw ng isipan niya.Naghuhumiyaw ang kalooban niya. Parang sasabog na. Sa halip na dumiretso sa canteen ay lumiko siya patungong exit door. Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin, ngunit bago pa tuluyang makalabas ay natanaw niya sa 'di kalayuan ang dalawang tao, kapwa nakatalikod kaya hindi siya pansin. Maingat siyang humakbang palapit sa dalawa. Halos buhatin na niya ang dalawang paa. Ingat na ingat na huwag gumawa ng ingay. Nagkubli siya at pinakinggan ang pinag-uusapan."Ngayong nasira na natin nang tuluyan si Tyler, wala na sa kaniya ang lahat; si rin, ang anak niya, ang mga shareholder ay siguradong magagalit din at tiyak na si Mama at Papa. Lugmok na lugmok na siya." Huma

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 88

    NAKATAYO si Erin sa glass window. Natatanaw ang ilang matatayog na building, sa ibaba ay makikita ang mga sasakyan, mga taong paroo't parito. Lahat ay abala, pero siya, heto't hindi alam kung ano ang gagawin. Kanina sa meeting, hindi na nakapagsalita si Tyler. Lumabas na lang ito sa conference room, walang imik. Ang kapatid nito'y ganoon din, tumatawa habang lumalabas kasama si Katrina. Nagsasaya sa pagkatalo ng kapatid. "Good job, Erin!" nasabi pa nito at nag-thumbs up sa kaniya. Samantalang si Katrina, bagama't walang lumalabas sa bibig, mapanuring nakatitig lang sa kaniya. Daig pa niya ang hinuhubaran sa titig nito, lampas hanggang kaluluwa. At ngayon, kasalukuyan siyang nasa opisina ni Tyler. Sinusuri ang tanawing nakahain sa kaniyang paningin. Matataas ang mga building na nasa paligid, malayong-malayo sa lugar na kinalakihan. Doon maliban sa kanilang mansyon, mga punong kahoy lamang ang mataas. Dito, nagkalat ang sasakyan at mga tao, doon mga pananim at hayop lamang ang naka

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 87

    NAKATAYO si Erin sa harap ng mga shareholder ng Green Ivory, at ang lahat ay hindi makapagsalita sa kaniyang ipinaliwanag. Pero si Tyler, mukhang inaasahan na nito ang kaniyang sasabihin. Parang may alam ito sa nangyayari sa Green Ivory. Sumulyap siya kay Victor, magpahanggang ngayon ay nakaupo pa rin ito sa bangkong dapat sana'y trono ng kapatid nito. Nagsalita siyang muli, tumitig sa mga nakaupo. "Para sa kaalaman ng lahat, ang papa ko ang nagbabalik ng perang nawawala sa Green Ivory, ang pera na ninanakaw ni Victor at Katrina. At ngayon, si Papa na ang pinakamalaki ang share sa kompanyang ito." Umalingawngaw ang boses niya sa apat na sulok ng roon na 'yon. "What did you do, Victor?" Marahas na hinampas gamit ang palad ng isang lalaki.Agad na umalma si Victor. "Mr. Lacson, wala akong alam sa sinasabi ng babaeng ito!" Alam na niyang mangyayari yun kaya nama'y may ebidensiya siyang inilabas. Pinaghandaan niya ang araw na 'to, kaya hindi mangyayaring wala siyang alas. "Then, wh

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 86

    TUMABI si Tyler sa puwesto ni Victor, nakataas ang kaniyang noo. Ibinagsak niya ang dalang case sa mesa, saka'y binalikan ang masamang titig ng kapatid. Nakipagtagisan siya rito... mata sa mata. "I'm back, Victor!" Ngumisi siya. Ang isang palad ay ipinatong sa mesa at bahagyang ibinaliko ang katawan para ipantay dito.Hindi ito sumagot, bagkus ay mas tinaliman pa ang titig sa kniya. "Hindi mo na mababawi ang Green Ivory, Tyler!" Nang dahil sa narinig ay hindi niya napigil ang mapahalakhak. Slow motion ang ginawang pagbaling ng paningin niya sa taong nagsalita... si Katrina. "Are you sure of that, Katrina?" Muli siyang ngumisi. "Wait, you said I can't get the Green Ivory back? Why? Naging iyo ba ito?Was it named after you?" mapangyurak niyang tanong sa dating asawa. Ang mata niya'y nangingislap sa labis na kagalakan.Saglit na natigilan si Katrina, ngunit agad din itong nakahuma. "Hindi nga, pero si Victor na ang nagmamay-ari nito." "Oh! Really? When? How? Did he sign?" Bumaling a

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 14

    MATALIM ang tinging ipinupukol ni Tyler sa kapatid. Hindi niya akalaing tatawagin nitong cheap si Erin, sa harapan pa mismo ng kaniyang ina. "Hiyang-hiya naman ako sa inyo, Victor," ngising saad niya. Nakalimutan na yata nito ang kasalanang nagawa at kung makaasta ay parang santo. Ngumisi rin ito

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 13

    Pagkatapos niyang maligo ay inihatid na sila nito sa bar. Nagpaalam na rin ito sa kaniya pero nangakong susunduin sila sa oras ng out nila kahit pinagsabihan na niyang magahinga na lamang. Nang magsimula itong manligaw sa kaniya, hindi na ito gasinong umiinom. Pero tumatambay pa rin to sa bar. Na

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 10

    Sa bahay ng magulang tumuloy si Tyler. Sinalubong siya ni Dorothy, ang kaniyang ina. Pansin pa rin niya ang lungkot sa mata nito. Kinumusta siya nito, kung okay lang daw ba siya at kung nakakakain ng maayos? Ang lahat ay payak niyang sinasagot. Ayaw nyang lalong malungkot ang ina, kaya kahait may k

  • Loving You Is A Mistake    Mistake 8

    HINDI patulugin si Erin, nakatutok lang ang mata niya sa kesame. Double deck ang higaan nila at si Carla ang nasa ibaba. Okay lang naman sa kaniya ang hindi matulog agad dahil wala siyang pasok mamayang gabi. Pero ang hindi okay ay ang laman ng isipan niya... si Tyler. Hindi siya ignorante pagdatin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status