Share

Chapter 17

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-11-04 20:51:03

SA BACK gate nagpababa si Ceryna sa driver. Madalas ay ganoon ang ginagawa niya kapag uuwi galing hospital. Bago siya pumasok ng mansion ay dumadaan muna siya sa sanitation area na nasa likod bahay upang magshower at maiwasan maipasa niya sa anak ang anumang bacteria o virus na nakakapit sa katawan niya. Nirequest niya kay Anthony na ipagawa ang sanitation area para sa kanya gawa na sa hospital siya nagtatrabaho.

Pagpasok niya sa dirty kitchen ay sinalubong kaagad siya ng yaya ng anak niya.

"Ma'am Ceryna, si Kael po ayaw sumama sa amin. Iyong mister na gwapo na sinasabi namin sa iyo na nakakita kay Kael sa airport, bisita po ni Sir Gilbert ngayon," tila kinilig pa ito nang mabanggit ang bisita ng byenan. "Nasa kanya po si Kael ngayon, kahit po kay Sir Gilbert ayaw din sumama," dugtong pa nito.

Napakunot ang noo ni Ceryna.

"Nagtatantrums ba?" mahinahong tanong niya kay Olga, ang batang yaya ni Kael.

"Pagkinukuha lang po namen kay Sir Gwapo, saka lang po nagkukulit." sagot n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 18

    NAKAKABINGI ang pagkabasag ng tumbler niya at nagtalsikan ang bubog nito kung saan. "Don't move," malakas na sabi ni Adrian. Napatigil ang lahat at nakatutok ang tingin kay Ceryna. Nagawang iabot ni Adrian kay Gilbert si Kael at inilang hakbang na lumapit kay Ceryna. Maging ang bata ay tila nagulat sa lakas ng pagkakabasag ng tumbler ng mommy niya. Nadinig pa niya ang pagkadurog ng bubog nang maapakan ng sapatos ni Adrian ang mga iyon. Napaupo ito at mabilis na hinawakan ang mga binti ni Ceryna at hinaplos na parang pinakikiramdaman kung may bubog na bumaon sa balat ni Ceryna. "Are you okay?" may halong pag-aalala ang tinig nito nang tumayo at hawakan siya sa braso. Hindi kaagad nakapagsalita si Ceryna dahil sa biglang reaksyon nito. Napatingin siya sa byenan niya at sa anak niya na noon din ay bakas ang pag-aalala. "I-I'm okay. Hindi naman ako nasaktan," pilit niyang pinakaswal ang tono niya at bahagyang iniwas ang braso na hawak nito. "Grace, ligpitin mo muna ang mga bub

  • Loving You in the Dark   Chapter 17

    SA BACK gate nagpababa si Ceryna sa driver. Madalas ay ganoon ang ginagawa niya kapag uuwi galing hospital. Bago siya pumasok ng mansion ay dumadaan muna siya sa sanitation area na nasa likod bahay upang magshower at maiwasan maipasa niya sa anak ang anumang bacteria o virus na nakakapit sa katawan niya. Nirequest niya kay Anthony na ipagawa ang sanitation area para sa kanya gawa na sa hospital siya nagtatrabaho. Pagpasok niya sa dirty kitchen ay sinalubong kaagad siya ng yaya ng anak niya. "Ma'am Ceryna, si Kael po ayaw sumama sa amin. Iyong mister na gwapo na sinasabi namin sa iyo na nakakita kay Kael sa airport, bisita po ni Sir Gilbert ngayon," tila kinilig pa ito nang mabanggit ang bisita ng byenan. "Nasa kanya po si Kael ngayon, kahit po kay Sir Gilbert ayaw din sumama," dugtong pa nito. Napakunot ang noo ni Ceryna. "Nagtatantrums ba?" mahinahong tanong niya kay Olga, ang batang yaya ni Kael. "Pagkinukuha lang po namen kay Sir Gwapo, saka lang po nagkukulit." sagot n

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 16

    "KAEL, meet your Uncle Adrian," nakangiting sabi ni Gilbert habang papalapit kay Adrian. Bahagyang nagulat si Adrian nang mamukhaan ang batang karga ng ama niya. "Siya ang apo mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Adrian. "Yes," tila may pagmamalaking tugon ni Gilbert. "Magdadalawang taon na siya," dagdag pa nito at tumingin kay Adrian. Napatitig siya sa bata na mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama at nakatitig kay Adrian na tila kinikilala ang bagong mukha nito. Pakiramdam niya ay may kumukurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang mag-lolo. "Dada, plane," biglang sambit ni Kael at itinaas ang kamay na para bang inaabot si Adrian. "It's Uncle Adrian, apo." nakangiting wika ni Gilbert at hinalikan sa noo ang bata. "I saw him at the airport last week. I bumped into him... he looked like he’d escaped from his nanny. What were they doing there?" curious na tanong ni Adrian habang nakatitig pa rin sa bata. "Oh really? Maybe he recognized you," tila hindi makapaniwala din si

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 15

    ISANG ARAW bago bumalik si Adrian sa States ay napilit din siya ni Ricardo na puntahan ang Daddy niya sa mansion nito. Si Claire ay naubos na ata ang luha kaiiyak at nakikiusap na wag na muling bumalik ng ibang bansa. Bagama't napaliwanagan naman na niya ito at napahinahon ay bakas pa rin ang pagtutol at tampo sa kanya. Wala naman na siyang dahilan para manatili pa sa Pilipinas. Nangako na lamang siya kay Claire na sa tuwing ika-anim na buwan ay uuwi siya ng Pilipinas. Bumusina siya nang nasa harap na siya ng gate. Automatic iyon bumukas nang marecognize ang sasakyan niya. Mismong sa harap ng malaking pinto niya pinarada ang sasakyan at bumaba. Sinalubong siya ng matandang mayordoma na matagal nang naninilbihan sa mansion ng Daddy niya. "Nandyan ba si Admiral?" tanong niya sa mayordoma. "Nasa office room niya. Hinihintay ka niya doon," sagot ng mayordoma. Tumango si Adrian at tinungo ang tinutukoy nitong opisina. Retired Admiral ang Daddy niya. Sampong taon na itong retirado

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 14

    IT WAS a painful truth that struck his heart like thunderbolt. And yet his heart was still aching for doubt. Ang daming pagdududa ang pumapasok sa isipan niya tungkol sa pagtatapat ni Ceryna sa status nito. Pero hindi magawang tanggapin ng puso niya ang katotohanang iyon. Pagdating sa bahay ay dumeretso siya sa mini bar. Kumuha siya ng alak at nagsalin sa baso. Gusto niyang magpakalunod sa alak sa pagbabakasakaling mawala ang sakit ng nararamdaman niya. Nakakailang lagok pa lamang siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Ricardo. "Hello, 'Pa," sagot niya at lumagok muli ng isa pa. "Where are you?" tanong nito. "I'm at home. Why?" balik niyang tanong at nagsalin muli ng alak sa baso. "Can you come to my office? I have something important to discuss with you," sabi nito na nagpapahiwatig na hindi siya pwedeng tumanggi. "How important is it, 'Pa?" pag-uusisa niya at nilaro laro ang basong may laman ng alak. Napabuntong hininga sa kabilang linya si Ricardo. "Just come o

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 13

    HUMUGOT ng isang malalim na hininga si Ceryna. "I'm already married," mahinang mahina ang pagkakasabi niya pero parang bombang umabot iyon sa tainga ni Adrian. Kung ang pagsasabi kay Adrian ng totoong pagkatao niya ang paraan para lubayan na siya nito ay mas marapat lamang na malaman na ni Adrian upang maiwasan pang lumawak ang mga taong masasaktan niya. Katangahan ang umiral sa kanya kahapon kung bakit naulit pang muli na may mangyari sa kanilang dalawa at ayaw na niya iyong sundan pa. Malakas pa sa pagsabog ng bomba sa giyera ang bombang binitawang salita ni Ceryna sa kanya. Nakatutulig at nakabibingi. Parang huminto pansamantala ang tibok ng puso niya. Nasaksihan ni Ceryna ang halo halong reaksyong dumaan sa mga mata ni Adrian. Pangatlong beses pa lamang silang nagkikita pero parang matagal na silang magkakilala at malalim na ang pinagsaluhan nila. Ang naging pundasyon lamang nila ay ang unang pagkakataong pagkikita nila dalawang taon na ang nakalipas. At ang sakit na dulo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status