Share

Chapter 51

Leana’s POV

Kunot-noo kong pinagmasdan ang papel kong may mababang score. Bakit ba nagtataka pa ako kung bakit mababa ang nakuha ko eh hindi naman talaga ako nakapag-aral kagabi. Marami akong ginawa sa bahay at pagod ako kaya mas inuna ko ang pagtulog kaysa sa pagre-review.

Agad ko itong nilukot at tinapon sa basurahan. Hindi iyon karapat dapat ipagmalaki. Babawi na lang ako sa susunod.

Nagpunta ako sa canteen para bumili ng pagkain at babalik din sana agad sa classroom pero tinawag ako ni Xavier.

“Leana!”

“Hi.”

“Musta na? Bihira na kitang makita ah.”

“Madalas kasi ako sa classroom.”

“Alam mo ba kung saan nagpunta ‘yung supladong ‘yun?”

Bakit niya sa akin tinatanong?

“Bakit?”

“Mag practice sana kami eh kaso hindi namin siya mahanap.”

“Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nandyan lang ‘yan. Try niyo i-check sa field.”

“Sige. Oo nga pala, bwisit na ‘yun. Mang-iiwan.”

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

“Nagpalipat siya sa STEM.”

“Ha?!”

Nanlaki naman ang mga mata ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status