Share

Chapter 69

Leana’s POV

“Rose dali! Pumwesto ka na!”

Napailing na lang kami dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Michael sa kapatid niya.

“Teka lang kuya!”

Nilingon ako ni Michael at binigyan ng nagpapaumanhin na tingin kaya nginitian ko siya at tinanguan. Okay lang naman sa akin na magtagal dito sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Rose.

“Hindi ka nangangalay dyan ate?”

“Bakit naman ako mangangalay? Nakatayo lang naman ako tapos may hawak na camera.” Natatawang saad ko.

Napalingon ako kay mama at tito na tahimik lang na pinapanood kami mula sa kinatatayuan nila. Nakasuot si mama ng dress at si tito naman ay suot suot pa ang suit niya na ginamit niya mula sa trabaho. Si Michael naman as usual ay nakasukbit na naman sa leeg niya ang headphones niya. Hindi niya ito mabitawan at laging sinasabi na parte raw ng pagkatao niya ‘yun.

“I’m done!”

Napalingon kaming lahat sa hagdan dahil sa sigaw na iyon ni Rose. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko siya na naka dress at ang cute cute niya!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status