Share

KABANATA 2

Author: Ensi
last update publish date: 2026-06-01 13:52:07

Tahimik lang ako nang makarating kami sa resto na nireserve nila para sa amin. Si Mommy, parang hindi maubusan ng sasabihin. Kung anu-ano na ang kinukwento niya.

Pagdating ng order, tahimik lang din akong kumain. Wala akong energy para makipag-usap sa kanila. Uuwi ako pagkatapos kong kumain. Bahala sila kung gusto nilang magstay dito.

Habang abala ako sa pagkain, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ayc, isa sa mga kaklase ko.

"Sa Pinas ka na, 'di ba?" text niya. Agad akong nagreply with a yes. "Reunion bukas, kasama si Sir Knoxx. Sama ka?"

Natigilan ako at napatingin kay Knoxx na masayang nakikipag-usap kay Mommy. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya bumaling siya sa akin, pati si Mommy napatingin.

"What's wrong, anak?" maarteng tanong ni Mommy. "May problema ba?"

Tumagal ang titig ko kay Knoxx bago inilipat ang tingin sa aking phone nang tumunog 'yon, si Ayc, tumatawag.

"Reunion namin sa school, sagutin ko lang 'to sa labas," I excused myself. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas ng resto.

"Anong oras ang reunion, Ayc?" tanong ko agad pagkasagot ko sa tawag.

"9AM, sa gym sa school ang assembly tapos nagpareserve raw si Professor Knoxx ng resort to party. Sasama ka naman, 'di ba?" tila hindi siguradong tanong niya.

"Oo, sasama ako," bagot kong sagot. "Nasaan ka ngayon, mag-usap tayo."

Si Ayc ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan simula college at alam niya tungkol sa nangyari sa amin ni Knoxx noon, pati sa anak namin, pero 'yong tungkol kay Mommy at Knoxx, hindi.

"Favorite place to chika," aniya. "I'm alone kaya wag kang mag-aalala. Pumunta ka na rito."

"Sige, papunta na ako." Binaba ko ang tawag at bumalik sa loob para magpaalam kay Mommy.

"May pupuntahan ako, Mommy," sabi ko at kinuha ang aking bag. "Save the story. Baka gabi na ako makauwi."

"Saan ka pupunta?" Nanliliit ang mga mata niyang tanong.

"To meet college friends." Tumingin ako sandali kay Knoxx na walang pakialam sa pinag-uusapan namin. "Pag-uusapan namin 'yong tungkol sa reunion. May mabait kasi kaming professor na nagbook ng resort para sa party kaya dapat bongga ang susuotin naming bikinis and for sure maraming pogi roon, baka doon ako makabingwit."

Nakita ko kung paano natigilan si Knoxx. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tinidor na para bang babaluktot na 'yon.

Ngumisi ako. Ganyan nga, Knoxx, ma-pressure ka! Mali ka ng pinasok na pamilya! Maghiwalay na kayo!

Tumawa ng mahina si Mommy. "Sure, anak. Akala ko naman kasi kung ano. Umuwi ka sa gabi ha?"

"Yes, Mommy," tugon ko at humalik sa pisngi niya.

Bumaling ako kay Knoxx na nakatingin na sa akin ngayon, at hindi ko pinalagpas, hinalikan ko rin siya sa pisngi, malapit sa gilid ng kanyang labi. "Alis na po ako, Daddy."

Uminom muna ako ng tubig bago kumaway sa kanila na may ngiti sa labi saka tumalikod.

Paglabas ko ng resto, pinagmumurá ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tib0k ng puso ko saka pinaypayan ang mukha sa init niyon.

"God," hingal kong sabi, ngunit bago pa man ako makapara ng taxi, nanigas ako nang may humawak sa aking siko.

Napalingon ako agad sa gulat. "K-Knoxx? Anong ginagawa—"

"Here." Inilahad niya ang card, platinum card sa akin. Nanlamig ako nang ipahawak niya sa akin 'yon sabay pisil sa kamay ko. Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakatitig siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko maririnig niya ang bilis ng tib0k ng puso ko. "Waldasin niyo ng mga kaibigan mo."

"May pera ako—"

"Use it, Kath," madiing sabi niya. "Gamitin mo hanggang sa magsawa ka."

"I said—"

Napigil ko ang hininga nang ilapit niya ang mukha sa akin, malapit sa tenga ko. "Use it, darling, I know you love shopping."

Natuptop ko ang labi ko, at napatulala nang halikan niya ako... sa mismong labi ko. "Enjoy, darling."

And even the way he caressed my hand before leaving, it was electrifying. Sa ilang minuto na 'yon, nakalimutan kong huminga habang nakasunod ang tingin ko sa papalayo niyang pigura.

He knew how to play, damn it! Nakabawi siya agad!

Mabilis akong pumara ng taxi at pumunta agad sa kaibigan ko. Pagdating doon, nag-order kami at kinuwento sa kanya lahat.

"Teka lang, Kath, teka!" Pigil niya sa akin, tila hindi maproseso ang kwento ko sa kanya. "Si Knoxx talaga? Like iyong college professor natin mismo? Ang boyfriend ng Nanay mo?! Eh hindi ba may anak kayo?" Napataas ang boses niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Sssh," saway ko. "Hinaan mo ang boses mo. Paano kung may makarinig sa'yo? Oo nga, gusto mo pumunta ka pa sa bahay para makita mo," sabi ko, para naman maniwala siya.

Tila na-excite siya sa sinabi ko at napaayos ng upo. "Talaga? Sige, doon ako matutulog sa inyo. Kailangan may ebidensya. Pero alam ba ng Mommy mo? Na college professor natin siya?"

"Siguro? Hindi naman 'yon nagtatanong, ewan ko lang kung sinabi ni Knoxx kay Mommy." Nagkibit-balikat na lang ako at sumimsim ng kape.

"Grabe naman iyong plot twist ng buhay mo, 'teh. Tapos ano nga ulit 'yong sa part na nakaka-fling mo iyong anak niya?"

"Ah, si Tristan? Oo, sa London," kaswal kong sagot at napangiwi nang hampasin niya ako sa braso. "Bakit ba? Iyong lalaki ang lapit nang lapit eh. Anong gagawin ko?"

Natawa siya ng mahina. "Napakaharot mo talaga. Pero gwapo?"

"Oo naman," pilyong sagot ko.

"Naka-sèx mo?" kuryosong tanong niya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Gaga, hindi! Takot na akong mabuntis."

"May proteksyon naman eh."

"Wala akong tiwala sa proteksyon proteksyon na 'yan. Hanggang kiss lang kami saka busy ako sa trabaho ko doon at sa anak ko," agap ko.

Saka mukhang di naman talaga 'yon anak ni Knoxx. Anak-anakan lang?

"Eh, anong plano mo ngayon?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Plano? Saan?"

"Sasabihin mo ba kay Knoxx na may anak na kayo? O talagang ililihim mo?" Natahimik ako sa tanong niya. "Hindi habangbuhay kaya mong itago sa kanya. Anak niya 'yon."

"Hindi nga niya nalaman noon, ngayon pa kaya?"

"Sigurado ka ba na hindi niya alam?"

"Unless sinabi mo sa kanya," patuloy ko. "Kukulamin talaga kita."

"Baliw, bakit ko sasabihin sa kanya? Parang ano naman 'to." Inirapan niya ako at humalukipkip na sumandal sa upuan. "Excited na akong makita si Sir."

Ngumisi ako. "Plano ko ngang landiin para hindi matuloy ang kasal nila ni Mommy."

"Ay bet ko 'yan, teh! Go mo na! Lahian mo ulit!" Sabay kaming natawa nang malakas sa sinabi niya. "Pero nakakamiss mga pa-oral recitation ni Sir. Swerte mo girl."

Hilaw akong ngumiti. "Ha! Swerte? Ako lagi ang tinatawag niya sa oral! Ano ka!"

"Kasi nga favorite ka niya, kaya ka nga inanakan eh!" Humalakhak siya.

"Baliw!"

Pag-uwi namin sa bahay, nadatnan namin si Knoxx na nasa sala, wala si Mommy, siguro tulog na kasi past 10pm na, dumaan pa kasi kami sa bar tapos mall para magshopping. Talagang nagwaldas kami gamit ang card ni Knoxx.

"Good evening... Sir Knoxx?" Napairap ako sa paraan ng pagabatî ni Ayc kay Knoxx.

Wala na kami sa college, nagsi-Sir pa rin!

Ibinaba ni Knoxx ang librong binabasa at tumingin sa gawi namin. Pagkahubád ko ng sapatos, dumiretso ako sa sofa, katapat niya.

"Break up with my Mommy," walang paligoy-ligoy kong bungad kay Knoxx at inihagis sa kanya ang card na mabilis niyang nasalo gamit ang kanyang mga daliri. "I don't want you to be my stepfather."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 5

    Imbis na sagutin ang tanong ni Knoxx, tumakbo ako at iniwan siya doon. Bahala siya mag-overthink. Hindi naman niya siguro seseryosohin ang sinabi ko.Nagpaalam na ako sa anak ko pagkatapos ko itong kausapin at sinabing nakabook na ang ticket niya pabalik ng Pilipinas. We're plotting something para hindi matuloy ang kasal ni Knoxx at Mommy.Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang welcome party sa tabi ng beach. May bonfire, may buffet, at walang katapusang agos ng alak. Nagpalit ako ng isang hapit na slip dress na kulay emerald green. Alam kong agaw-atensyon iyon, at iyon naman talaga ang layunin ko.Habang nagtatawanan ang lahat, lumapit sa akin si Marco, ang dating sikat na varsity player sa campus na ngayon ay isang successful na fitness coach na rin."Kathryn! Long time no see. Ang ganda mo lalo ngayon, ah," nakangiting bati niya, may hawak na dalawang baso ng cocktail at inabot sa akin ang isa."Thanks, Marco. Ikaw rin, lalong lumaki ang katawan mo," tugon ko, sinadyang lakasan ang bos

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 4

    Habang nakatayo ako sa gitna ng parking lot, pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Napahawak ako sa strap ng bag ko nang napakahigpit nang maalala ko ang sinabi niya."Sisiguraduhin kong sa akin ka pa rin uuwi.""Kapal ng mukha," bulong ko sa sarili ko, pilit na itinataboy ang kilabot na gumagapang sa sistema ko. Bilyonaryo siya, oo. Makapangyarihan. Pero hindi na ako ang bata at tangang estudyante na basta-basta na lang sumusunod sa kanya."Hoy, Kathryn! Ano pang tinutunganga mo riyan? Puno na 'yong unang coaster, doon tayo sa pangalawa!"Natauhan ako nang marinig ang boses ni Ayc. Kumakaway siya mula sa pinto ng ikalawang coaster. Mabilis kong inayos ang sarili ko, nagkunwaring walang nangyari, at sumunod sa kanya. Pag-akyat ko, agad akong umupo sa tabi ng bintana, habang si Ayc naman walang tigil ang panunuri sa mukha ko."Anong eksena 'yon, ha?" bulong niya, nanliliit ang mga mata para sumagap ng tsismis. "Nakita ko kayo ni Sir Knoxx sa likod. Parang may sarili kayong mundo, 't

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 3

    Sumandal si Knoxx sa backrest ng sofa, hindi man lang natinag sa biglaang bungad ko. Sa halip, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang libro sa center table habang ang kabilang kamay pinaglalaruan ang platinum card na inihagis ko.His dark eyes flicked from the card up to my face. The sheer intensity of his eyes was enough to make my breath hitch, but I forced myself to hold it. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon, lalo na’t nasa tabi ko si Ayc na literal na pigil-hininga."Break up with her?" Knoxx repeated, his deep, baritone voice, sounding amused. Isang tipid at nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi niya. "And why would I do that, Kathryn? Your mother loves me. And as you can see, I can provide her with the life she wants. Mahal ko ang Mommy mo Kathryn."Gusto kong ngumiwi. Mahal? Bakit pakiramdam ko hindi? Na parang may itinatago siya?"Huwag mo akong ma-Kathryn-Kathryn, Knoxx. Alam nating dalawa kung anong klaseng lalaki ka," matapang kong sagot, kahit sa loob-lo

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 2

    Tahimik lang ako nang makarating kami sa resto na nireserve nila para sa amin. Si Mommy, parang hindi maubusan ng sasabihin. Kung anu-ano na ang kinukwento niya.Pagdating ng order, tahimik lang din akong kumain. Wala akong energy para makipag-usap sa kanila. Uuwi ako pagkatapos kong kumain. Bahala sila kung gusto nilang magstay dito.Habang abala ako sa pagkain, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ayc, isa sa mga kaklase ko."Sa Pinas ka na, 'di ba?" text niya. Agad akong nagreply with a yes. "Reunion bukas, kasama si Sir Knoxx. Sama ka?"Natigilan ako at napatingin kay Knoxx na masayang nakikipag-usap kay Mommy. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya bumaling siya sa akin, pati si Mommy napatingin."What's wrong, anak?" maarteng tanong ni Mommy. "May problema ba?"Tumagal ang titig ko kay Knoxx bago inilipat ang tingin sa aking phone nang tumunog 'yon, si Ayc, tumatawag."Reunion namin sa school, sagutin ko lang 'to sa labas," I excused myself. Hindi ko na hinintay ang sagot nila

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 1

    Binitawan niya ako bago pa makahalata si Mommy. Niyakap ko ang sarili ko, pilit na itinatago ang panginginig ng buong katawan ko."I'm... I'm tired, Mom," pagsisinungaling ko, hindi tumitingin kay Knoxx. Kung titingnan ko siya, baka tuluyan na akong mag-breakdown sa gitna ng airport. "Long flight, jet lag. Pwede bang umuwi na? Gusto kong magpahinga.""Oh, poor baby. Sabi ko naman sa'yo, Knoxx will drive us straight to the restaurant. We reserved a private room at Shangri-La para makapag-celebrate tayo agad!" Mommy clapped her hands in excitement. "Kailangan nating mag-catch up! Marami kaming ikukuwento sa'yo tungkol sa wedding plans namin!"Wedding plans. Pakshet talaga! Mukhang tuloy na tuloy na talaga 'to, pero kailangan kong pigilan, bwisit!"Let's go?" Knoxx asked, his tone perfectly polite, the epitome of a doting, gentleman fiancé.Gusto kong tumanggi, gusto kong umapela, pero... ayokong masaktan si Mommy!Si Knoxx na mismo ang bumuhat ng mabigat kong maleta nang hindi man lang

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   SIMULA

    Kakababa ko lang ng eroplano at ngayon, halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko, maang ang bibig nang makita ko kung sino ang kasama ni Mommy.Tang-na! Namamalikmata lang ba ako?Napakurap-kurap ako ng ilang beses, pero... 'yon pa rin ang nakikita ko, walang nagbago!Siya na ba talaga ang boyfriend ni Mommy? How? Paano sila nagkakilala?"Anak!" Kaway ni Mommy sa direksyon ko habang 'yong katabi niya malamig na nakatingin sa akin.Tutuloy pa ba ako? Bakit pakiramdam ko gusto kong umurong na lang?Bumalik sa akin lahat ng nakaraan ko, no'ng college kung saan naging professor ko ang lalaki—oo, iyong boyfriend ni Mommy, si Knoxx Madrigal, na katabi niya ngayon, at naka-one night stand ko sa bar noon dahilan para makabuo kami, nang hindi niya alam, maski ang nanay ko.Nangibang bansa ako dahil doon, para takasan lahat, para hindi na magtagpo ang landas namin, pero ngayon, mukhang magiging stepfather ko pa siya.Small world, pero putang-na! Hindi ito ang inasahang uuwian ko sa Pilipinas!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status