Share

KABANATA 5

Author: Ensi
last update publish date: 2026-06-06 10:11:17

Imbis na sagutin ang tanong ni Knoxx, tumakbo ako at iniwan siya doon. Bahala siya mag-overthink. Hindi naman niya siguro seseryosohin ang sinabi ko.

Nagpaalam na ako sa anak ko pagkatapos ko itong kausapin at sinabing nakabook na ang ticket niya pabalik ng Pilipinas. We're plotting something para hindi matuloy ang kasal ni Knoxx at Mommy.

Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang welcome party sa tabi ng beach. May bonfire, may buffet, at walang katapusang agos ng alak. Nagpalit ako ng isang hapit na slip dress na kulay emerald green. Alam kong agaw-atensyon iyon, at iyon naman talaga ang layunin ko.

Habang nagtatawanan ang lahat, lumapit sa akin si Marco, ang dating sikat na varsity player sa campus na ngayon ay isang successful na fitness coach na rin.

"Kathryn! Long time no see. Ang ganda mo lalo ngayon, ah," nakangiting bati niya, may hawak na dalawang baso ng cocktail at inabot sa akin ang isa.

"Thanks, Marco. Ikaw rin, lalong lumaki ang katawan mo," tugon ko, sinadyang lakasan ang boses ko dahil alam kong ilang mesa lang ang layo sa amin ni Knoxx, na kasalukuyang kausap ang ilang mga alumni. "Pwedeng lumambitin sa braso mo!" biro ko dahilan para matawa kami.

"Narinig ko galing ka palang New York? Single ka pa ba?" diretsahang tanong ni Marco, lumapit pa siya nang kaunti kaya halos magka-dikit na ang mga braso namin.

"Oo naman. Naghahanap nga ako ng pwedeng mag-alaga sa akin dito sa Pinas," pilyong sagot ko, sabay sulyap sa gawi ni Knoxx.

I saw his face darkened. Habang hawak ang baso ng whiskey, nakatutok ang tingin niya sa kamay ni Marco na ngayon ay dahan-dahang humawak sa baywang ko para gabayan ako sa upuan. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Knoxx, at ang paraan ng pagtayo niya mula sa kanyang upuan na tila isang leon na gustong sumunggab.

"Kath, pwede ba kitang maisayaw sa gitna?" aya ni Marco nang magsimulang tumugtog ang isang swabeng kanta.

"Sure—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang malaking kamay ang biglang humawak sa pulso ko. It was Knoxx.

Lihim akong napangiti. Kumagat ang plano ko ngayong gabi. Paano pa kaya kapag inakit ko na siya? Bibigay kaya siya?

"Sorry, Marco. But I need to discuss something important with Kathryn regarding her mother's upcoming event," singit ni Knoxx. Malamig ang boses, walang emosyon, pero ang presensya niya sapat na para mapaatras si Marco.

"Ah... s-sige po, Sir Knoxx. Pasensya na po," tarantang sabi ni Marco bago mabilis na lumayo sa amin.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba, Knoxx! Nakikipag-usap ako sa tao, eh!"

"I told you, Kathryn," bulong niya, hinila ako palayo sa mga tao, patungo sa madilim na bahagi ng tabing-dagat kung saan walang makakarinig sa amin. "Huwag mokong subukan. Hindi ko gustong nakikitang hinahawakan ka ng ibang lalaki."

"Bakit? Ano bang pakialam mo? Boyfriend ka ng Mommy ko! Iyon lang 'yon!" sigaw ko sa mukha niya, bagamat ang puso ko parang sasabog na sa kaba.

"Gusto mo talagang malaman kung anong pakialam ko?" Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at isinandal ako sa puno ng niyog.

Ramdam ko ang bigat ng katawan niya, dahilan para mapasinghap ako. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin, amoy ang pinaghalong alak at bango niya.

"Knoxx, bitawan mo ako... baka may makakita sa atin—"

"Wala akong pakialam kung makita nila tayo!" hamon niya, napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. "Let them see how much I want to ruin you right now, Kathryn. Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo? You’re trying to provoke me. Ginigising mo ang demonyo sa loob ko para lang sirain ang kasal namin ng Mommy mo!"

"Kung alam mo naman pala, bakit hindi ka pa lumayo?" hamon ko rin. I tried my best not to stutter, kahit pa nanginginig ang labi ko. "Iwan mo si Mommy. Maghiwalay kayo. Iyon lang ang paraan."

Huminga siya nang malalim. "Paano kung ayoko? Paano kung ang tanging paraan para makuha kita ulit... ay ang manatili akong malapit sa pamilya mo?"

Natigilan ako. Anong sinasabi ng lalaking 'to? Makuha ako ulit?

Bago ko pa maproseso ang lahat, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Hindi ito katulad ng mabilis na halik sa labas ng resto kahapon. This kiss was deep, demanding, and full of unspoken possessiveness. Isang halik na nagpabalik sa akin sa gabi ng nakaraan namin, gabing naging dahilan kung bakit may isang tatlong taong gulang na bata na naghihintay sa akin sa New York.

Napahawak ako sa polo shirt niya, pilit siyang itinutulak, pero habang tumatagal, ang sarili kong katawan ay tila nagkakanulo sa akin. My hands gripped his shirt tighter, answering his kiss with the same intensity of anger and longing.

Nang sa wakas ay humiwalay siya, kapwa kami naghahabol ng hininga.

"You're still mine, Kathryn. Kahit anong gawin mo, sa akin ka pa rin babalik," bulong niya bago dahan-dahang lumayo, iniwan akong nakasandal sa puno, hawak ang sarili kong mga labi na nanginginig sa takot... at sa katotohanang mas lalong nagiging kumplikado ang lahat.

P-Paano kung ako ang matalo sa laro na 'to? Paano kapag nalaman na niya ang tungkol sa anak namin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 5

    Imbis na sagutin ang tanong ni Knoxx, tumakbo ako at iniwan siya doon. Bahala siya mag-overthink. Hindi naman niya siguro seseryosohin ang sinabi ko.Nagpaalam na ako sa anak ko pagkatapos ko itong kausapin at sinabing nakabook na ang ticket niya pabalik ng Pilipinas. We're plotting something para hindi matuloy ang kasal ni Knoxx at Mommy.Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang welcome party sa tabi ng beach. May bonfire, may buffet, at walang katapusang agos ng alak. Nagpalit ako ng isang hapit na slip dress na kulay emerald green. Alam kong agaw-atensyon iyon, at iyon naman talaga ang layunin ko.Habang nagtatawanan ang lahat, lumapit sa akin si Marco, ang dating sikat na varsity player sa campus na ngayon ay isang successful na fitness coach na rin."Kathryn! Long time no see. Ang ganda mo lalo ngayon, ah," nakangiting bati niya, may hawak na dalawang baso ng cocktail at inabot sa akin ang isa."Thanks, Marco. Ikaw rin, lalong lumaki ang katawan mo," tugon ko, sinadyang lakasan ang bos

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 4

    Habang nakatayo ako sa gitna ng parking lot, pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Napahawak ako sa strap ng bag ko nang napakahigpit nang maalala ko ang sinabi niya."Sisiguraduhin kong sa akin ka pa rin uuwi.""Kapal ng mukha," bulong ko sa sarili ko, pilit na itinataboy ang kilabot na gumagapang sa sistema ko. Bilyonaryo siya, oo. Makapangyarihan. Pero hindi na ako ang bata at tangang estudyante na basta-basta na lang sumusunod sa kanya."Hoy, Kathryn! Ano pang tinutunganga mo riyan? Puno na 'yong unang coaster, doon tayo sa pangalawa!"Natauhan ako nang marinig ang boses ni Ayc. Kumakaway siya mula sa pinto ng ikalawang coaster. Mabilis kong inayos ang sarili ko, nagkunwaring walang nangyari, at sumunod sa kanya. Pag-akyat ko, agad akong umupo sa tabi ng bintana, habang si Ayc naman walang tigil ang panunuri sa mukha ko."Anong eksena 'yon, ha?" bulong niya, nanliliit ang mga mata para sumagap ng tsismis. "Nakita ko kayo ni Sir Knoxx sa likod. Parang may sarili kayong mundo, 't

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 3

    Sumandal si Knoxx sa backrest ng sofa, hindi man lang natinag sa biglaang bungad ko. Sa halip, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang libro sa center table habang ang kabilang kamay pinaglalaruan ang platinum card na inihagis ko.His dark eyes flicked from the card up to my face. The sheer intensity of his eyes was enough to make my breath hitch, but I forced myself to hold it. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon, lalo na’t nasa tabi ko si Ayc na literal na pigil-hininga."Break up with her?" Knoxx repeated, his deep, baritone voice, sounding amused. Isang tipid at nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi niya. "And why would I do that, Kathryn? Your mother loves me. And as you can see, I can provide her with the life she wants. Mahal ko ang Mommy mo Kathryn."Gusto kong ngumiwi. Mahal? Bakit pakiramdam ko hindi? Na parang may itinatago siya?"Huwag mo akong ma-Kathryn-Kathryn, Knoxx. Alam nating dalawa kung anong klaseng lalaki ka," matapang kong sagot, kahit sa loob-lo

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 2

    Tahimik lang ako nang makarating kami sa resto na nireserve nila para sa amin. Si Mommy, parang hindi maubusan ng sasabihin. Kung anu-ano na ang kinukwento niya.Pagdating ng order, tahimik lang din akong kumain. Wala akong energy para makipag-usap sa kanila. Uuwi ako pagkatapos kong kumain. Bahala sila kung gusto nilang magstay dito.Habang abala ako sa pagkain, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ayc, isa sa mga kaklase ko."Sa Pinas ka na, 'di ba?" text niya. Agad akong nagreply with a yes. "Reunion bukas, kasama si Sir Knoxx. Sama ka?"Natigilan ako at napatingin kay Knoxx na masayang nakikipag-usap kay Mommy. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya bumaling siya sa akin, pati si Mommy napatingin."What's wrong, anak?" maarteng tanong ni Mommy. "May problema ba?"Tumagal ang titig ko kay Knoxx bago inilipat ang tingin sa aking phone nang tumunog 'yon, si Ayc, tumatawag."Reunion namin sa school, sagutin ko lang 'to sa labas," I excused myself. Hindi ko na hinintay ang sagot nila

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 1

    Binitawan niya ako bago pa makahalata si Mommy. Niyakap ko ang sarili ko, pilit na itinatago ang panginginig ng buong katawan ko."I'm... I'm tired, Mom," pagsisinungaling ko, hindi tumitingin kay Knoxx. Kung titingnan ko siya, baka tuluyan na akong mag-breakdown sa gitna ng airport. "Long flight, jet lag. Pwede bang umuwi na? Gusto kong magpahinga.""Oh, poor baby. Sabi ko naman sa'yo, Knoxx will drive us straight to the restaurant. We reserved a private room at Shangri-La para makapag-celebrate tayo agad!" Mommy clapped her hands in excitement. "Kailangan nating mag-catch up! Marami kaming ikukuwento sa'yo tungkol sa wedding plans namin!"Wedding plans. Pakshet talaga! Mukhang tuloy na tuloy na talaga 'to, pero kailangan kong pigilan, bwisit!"Let's go?" Knoxx asked, his tone perfectly polite, the epitome of a doting, gentleman fiancé.Gusto kong tumanggi, gusto kong umapela, pero... ayokong masaktan si Mommy!Si Knoxx na mismo ang bumuhat ng mabigat kong maleta nang hindi man lang

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   SIMULA

    Kakababa ko lang ng eroplano at ngayon, halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko, maang ang bibig nang makita ko kung sino ang kasama ni Mommy.Tang-na! Namamalikmata lang ba ako?Napakurap-kurap ako ng ilang beses, pero... 'yon pa rin ang nakikita ko, walang nagbago!Siya na ba talaga ang boyfriend ni Mommy? How? Paano sila nagkakilala?"Anak!" Kaway ni Mommy sa direksyon ko habang 'yong katabi niya malamig na nakatingin sa akin.Tutuloy pa ba ako? Bakit pakiramdam ko gusto kong umurong na lang?Bumalik sa akin lahat ng nakaraan ko, no'ng college kung saan naging professor ko ang lalaki—oo, iyong boyfriend ni Mommy, si Knoxx Madrigal, na katabi niya ngayon, at naka-one night stand ko sa bar noon dahilan para makabuo kami, nang hindi niya alam, maski ang nanay ko.Nangibang bansa ako dahil doon, para takasan lahat, para hindi na magtagpo ang landas namin, pero ngayon, mukhang magiging stepfather ko pa siya.Small world, pero putang-na! Hindi ito ang inasahang uuwian ko sa Pilipinas!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status