Share

KABANATA 4

Author: Ensi
last update publish date: 2026-06-02 08:13:05

Habang nakatayo ako sa gitna ng parking lot, pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Napahawak ako sa strap ng bag ko nang napakahigpit nang maalala ko ang sinabi niya.

"Sisiguraduhin kong sa akin ka pa rin uuwi."

"Kapal ng mukha," bulong ko sa sarili ko, pilit na itinataboy ang kilabot na gumagapang sa sistema ko.

Bilyonaryo siya, oo. Makapangyarihan. Pero hindi na ako ang bata at tangang estudyante na basta-basta na lang sumusunod sa kanya.

"Hoy, Kathryn! Ano pang tinutunganga mo riyan? Puno na 'yong unang coaster, doon tayo sa pangalawa!"

Natauhan ako nang marinig ang boses ni Ayc. Kumakaway siya mula sa pinto ng ikalawang coaster. Mabilis kong inayos ang sarili ko, nagkunwaring walang nangyari, at sumunod sa kanya. Pag-akyat ko, agad akong umupo sa tabi ng bintana, habang si Ayc naman walang tigil ang panunuri sa mukha ko.

"Anong eksena 'yon, ha?" bulong niya, nanliliit ang mga mata para sumagap ng tsismis. "Nakita ko kayo ni Sir Knoxx sa likod. Parang may sarili kayong mundo, 'teh. Anong sinabi sa'yo?"

"Wala," pagsisinungaling ko, tumingin ako sa labas ng bintana habang umaandar ang sasakyan. "Sabi niya lang masyado raw lantad ang suot ko."

"Sus! Protective si Daddy!" tudyo ni Ayc na siniko pa ako sa tagiliran. "Pero seryoso, Kath. Tingnan mo si Sir, doon siya sumakay sa unahan ng unang coaster. Kanina pa kaya kita pinagmamasdan, mukha kang balisa. Akala ko ba ikaw ang manlalandi? Bakit parang ikaw 'yong naba-backfire?"

Hindi ko siya sinagot dahil totoo ang sinabi niya. Bwisit talaga. Ang plano ko sana ay asarin siya, sulsulan ang selos niya para siya mismo ang umurong sa kasal nila ni Mommy. Pero sa tuwing bumubuka ang bibig ni Knoxx, pakiramdam ko ako 'yong unti-unting nako-corner.

Makalipas ang halos tatlong oras na biyahe, nakarating din kami sa resort sa Batangas. At hindi ako nagkamali sa inaasahan ko kay Knoxx Madrigal, the place was a high-end, exclusive paradise. Isang pribadong cove na may white sand, naglalakihang infinity pools, at mga luxury villas na nakaharap sa dagat. Buong resort naka-exclusive booking para lang sa batch namin.

Binook ba niya 'to o kanya talaga?

"Grabe, iba talaga kapag bilyonaryo ang sponsor!" rinig kong hiyawan ng mga dating kaklase namin habang ibinababa ang mga bagahe.

Agad kaming dinala sa central pavilion para sa pagbibigay ng mga susi ng villa. Dahil marami kami, tig-apat na tao sa bawat villa. Kasama ko natural si Ayc at dalawa pa naming dating kasamahan sa kurso na sina Karen at Jessa.

"Excuse me, everyone," pagkuha ng atensyon ng coordinator ng resort. "For the room assignments, perfectly distributed na po ang mga villas natin. Except for one request." Tumingin ang coordinator sa direksyon ko, na nagpakabog ng dibdib ko. "Ms. Kathryn, special instruction from Sir Knoxx. You will be staying at the VIP beachfront villa. Mas malapit daw po sa function hall para sa assembly mamayang gabi."

Natahimik ang paligid. Ang mga mata ng mga kaklase ko, lalo na ng mga kababaihan, agad na bumaling sa akin. Iyong iba may halong inggit, ang iba naman nagtataka.

"Teka, bakit si Kath lang ang may VIP villa?" mahinang bulong ni Karen sa tabi ko, sapat na para marinig ko.

"Ah, baka dahil... dahil galing siyang New York at may inaayos na business ang pamilya nila kay Sir Knoxx?" mabilis na palusot ni Ayc para isalba ako. "Alam niyo naman, magka-partner ang mga pamilya niyan."

Peke akong ngumiti at tumango na lang, pero sa loob-loob ko, gusto ko nang sakalin si Knoxx. Ginagawa niya ba 'to para ipahiya ako? O para ihiwalay ako sa iba?

"Sige na, kunin mo na 'yong susi," tulak sa akin ni Ayc.

Nang makuha ko ang susi, dinala ko ang gamit ko patungo sa sinasabing VIP villa. Pagpasok ko pa lang, halos malaglag ang panga ko. It was a massive, single-detached villa with a private plunge pool. Sobrang luwag, at ang kama, king-sized na may transparent na kurtina. Pero ang mas nagpabilis ng tib0k ng puso ko ay ang pinto sa gilid na may katabing isa pang villa.

At doon sa kabilang deck, nakatayo si Knoxx. Naka-shades siya, may hawak na baso ng alak, at tamad na nakatingin sa akin habang hinahangin ang polo shirt niya.

Magkapitbahay kami ng villa. At mukhang kaming dalawa lang ang nasa bahaging ito ng resort.

"Binubwisit mo ba ako, Knoxx?" direktang tanong ko nang lumabas ako sa veranda ng villa ko, walang pakialam kung may makarinig.

Ibinaba niya nang bahagya ang shades niya, pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko bago sumagot. "I'm just making sure my future stepdaughter is comfortable, Kathryn. Masama ba 'yon?"

"Huwag mong gamitin ang salitang 'yan sa akin! Alam nating dalawa kung bakit mo 'to ginawa!"

"Talaga? Bakit ko nga ba ginawa?" Humakbang siya palapit sa dulo ng deck niya, na may pagitan lang na maliit na garden mula sa deck ko. "Ginawa ko 'to dahil alam kong mahilig kang magsuot ng ganyang damit. At ayokong may ibang lalaking tumitingin sa likod mo habang naglalakad ka sa resort."

Natigilan ako. He sounds so possessive! Ganitong-ganito siya sa akin noon lalo na kapag kaming dalawa lang sa social hall!

"Wala kang pakialam kung sinuman ang tumingin sa akin. Hindi mo ako pag-aari," matigas kong sabi.

"Hindi pa... sa ngayon," makahulugang sagot niya.

Bago ko pa man ito masagot, biglang nagring ang phone ko. Tumatawag ang anak ko. Sa inis at galit ko kay Knoxx, sinagot ko 'yon, video call.

"Mommy!" Nakangiting bungad sa akin ng anak kong lalaki, si Nero. Napansin kong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa likod, kung saan nakatayo si Knoxx. "Sino po 'yong nasa likod niyo, Mommy?"

"Oh, siya ba?" Walang hiya-hiyang umakbay ako kay Knoxx kahit ang tangkad niya. "He's your daddy! Gwapo, 'di ba?"

"D-Daddy?" takang untag ng anak ko.

"Yes, anak, your Daddy Knoxx," nakangiting tugon ko.

Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Knoxx pagkatapos kong sabihin 'yon.

"W-What do you m-mean, Kath? That he's my s-son and you're his mother?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 5

    Imbis na sagutin ang tanong ni Knoxx, tumakbo ako at iniwan siya doon. Bahala siya mag-overthink. Hindi naman niya siguro seseryosohin ang sinabi ko.Nagpaalam na ako sa anak ko pagkatapos ko itong kausapin at sinabing nakabook na ang ticket niya pabalik ng Pilipinas. We're plotting something para hindi matuloy ang kasal ni Knoxx at Mommy.Pagsapit ng gabi, nagsimula na ang welcome party sa tabi ng beach. May bonfire, may buffet, at walang katapusang agos ng alak. Nagpalit ako ng isang hapit na slip dress na kulay emerald green. Alam kong agaw-atensyon iyon, at iyon naman talaga ang layunin ko.Habang nagtatawanan ang lahat, lumapit sa akin si Marco, ang dating sikat na varsity player sa campus na ngayon ay isang successful na fitness coach na rin."Kathryn! Long time no see. Ang ganda mo lalo ngayon, ah," nakangiting bati niya, may hawak na dalawang baso ng cocktail at inabot sa akin ang isa."Thanks, Marco. Ikaw rin, lalong lumaki ang katawan mo," tugon ko, sinadyang lakasan ang bos

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 4

    Habang nakatayo ako sa gitna ng parking lot, pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Napahawak ako sa strap ng bag ko nang napakahigpit nang maalala ko ang sinabi niya."Sisiguraduhin kong sa akin ka pa rin uuwi.""Kapal ng mukha," bulong ko sa sarili ko, pilit na itinataboy ang kilabot na gumagapang sa sistema ko. Bilyonaryo siya, oo. Makapangyarihan. Pero hindi na ako ang bata at tangang estudyante na basta-basta na lang sumusunod sa kanya."Hoy, Kathryn! Ano pang tinutunganga mo riyan? Puno na 'yong unang coaster, doon tayo sa pangalawa!"Natauhan ako nang marinig ang boses ni Ayc. Kumakaway siya mula sa pinto ng ikalawang coaster. Mabilis kong inayos ang sarili ko, nagkunwaring walang nangyari, at sumunod sa kanya. Pag-akyat ko, agad akong umupo sa tabi ng bintana, habang si Ayc naman walang tigil ang panunuri sa mukha ko."Anong eksena 'yon, ha?" bulong niya, nanliliit ang mga mata para sumagap ng tsismis. "Nakita ko kayo ni Sir Knoxx sa likod. Parang may sarili kayong mundo, 't

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 3

    Sumandal si Knoxx sa backrest ng sofa, hindi man lang natinag sa biglaang bungad ko. Sa halip, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak niyang libro sa center table habang ang kabilang kamay pinaglalaruan ang platinum card na inihagis ko.His dark eyes flicked from the card up to my face. The sheer intensity of his eyes was enough to make my breath hitch, but I forced myself to hold it. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon, lalo na’t nasa tabi ko si Ayc na literal na pigil-hininga."Break up with her?" Knoxx repeated, his deep, baritone voice, sounding amused. Isang tipid at nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi niya. "And why would I do that, Kathryn? Your mother loves me. And as you can see, I can provide her with the life she wants. Mahal ko ang Mommy mo Kathryn."Gusto kong ngumiwi. Mahal? Bakit pakiramdam ko hindi? Na parang may itinatago siya?"Huwag mo akong ma-Kathryn-Kathryn, Knoxx. Alam nating dalawa kung anong klaseng lalaki ka," matapang kong sagot, kahit sa loob-lo

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 2

    Tahimik lang ako nang makarating kami sa resto na nireserve nila para sa amin. Si Mommy, parang hindi maubusan ng sasabihin. Kung anu-ano na ang kinukwento niya.Pagdating ng order, tahimik lang din akong kumain. Wala akong energy para makipag-usap sa kanila. Uuwi ako pagkatapos kong kumain. Bahala sila kung gusto nilang magstay dito.Habang abala ako sa pagkain, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ayc, isa sa mga kaklase ko."Sa Pinas ka na, 'di ba?" text niya. Agad akong nagreply with a yes. "Reunion bukas, kasama si Sir Knoxx. Sama ka?"Natigilan ako at napatingin kay Knoxx na masayang nakikipag-usap kay Mommy. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya bumaling siya sa akin, pati si Mommy napatingin."What's wrong, anak?" maarteng tanong ni Mommy. "May problema ba?"Tumagal ang titig ko kay Knoxx bago inilipat ang tingin sa aking phone nang tumunog 'yon, si Ayc, tumatawag."Reunion namin sa school, sagutin ko lang 'to sa labas," I excused myself. Hindi ko na hinintay ang sagot nila

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   KABANATA 1

    Binitawan niya ako bago pa makahalata si Mommy. Niyakap ko ang sarili ko, pilit na itinatago ang panginginig ng buong katawan ko."I'm... I'm tired, Mom," pagsisinungaling ko, hindi tumitingin kay Knoxx. Kung titingnan ko siya, baka tuluyan na akong mag-breakdown sa gitna ng airport. "Long flight, jet lag. Pwede bang umuwi na? Gusto kong magpahinga.""Oh, poor baby. Sabi ko naman sa'yo, Knoxx will drive us straight to the restaurant. We reserved a private room at Shangri-La para makapag-celebrate tayo agad!" Mommy clapped her hands in excitement. "Kailangan nating mag-catch up! Marami kaming ikukuwento sa'yo tungkol sa wedding plans namin!"Wedding plans. Pakshet talaga! Mukhang tuloy na tuloy na talaga 'to, pero kailangan kong pigilan, bwisit!"Let's go?" Knoxx asked, his tone perfectly polite, the epitome of a doting, gentleman fiancé.Gusto kong tumanggi, gusto kong umapela, pero... ayokong masaktan si Mommy!Si Knoxx na mismo ang bumuhat ng mabigat kong maleta nang hindi man lang

  • Luhod, Daddy Knoxx (SPG)   SIMULA

    Kakababa ko lang ng eroplano at ngayon, halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko, maang ang bibig nang makita ko kung sino ang kasama ni Mommy.Tang-na! Namamalikmata lang ba ako?Napakurap-kurap ako ng ilang beses, pero... 'yon pa rin ang nakikita ko, walang nagbago!Siya na ba talaga ang boyfriend ni Mommy? How? Paano sila nagkakilala?"Anak!" Kaway ni Mommy sa direksyon ko habang 'yong katabi niya malamig na nakatingin sa akin.Tutuloy pa ba ako? Bakit pakiramdam ko gusto kong umurong na lang?Bumalik sa akin lahat ng nakaraan ko, no'ng college kung saan naging professor ko ang lalaki—oo, iyong boyfriend ni Mommy, si Knoxx Madrigal, na katabi niya ngayon, at naka-one night stand ko sa bar noon dahilan para makabuo kami, nang hindi niya alam, maski ang nanay ko.Nangibang bansa ako dahil doon, para takasan lahat, para hindi na magtagpo ang landas namin, pero ngayon, mukhang magiging stepfather ko pa siya.Small world, pero putang-na! Hindi ito ang inasahang uuwian ko sa Pilipinas!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status