Napatingin ako sa langit. Uma-ambon na naman. Mukhang minamalas ako ngayon. Wala akong dalang payong at siguradong basang-basa ako bago pa man makarating sa malayong sakayan ng taxi. Hindi rin ako masusundo ng driver namin dahil nagpasundo si Kuya galing airport. Hindi ko tuloy maiwasang magtampo—bakit hindi na lang ako idinaan kanina?
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang mabilis kong pagtakbo sa kahabaan ng hallway patungo sa university library.
Yakap-yakap ko ang makakapal kong reviewer sa Accountancy. Bukas na ang final departmental exams at kailangan kong mapanatili ang marka ko para sa scholarship ngayong semester. Iyon lang ang inaasahan ko para makatapos, kaya kahit walang susundo sa akin ngayon, kailangan kong lumaban. Alam ko ang limitasyon ko bilang estudyante—hindi ako katalinuhan, pero bawi naman sa sipag at pagiging independent.
Nang itulak ko ang p***o ng library, agad na sumalubong sa akin ang malamig na aircon at ang mahihinang bulungan ng mga estudyanteng nakikisilong at nagpapatila ng ulan.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Puno ang mga mesa sa tabi ng bintana. Ang tanging natitirang bakanteng silya ay nasa row ng Engineering section—sa tapat ng nag-iisang lalaking madalas kong makitang nag-iisa roon.
Si Lorcan Zaldarriaga.
Siya ang Student Council officer na laging nakatoka sa mga paperwork. Siya rin ang nakasalaming nerd na palaging nanguguna sa listahan ng top academic achievers ng campus. Nakaupo siya roon nang tuwid ang likod, suot ang malaking jacket ng Engineering department.
Bahagyang nakababa sa ilong ang makakapal at bilog niyang salamin habang seryosong nagsusulat ng mga formula sa kaniyang graphing notebook. May hawak siyang fountain pen, at bakas ang matinding konsentrasyon sa kaniyang mukha.
Huminga ako nang malalim bago naglakad patungo sa kaniyang pwesto. Ayaw ko sanang mang-abala, pero wala na talaga akong ibang mapagpilian dahil kailangan ko nang mag-aral.
"Um, hi," mahina kong bati nang huminto ako sa tapat ng silya. Inayos ko ang bitbit kong mga libro para hindi ito tuluyang madulas sa mga braso ko. "May nakaupo ba rito?"
Mabilis siyang nag-angat ng mukha. Sa gulat niya, bahagyang napaatras ang upuan na lumikha ng mahinang tunog sa sahig, at muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang panulat.
Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay sa bakanteng silya bago muling bumalik ang tingin niya sa akin.
"W-Wala..." nauutal niyang sagot. Agad na umakyat ang pamumula sa kaniyang mga tainga. Mabilis niyang inayos ang salamin gamit ang kaniyang hintuturo.
"P-Pwede kang umupo. Ibig kong sabihin... bakante 'yan. Walang gumagamit."
“Salamat.”
Dahan-dahan kong hinila ang silya at inilapag ang mga reviewer ko sa mesa.
“Pasensya na kung naabala kita rito. Sobrang puno na kasi ng mga mesa sa unahan.”
“H-Hindi… hindi ka nakakaabala,” mabilis niyang sagot. Parang lalo lang siyang nahirapang ayusin ang mga salita niya. “I-I mean, sanay naman akong… mag-isa rito sa dulo.”
Napangisi ako sa reaction niya at nakasandal ang baba sa kamay habang pinagmamasdan siyang bumalik sa notebook.
Napangisi ako sa reaksyon niya.
Nakapangalumbaba akong napatitig sa kaniya habang binubuksan niya ang kanyang notebook.
Sa kabila ng pagiging seryoso niya tuwing may university events—kung saan madalas ko siyang nakikitang nag-aayos ng mga pila nang walang emosyon—hindi ko akalaing ganito pala siya kahiyaing tao sa personal, lalo na kapag walang ibang nakapaligid sa kaniya. May kakaibang presensya ang kaniyang tindig—isang lalaking puno ng disiplina pero may kalakip na matinding kaba kapag may lumalapit sa kaniya.
"Ako pala si Elaine," walang hiyang pagpapakilala ko para naman mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Tinitigan niya ang aking mukha nang ilang segundo bago bumaba ang kaniyang tingin sa nakalahad kong kamay. Nang dahan-dahan niyang abutin iyon, naramdaman ko ang lamig ng kaniyang mga daliri.
Tiningnan niya ang mukha ko bago bumaba ang tingin sa kamay kong nakalahad. Dahan-dahan niya iyong tinanggap, at agad kong naramdaman ang lamig ng mga daliri niya.
"L-Lorcan," maikli niyang tugon bago mabilis na binawi ang kaniyang kamay na tila ba napaso sa aking balat. Mabilis niyang ibinalik ang pansin sa kaniyang graphing notebook, kahit halatang hindi na siya makatutok dahil sa bilis ng paggalaw ng kaniyang panulat sa ibabaw ng papel.
Napataas ang kilay ko. Lalo akong naging curious sa kaniya.
"Have you been kissed?" bigla kong tanong.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Kissable lips.
Nanlalaki ang mga mata niyang nag-angat ng tingin sa akin, halatang nabigla sa narinig. "Ah, h-hindi pa..."
Tumaas ang kilay ko habang nakatitig sa kaniya. Ano'ng ibig niyang sabihing hindi pa? Sa guwapong itsura niyang iyan? Hmm. Then, I guess the rumors were true.
“Do you want me to kiss you?”
Napakurap siya.
""Ha? W-why?" gulat at litong tanong niya, tila hindi maproseso ng utak niya ang nangyayari.
"I want to kiss you," diretso kong sinabi, walang kurap ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin, namumula hanggang leeg. "No."
I laughed softly. Malikot ang mga mata niya at pilit na iniiwasan ang mapanuring tingin ko. Such an innocent guy. Pero inaasahan ko na 'yon. He’s shy yet serious at the same time. Marunong magdala ng emosyon, at hindi maipagkakailang may maipagmamalaki talaga ang mukha sa likod ng makakapal na salamin na 'yan.
Inilipat ko ang aking pansin sa binuklat kong reviewer, ngunit hindi ko mapigilang mapansin ang bawat kilos niya sa aking gilid. Mas lalo siyang naging ilangan. Ilang beses niyang pilit na ibinalik ang kaniyang tingin sa notebook, ngunit hindi na gumagalaw ang kaniyang fountain pen.
"Mag-aral na tayo," nakangiti kong bawi para pakalmain siya. "Baka bumagsak pa tayo bukas dahil sa akin."
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko, bagaman naroon pa rin ang pamumula sa kaniyang pisngi. "S-Sige. Mas mabuti nga."
Lumipas ang halos isang oras na tahimik lang kaming dalawa. Sa kabila ng kaniyang kaba kanina, unti-unting bumalik ang kaniyang seryosong awra kapag nagsisimula na siyang mag-solve ng mga math problems. Napansin kong mabilis at pulido ang kaniyang pag-compute, malayong-layo sa akin na kanina pa nakatitig sa iisang page ng Accounting book ko.
Napasapo ako sa aking noo nang hindi ko makuha ang tamang balance ng isang problem sa worksheet. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
"May problema ba?" mahina niyang tanong. Bahagya niyang ibinaba ang kaniyang salamin at sumulyap sa aking libro.
"Hindi ko makuha ang tamang formula rito," pag-amin ko, sabay turo sa nalilitong bahagi ng aking reviewer. "Kanina ko pa ito pilit na inaanalisa pero parang lumalayo ang sagot ko."
Kumuha siya ng isang malinis na papel at dahan-dahang inilapit ang kaniyang upuan sa akin—hindi masyadong malapit, sapat lang para makita ko ang kaniyang isusulat. Naramdaman ko ang banayad na bango ng kaniyang panlalaking pabango na may kasamang amoy ng ulan sa labas.
"Ganito kasi 'yan," panimula niya. Sa sandaling nagpaliwanag siya, nawala ang kaniyang pagkautal. Naging malinaw, malalim, at may kumpas ang kaniyang boses. Ipinakita niya sa akin ang step-by-step process kung paano i-derive ang formula sa mas madaling paraan.
Napapatitig ako sa kaniyang gilid ng mukha habang nagsasalita siya. He looked so attractive when he was focused and leading the conversation.
"Nakuha mo ba?" tanong niya sabay lingon sa akin.
Dahil sa bigla niyang pagharap, naging magkatapat ang aming mga mukha—ilang pulgada na lamang ang pagitan. Nanlaki muli ang kaniyang mga mata sa sobrang lapit ko, at doon ko napansin ang mahahaba niyang pilik-mata sa likod ng salamin.
Sandali kaming natigilan pareho. Ramdam ko ang biglang pagbaba ng kaniyang tingin sa mga labi ko, bago siya mabilis na lumayo at napaatras ng upuan. Halos maibagsak niya ang hawak niyang fountain pen sa sobrang taranta.
"P-Pasensya na," mabilis niyang paumanhin, sabay ayos muli sa kaniyang salamin. Ang kanina niyang maputing leeg ay halos maging kasing-pula na ng kamatis ngayon.
"Salamat," nakangiti kong sagot, piniling huwag na siyang asarin pa baka tuluyan na itong mag-walkout sa library. "Ang galing mo magpaliwanag. Mas madali mo pa itong naituro kaysa sa prof namin."
Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago siya dahan-dahang tumango. "N-Nakatutulong din kasi sa akin kapag naibabahagi ko ang alam ko."
Ipinagpatuloy namin ang pag-aaral, pero sa pagkakataong ito, mas naging magaan na ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Paminsan-minsan ay nagtatanong ako, at kahit medyo nahihiya pa rin, hindi na siya nauutal kapag sinasagot ang mga tanong ko sa accounting at math.
Nabasag lang ang katahimikan nang biglang mag-patay-sindi ang mga ilaw sa buong library. Sumunod doon ang isang malakas na kulog sa labas na yumanig sa mga bintanang salamin. Kasabay noon ay ang tuluyang pagdilim ng buong paligid—nagka-blackout.
Narinig ko ang sabay-sabay na reklamo at singhap ng mga estudyante sa ibang row. Dahil sa biglaang dilim, hindi ko sinasadyang maikumpas ang aking kamay, dahilan para matabig ko ang aking makapal na reviewer pababa ng mesa.
"Ay, 'yung libro ko," bulong ko habang pilit na kinakapa ang sahig.
"Huwag kang malikot, baka mauntog ka," narinig kong sabi ni Lorcan sa dilim.
Narinig ko ang kaluskos ng kaniyang pagkilos bago siya lumapit sa pwesto ko. Sabay naming kinapa ang sahig para hanapin ang nahulog kong libro. Nang mahawakan niya ang reviewer ko ay agad niya itong binuhat at tumayo, sabay lapag nito sa mesa.
Inilabas niya ang kaniyang phone at binuksan ang flashlight. Iniharap niya ang ilaw sa ibabaw ng mesa na nakatutok sa kisame para magsilbing bumbilya sa gitna naming dalawa bago siya muling umupo sa kaniyang silya.
"Akala ko ba naiilang ka sa akin?" diretsong tanong ko habang inaayos ang buhok ko. Tinitigan ko siya sa ilalim ng malamlam na liwanag. "Pero bakit parang kalmado ka na ngayon?"
Hindi siya umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin ang bahagyang tensyon sa kaniya sa likod ng kaniyang salamin. "Naiilang naman talaga ako sa 'yo, Elaine. At mas lalo akong naiilang sa mga hirit mo ngayon dahil alam kong hindi ka naman seryoso at baka trip mo lang ako."
Napangisi ako at bahagyang sumandal sa upuan ko. "Talaga? Kahit sinabi kong gusto kitang halikan?"
"Oo," sagot niya, mas seryoso na ang tono ngayon. Tumitig siya sa akin ng ilang segundo, tila nag-iipon ng lakas ng loob bago dahan-dahang isinara ang kaniyang graphing notebook. "Naiilang ako dahil... matagal na kitang pinapanood, Elaine. Hindi lang dahil palagi tayong nag-aagawan sa top rankings. Kaya kapag ganiyan ka umasta sa harap ko, nahihirapan akong basahin kung anong totoo sa hindi."
Napatigil ako sa narinig ko. I didn't expect that confession coming from a guy like him.
Ibinulsa niya ang kaniyang fountain pen bago muling tumingin sa akin. "Kung naghahanap ka ng mapaglalaruan habang nagpapatila ng ulan, huwag ako," seryosong sabi niya. Lumapit siya nang bahagya sa mesa, sapat para makita ko ang talas ng kaniyang mga mata. "Seryoso ako sa lahat ng bagay, Elaine. Kaya kung nagbibiro ka lang, mas lalo mo lang akong ginugulo."
My lips twitched. He amused me, alright. Hindi ko alam na may kagaya niya pa palang lalaki. Sobrang gwapo kapag seryoso pero zero experience pagdating sa babae. It's rare to see a guy like him nowadays.
"What if I'm not joking?" hamon ko sa kaniya, dahan-dahang sumandal pasulong sa mesa para mas lumapit sa pwesto niya. "Paano kung seryoso nga akong gusto kitang halikan ngayon?"
Umiwas siya ng tingin, pero nakita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang adam's apple. "You shouldn't kiss someone just because you feel like it. Dapat ang magkarelasyon lang ang naghahanap ng ganiyan."
I chuckled softly because of his innocence. "You're too traditional, Lorcan. Pwede mong halikan ang isang tao kahit hindi mo kasintahan, as long as you like the person."
"You like me?" seryoso niyang tanong, sabay balik ng tingin sa akin—direct, walang paligoy-ligoy.
Napaawang ang labi ko. I didn't expect him to counter me that fast. "If I tell you I like you, let's say as a rival and as a guy... gagawin mo ba?"
"I've never been kissed before," he said flatly, but his voice was deep, husky, and full of that low-key sex appeal na ngayon ko lang napansin. "And I don't want my first time to be just a part of your game."
"Then let's make it official," sagot ko, tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti. "Gusto mo bang maging boyfriend ko, Lorcan?"