Share

Kabanata 2

Author: Shroudmisty
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-07 15:11:55

Nagulat siya sa suhestiyon ko, pero bago pa man siya makasagot, biglang umalingawngaw ang hiyawan sa buong library nang sabay-sabay na bumalik ang kuryente.

Napuno agad ng liwanag ang paligid, kasunod ng ingay ng mga estudyanteng nagsisipag-ayos ng gamit dahil tila tumila na rin ang ulan sa labas.

Natawa ako nang mahina at tinapik siya sa balikat para basagin ang seryosong atmosphere sa pagitan naming dalawa.

“Joke lang ’yon. Kalimutan mo na ang sinabi ko,” sabi ko habang tumatayo at kinukuha ang mga reviewer ko. “Gotta go. Baka iwanan ako ng taxi sa labas. See you sa exam bukas, Mr. Top One.”

Tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng library habang nakangiti.

Interesting nerd.

And definitely attractive.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang harapin ang mas mabigat kong problema pag-uwi.

Mabilis akong naglakad palabas ng campus at, swerte naman, nakasakay agad ako ng taxi. Pero habang umaandar ang sasakyan, hindi ko pa rin maiwasang maisip si Lorcan—iyong seryoso niyang mukha pero sobrang inosente ng mga reaksiyon.

Sobrang rare ng ganoong lalaki ngayon.

Nang makarating ako sa subdivision, naglakad ako papunta sa gate ng bahay namin. Pagpasok ko pa lang sa garahe, agad kong nakita ang kotse ni Papa.

Ayan na.

Doon pa lang, alam ko nang sira na naman ang gabi ko.

Bukod sa hindi niya naman ako kailanman sinusundo sa school kahit nadadaanan niya ako, alam kong may iba na namang dahilan kung bakit ganoon kabigat ang atmosphere sa loob.

Nilagpasan ko siya sa sala nang walang imik.

Hindi rin naman niya ako pinansin.

Ganoon na kami katagal.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Mama na naghahanda ng hapunan. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi bago umupo sa tabi ng ate ko, na nakatulala habang halatang masama ang timpla.

“Magbihis ka muna, Elaine, para makakain na tayo,” mahinahong sabi ni Mama.

“Mamaya na, Ma. Gutom na ako,” sagot ko habang naghahanda ng plato.

“Jaxon, kakain ka ba?” tawag ni Mama nang dumaan si Kuya sa tapat ng dining area.

Hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya.

“Okay, Ma. Magpapalit lang ako ng damit,” maikling sagot niya bago umakyat.

“Bilisan mo. Lalamig ang pagkain kapag pinaghintay mo kami,” habol ni Mama.

Ganoon naman palagi.

Malamig at parang walang emosyon si Kuya Jaxon mula nang maghiwalay sila ng girlfriend niya. Uuwi rito para lang kumain at matulog, tapos maglalasing sa kwarto hanggang madaling-araw.

Paulit-ulit na lang.

“Bakit mo pa ba siya pinababayaan sa ganitong estado, Ma?” diretsahan kong tanong.

Hindi ko na kayang panoorin si Kuya nang ganito. Halos gabi-gabi na lang siyang naglalasing at nagkukulong sa kwarto.

“Hindi na siya ganito dati.”

“Hayaan mo muna ang kuya mo, anak. Mapapagod din ’yan,” sagot ni Mama.

Mahina ang boses niya at pilit niyang iniiwas ang tingin sa amin.

“I don't want to watch him self-destruct every damn day, Mama!” singit ni Ate, nanginginig ang mga kamay sa halo ng galit at takot.

“Lagi na lang nating naririnig na sinasaktan niya ang sarili niya sa dilim! He is suicidal, Ma! Hanggang kailan natin hihintayin na makita na lang natin siyang wala nang buhay sa sahig ng kwarto niya?!”

Napatigil ako.

Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko.

Suicidal.

Minsan ko na iyong pinagdudahan nang makita ko ang mga gasgas at sariwang hiwa sa braso niya nang minsang pumasok ako sa kwarto niya para maglinis.

Pero ang marinig iyon mismo mula kay Ate?

Iba.

Parang suntok sa sikmura.

Si Kuya Jaxon—na dati ay pinakamasayahin sa aming magkakapatid, ang nag-iisang lalaking laging unang tumatayo para ipagtanggol kami laban kay Papa—unti-unti na palang nilalamon ng sarili niyang kadiliman.

“Fatima...” mahinang saway ni Mama.

Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang pagod sa mga mata.

Pilit niyang pinapanatiling buo ang pamilya namin.

Pero paano pa kung pati ang panganay niya ay unti-unti nang nauupos?

Wala na akong nasabi.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa plato ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang itsura ni Kuya—laging nakakulong sa kwarto, nakatulala sa kawalan, at tahimik na nilalabanan ang sarili niyang isip gabi-gabi.

Wala pang ilang minuto, narinig namin ang yabag mula sa hagdan.

Bumaba si Kuya Jaxon na nakasuot ng simpleng T-shirt at pantalon. Diretso siyang naupo sa mesa nang walang imik.

Blanko ang mga mata niya.

Walang naglakas-loob na magsalita habang kumukuha siya ng pagkain.

Ang bigat ng paligid.

---

Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na akong aakyat sa kwarto.

Pagpasok ko, isinara ko ang p***o at isinandal ang likod ko rito.

Pinilit kong alisin sa isip ko ang blangko at parang wala nang buhay na mga mata ni Kuya.

Kinuha ko ang phone ko para kahit papaano ay ma-reset ang utak ko.

Pag-unlock ko, agad na nag-pop up ang text message mula kay Lorcan kagabi.

«Lorcan:

Matulog ka na, Elaine. See you bukas.»

Napakurap ako.

Hindi ko namalayang bahagyang gumaan ang bigat sa dibdib ko dahil lang sa simpleng mensaheng iyon.

Napangiti ako bago nag-type ng reply.

«Elaine:

Hindi pa ako makatulog, Mr. Council. Iniisip ko kasi kung paano mo ako ililigtas bukas kapag kinulit ulit kita.»

Ilang segundo lang ang lumipas bago lumitaw ang tatlong tuldok.

«Lorcan:

Huwag kang mag-alala. Kahit saan ka magpunta sa campus, alam ko kung paano ka hahanapin. Just get some rest, Elaine.»

Napailing ako habang unti-unting umiinit ang pisngi ko.

Sino ba’ng nagturo sa lalaking ’to bumanat nang ganyan?

---

Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa university.

Mas mabigat ang pakiramdam ko pagkagising dahil sa mga nangyari kagabi, kaya laking pasalamat ko nang makarating ako sa campus.

At least, mas sariwa ang hangin dito kaysa sa bahay namin.

Pagpasok ko pa lang sa main building, sinalubong na agad ako ng ingay ng mga estudyanteng abala sa paghahanda para sa huling araw ng exams.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa locker area, napatigil ako nang mapansin ko ang bulletin board na may nakapaskil na partial results ng departmental exams.

Nasa unahan na naman ang pangalan ko bilang isa sa mga scholarship retention qualifiers.

Pero ang lalong nakakuha ng atensyon ko ay ang pangalan sa pinakataas.

Villafuente, Lorcan Alejandro M.

TOP 1 — Departmental Ranking

“Ang talino talaga niyan kahit kailan,” bulong ng isang babaeng estudyante sa tabi ko habang tinitingnan ang listahan. “Pero suplado. Kahit anong lapit ng mga taga-HRM, ni hindi ngumingiti.”

Suplado?

Siguro sa kanila.

Pero sa tuwing kaming dalawa ang nagkakaharap, mabait naman siya.

Tahimik, oo.

Pero mabait naman.

Habang nakatayo ako roon, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa.

Agad ko itong kinuha.

Isang bagong text message.

Mula sa parehong numero kagabi.

«Lorcan:

Nandito ako sa tapat ng Science Building. Kung tapos ka na sa klase mo rito, puntahan mo ako. May ibibigay ako sa ’yo.»

Napangisi ako.

«Elaine:

Bakit ko naman pupuntahan ang Mr. Top One? Ikaw ang may kailangan sa akin, diba? Ikaw ang pumunta dito.»

Ilang segundo lang, pumasok ang reply niya.

Kitang-kita ko sa isip ko kung paano niya siguro inayos ang salamin niya habang nagta-type.

«Lorcan:

Busy ako sa council papers, Elaine. Kaya kung gusto mo talagang makuha ang clearance form mo para sa allowance, ikaw ang maglakad papunta rito. Hintayin kita.»

Napakurap ako sa screen.

Aba.

Natuto na ring mamilosopo.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Isinilid ko ang phone ko sa bag at naglakad papunta sa Science Building.

Pagdating ko sa ikalawang palapag, agad ko siyang nakita sa tabi ng bintana, malapit sa student council booth.

Suot pa rin niya ang malaking Engineering jacket at ang pamilyar niyang salamin. Hawak niya ang isang kulay-brown na envelope.

Nang maramdaman niya ang presensya ko, dahan-dahan siyang lumingon.

Nawala ang seryosong ekspresyon sa mukha niya nang makita ako.

Napansin ko pa kung paano niya bahagyang dinilaan ang labi niya, na para bang bigla siyang kinakabahan.

Interesting.

“Ang tagal mo,” bungad niya nang makalapit ako.

Mahina at kalmado pa rin ang boses niya.

“May klase pa kasi kami, Mr. Council,” sagot ko habang nakangiti.

Sinipat ko ang mukha niyang medyo pawis dahil sa init sa labas.

“Ano na namang kailangan mo sa akin? O baka nami-miss mo lang talaga ako?”

Bumaba ang tingin niya sa akin. Seryoso ang mga mata niya sa likod ng makakapal na salamin.

“Nakuha ko na ang signed endorsement slip mo mula sa registrar. Puwede na itong i-process para sa allowance mo bukas.”

Inabot niya sa akin ang envelope.

Nang abutin ko iyon, hindi sinasadyang nagdikit ang mga daliri namin.

Napangisi ako nang agad siyang mapaatras nang kaunti, na para bang napaso.

“Salamat,” sabi ko habang tinatapik ang envelope sa palad ko. “Ang sipag mo naman masyado. Hindi ka ba napapagod maging perfect araw-araw?”

Isang tipid na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago inayos ang salamin.

“Hindi naman sa perfect... kailangan lang gawin ang responsibility ko.”

Tinitigan ko siya nang maigi.

Kahit sa dami ng problema ko sa bahay—kay Mama at sa unti-unti kong pagkawala ng pag-asa kay Kuya Jaxon—hindi ko maipagkakaila na minsan, si Lorcan ang naging kakaibang pahinga ko.

Kahit wala siyang gawin, kahit tahimik lang siyang nakatayo roon, may kung anong kapayapaang dala ang presensya niya.

Tahimik.

Seryoso.

Hindi man palasalita.

Pero sa tuwing nandiyan siya, kahit saglit lang, nakakalimutan ko ang bigat ng mga bagay na gumugulo sa isip ko.

“Salamat dito, Lorcan,” seryoso kong sabi.

Nawala na ang mapaglarong tono sa boses ko.

Bahagyang natigilan si Lorcan.

Malamang nagulat siya dahil sa wakas, nagsalita ako nang walang halong panunukso.

Isang mahinang tango lang ang isinagot niya bago umiwas ng tingin.

Pero hindi ko pinalampas ang namumula na naman niyang pisngi.

Napangisi ako.

“Bakit parang namumula ka na naman diyan?” puna ko habang bahagyang inilalapit ang mukha ko. “May lagnat ka ba, Mr. Top One? O epekto na ’yan ng init dito sa corridor?”

Mas lalo siyang napaatras hanggang sa sumayad ang likod niya sa pader.

“Mainit lang talaga rito,” depensa niya.

His face was completely flustered.

Napangiti ako nang mas malaki.

“Kung sabihin ko kaya sa ’yo na gusto kitang yayain mamaya?” hamon ko, diretso ang tingin ko sa mga mata niya. “Tapos na ang exams natin. Puwede tayong lumabas ng campus kahit sandali lang.”

Natigilan siya.

Nawala ang pag-iwas niya ng tingin.

Napalunok siya.

“Lalabas?” tanong niya sa mahinang boses. “T-tayo lang dalawa?”

I raised my eyebrows, keeping my smirk intact.

“Bakit? May iba pa ba tayong kasama sa isip mo?”

Bahagya kong inilapit ang mukha ko.

“O baka naman may iba kang iniisip?”

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Unti-unting nawala ang kaba sa mukha niya, napalitan ng seryosong ekspresyon.

“Stop,” he muttered.

“Why should I?” tanong ko.

Mas lalo ko siyang tinukso sa pamamagitan ng isang mapang-asar na ngiti.

“Are you scared of me?”

Hindi siya sumagot.

Sa halip, inilagay niya ang isang kamay sa pader sa tabi ko, blocking my escape without actually touching me.

“Elaine,” warning niya.

Pero hindi ako nakinig.

“Then prove it, Mr. Top One,” bulong ko, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Kung hindi ka takot... patunayan mo.”

Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Medyo kinabahan ako.

Parang sa isang iglap, nawala ang mahiyain at inosenteng mukha ng niya.

Bago pa ako makapag-react, marahan niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng mukha ko.

Then he kissed me. Mabilis. Diretso. Walang pag-aalinlangan.

Napasinghap ako sa gulat, halos hindi makapaniwala sa ginawa niya.

“Shit,” bulong niya nang bahagya siyang lumayo.

Pareho kaming natahimik.

Parang siya rin mismo ay hindi makapaniwala sa sarili niyang ginawa.

Nang magtama ulit ang mga mata namin, his glasses were slightly crooked and his face was completely flushed.

Iyon ang Lorcan na kilala ko.

Pero may kakaiba na ngayon sa mga mata niya.

Something I had never seen before.

Dahan-dahan siyang huminga nang malalim bago nagsalita.

“Hindi mo alam ang hinahamon mo, Elaine.”

Mahina ang boses niya, pero seryoso.

“Sinabi ko na sa ’yo...”

Bahagya siyang ngumiti.

“Don't ever play with someone who's been waiting for this long.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Lustful Affair    Kabanata 5

    Elaine's POVKung may award para sa pinakakapal ang mukha sa buong university, sure akong may pangalan na agad akong ilalagay sa nomination form.And guess what?Nasa number one siya sa listahan ko.That fucking nerd.Ilang minuto na akong nakatitig sa phone ko habang paulit-ulit na binabasa ang message niya.Business... o sa atin?Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin doon? At bakit parang kasalanan ko pang gusto kong malaman?Napahiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko.“Argh! I hate him!”“Who?”Napabalikwas ako.Pag-alis ko ng unan sa mukha ko, bumungad sa akin si Ate Eya na nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko. May hawak siyang baso ng tubig at ang pinakairitang ngiti sa buong mundo.“Wala!”“Really?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Kasi kanina ka pa sumisigaw na hate mo raw siya. Sino ba ang lucky guy?”“Walang lucky guy!”

  • Lustful Affair    Kabanata 4

    “Hey!”“Shit!”Napaigtad ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko.Naka-ngiti si Ate Eya habang hinihila ang upuan sa tabi ko. Iyong pilyang ngiti na parang may napansin na naman siyang puwede niyang ipang-asar sa akin.Inirapan ko siya. Kahit kailan talaga. Wala na yatang ibang hobby ang babaeng ’to kundi ang pagtripan ako.“So, what's up, sis?” masigla niyang bati habang umuupo sa tabi ko. Malawak ang ngiti niya, iyong tipong halos maglaho na ang mga mata niya.“What the fuck?”Kumunot ang noo ko. “Ano na naman?”Tulala siyang napatingin sa suot ko. Mula ulo hanggang paa niya akong sinuri bago siya muling tumingin sa mukha ko.“Wait a damn minute.” Kumurap siya nang ilang beses. “Elaine, why the hell are you dressed like that?”Napatingin ako sa sarili kong damit.“What about it?”“Girl!” Halos mapatayo siya sa gulat. “You're wearing a conservative dress! A fucking conser

  • Lustful Affair    Kabanata 3

    I stood there frozen, my mind completely blank as my heart hammered wildly against my ribs. Hindi man lang ako makapagsalita. For a few seconds, I honestly thought he was still that quiet, easily flustered guy who always sat at the front of the class, too busy studying to even notice anyone around him. Pero ngayong nakikita ko siya nang ganito—with his tie slightly undone, his hair slightly messy, and his chest rising and falling heavily—I finally realized how badly I had fucked up. I had provoked a monster. And now, I wasn't sure if I could take back what I'd started. Slowly, his thumb brushed against my lower lip, wiping away the faint wetness left by his kiss. His eyes stayed on my lips for a second longer than they should have before slowly meeting mine again. There was something different in his eyes. Something raw. Something he'd clearly b

  • Lustful Affair    Kabanata 2

    Nagulat siya sa suhestiyon ko, pero bago pa man siya makasagot, biglang umalingawngaw ang hiyawan sa buong library nang sabay-sabay na bumalik ang kuryente.Napuno agad ng liwanag ang paligid, kasunod ng ingay ng mga estudyanteng nagsisipag-ayos ng gamit dahil tila tumila na rin ang ulan sa labas.Natawa ako nang mahina at tinapik siya sa balikat para basagin ang seryosong atmosphere sa pagitan naming dalawa.“Joke lang ’yon. Kalimutan mo na ang sinabi ko,” sabi ko habang tumatayo at kinukuha ang mga reviewer ko. “Gotta go. Baka iwanan ako ng taxi sa labas. See you sa exam bukas, Mr. Top One.”Tinalikuran ko na siya at naglakad palabas ng library habang nakangiti.Interesting nerd.And definitely attractive.Pero sa ngayon, kailangan ko munang harapin ang mas mabigat kong problema pag-uwi.Mabilis akong naglakad palabas ng campus at, swerte naman, nakasakay agad ako ng taxi. Pero habang umaandar ang sasakyan, hi

  • Lustful Affair    Kabanata 1

    Napatingin ako sa langit. Uma-ambon na naman. Mukhang minamalas ako ngayon. Wala akong dalang payong at siguradong basang-basa ako bago pa man makarating sa malayong sakayan ng taxi. Hindi rin ako masusundo ng driver namin dahil nagpasundo si Kuya galing airport. Hindi ko tuloy maiwasang magtampo—bakit hindi na lang ako idinaan kanina?Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang mabilis kong pagtakbo sa kahabaan ng hallway patungo sa university library.Yakap-yakap ko ang makakapal kong reviewer sa Accountancy. Bukas na ang final departmental exams at kailangan kong mapanatili ang marka ko para sa scholarship ngayong semester. Iyon lang ang inaasahan ko para makatapos, kaya kahit walang susundo sa akin ngayon, kailangan kong lumaban. Alam ko ang limitasyon ko bilang estudyante—hindi ako katalinuhan, pero bawi naman sa sipag at pagiging independent.Nang itulak ko ang pinto ng library, agad na sumalubong sa akin ang malamig na aircon at ang mahihinang bulungan ng mga estudyanteng nakiki

  • Lustful Affair    Prologue

    WARNING: SPG "Lorcan... Please, itigil mo 'yan..." "Ohh... Tang ina..." Napasabunot ako sa buhok niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili kung bakit sa kabila ng pagtutol at kakapiglas, unti-unti akong nanghihina sa mga ginagawa niya. Ang kaninang kaba at tensiyon ay tuluyang nilamon ng maruming emosyon na pilit kong itinatanggi. Napapapikit ako, pilit na dinidilat ang mga mata sa gitna ng madilim na silid habang dinaramdam ang bawat mariing galaw ng lalaking uma-angkin sa akin. "Ughh... ang sarap mo..." I felt shameless. Nakabukaka ako sa ilalim niya, walang laban, at walang sawang binabayo ng lalaking nakadagan sa akin. I didn't like this. Hinding-hindi ko ginusto itong mga nangyayari. Pero sa kabila ng lahat ng sakit, ng poot, at ng mga luhang pilit kong sinasakal sa lalamunan ko, hindi ko matanggap na ang buong senaryong ito ay nakakabaliw at mapanlinlang na masarap sa pakiramdam. Wala na akong pagpipilian. It's a fucking mistake! "Lorcan..." Nahihirapan na akong banggit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status