Share

K2

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-08-17 02:45:10

Mabilis ang tibok ng puso ni Farah habang nakatingin sa lalaking nasa kanyang harapan. May kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking ito—hindi lang dahil sa pisikal na anyo niya, kun'di dahil sa kung paano siya tumingin, parang sinisilip ang kaluluwa niya.

Ang mga mata nito ay malalim, parang may sariling lihim na hindi madaling basahin. Hindi siya lasing sa alak lang—parang lasing din siya sa atensyong ibinibigay sa kanya ng guwapong lalaking iyon. Nang-aakit ang mga mata nito.

"Kung gusto mong makalimot," malumanay ngunit may bigat ang tono ng lalaki, "kailangan mo ng tamang kasama."

Napatawa si Farah, pilit, habang iniikot ang baso ng tequila sa kanyang kamay. "At ikaw ba ang tinutukoy mong tamang kasama?"

Bahagyang kumibot ang labi ng guwapong lalaki. "Malay mo."

Muling tumawa si Farah. Sa isip niya, marami pala talagang lalaking malalandi... mahihilig. At sa lugar na iyon niya napatunayan. Hindi naman siya madalas doon pero ngayon, masasabi niyang masarap pala magpunta sa ganoong lugar.

Si Liza, na kanina pa tahimik at nag-oobserba, ay biglang sumingit. "Mag-iingat ka, Farah. Hindi lahat ng nakangiti ay mabait."

Tiningnan ng lalaki si Liza. "Bakit? Mukha ba akong mabait?" tanong ng guwapong lalaki, may halong biro.

Ngumisi si Liza. "Hindi," mabilis na tugon nito.

Napatawa si Farah, pero hindi niya maipaliwanag kung bakit parang ayaw niyang umalis ang guwapong lalaki. Parang gusto niyang manatili muna ito sa puwesto nila.

Naisip niya, marahil gusto niyang magsaya ng sobra sa gabing iyon. Sobrang sakit ng ginawa ni Jason sa kanya. Unang beses niyang masaktan ng sobra.

Sa isip niya, dapat pala talaga hindi na lang niya hinayaang pasukin ni Jason ang tahimik niyang mundo. Noong una pa lang kasi may nakita na siyang hindi magandang pag-uugali ni Jason pero hinayaan niya. Nabulag siya sa kanyang pagmamahal.

Habang patuloy ang sayawan ng mga tao doon, biglang narindi si Farah.

"Puwede ba tayong lumipat ng puwesto?" sabi niya sa kanyang kaibigan.

Tumango si Liza. "Oo naman. Malawak dito at marami tayong puwestong puwedeng puntahan. Halika na," sabi sa kanya ni Liza.

Makalipas ang ilang minuto, nakalipat na sila sa isang mas tahimik na bahagi ng club—isang maliit na booth na may manipis na kurtinang naghihiwalay mula sa iba.

Pagkatingin niya sa kanyang likuran, nakasunod ang guwapong lalaki. Hinayaan lamang niya ito dahil may parte sa kanya na gustong manatili muna sa kanilang tabi ang lalaking ito.

Sa isip niya, pagkatapos naman ng gabing iyon, wala na. Limot na nila ang lahat. Malilimutan din siya ng lalaki. Kaya maiging makasama niya ito kahit isang gabi.

Sa gabi kung saan durog na durog ang kanyang puso at kailangan ng makakausap.

"Anong nangyari sa iyo ngayong gabi?" tanong ng estrangherong lalaki, seryoso na ang tono.

"Breakup," diretsong sagot ni Farah. Hindi niya alam kung bakit ganoon kabilis niyang sinabi iyon, pero pakiramdam niya, hindi naman magtatagal ang lalaking ito sa buhay niya para alalahanin pa ang detalye.

"Masakit ba?" tanong ng guwapong lalaki, nakatitig sa kanya.

Napahinga siya nang malalim. "Sobra."

Kumuha ng alak si Farah at saka iyon mabilis na inubos. Masaya ang tugtugan sa lugar na iyon. Mapapaindayog sa saya pero walang maramdaman na ganoon si Farah dahil wasak at durog ang kanyang puso.

Tumingin ang guwapong lalaki sa kanya na parang gusto pa niyang magsalita, pero pinili nitong ibaling ang usapan.

"Kung ganoon, hayaan mong dalhin kita sa lugar na mas tahimik," seryosong sabi sa kanya ng lalaki.

Kinabahan si Farah. "Bakit?"

"Para lang makapagpahinga ka... o baka para makalimot ka kahit ngayong gabi lang."

Makailang ulit napalunok ng laway si Farah. Medyo nahihilo na siya dahil sa tama ng alak na iniinom niya. Pero alam niya pa rin ang nangyayari sa buong paligid. Nasa tamang wisyo pa rin siya.

"Sige. Ikaw ang bahala," wika niya sa hindi malamang dahilan kung bakit iyon ang kanyang sinabi.

Sa labas ng club, malamig ang hangin pero mainit ang dugo ni Farah. Nakita niya ang itim na kotse ng estrangherong lalaki... elegante at mamahalin. Binuksan nito ang pinto para sa kanya, at ilang minuto lang, nasa loob na sila ng isang high-end na hotel.

Pagpasok sa suite, bumungad kay Farah ang malambot na liwanag mula sa mga lampshade, ang mabangong amoy ng sandalwood, at ang maluwang na kama na parang niyayakap ng mga puting kumot.

"Dito ka muna," sabi ng guwapong lalaki sa kanya habang nagbubukas ng bote ng wine. "Walang masamang mangyari kung ayaw mo. Pero gusto kong makasama ka ngayong gabi."

Hindi na sumagot si Farah. Sa halip, tinanggap niya ang baso ng wine at tumingin sa malawak na bintana ng suite, kung saan kitang-kita ang kumikislap na ilaw ng siyudad.

Hindi niya alam kung dahil sa alak, sa sakit ng pagkabigo, o sa presensyang nagbibigay ng kakaibang kapanatagan, pero nang lapitan siya ng guwapong lalaki at marahang hinaplos ang kanyang pisngi, hindi siya umatras.

"Farah..." bulong nito, at bago pa siya makapag-isip, naglapat na ang kanilang mga labi.

Mainit, mabagal, at puno ng damdamin ang halik ng lalaking kasama niya ngayon—malayo sa anumang naisip niyang mararamdaman sa isang estranghero. Habang hinahaplos siya nito, pakiramdam niya ay para siyang natutunaw sa mga bisig ng isang lalaking kakikilala pa lang niya.

Sa sandaling iyon, wala na ang sakit mula kay Jason, wala na ang galit—ang natitira lang ay ang init at kagustuhang maramdaman na mahalaga siya. Nabura na lang basta sa isip ni Farah ang dating nobyo. At hindi niya rin alam sa kanyang sarili kung bakit hindi siya nagalit gayong nilapastangan siya ng estrangherong lalaki.

At sa gabing iyon, ibinigay ni Farah ang isang bagay na matagal niyang iningatan, sa isang lalaking hindi niya alam kung kailan niya muling makikita.

KINABUKASAN, magaan ang liwanag na pumapasok mula sa kurtina ng hotel suite. Nakahiga si Farah, nakatitig sa kisame, ramdam pa rin ang init ng mga halik ng estrangherong lalaki at ang bigat ng bisig nitong nakayakap sa kanya kagabi. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon—hindi sa taong mahal niya, hindi sa taong kilala niya, kundi sa isang estrangherong kakikilala pa lang sa isang club.

Pinikit niya ang mga mata, pilit tinatanggal sa isip ang mga alaala, pero parang lalong lumilinaw ang bawat detalye. Ang paraan ng paghawak nito sa kanya—marahan, ngunit puno ng pag-aangkin. Ang boses nito na parang nag-uutos ngunit nakakaakit.

Sa tabi niya, wala na ang estrangherong lalaki. Ang kama ay maayos na, maliban sa bahagi kung saan siya nakahiga. Sa side table, naroon ang note na naiwan nito kagabi. Binasa niya ulit:

"Hindi kita pipilitin makita ulit ako… maliban na lang kung gusto mo. – D"

Hindi niya alam kung bakit parang may kumurot sa puso niya sa ideyang maaaring hindi na sila muling magkita.

Hawak niya ang papel, hindi alam kung galit ba siya sa sarili o nabighani sa lalaking iyon. Napangiwi si Farah nang maramdaman ang kirot at hapdi sa pagitan ng kanyang hita. At doon niya napagtanto kung ano ang katangahang ginawa niya. Nasapo niya ang kanyang noo.

"Tangina..." mahinang mura niya bago napailing.

Lumabas siya ng hotel na parang may bigat sa dibdib—pero hindi niya alam kung dahil iyon sa ginawa niya, o sa takot na baka hindi na niya makita pa ang lalaki.

May parte kasi sa kanya ang nais pang makita ang lalaking kumuha ng kanyang pinakaiingatan.

Ang lalaking magiging parte na ng kanyang pagkatao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K22

    Dalawang araw ang lumipas mula sa huling engkuwentro nila ni Bianca, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Farah ang mga sinabi nito. Akala niya’y hindi na muling magpapakita ang babae, ngunit pagkababa pa lang niya sa elevator ng kumpanya, agad na sumalubong sa kanya ang mapanuring titig ni Bianca. Eleganteng-elegante ito sa suot na fitted dress, parang sinasadya talagang ipamukha na hindi siya basta-basta. “Farah,” malamig ang boses ni Bianca, ngunit may ngiting nakakasulasok. “Still trying to fit in here, I see.” Hindi na nagpaapekto si Farah. Diretso niyang tinitigan ang babae, hindi nagpatalo sa tingin nito. “Kung gusto mong magdrama, huwag dito. You’re wasting your time, Bianca.” Ngumisi si Bianca at tumalikod, naglakad patungo sa rooftop garden ng kumpanya na parang may imbitasyon sa mga hakbang niya. At gaya ng inaasahan, sumunod si Farah. Hindi siya papayag na palaging siya na lang ang tahimik at ang binabastos. Pag-akyat nila sa rooftop, malamig ang hangin, ngunit

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K21

    Tahimik ang opisina ni Dawson Rockwell, maliban sa mahinang tunog ng wall clock na parang nanunuya. Nakaupo si Dawson sa swivel chair, nakasandal ngunit bakas ang pagod sa mga mata. Sa dami ng problemang bumabalot sa kanya at kay Farah, hiling niya’y kahit isang araw ng katahimikan. Ngunit hindi iyon ang araw na ito. Biglang bumukas ang pinto na parang walang kumatok. Dumiretso sa loob si Bianca De Guzman—mataas ang kumpiyansa, naka-pulang dress na humahapit sa kurba ng kanyang katawan, at may ngiting puno ng pang-uuyam. Ang kanyang mga mata, matalim na parang alam ang mga sikreto na pilit itinatago ni Dawson. “Dawson,” malamig ngunit mapanuksong bati niya. “Bakit parang naguguluhan ka lately? Hindi bagay sa’yo ang ganyan. Ikaw ang Rockwell—lahat ng bagay nasa ilalim ng kontrol mo… or maybe not?” Nag-angat ng tingin si Dawson, malamig ang anyo. “Anong kailangan mo, Bianca? Hindi kita inimbita rito.” Lumapit si Bianca nang dahan-dahan, sinadya pang lumapit sa mesa niya, nakas

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K20

    Hindi mawala sa isip ni Farah ang nakita niya kagabi. Habang kumakain sila ni Dawson, nahuli ng kanyang mga mata ang cellphone nitong bahagyang nakalabas mula sa bulsa. Kumurap iyon, may notification—at ang pangalang lumabas ay nagpanginig sa kanyang kalamnan. Camille. Imposible. Hindi ba’t patay na si Camille? Hindi ba’t ang larawan nitong duguan ang mismong banta na ipinadala sa kanya? Bakit may mensahe ito kay Dawson—at bakit unread pa? Buong gabi, halos hindi siya nakatulog. Nakatingin lang siya sa kisame, paulit-ulit na iniisip: Buhay pa ba si Camille? At kung buhay nga siya, bakit parang konektado kay Dawson ang lahat ng ito? Kinabukasan, sa department, pilit niyang ibinaon ang sarili sa trabaho. Nakaupo siya sa mesa niya, binubuksan ang mga papeles at emails, pero ang utak niya ay gulo-gulo. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga tanong na hindi niya kayang itanong nang direkta kay Dawson. Gusto niyang sumabog, gusto niyang humarap sa asawa at sabihin ang lahat—ang

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K19

    Humigpit ang hawak ni Farah sa folder habang naglalakad siya sa basement parking. Ramdam niya ang bigat ng paligid, parang may mga matang nakasunod sa bawat kilos niya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso, at sa bawat hakbang ng sapatos niya, kumakalabog din ang kaba sa dibdib. Pagdating niya sa gilid kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan, biglang may humarurot na motorsiklo. Nagpreno ito sa tapat niya, halos tumalsik ang hangin sa lakas ng pagpepreno. “Farah Cruz Rockwell?” malamig na tanong ng rider na nakasuot ng itim na helmet. Hindi siya agad nakasagot, nanigas ang kanyang katawan. Ang mga kamay niya’y nanginginig. Walang sabi-sabing iniabot ng rider ang isang maliit na kahon na itim, kasya lang sa dalawang palad. At bago pa siya makapagtanong, bigla itong umarangkada at naglaho sa dilim ng parking lot. Naiwan si Farah, nanginginig at hingal na hingal. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. At halos mabitawan niya iyon sa nakita. Isang pulang rosas, naka

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K18

    Mabilis ang tibok ng puso ni Farah nang muling pumasok sa gusali ng Rockwell’s Company. Kahit nakaayos ang kanyang suot—puting blouse at itim na palda, simple pero elegante—hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. “Good morning, Mrs. Rockwell,” bati ng isang receptionist, may halong ngiti pero may bakas ng pag-usisa. Narinig din niya ang mga pabulong sa paligid. “Siya pala ‘yon…” “Ang swerte niya, asawa na si Sir Dawson…” “Pero, totoo kaya ‘yong mga chismis?” Ramdam ni Farah ang init na umaakyat sa kanyang pisngi. Kahapon lamang, isa lang siyang simpleng staff. Ngayon, lahat ng tingin—may paghanga, may inggit, may duda—ay nakatutok na sa kanya. Huminga siya nang malalim at nagtuluy-tuloy papasok sa opisina. Pinilit niyang magpokus sa trabaho, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib. May malamig na pakiramdam siyang tila may paparating na hindi maganda. At hindi siya nagkamali. Pag-upo niya sa kanyang mesa, tumunog ang no

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K17

    inabukasan, tila walang mabigat na nangyari kagabi. Parang hindi sila muntik magbanggaan ng mga damdaming hindi nila masagot. Parang hindi nagkaroon ng mga tanong at alinlangan si Farah. Sa bawat kilos ni Dawson, tila isa lang ang ipinapakita niya—ang pagiging perpekto nitong asawa.Pagmulat pa lang ng mga mata ni Farah, naroon na ito sa tabi niya. May dalang tray ng breakfast in bed: croissant, omelette, at isang baso ng orange juice. Pinagmamasdan pa niya si Dawson habang inaayos nito ang kumot sa gilid, at sa isang iglap, hinagkan siya sa noo bago ngumiti.“Good morning, Mrs. Rockwell,” malambing na bati nito, halos parang wala silang problema. “Did you sleep well?”“Y-Yes,” tipid niyang sagot, pilit ang ngiti. Pero sa loob niya, sunod-sunod ang bugso ng tanong. Paano ang mga kahon ng gamit sa rest house? Sino ang mga babaeng iyon? At bakit ako ang nakalista sa susunod?Gusto niyang itanong, gusto niyang isigaw ang lahat ng tanong sa lalaki—pero paano, kung heto ito ngayon, buong-b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status