Pagkauwi niya sa kanyang apartment, humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili. Parang hindi niya makilala ang babaeng nakikita niya—mapula ang mata sa puyat at alak, at may halong guilt at curiosity sa dibdib.
Kinabukasan, pumasok siya sa opisina, pero tila hindi na niya kaya ang parehong rutang araw-araw. Lahat ng bagay ay parang walang kulay, at sa tuwing may magtatanong kung bakit siya matamlay, wala siyang maisagot. Sa huli, tinawag niya ang HR manager at inabot ang resignation letter niya. "Pasensya na, Ma'am… kailangan ko lang talagang magpahinga at magsimula ulit." Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Liza para makipagkita. May napag-usapan silang lugar kung saan sila magkikitang dalawa. Nauna siyang dumating doon. Ilang minuto ang lumipas, sumunod na rin si Liza. "Kumusta na naman? Ginugulo ka ba ni Jason? May paghahabol bang nagaganap?" kaagad na tanong sa kanya ni Liza. Mabagal na umiling si Farah. "Wala. Walang ganoong nagaganap," mapait niyang sabi. Kung mayroon man sanang ganoong nagaganap, medyo matutuwa pa siya. Pero wala. Walang ganoong. Ibig sabihin lang, talagang walang pakialam si Jason sa kanya. Hindi talaga siya nito mahal. Marahil kaya ginulo ni Jason ang buhay niya, kakaiba siya sa mga naging babae nito. May nagustuhan si Jason sa kanya na hindi nakita sa ibang babae. Pero hanggang doon na lang siguro talaga sila. At ayos lang sa kanya iyon. "Kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Pero hayaan mo na. Mag-move on ka na lang. Marami pang lalaki diyan. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kaya kalimutan mo na siya kahit mahirap," nakangusong sabi ni Liza. Pag-uwi, pakiramdam niya ay may nawala at may nabawi rin—nawala ang dati niyang trabaho, pero nabawi ang pagkakataong magsimulang muli. Lumipas ang ilang araw, at nagsimula na siyang mag-apply online. Sa isang email na dumating, natanggap siya para sa final interview sa isang kilalang marketing and investment firm. Mabilis ang proseso, at sa loob ng tatlong araw, tinawagan siya ng HR: "Congratulations, Ms. Lopez. You're hired." Napangiti siya. Bagong simula ito. UNANG ARAW SA BAGONG opisina ni Farah. Maaga siyang pumasok, dala ang bagong blazer at ang matinding determinasyon na kalimutan ang mga nangyari sa nakaraan. Pagdating niya, sinalubong siya ng team leader, at ipinakilala sa mga katrabaho. Magiliw naman ang lahat, at nakatulong iyon para mabawasan ang kaba niya. Bandang tanghali, tinawag sila sa conference room para sa isang importanteng meeting. “We’ll be meeting the company’s main investor and executive director,” sabi ng boss niya, na may ngiting puno ng respeto. Habang nag-uusap ang lahat, bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad at matikas na lalaki, naka-dark grey suit, malinis ang gupit, at may presensyang pumupuno sa buong silid. Parang bumagal ang oras para kay Farah. Si Dawson. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa loob ng ilang segundo, walang ibang naririnig si Farah kun'di ang tibok ng puso niya. “Everyone, this is Mr. Dawson Rockwell,” sabi ng boss niya. “He’s our executive director… and the uncle of one of our high-profile clients, Jason Rockwell.” Parang tinamaan si Farah ng malamig na hangin. 'Uncle… ni Jason?' hindi makapaniwalang sambit niya sa isip. Ngumiti si Dawson sa buong team, pero bahagyang huminto ang ngiti nang dumako ang tingin nito kay Farah. Sa gilid ng labi nito, may bahagyang kurba—ang ngiting nakita niya sa dilim ng gabing iyon. Hindi na mapakali si Farah. Agad niyang inalis ang tingin niya kay Dawson. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Ayaw niyang magtama ang paningin nila. 'Ano ba ang nangyayari? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit sa uncle pa ng ex ko ibinigay ang pinakaiingatan ko? Bakit naman ganito ang nangyayari sa buhay ko?' mangiyak-ngiyak na sabi ni Farah sa kanyang isipan. Pagkatapos ng meeting, habang palabas siya ng conference room, bahagyang humarang si Dawson. “Farah,” mahina nitong sambit, sapat lang para siya lang ang makarinig. Napakurap siya. “M-Mr. Rockwell," nauutal niyang banggit sa pangalan ng lalaki. “Hindi mo ako tinawagan,” bulong nito, may halong panunukso. Pinili niyang maglakad palayo. “Wala naman akong dahilan para gawin ‘yon.” Ngumisi si Dawson. “Siguro… pero baka magbago ang isip mo.” PAGKATAPOS NG OPISINA, habang nag-aayos si Farah ng gamit, nakatanggap siya ng mensahe mula sa HR assistant: “Mr. Rockwell wants to see you in the executive lounge before you leave.” Napakunot ang noo niya. Wala naman siyang ginawang mali sa unang araw para ipatawag agad ng boss. Pero sa loob-loob niya, may kutob na siya kung bakit. Pagbukas ng pinto ng lounge, sinalubong siya ng malamlam na ilaw at amoy ng mamahaling whisky. Nakaupo si Dawson sa isang leather chair, nakasuot pa rin ng suit pero nakabukas na ang itaas na butones ng kanyang polo. Nakapatong ang isang braso sa sandalan, habang hawak ng kabila ang baso. “Akala ko tatakbo ka na,” aniya, ngiting may halong panunukso. Huminga nang malalim si Farah. “Ano’ng kailangan mo?” Tumayo si Dawson, mabagal na lumapit, para bang sinasadya ang bawat hakbang. “Alam ko ang nangyari sa inyo ni Jason. Alam ko rin kung paano ka niya trinato.” Napatigil siya. “At ano naman ngayon?” “Tulungan mo akong ipakita sa kanya… at sa pamilya niya… na ang babaeng tinanggihan niya ay mas pinili ang kanyang tiyuhin.” Nanlaki ang mga mata niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Magpakasal ka sa’kin.” Parang natulala si Farah sa narinig. Tila huminto ang mundo. “Ano?!” Lumapit pa si Dawson, halos ilang pulgada na lang ang pagitan nila. “Magpakasal ka sa akin, Farah. Sa tingin mo, ilang segundo bago kumalat ang balita? At ilang segundo bago masunog sa galit si Jason?” “Hindi ako laruan, Dawson,” mariin niyang sagot. “Hindi kita tinuturing na laruan,” sagot nito, mababa ang boses. “Pero alam kong kaya mong gamitin ang pagkakataong ito para makabawi sa kanya. At aaminin ko… gusto rin kitang makasama. Hindi lang para sa plano ko.” Tinitigan siya ni Farah, pilit binabasa kung totoo ba ang sinasabi nito o isa lang itong laro. Ngumiti si Dawson, ngunit may kakaibang lambing sa mga mata. “Hindi ako nagbibiro, Farah. At naniniwala akong sa huli… ako ang pipiliin mong mahalin.” Naramdaman niyang kumabog nang malakas ang dibdib niya—hindi lang dahil sa panukala, kun'di dahil sa posibilidad na baka totoo nga ang sinasabi nito. Sa labas ng lounge, naririnig niya ang mahihinang yabag at mga bulungan. Alam niyang kung tatanggapin niya ang alok na ito, hindi lang si Jason ang masasaktan—maraming mag-iisip na isa siyang manggagamit at malandi. Pero sa mata ni Dawson, may pangakong hindi niya kayang balewalain.Tahimik ang gabi sa Rockwell Mansion. Ang mga chandeliers ay kumikislap habang nagbabantay sa katahimikan ng buong bulwagan. Sa labas ay mahigpit ang seguridad. Bawat gate ay may nakapuwesto, bawat sulok ay binabantayan ng CCTV. Ngunit kahit gaano katatag ang paligid ramdam ni Dawson ang bigat na nakasiksik sa kanyang dibdib. Parang may bagyong paparating na hindi niya maiiwasan. Nakaupo siya sa study room habang hawak ang isang baso ng alak na hindi man lang niya ginagalaw. Hindi siya mapakali. Mula nang makaharap niya ang mataas na opisyal ng pulisya kanina, isang bagay ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya...Bakit parang binabalewala nito ang sinabi niya tungkol sa Red Bulls? "Hindi ito basta-basta," bulong niya sa sarili. Pinapabigat ang mga palad sa mesa. "Hindi ko kayang iwan si Farah na walang proteksyon. Hindi ko hahayaang maulit ang mga kasinungalingan at dugo ng nakaraan." Nang bumukas ang pinto, pumasok si Farah ng naka-nightdress at may hawak na tasa ng gatas. Tah
Tahimik ang buong mansion nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng opisina ni Dawson. Mabilis na pumasok si Jason, halatang sugatan at hingal na hingal. Namumula ang mga mata niya sa pag-iyak at nanginginig ang mga kamay. "Jason?" agad na tumayo si Dawson mula sa kanyang swivel chair, bakas ang kaba sa mukha. "Ano’ng nangyari? Nasaan si Bianca?" Kasunod noon ay lumapit si Farah habang hawak ang dibdib dahil ramdam niya ang matinding kaba. Hindi niya kayang ipaliwanag pero parang may masamang kutob na siya. "Jason, please, tell us. Ano’ng nangyari sa kanya?" Bagsak ang mga balikat ni Jason habang hawak pa rin ang mga kamay niyang may dugo. Hindi niya kayang tumingin nang diretso sa mga mata ng kanyang tito. "Uncle... Bianca’s gone." Halos tumigil ang mundo ni Dawson sa narinig. "What do you mean... gone?" mababa at nanginginig ang kanyang tinig. Hindi nakasagot agad si Jason. Bumagsak siya sa sofa, napahawak sa ulo at tuluyang umiyak. "Pinaputukan kami ng mga tauhan ni C
Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na sina Jason at Bianca. Parehong seryoso ang ekspresyon sa kanilang mukha habang pinaplantsa ang plano. Ang warehouse na narinig ni Bianca mula sa mga tauhan ni Camille ay nasa malayong dulo ng pier. Hindi ito basta napupuntahan ng kung sino lang. Kailangan ng lakas ng loob at mabilis na kilos para hindi sila mahuli. Sa loob ng kotse, hawak ni Bianca ang cellphone niya. Bago sila umalis sinigurado niyang puno ang memory at may internet connection ito . "Jason, kung sakali mang may masama na mangyari, kailangan makarating agad ang ebidensya kay Dawson. Hindi ako puwedeng mabigo..." wika ni Bianca bago napalunok ng laway. Tumingin si Jason sa kanya at saka mariin ang tingin. "Bianca, huwag mong isipin na may masamang mangyayari sa iyo, okay? Babantayan kita. Wala kang dapat ipag-alala." Ngunit kahit anong lakas ng loob ang ipinapakita ni Jason, ramdam din niya ang kaba. Kahit siya, hindi sigurado kung makakalabas silang buhay mula sa plan
Lumipas ang dalawang araw mula nang magharap si Bianca at Farah sa hardin ng mansion ni Dawson. Sa loob ng panahong iyon ay naging tahimik ang paligid ngunit hindi rin nawala ang kaba sa dibdib nina Jason at Bianca. Kahit nasa loob sila ng malaking bahay na may mga guwardiyang nagbabantay ay ramdam nilang hindi sila ligtas hangga't hindi tuluyang napapabagsak si Camille at ang grupo niyang Red Bulls. Isang hapon, nagpasya si Jason na kausapin si Bianca nang masinsinan. Nasa veranda sila ng maliit na guesthouse na itinabi ni Dawson para pansamantala nilang tirhan. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Nakaupo si Bianca sa kahoy na bangko, hawak ang maliit na notebook na tila matagal na niyang ginagamit para isulat ang mga plano at iniisip niya. Si Jason naman ay nakatayo at nakasandal sa haligi. Seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Bianca," mahinang wika ni Jason habang nakatingin sa malayo. "Alam kong hindi sapat na nagpunta tayo
Maaga pa lamang tahimik ang paligid ng mansion ni Dawson. Ang mga hardinero ay abala sa pagdidilig ng mga halaman at ang malalaking gate ay bantay-sarado ng mga guwardiya. Sa loob naman, nakaupo si Farah sa isang bench sa gilid ng hardin habang hawak ang tasa ng kape na halos hindi niya mainom dahil sa dami ng iniisip. Ang mga pangyayari kagabi at ang pagdating nina Jason at Bianca pati na rin ang rebelasyon tungkol kay Camille at ang biglaang pag-amin ng lahat... ay parang unos na hindi pa rin niya lubusang matanggap. 'Hindi ko alam kung paano namin malalampasan ito ni Dawson pero naniniwala akong hindi mananalo si Camille dahil masama siya,' sabi ni Farah sa isipan. Habang nagmumuni-muni siya... bigla niyang napansin ang anino ng isang babae na dahan-dahang lumalapit mula sa likuran. Nang lumingon siya, halos mapatigil ang pintig ng kanyang puso nang makitang si Bianca iyon. Nakasuot ng simpleng puting blouse at maong, walang kolorete sa mukha at halatang walang tulog. May dala-
Tahimik ang gabi sa loob ng malawak na mansion ni Dawson. Sa labas, tanging tunog lang ng mga kuliglig at mahinang hampas ng hangin sa mga dahon ng puno ang naririnig. Sa loob naman, nasa study si Dawson. Nakaupo sa leather chair habang hawak ang isang baso ng alak. Nasa tabi niya si Farah na nakasandal sa sofa at tahimik na nagbabasa ng ilang papeles na kanina pa niya sinusubukang intindihin. Ngunit ramdam ni Farah ang bigat ng paligid. Parang may paparating na hindi kanais-nais. Hindi nagtagal ay narinig nila ang biglang busina mula sa labas ng gate. Mabigat at sunod-sunod at tila ba hindi alintana ang oras ng gabi. Kumunot ang noo ni Dawson. Agad na ibinaba ang baso ng alak at tumayo. “Hindi ako nag-e-expect ng bisita,” malamig niyang sabi at saka kinuha ang cellphone para tawagan ang isa sa mga guwardiya. “Check kung sino ‘yan sa gate.” Hindi nagtagal, bumalik ang sagot. “Sir, si Mr. Jason po at kasama niya si Miss Bianca. Nasa labas ng gate. Gustong makapasok.” Bahagyang