LIKE 👍
(Morgan pov) “Totoo na ikakasal na kayo ng Hollywood actress na si Flory Smith?” Tanong ng isang reporter habang nakikipagtulakan ito sa kapwa reporters, mayamaya ay nagtanong naman ang isa pa nitong katabi, “Totoo ba na kaya ka nagquit sa basketball dahil sa kanya? Eh ang balita na nabuntis mo siya, totoo ba?” “Gaano katotoo ang balita na kaya mo ginive up ang career mo para sa kanya? “Oh baka naman totoo ang balita na kasal na kayo sa Amerika?!” I put my hoodie’s jacket on my head and ignored all their questions. Tsk. Wala ng ginawa ang mga reporters na ‘to kundi guluhin ang buhay ko simula ng bumalik ako. I’m just a basketball player for damn sake! Hindi ako artista para pagkaguluhan ng mga ‘to ng ganito. Gusto akong lapitan ng mga ‘to pero hindi sila makalusot sa mga bodyguards ko. Mabuti nalang at nakinig ako kay dad na hayaan ang mga ‘to na sundan ako, kung hindi ay baka natumba na ang mga makukulit na reporters na ‘to. Hindi ako basagulero, pero sobra na ang mga ‘to.
(Saddie pov) Isang oras bago ang usapan namin ni Navy ay nauna na ako sa tapat ng dorm ko dati. Baka kasi agahan nito ang pagsundo sa akin at malaman na hindi na ako dito nakatira. Halos lahat ng dumaan ay napapalingon sa akin dahil sa ayos ko. Ang sabi kasi nito sa akin ay magsuot ako ng Casual Green dress na hanggang talampakan ang haba dahil family dinner ang pupuntahan namin. Nabanggit kasi sa akin noon ni Navy na instrikta ang mommy nito, gusto nito sa dalaga ay mahahaba ang suot ay hindi labas ang balat. Pumunta pa ako ng salon kanina bago pumunta dito. Pinabawasan ko ang buhok ko ng kaunti, nagpaayos ng kuko, nagpa-Brazilian, foots spa at light makeup. Gusto ko kasi na perfect akong haharap sa kanila. Kumaway ako kay Navy ng makitang parating ang sasakyan nito. Sa sobrang tuwa ko ay napatalon pa ako. Pagkababa nito ay nilapitan agad ako nito. Nabura ang ngiti ko ng pagalitan agad ako nito. “What the heck, Saddie! Di’ba sinabi ko naman sayo na wag kang kikilos ng ganyan!
“Iha?” Untag ng ginang sa akin. “Uhm, maayos naman po ang business ko.” Ayokong magsinungaling pero kapag hindi ko ito ginawa ay mapapahiya si Navy, at ayokong mangyari ‘yon. Naging maganda na ang takbo ng usapan pagkatapos nitong marinig ang sagot ko. “Excuse me, magrerestroom lang po ako.” Magalang na paalam ko sa mga ‘to bago nagmamadali na nagtungo sa restroom. Saka ko lang napansin na nanginginig pala ang kamay ko ng makapasok ako sa loob. Kaya pala ayaw ni Navy na magresign ako bilang Dance instructor at sa dorm dahil nagsinungaling ito sa magulang niya tungkol sa tunay kong trabaho. Hindi ko kinakahiya ang trabaho ko o ang buhay ko, pero sa mga sandaling ito ay nanliliit ako. Malinaw naman ang dahilan kaya ginawa ‘yon ng nobyo ko—para matanggap ako ng magulang nito. Alam kong para ito sa relasyon namin, pero bakit ang sakit? Bakit nilihim niya sa akin ang tungkol sa bagay na ‘to? Kinakahiya ba niya ako? Nagsimulang mag init ang sulok ng mata ko. “Wag kang ii
Pumasok agad ako sa kwarto pagkarating namin ng bahay. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at dito binuhos ng luha ko. Akala ko uuwi ako ng masaya pagkagaling ko sa family dinner na ‘yon dahil sa wakas ay makikilala ko na ang magulang niya pero mali ako. Sakit lang pala ang matatamo ko. Naging mabuti naman akong nobya sa loob ng tatlong taon. Bakit hindi niya ako mapanindigan? Gano’n lang ba kadali na bitiwan ang tatlong taon na relasyon namin? Hindi man lang niya ako hinabol. Sumisigok na tumayo ako. Oo nga pala nakalimutan kong gawin ang trabaho ko. Halatang nagulat si Morgan ng makasalubong ako sa hagdan. Hindi ito manhid, alam kong nakita at narinig nito ang tahimik kong pag iyak sa kotse kanina. Hindi yata nito inaasahan na lalabas ako ng kwarto. “Pasensya ka na, nakalimutan kong ipagluto ka. Mag aalas nuwebe na, kumain ka na ba?” Naaala ko, dapat nga pala nakakain na ito pagtuntong alas otso. “No. I waited someone earlier, so I forgot to eat.” Tugon nito. “How about yo
“Maupo ka, iha. Pasensya ka na kung nangialam ako sa kusina mo. Napadaan lang naman ako dito para kamustahin kayo dito. Tamang-tama dahil nalaman ko sa anak ko na nanggaling ka sa party kagabi at nalasing ka. Kaya heto at pinagluto kita ng bulalo.” Pinaghila pa ako nito ng upuan. “Kumain ka na, masarap ang sabaw sa may hangover.” Nahihiya na umupo ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sinabi ni Morgan na naglasing lang ako kagabi. Nakakahiya. Ano ang mukhang ihaharap ko sa Mommy nito? Hindi ko na natandaan kung kailan ako huling pinagluto ng Mama ko. Kaya ng matikman ko ang masarap na luto nito ay nag init ang sulok ng mata ko. Ganito pala ang pakiramdam ng gumising na may nag aasikaso sa’yo… masarap at mainit sa puso. Dati galit ako sa kanya. Oo, galit ako sa kanya. Narinig ko kasi sa magulang ko noon na ang bakery nito ang dahilan kaya pinasara nila ang bakery na pinatayo pa ng mga kalo-lolohan ko. Nawalan kami ng customer dahil bukod sa masarap ang mga binibenta nila ay m
(Saddie pov) “Ganda! Ganda!” Tawag sa akin ni Aling Marites. “Bakit ho?” Tanong ko habang nagbobomba sa poso. May inaayos kasi sa linya ng tubig dito ngayon sa barangay namin kaya pansamantala na walang tubig. Bukas pa daw maaayos ang linya kaya nakapila ang lahat ngayon dito sa poso para mag igib ng tubig. Kumunot ang noo ko ng itulak ng matanda ang isang lalaki. Sa palagay ko ay mas matanda ito sa akin ng dalawa o tatlong taon. Mas mukha itong namumutla sa takot kaysa nahihiya. “Ito nga pala si Angelo, apo ng kumare ko. Single at nagtatrabaho sa Government. May bahay siya di’yan sa kabilang kanto.” Lumapit ito sa akin at mahinang bumulong. “Mabait na bata ‘yan, hindi ako mapapahiya di’yan.” Balak ko sanang magtanong kung ano ang ibig nitong sabihin ng ilahad sa akin ng lalaki ang kamay nito. “H-hi, Saddie. A-ako nga pala si Angelo. T-taga diyan lang ako sa kabilang kanto. Sana pwede tayo na maging magkaibigan.” Utal na pakilala nito. Mukhang harmless naman ito kaya tinan
Hindi ito kumibo. Nagulat ako ng buhatin nito ang timba sa tig isang kamay ng walang kahirap-hirap hindi katulad ni Angelo kanina. Nahihiya na tinapik ko ang kamay niya. “Ano ka ba, hindi mo kailangan gawin ‘yan.” Naalala ko na sinabi ni Ma’am Kiray na hindi nila pinadapuan ng insekto si Morgan ng palakihin nila, ibig sabihin ay hindi naghirap. Kaya nakakahiya na pagbuhatin ito ng timba. Hindi nito binaba ang timba hanggang sa makarating kami sa banyo sa kusina. Pagkababa nito ng timba ay humarap siya sa akin. “I told you that if you need anything ‘just tell me, right?” Hinilot nito ang sintido. Napansin ko na parang pagod ito at walang tulog. Balak ko sanang tanungin siya kung okay lang siya ng mapaapak ako sa tubig na natapos sa tiles mula sa timba. Kakapit sana ako sa kanya pero huli na dahil hindi ko na siya maabot. Akala ko mababagok ang ulo ko pero mabilis niya akong nayakap bago pa ako mahulog. “Fvck!” Hingal na mura nito na bakas ang pagkataranta sa mukha. “Are you hur
(Saddie pov) Simula ng sabihin ni Morgan na attractive siya sa akin ay hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ng hindi naiilang. Mas lalo akong nailang sa mga titig niya simula ng sabihin niya sa akin ‘yon. Bawat hawak niya sa akin, tingin, pagkausap, hindi ako makatingin sa mga mata niya. Maraming umamin sa akin noon pero hindi naman ganito ang naging epekto. Habang hawak niya ang bewang ko habang tinuturuan ko siya ng tamang pagsayaw ng Slow dance ay ramdam kong nakatingin na naman siya sa akin. Parang tumatagos ang mga tingin niya… hindi ko kayang tagalan. “Saddie…” tawag niya sa akin, ng hindi ako tumingin sa kanya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. “Did I scare you last night?” “H-hindi naman sa gano’n, Sir. N-nabigla lang ako.” Tatlong taon kasi umikot sa trabaho at kay Navy ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano mag entertain ng bagong lalaki sa ngayon. “I’m sorry about that. I'm not the only one who likes to beat around the bush. I've never liked anyone a
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga