LIKE 👍
Nagulat ako ng makita sila Tita Kiray at ang asawa nito kasama si Morgan at isa pang lalaki na kahawig ni Morgan… Ano ang ginagawa nila ditong lahat? Nilapitan at niyakap ako ni Tita Kiray, kinamayaman naman ako ng asawa nito at ng lalaking hinihinala ko na kapatid ni Morgan. Nagpalipat-lipat ang tingij ko sa kanila, takang-taka ako bakit narito sila at wala sa airport. “I knew it, Ganda. Sabi na nga ba may kakaiba sa tinginan ninyong dalawa ng aking anak.” Namula ako at yumuko. Napansin pala iyon ng ginang. Nakakahiya, baka nandito ito para sabihin na layuan ko si Morgan dahil may fiancee na ito at hindi ako nababagay dito. “Natutuwa akong malaman na ikaw ang fiancee ng anak ko, Ganda. Ngayon palang ay welcome to the family, Ganda.” “P-po?” Pero ang akala ko ay… bigla akong nilapitan ni Morgan at niyakap sabay bulong ng “I love you” sa tenga ko. Narealized ko na ako pala ang babaeng tinutukoy ng kasambahay kanina. Ako pala ang fiancee na tinutukoy nito na susunduin. N
(Saddie pov) Ganado akong bumangon kinabukasan. Ang gaan ng pakiramdam ko hindi katulad no’ng nakaraang araw. Nakapaglinis agad ako at nakapagluto ng almusal. Inasikaso ko na rin ang mga kapatid ko sa pagpasok sa eskwela. Busy kasi si Tito sa pag aalaga kay Mama. Nanunudyo akong nginitian ni Mama ng makita niya ako. “Aba mukhang maganda ang gising ng anak ko ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig!” Namumulang nilapag ko sa harapan nila ni Tito ang kape na tinimpla ko. “Ikaw ba naman ang yayain na pakasalan ng isang Morgan King! Kahit ako ay hindi makapaniwala na fiancee siya ng idol namin ng anak mo!” Ani ni Tito na hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon na magkakilala kami ni Morgan. Kahit nga ang kapatid ko ay walang ginawa kundi kulitin ako tungkol sa nobyo ko. Sinuway lang ito nila Mama kagabi dahil baka mapuyat ito sa katatanong sa akin. Hindi pa kami tapos mag almusal ng kumatok ang ilang kapitbahay nila Mama na malapit na kaibigan nila. Narinig kong nagtatanong
“Good afternoon, Sir! Ma’am!” Binati kami ng bawat kasambahay at guards na nakakasalubong namin. Malaki din ang bahay ng Lola ni Morgan, mukhang lahat sa pamilya nila ay ubod ng mga yaman. Pagdating namin sa sala ay binati kami ng isang nurse na may edad na, tulak nito ang wheelchair kung saan nakasakay si Lola Juliana na hindi na nakakatayo. Apat na buwan na daw itong hindi nakakatayo dala ng katandaan. Lumapit si Morgan dito at humalik sa noo nito, lumapit naman ako at nagmano dito. Wala kaming nakuhang reaksyon dito pero kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa apo. Ang sabi ni Morgan sa akin ay hindi na daw ito nakakapagsalita, pero halatang nakikilala pa nito ang apo nito base sa kasiyahang nakikita ko sa mga mata nito. Mayamaya ay lumabas galing sa kusina si Tita Kiray, halatang katatapos lang nito magbake dahil may suot pa itong apron at may hawak pa itong spatula, nabanggit kasi sa akin ni Morgan na talagang mahilig ito magbake kaya alam ko. “Morgan, iha, dumating
(Saddie pov) Imbes na ihatid ay dinala muna ako ni Morgan sa isang pag aari niyang condo. Pagkapasok pa lang ay sabik na agad nitong sinibasib ng halik. “Morgan—wait,” Awat ko rito, hindi pa kasi nasasara ng maayos ang pinto, nang makita nito ang concern ko ay tinulak nito ang pinto gamit ang paa niya habang buhat ako. Ginantihan ko ito ng mapusok na halik habang nakakawit ang braso ko sa leeg nito. Pareho kaming sabik at uhaw sa labi ng isa’t isa. Halos maubusan kami ng hangin ng magbitiw kaming dalawa, sabik na sabik kami pareho sa isa’t isa at hindi na makapaghintay na mag isa ang nag iinit naming katawan. Inaamin ko na hindi lang si Morgan ang nag iinit kanina sa kotse maging ako din ay hindi makapaghintay na angkinin nito. “I want you so badly, Saddie!” Paos na anas ni Morgan habang hinahalikan ako, bumaba ang halik nito sa leeg ko at hanggang sa cleavage ko. Hindi ito nakatiis, binaba niya ako sandali at hinubad ang suot kong dress at binaba nito hanggang kalahati ng hita ang
(Saddie pov) Habang lulan kami ng sasakyan papunta sa bahay ni Papa ay hindi ko namalayan na pinisil ko ang kamay ni Morgan dahil sa kaba ko. Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Papa noon sa hospital. Nang tingnan ako ni Morgan ay ngumiti ako, ayoko kasing mahalata nito na kinakabahan ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa sinabi sa kanya ang mga sinabi ni Papa. Alam ko naman na hindi ko na kailangan ipaliwanag o ipagtanggol ito dahil naiiba si Morgan at malayo ito sa sinasabi nito. Hindi naman lahat ng mayaman ay parepareho. Patutunayan ko nalang na naiiba ang nobyo ko, mahal ako ni Morgan at ilang beses ko na ‘yong napatunayan. Pagdating sa tapat ng bahay nila papa ay bumaba na kami ng sasakyan. Tumingin ako sa bahay nila Papa. Naalala ko sa tuwing pupunta ako dito ay hindi ako nakakapasok sa loob, hanggang labas lang ako dahil hindi ako pinapahintulutan pumasok ng asawa ni Papa. Kaya ng papasukin kami nito ay nagulat talaga ako. Siguro dahil nakilala nito si Morgan kaya inimbi
Iniwas ko ang tingin ko at nahihiya na yumuko. Nakakahiya. Baka mamaya sabihin ni Morgan na ang drama ko. “It's okay, my love. They leave you when you're just a kid. It's natural to feel that way. It's valid.” Sinapo niya ang pisngi ko at inangat ang ulo ko. “From now on, I will love you twice as much so you won't have to look for anything else. How about that?” Natawa ako sa biro nito. “Ikaw talaga, puro ka kalokohan.” Sumimangot ito. “Tsk. Do i look like joking to you?” “Oo na! Oo na! Hindi ka naman mabiro! Alam ko naman love mo ako ng sobra… hindi lang doble kaya nga mahal din kita. Tara na, di’ba may pupuntahan pa tayo?” Pilyo ako nitong nginitian kaya nagkahinala ako. “Morgan, naman eh!” “What? Hahaha!” Maang-maangan nito. Alam ko naman na dadalhin na naman ako nito sa condo nito. Palagi nitong dinadahilan sa akin na kailangan namin bigyan ng apo ang lola nito. Pero alam kong palusot lang niya ‘yon para umiskor sa akin. “TALAGA, ikakasal ka na? Congratulation!” Bati
(Morgan pov) I was about to fetch Saddie when she called me. Inaya daw ito ng mga kaibigan papunta sa isang bar. Ayokong pumunta ito sa gano’ng lugar pero nangako naman ito na ito na ang huling beses na pupunta ito sa gano’ng klaseng lugar. Gusto lang daw nito na makasama ang mga kaibigan bago kami magpakasal. Saddie is beautiful —no, she’s more than beautiful, she’s stunning and gorgeous. Lalaki ako at alam ko na ang mga tipo nito ang mga pinagkakaguluhan ng mga lalaki. Kaya ayaw ko sanang payagan ito dahil alam ko na pagsasawaan itong tingnan ro’n lalo na sa magandang hugis ng katawan nito. Intead of saying NO, kasalungat iyon ng sinagot ko. Ayokong masakal ito sa relasyon namin at gusto kong isipin niya na hindi ako seloso at katulad ng ex nito. Isang oras palang ang lumipas pero hindi na ako mapakali. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinuntahan ito. I was about to approach her when I saw her with someone, nakita ko na ang lalaking ito noon sa lockscreen ng cellphone niya
(Kiray pov) Pagdating namin ni Laxus mula sa pamimili ay hinanap ko agad ang mga anak namin sa kasambahay na sumalubong sa akin. “Nasa kusina si Sir Morgan, ma’am. Si Kirk naman ay nasa taas kasama si Ma’am Juliana.” Nasa kusina si Morgan? Kumunot ang noo ko, maging si Laxus ay nagtaka. Kilala kasi namin ang panganay namin, bukod sa kakatuto lang nito sa pagluluto ay hindi ito mahilog o magaling magluto. Nagkatinginan kaming mag asawa at sabay na napangiti pa. Mukhang ganito ang epekto ng pag ibig sa panganay naming anak. Pagdating namin sa kusina ay nadatnan namin na makalat dito. Nang makita kami ni Morgan ay bumati ito. “Ang dami mo yatang niluluto, anak. Para ba kay Saddie lahat ng ito?” Nanunudyong ngumiti ako ng tumango ito. “Ang sweet naman pala ng anak ko, manang-mana ka talaga sa akin.” Biro ko. Hinapit ako ni Laxus sa bewang at may hinampo itong nagsalita. “Bakit? Sweet din naman ako ah. Kung may pinagmanahan man ang anak natin, ako ‘yon at hindi ikaw.” Natawa ako ng
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga