Share

CHAPTER 10

"MISS, wala sila diyan ngayon," wika ng kapitbahay nilang si Aling Minda, karga ang sarili nitong anak.

"Nasaan po sila?" lumingon siya sa ginang na nagsalita.

Ngunit sa halip na sagutin ay nagulat ang ginang, lumaki ang mata nito at lumapit sa kanya. "Rose? Rose, ikaw nga! Saan ka ba nagtago anak, antagal ka nang hinahanap ng ng pamilya mo?"

Sa Maynila lang po Aling Minda, kumusta ho kayo?" Pilit siyang ngumiti.

"Ikaw ang kumusta anak, naku matutuwa ang tatay mo nito pag nakita ka."

"Nasaan po ba sila?"

"Huwebes ngayon, siguradong nasa bible study sila ngayon."

"Saan ko po sila pwedeng makita?"

"Subukan mo sa presinto anak, balita ko kasi doon sila nagpuputa kapag ganitong araw, sa kulungan sila nagba-bible study. Mamaya pang hapon ang uwi nila."

"Sige ho, salamat mauna na po ako," nagpaalam na siya sa ginang at muli siyang sumakay ng tricycle patungong presinto.

Pagdating doon ay tinanong niya ang isang pulis kung nandoon ang kanyang magulang ngunit hindi siya nagpakilalang anak siy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status