LOGINTahimik sa opisina kinabukasan.
Halos walang gustong mag-ingay, baka marinig ulit ni Cesar Araneta, ang kilalang “Heartless Boss” na viral pa rin hanggang ngayon.
Si Gavine, bagama’t halatang puyat at puffy-eyed, ay nakangiti pa rin. Parang walang nangyari kagabi kahit buong mundo alam na kung sino ang sumulat ng “Heartless but Handsome” post.
Habang nagkakape sina Zoila, Joshua, Miggy, Amanda, at Nicolas sa pantry, pinag-uusapan nila ang kabayanihan—o kabaliwan—ni Gavine.
“Girl, seryoso ka ba talaga? Bakit ka pa rin bumabalik dito? Kung ako ‘yon, nag-resign na ako kahapon!” pabulong na sabi ni Zoila.
“Oo nga, tinawag ka nang delusional ni boss sa harap ng buong staff. Ako siguro, naglaho na sa timeline.” Singit ni Joshua.
“Pero admit it, she’s brave. I mean, she made Luxe Life viral!” natutuwang sabi ni Miggy
“Viral nga, pero muntik nang maging funeral ng karera niya.” Natatawa ni Nicolas.
Tawanan silang lahat.
Tahimik lang si Gavine habang nakikinig. Kalmado, pero may bahagyang lungkot sa mata.
“Pero seryoso, Gavine... bakit mo kaya tinitiis si Sir Cesar? Alam naman nating lahat na wala siyang preno kung magalit. Hindi ba nakakatakot?” tanong ni Nicolas.
Umiling siya, saka ngumiti. “Hindi naman kasi siya laging ganyan.”
“Pardon? As in… may soft side ‘yung halimaw na ‘yon?” tanong ni Zoila.
“Hindi niyo lang kasi siya nakilala noon.” napatawa siya ng mahina.
Lahat napatingin sa kanya. “Noon?” sabay-sabay nilang tanong.
Huminga nang malalim si Gavine, na nagbalik sa nakaraan.
College. Journalism Week sa university. Ang tema: “Write to Inspire.” Sa entablado, isa sa mga judges si Mr. Cesar Araneta, 29 years old noon ay editor-in-chief ng sikat na magazine.
Suot niya ang classic black suit at may aura ng karisma at confidence. Ngunit hindi pa siya kilala bilang “Heartless Boss.” Noon, siya ang “Campus Crush ng mga Journalism Majors.”
Sa unang tingin pa lang, nahulog na si Gavine. Habang binabasa ni Cesar ang kanyang essay entry na “When Words Can Save,” ngumiti ito sa kanya.
“You write with heart,” sabi ni Cesar noon. “Don’t lose that.”
Yun lang. Pero sa batang si Gavine, sapat na ‘yon para maging inspirasyon habang buhay.
Simula noon, pinangarap niyang makatrabaho ito balang araw — kahit bilang intern lang.
“Noong college ako, siya ‘yung dahilan kung bakit gusto kong magsulat. Siya ‘yung unang nagsabing magaling ako. Mabait siya noon — mahinahon, gentleman, inspiring.” nakangiti niyang kwento.
“At ngayon?” tanong ni Joshua.
“Ngayon… parang nakalimutan niyang marunong siyang ngumiti.” sagot niya.
Tahimik ang lahat.
“So, dahil doon, tiniis mo lahat ng sigaw, cold stares, at paper-throwing moments?” banat ni Zoila
“Oo. Kasi gusto kong makita ulit ‘yung taong ‘yon — ‘yung mabait na judge na minsang naniwala sa akin.” nakangiti niyang sabi.
Sandaling katahimikan. Si Amanda ay napangiti. “Grabe ka, girl. Kung ako si Sir Cesar, baka ako pa ma-in love sa ganyang loyalty.”
“Baka nga kaya siya galit… kasi may nararamdaman din siya pero ayaw niyang aminin.” nagtatakang sabi ni Miggy.
Tawanan ulit, pero si Gavine, namula.
Habang nag-uusap sila, biglang pumasok si Cesar sa pantry — dala ang kape at tablet.
Tumahimik ang lahat. Naglakad siya diretso sa coffee machine, pero bago lumabas, bigla siyang tumingin kay Gavine. “Miss Gutierrez, I read the follow-up comments… People think you made Luxe Life relevant again.” mahina pero malinaw na sabi ni Cesar. Tahimik.
“Thank you… I guess,” dagdag niya, halatang awkward at hindi sanay magpasalamat.
Paglabas nito, nagkatinginan ang team.
“Wait… did he just say thank you?!” tanong ni Zoila
“Oh my gosh, history has been made!” kinikilig na sabi ni Miggy.
“Girl, tingnan mo! He’s changing because of you!” sabi ni Amanda.
Ngumiti lang si Gavine. Pero sa loob-loob niya, tumitibok ang puso niya sa saya — kasi kahit isang maliit na “thank you” lang ‘yon, para sa kanya, iyon na ang simula ng pagbalik ng taong matagal na niyang hinangaan.
Malungkot ang lakad ni Gabriela Gutierrez sa lobby ng Luxe Life Magazine. Kasama niya sina Joshua, Zoila, Miggy, Nicolas, at Amanda, ngunit kahit maingay ang mga kaibigan niya, parang wala siyang energy.“Ang tagal ng araw ko… at ang sama ng pakiramdam ko,” bulong niya habang hawak ang bag.“Gab, ano nangyari?” tanong ni Zoila, agad nakasuporta.“Buong araw ko siyang tinatawagan… Love, Love, Love… at hindi siya sumasagot! At kung magre-reply man, tipid lang… two words lang… parang nagagalit pa sa akin o busy sa business,” sabi ni Gabriela, halos maiyak sa frustration.“Uy… baka naman naumay na sa’yo si Sir Cesar,” hirit ni Joshua, tumatawa habang pinupuno ang drama niya.“O baka bumalik na siya sa pagiging… business-minded na CEO? Wala nang kilig moments?!” dagdag ni Miggy.“Baka!” sabay tumili si Nicolas, “Baka masyado siyang busy sa Opulence Hotel, at nakalimutan ka.”“Hay naku… alam niyo ba… pakiramdam ko… wala na siyang pakialam sa akin,” malungkot na sambit ni Gabriela, bitbit a
“Hala kayo,” singit ni Miggy. “Guys, umuusok na social media oh! Dati Boss galit na galit ka kapag na post ka ngayon okay na okay na saiyo. Nag iba ka na talaga!"Pinakita nito ang trending list. Naka-top ang hashtag na: #TheWomanWhoOwnsTheHeartlessCEOSumunod: #OpulenceQueen #CesarAndGavAt mas nakakapraning pa… may thread na:“REAL NAME OF GAVINE IS GABRIELA GUTIERREZ?!”“Wait—HOW DID THEY KNOW MY REAL NAME?!” bulalas ni Gavine.Umangat ang kilay ni Zoila. “Girl, may nag-comment! Kaklase mo raw sila noong senior high. Proud sila sa’yo.”Lalong namula si Gavine.Pero tumawa lang si Cesar.“Don’t worry, Gav.” He laced his fingers with hers. “They can call you whatever they want.”He squeezed her hand.“Because I know exactly who you are.”She softened. “And who is that?”Cesar leaned in, forehead to hers.“The only woman who owns the heartless CEO.”Trending sa social media ang viral photo nila sa airport.#TheWomanWhoOwnsTheHeartlessCEO#OpulenceQueen#CEOIsInLovePero may isang t
Pagbalik niya sa maliit niyang desk, nag-vibrate bigla ang phone.Pagtingin niya, nag-pop up ang name: Love Incoming video call…Napa-upo siya agad nang diretso.“OH MY GOD OH MY GOD OH MY GOD—”Nag-aapura siyang nag-ayos ng buhok kahit alam niyang gabi doon at baka nasa hotel room lang si Cesar. Binuksan niya ang camera.“Love!!”On screen, nakita niya si Cesar naka-white shirt, medyo messy ang hair, hawak ang laptop sa kama. Naka-glasses pa. That alone nearly killed her.“Hi, Love,” malamig-sarap na boses nito, pero halatang pagod.“Love! Miss na miss na kita!”Hindi niya na napigilan.Cesar chuckled softly. “I miss you too.”“Promise?”“Yes. Very much.”Ngayon talaga siya nalusaw.“Anong oras na d’yan?” tanong ni Gavine.“Almost midnight.”“Ha?? Ba’t gising ka pa? Di ba sabi ko mag-rest ka? Tigas ng ulo mo.”“Because,” sabi ni Cesar, “I was waiting for you. I know Its your break, so I can call you.Napatakip siya ng mukha.“Love… stop. Kinikilig ako.”Napangiti si Cesar. “That’s t
Nakangiti si Gavine habang hawak ang kamay ni Cesar papasok sa fine dining restaurant. Ang ilaw ay dim at elegant, bawat mesa ay maayos na inayos, parang nasa isang magazine spread. Ngunit habang papalapit sila sa table ng pamilya Araneta, napansin ni Gavine ang kaunting tensyon sa paligid.“Love… you look stunning tonight,” sambit ni Cesar, tinitingnan ang dalaga na naka-simple pero eleganteng damit.“Salamat, Love,” sagot ni Gavine, medyo kinakabahan.Ngunit bago pa man siya makapag-relax, napansin niya ang matalim na tingin ni Zandra. “Gavine… what are you wearing? This is a fine dining place, not a cocktail party,” sabi ni Zandra, halatang inis sa kanya.Hindi pinansin ni Cesar ang kapatid. “Love, ignore her. You look perfect to me,” sabi ni Cesar, mahigpit na hinawakan ang kamay niya.“Ah… okay naman po siguro itong damit hindi naman ako pinagbawalang pumasok,” pilit na sagot ni Gavine, medyo nahihiya. Ngunit napansin niyang napatawa si Cesar at dahan-dahan ay napangiti rin si Za
Magkahawak kamay silang lumabas ng lobby, tahimik, naglalakad sa gabi. Ang ulan ay huminto na, mga ilaw ng lungsod kumikislap. Sa sandaling iyon, tanging ang kanilang presensya ang mahalaga.Habang naglalakad palabas ng Opulence Hotel, nakangiti si Gavine kahit medyo pagod na sa buong araw. “Love, selfie tayo,” sabi niya, sabay taas ng phone.Cesar, na medyo naiilang sa camera pero alam niyang masaya si Gavine, tumango. “Alright, just one. But only if you promise not to flood my pictures on your social media account." sabi niya, halata ang ngiti sa ilalim ng maskara ng pagiging bossy.“Huwag kang mag-worry, Love. Para lang sa atin, ito.” sagot ni Gavine, sabay hawak sa phone. Lumapit siya kay Cesar, bahagyang nakasandal sa kanya.Cesar ay nakatingin sa kanya, hawak ang kamay ni Gavine sa ilalim ng selfie frame. “Okay, say cheese… or whatever you say,” biro niya, pilit nagpapatawa.“Cheese!” sabay tawa ni Gavine, tinitigan ang kamera. Kinuha niya ang ilang selfies — isa na nakangiti si
Lumipas ang ilang araw, at dumating na si Zandra Araneta sa Luxe Life. Mabilis niyang pinuntahan ang opisina para ipakita na siya ang bagong boss. Kaagad niyang sinalubong si Gavine, at ramdam ang tensyon sa hangin.“Gavine… I hope you understand. You won’t get any special treatment just because of your… relationship with Cesar,” malamig at direktang sabi ni Zandra, sabay tingin na halatang may bahid ng pagsuway.Napangiti si Gavine ng pilit, pero halatang nahirapan. “O-okay po, Ms. Zandra. I’ll do my best,” sagot niya, habang pinipilit kontrolin ang kaba at disappointment.Tahimik lang si Cesar sa tabi, nakamasid sa interaksyon, habang hawak ang kamay ni Gavine nang marahan. Alam niyang mahirap ang unang araw para sa nobya, lalo na’t masungit ang ate niya.Pagkatapos ng maikling pulong, nilapitan niya si Gavine sa tabi ng elevator. “Love… don’t let her get to you. Come with me. I have something to show you,” sabi ni Cesar, mahina ngunit puno ng lambing.Hinawakan niya ang kamay niya







