Share

Chapter 9 The shadow of the past

HABANG nagmamaneho patungo sa tagpuan nila ni Chantal ay maraming isipin ang pumapasok sa utak niya. Una na doon ang itsura ng magiging baby. Paano kung tama si Dr. Leonardo na nubenta porsiyento raw ng nagiging itusura ng isang baby ay mula sa mother or father. Paano kung sa kanya magmana?

Isang pasiya ang nabuo sa isip niya bago pa man siya humarap kay Chantal. Kaya’t gulat na gulat ito sa sunod-sunod na tanong niya.

“Sigurado ka na bang buntis ka?” unang tanong.

“Sigurado ka bang ako ang ama niyan?” pangalawang tanong.

“Alam na ba yan ng Mama mo?” pangatlong tanong.

Mga nakakatulig na tanong sana para kay Chantal ngunit siya ang natulig ng dumapo ang malakas na sampal nito sa kanyang pisngi.

“How dare you!” galit na sagot.” Siyempre ikaw ang ama nito. Dahil kahit ikakasal na kami ni Artis ay minsan lang naming ginawa ang mag-sex and it was almost one year ago.”

“How would I know? Isa pa, magdadalawang buwan pa lang tayo.” Malamig naman niyang sagot.

Tuluyan nang naiyak si Chantal.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status