“ATE ZEA! Ate Zea!”
Napalingon si Zea, kumakabog ang dibdib. Bakit parang paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Riley pero ni anino, hindi niya ito makita? “Ate Zea!” muling tawag ni Riley, mas malinaw ngayon. “Riley? Nasaan ka?” tanong niya, pilit hinahanap ang pinagmumulan ng boses. Walang tugon ang kanyang kapatid. Tanging alingawngaw lamang ng tinig niya ang bumabalik. Ang matataas na talahib ay humaharang sa kanyang paningin, parang gubat na walang hanggan. Sandali lang, paano siya napadpad doon? “Ate Zea, tulungan mo ako!” muli nitong sigaw. “Nasaan ka?” “Nandito lang ako!” sagot ng bata, parang nasa mismong likuran niya. She turned around but didn’t see him, a deep frown appearing on her face. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya. “Iligtas mo ako, Ate Zea,” bulong ni Riley sa mismong tainga niya. Napaatras siya sa gulat at agad niya itong nakita, nakatayo sa harapan niya, nakasuot ng gusgusing damit, magulo ang buhok, at tila ilang araw nang walang kain. “Riley! Anong nangyari sa’yo?” mabilis niyang tanong at humakbang palapit. Pero umatras ang kapatid. “Ate Zea!” tawag ulit nito, ngunit may kakaibang ngiti sa labi. Iniunat niya ang kamay upang abutin ito, ngunit patuloy lang itong lumalayo. Hanggang sa bigla na lang kumaripas ng takbo, ngunit ang mukha ay nakaharap pa rin sa kanya. “Riley, tumigil ka!” sigaw niya. Hindi ito huminto, bagkus ay lalo pang bumilis. “Huwag kang tumakbo! Sandali lang!” Hindi siya pinakinggan nito. Pagkaraan ng ilang metro, biglang tumigil ang bata. Itinaas ang kanang kamay at kumaway sa kanya, nakangiti nang napakaliwanag. “Uuwi na ako, Ate Zea!” “Uuwi?” Walang tugon si Riley patuloy lamang itong kumaway at ngumiti. “Hindi diyan ang bahay natin!” sigaw niya. Lumingon ito, at doon lang niya napansin ang maliit na tarangkahan sa likuran nito. Binuksan iyon ni Riley at pumasok. “Dito na ako titira, ate!” sagot nito. Bahagya niyang iniikot ang leeg upang masilip kung ano ang nasa loob, at napasinghap siya, nanlaki ang mga mata. Isang sementeryo ang bumungad sa kanya. “Riley, lumabas ka riyan! Hindi ‘yan ang tahanan mo!” malakas niyang sigaw. “Paalam, Ate Zea!” “Hindi! Riley, huminto ka riyan!” Muntik na siyang pumasok para hilahin ito palabas ngunit isinara ng kapatid ang gate bago pa man siya makalapit. “Lumabas ka, Riley!” “Ate Zea… mahal kita!” huling sambit nito bago naglakad papunta sa isang puntod. “Riley, huwag!” sigaw niya nang malakas, sabay ang bigla niyang pagbangon mula sa higaan. Napalinga si Zea sa paligid, hinihingal, at ramdam ang malamig na pawis sa noo, parang kakatapos lang niyang makipaglaban sa isang halimaw. “Riley…” walang tigil niyang inuusal sa isip. Mabilis siyang bumangon para lumabas ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jaric. “A-anong ginagawa ko rito?” hingal niyang tanong. “Nakatulog ka sa iyong desk, kaya binuhat kita sa loob ng private room ko,” malamig na sagot nito. She took a look around again and realized she wasn’t in her room. Nasa private room ni Jaric siya. Agad niyang naalala, may maraming documents siyang pini-print kanina, pero nadala ng antok at nakatulog siya. “I’m sorry, sir, hindi na mauulit,” mahina niyang sabi. Pero wala sa kaniya ang isipan niya ngayon. Nasa bangungot pa rin niya ito, at ang kapatid niyang si Riley. Gusto lang niyang masigurong ligtas ito. “Hindi ko alam kung seryoso ka ba para sa trabaho mo… or maybe you don’t wanna save your brother anymore.” At doon siya tuluyang na-trigger. “Huwag na huwag mong babanggitin ang buhay ng kapatid ko bilang panakot, sir!” mariin niyang sigaw sa mukha nito. Kita niya ang gulat sa mga mata ng lalaki, pero wala na siyang pakialam. “Bubuti ang kalagayan ni Riley, naiintindihan mo ba?! He’ll be safe and healthy again! Hindi mo pwedeng sabihin na hindi siya maliligtas nang wala ang pera mo!” Ramdam ni Zea ang paninikip ng dibdib niya habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata, kasabay ng alaala ng sinabi ni Doctor Alvarez at ng bangungot niya. “Stop wishing my brother death, he’s not gonna die! Matibay na bata si Riley. Lalaban siya. Mabubuhay siya. Makikita ko siyang lumaki at magtagumpay!” Hindi niya alam kung si Jaric ba ang kinakausap niya o ang sarili niya. Kinuha niya ang bag niya, pero napagtanto niyang nailalabas niya ang inis at takot niya sa taong wala namang kasalanan. “I’m sorry, sir. I didn’t mean to yell at you, I’m just worried about my brother,” mahinang paghingi niya ng tawad. Nakatingin lamang ito nang malapitan sa kanyang mukha, nakakunot ang noo. “You’re crying?” tanong nito. Napahawak siya sa pisngi, hindi niya namalayang may mga luha na pala roon. “Kailangan ko nang umalis. Hindi muna ako sasabay sa iyo. Pasensya na talaga,” mabilis niyang wika bago tuluyang lumabas ng kwarto. Paglabas ng building, agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang ama. Sumagot ito matapos ang ilang ring. “Pa!” tawag niya, pero agad niyang nilunok ang buo niyang emosyon at inayos ang boses. Ayaw niyang mag-alala ito. “Zea, maggagabi na. Anong ginagawa mo pa?” tanong ng ama. Napangiti siya kahit na mabigat ang dibdib. “Maaga pa naman, gusto ko lang kamustahin kayo.” “Binisita mo lang kami kahapon.” “Alam ko, gusto ko lang kamustahin si Riley.” Tahimik ito sandali. “May hindi ka ba sinasabi sa akin?” “Wala po, gusto ko lang siguraduhin na hindi niya ako masyadong nami-miss,” biro niya. Narinig niya ang mahinang tawa ng ama. “Ikaw ang namimiss si Riley. Pero sige, nandito siya, ayaw lang matulog.” “Gabi na, 'Pa. Dapat nagpapahinga na siya.” “Mas mabuting maraming pahinga para sa malusog na katawan,” sagot nito. “Tama ka.” “Gusto mo bang makausap siya?” “Yes, please.” Narinig niya ang ilang kaluskos at maya-maya pa, malakas na boses ni Riley ang bumungad sa speaker kaya napalayo siya ng kaunti sa cellphone. “Ate Zea! Ate Zea! Naka-imbento ako ng eroplano!” “Riley, hinaan mo nga ang boses mo,” sabi niya, pero tumawa lang ito at lalo pang lumakas. Narinig niya ang ama na sinasabihan itong huwag tumalon sa kama. “Kamusta ang pakiramdam mo ngayon, Riley?” “Masaya!” “Bakit?” “Dumating si Doctor Alvarez kanina, sabi niya ako raw ang pinakamalakas na bata. Kaya dapat daw masaya ako, kaya masaya ako!” Napangiti si Zea. Sana palagi na lang itong ganito. “Ate, sabi niya magaling na ako!” Kung alam lang nito na tinatahak pa lang nila ang daan tungo roon. “Oo, m-magaling ka na.” May narinig siyang malakas na tunog kaya napapitlag siya. “Riley? Riley! Ayos ka lang?!” halos sigaw niya, pero walang tugon. “Riley, magsalita ka! Hello?” “Wow!” narinig niyang sigaw nito, punong-puno ng tuwa. “Ate! Dinalhan ako ni Papa ng paborito kong pagkain!” “Anong tunog ‘yun?!” tanong niya, nag-aalala pa rin. “Ah… tumalon lang ako mula sa kama!” Napapikit siya at huminga nang malalim sa ginhawa. “Huwag mo nang uulitin ‘yan, Riley. Natakot ako.” “Huwag ka nang matakot, sabi ni Doctor Alvarez magaling na ako!” Napailing si Zea. “Oo, pero hindi ibig sabihin niyon na pwede ka nang maging pasaway.” “Hmm…” “Good. Sige—” “Ate, lumalamig na pagkain ko!” putol nito. “Sige, kumain ka na.” Narinig niya ang tinig ng ama. “Zea, nandiyan ka pa?” “Oo, pero aalis na ako. Marami pa akong gagawin.” “Matulog ka nang maaga,” paalala nito. “Yes, 'Pa. Sige, bye!” Pagkababa ng tawag, huminga nang malalim si Zea. Ngayon niya talaga naiintindihan ang ibig sabihin ni Doctor Alvarez, kaunti na lang ang oras nila. Bukas ng umaga, kailangan niyang humingi ng tawad kay Jaric. Baka biglang magbago ang isip nito at bawiin ang kundisyon. Ito na lamang ang inaasahan niyang makakatulong sa kanya.AGAD NA nag-abot ng bayad si Zea sa taxi driver, hindi na iniintindi ang sukli, at halos tumakbo papasok ng ospital. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso—parang gusto nang kumawala sa dibdib niya.Mabilis ang mga hakbang niya patungo sa office ni Dr. Alvarez, habang mahigpit siyang nagdarasal na sana, sana lang, wala siyang marinig na masamang balita. Riley had to be safe. Nothing could happen to him. Not now, not ever.Ngunit paglapit niya sa office, bigla siyang napatigil sa kakaibang eksenang bumungad sa kanya.“Don’t do it again! Speaking ill of others is bad!”Naninindig ang boses ni Dr. Alvarez, habang nakaharap sa isang matabang batang lalaki na mukhang kasing-edad lang ni Riley. Nanginginig ang bata sa tindi ng titig ng doktor, halatang natataranta.Napadako ang tingin ni Selestina sa loob at agad niyang nakita si Tiya Melinda, ang kapatid ng kanyang ama, na abalang binabalutan ng puting gasa ang mga kuko ni Riley.“Tiya!” sigaw niya, sabay takbo papalapit dito.Nag-angat ng ulo
PAGPASOK NI Zea sa apartment, sinalubong siya ng kadiliman. Marahil ay natulog na si Diana.Ayaw niyang gambalain ito, kaya dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang flashlight. Diretso siyang naglakad patungo sa kwarto niya.Ngunit natigilan siya nang biglang sumindi ang mga ilaw. Agad niyang pinatay ang flashlight at dahan-dahang lumingon.Naroon sina Rowin at Diana, nakaupo sa sofa, with their arms crossed on their chests. They have the detective look on.Pareho silang nakatitig kay Zea nang seryoso, para bang may mabigat siyang kasalanang nagawa.“Akala ko natulog ka na, Diana,” maingat na sambit ni Zea.Umiling lang si Diana at lalo pang tumalim ang titig.“Uh… bakit kayo nakaupo rito sa dilim?” tanong ni Zea.“Naghihintay sa iyo,” sagot ni Rowin.Napakunot ang noo ni Zea, bahagyang nalilito.“Saan ka galing?” tanong ni Diana.“Sa trabaho.”“Trabaho?!” halos sigaw nito. Tumango si Zea bilang tugon.Nagpalitan ng tingin sina Rowin at Diana bago muling ibinalik ang ma
“ATE ZEA! Ate Zea!”Napalingon si Zea, kumakabog ang dibdib. Bakit parang paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Riley pero ni anino, hindi niya ito makita?“Ate Zea!” muling tawag ni Riley, mas malinaw ngayon.“Riley? Nasaan ka?” tanong niya, pilit hinahanap ang pinagmumulan ng boses.Walang tugon ang kanyang kapatid. Tanging alingawngaw lamang ng tinig niya ang bumabalik. Ang matataas na talahib ay humaharang sa kanyang paningin, parang gubat na walang hanggan. Sandali lang, paano siya napadpad doon?“Ate Zea, tulungan mo ako!” muli nitong sigaw.“Nasaan ka?”“Nandito lang ako!” sagot ng bata, parang nasa mismong likuran niya.She turned around but didn’t see him, a deep frown appearing on her face. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.“Iligtas mo ako, Ate Zea,” bulong ni Riley sa mismong tainga niya.Napaatras siya sa gulat at agad niya itong nakita, nakatayo sa harapan niya, nakasuot ng gusgusing damit, magulo ang buhok, at tila ilang araw nang walang kain.“Riley! Anon
MABILIS ANG tibok ng puso ni Zea habang nakatitig siya kay Jaric, para bang bawat segundo ay mas lalong sumisikip ang dibdib niya. She was frighteningly anticipating his conditions. Sana lang, hindi ito higit pa sa kaya niyang gawin. At higit sa lahat, hindi siya papayag na gumawa ng kahit anong ilegal para kay Jaric. "Number one condition is…" tumigil si Jaric saglit, parang sinasadya nitong patagalin para mas lalo siyang kabahan. Unti-unti itong tumalikod sa mesa, at humarap kay Zea, nakahalukipkip ang mga braso at malamig ang tingin. Nilunok niya ang laway at bahagyang yumuko, pero nanatiling nakatutok ang pandinig niya rito. “I want to continue having you on my bed." Parang natigilan ang mundo ni Zea. "What?!" halos mapasigaw siya, nanlaki ang mga mata. Gusto ni Jaric na manatili siya sa kama nito? Ibig bang sabihin… he’ll be having sex with her? Magiging parang… Gagawin mo akong sex worker?! Muntik nang lumabas sa bibig niya, pero bago pa niya masabi, biglang tumalim ang
HAWAK-HAWAK PA lang ni Zea ang sobre, ramdam na niya ang bigat nito sa kanyang palad. Hindi dahil sa bigat ng papel, kun'di sa bigat ng desisyong nilalaman nito. Buong gabi niyang pinag-isipan ang bawat salitang nakasulat doon. Nag-aalangan pa siya kagabi, pero ngayong araw, sigurado na siya.Huminga siya nang malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ng kanyang boss. Sa likod ng glass door, natanaw niya si Jaric, nakaupo sa executive chair, nakasandal habang abala sa pagbabasa ng mga dokumento. Kagaya ng dati, ang presensiya nito ay laging seryoso at may awtoridad."Come in," malamig na utos nito nang marinig ang katok.Pumasok si Zea at marahang inilapag ang sobre sa mesa ng Boss. Hindi niya tiningnan nang diretso ang lalaki. "This is my resignation letter, effective two days from now," mahina ngunit mariin niyang sabi.Sandaling tumahimik ang opisina, ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang ingay ng wall clock. Nang sa wakas ay iangat niya ang paningin, nakatitig na si Jaric s
MABIGAT ANG talukap ng mga mata ni Zea nang unti-unti siyang magmulat. Parang may usok sa isip niya, at ang bawat galaw ay tila nagdudulot ng panginginig sa buo niyang katawan. Mainit, at malambot sa pakiramdam. Amoy na amoy niya ang mamahaling halimuyak ng linen na hindi niya kilala.Pag-ikot ng paningin niya, napagtanto niyang hindi ito ang kwarto niya. The walls were a deep, elegant shade of grey, with gold trimmings na para bang kinuha mula sa pahina ng isang luxury magazine. Isang malaking window ang natatakpan ng heavy blackout curtains, at sa gilid ay nakasindi ang dim light ng isang bedside lamp.Then her heart froze.She was naked!Hindi basta-basta hubad, walang saplot na kahit anong pwedeng kumubli sa balat niya. Agad niyang kinuyom ang kumot, niyakap ito nang mahigpit, para bang iyon lang ang tanging depensa laban sa malamig na katotohanang gumuguhit sa utak niya.And that’s when the memories started to crawl back, mabagal, pero unti-unting lumilinaw. The welcoming party.