Lexien PoV"Ayusin niyo nang dalawa lahat ng mga papeles para sa mga investor natin, Para wala na kayong gagawin pag balik niyo dito galing sa inyo Lexien, dahil kasal niyong dalawa naman ang aasikasuhin natin"Nanatili lang akong nakayukong nakikinig sa kaniya habang busy din sa pag babasa ng mga papeles ganon din si Sir Marco."Lexien okay na din ba mga documents mo? Na asikaso mo ba?" wika ni Ma'am Esme Documents para sa kasal tinutukoy niya. Buti na lang din agad ko din talagang inasikaso kasi naisip kona na agaran na naman kung mag disesyon pa naman si Ma'am. At ito na nga ngayon'"Opo ma'am ito po" agad kong kinuha ang aking folder at inaabot ko sa kaniya May inabot din ito sa akin na iilang piraso na papel"Pirmahan mo iyan" "Sa ngayon' sa huwes na muna kayong dalawa ikakasal, iyon din ang pag uusapan namin ng tatay mo" Di parang secret marriage. Pero mas okay nga iyon, dahil kami kami lang ang nakakaalam. sa isip ko"Kapag nag deal na ang mga Fuentebella' magpakasal ulit k
Third personMalapit na siya sa kwarto ng Donya ngunit Napa hinto siya sa pag lalakad nang masilayanan niyang palabas ng kwarto si Marco at padabog pa nitong sinara ang pinto.Matalim na tingin lang ang pinukol nito sa kaniya ng makita siya nito. At dire diretsong umalis.Tatawagin niya pa sana kaso naisipan wag na lang umimik dahil baka sa kaniya pa ibuntong nito ang galit nito."Hmm' bakit kaya' nag away naman siguro silang dalawa ni tita"Nagpatuloy na siya sa paglakad niya at ng akmang kakatok na sana siya nang may marinig siyang boses babae at na bosesan naman kaagad iyon. Walang iba kundi ang boses ng kanyang tita at ni Lexien."Alam kong mahal mo si Marco kaya sana naman mapalitan mo ang nasa puso niya ngayon na wala naman ginawa kundi iwan siya"Parang may kumurot naman sa puso niya ng marinig niya ang sinabi ng Ginang.Napa buntong hininga na lang siya "Talagang hindi halata na gustung gusto ni Tita na si Lexien ang mapa ngasawa ni Marco" Wika naman nito.Nang akmang hahawa
THIRD PERSON:"Marco paki buhat din tong box" Utos ng Ginang sa kanya. Tiningnan niya naman tinutukoy ng Ginang, yong box pala na para sa tatay ni Lexien."Kaya niya na po iyan!" at nagpatuloy na ito sa paglalakad pa tungo sa pintuan. "Ayt! opo ma'am wag na po kaya ko na po ito" agad naman na sabi ng dalaga sabay buhat din nung dalawang box "Hindi naman po mabigat" sabi pa nito"Marco!" tawag ulit ng Ginang na may halong pagbabanta ang boses. Walang nagawa ang binata at napatiim bagang na lang ito at pinandilatan pa ito ng mata nang lumingon ulit ang binata kay Lexien.TtSKK!" walang nagawa ang binata kundi sumunod na lang din ito. At padabog na lumapit sa kanya."Sumunod ka na agad Nerd!!" singhal namn nitong sabi sa dalaga pag kakuha nung box sa kaniya. At nagpatiuna ng lumabas."O-opo Sir" "Lexien?' mag update ka lagi ha" sabi nito at binuka pa ng ginang ang kabilaang braso niya iyon pala ay yayakapin siya ng Ginang na ikinagulat niya naman."O-po" naiilang na sagot niya naman
Marco PoV:"Tsskk!! ang sarap talagang takotin tong' Nerd na'to""Hmm' tamis din ng labi ng Nerd na'to ah" sa isip ko habang pinunasan ko ng daliri ko ang labi ko.Napa tingin pa ako dito parang naging statwa naman dahil walang ka imik imik na naka upo at naka patong pa ang mga kamay sa tuhod niya, Kapansin pansin din ang pamumula ng pisnge nito.Nakakapikon lang dahil kaya pala ang tagal kasi nakikipag landian lang pala sa mokong na Leo na iyon!! "Ayan tuloy di ako maka pag timpi buti nga ganyan lang ginawa ko sa kanya tsss!!"Binabaybay na namin ulit ang daan mga ilang saglit pa."Sir Marco wait lang po hinto po muna tayo saglit ang itay po ata iyon" sabi nito habang naka tingin sa di kalayuang kubo na nasa gitna ng pilapil. Hininto ko naman ang sasakyan at nag madali itong lumabas nilingat ko naman ang kabuuan ng lugar ngunit wala pang ka bahay bahay, tanging iilang kubo lang nandon at nasa gitna pa ng pilapil."Itay!" Masaya namang tawag niya at kumaway kuway pa ito pag lingon
Lexien PoV"Pagka park ng pagka park ni Sir Marco, mabilisang kilos naman ang ginawa ko para maghakot ng gamit at pagkalapag ko ng mga gamit na dala ko agad naman akong pumasok sa kwarto ko upang mag palit ng damit. "Hay's na kalimutan kong sando lang pala ang pinang doble ko"Pag ka palit ko, agad kong naman kinuha ang cellphone sa bag para mag update kay Ma'am Esme na nasa bahay na kami. Tinatawagan ko ngunit di sumasagot. "Hmm baka natutulog ata" kaya naman nag send message na lang ako sa kinya.Pag ka lapag ko ng cellphone ko sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama, saka ko lang napansin ang kabuuan ng buong kwato ko, ibang iba na ito sa dati. Dati kasi naka hollow blocks lang na magaspang ang pader itong kwarto ko, ngayon makinis at malinis ang pakaka pintura na kulay apple green na paborito kong kulay.May kung anong sigla naman akong naramdam dahil dito. "Tinupad din talaga ng itay na pagagandahin niya ang kwarto ko" pati din ata buong bahay diko kasi na pansin kanina kas
Lexien PoV;Nandito kami ngayon sa likod bahay nag uusap ni Itay, namiss ko din tong tambayan na ito. Bukod din sa mahangin tanging huni ng palaka at kuliglig ang maririnig mo.Dito din kami lagi noon tumatambay ni Princess tuwing gabi habang nag ki kwentuhan kami ng kakatakutan. Ilang taon pa lang noon si Princess paborito kong ginagawa sa kaniya tinataguan ko pa siya pag katapos namin mag kwentuhan ng nakakatakot, iyakin din naman ang isa. "Eh' kong ganon naman pala balak ng Amo mo bakit hindi na lang niya pinakasal sa iba ang anak niya" seryosong sabi ng itay, Pinaliwanag ko na kasi lahat lahat sa kaniya at inamin ko na din talaga ang totoo. Ayoko kasing ilihim pa sa kaniya."Hhhm' mas lalo pong mahihirapan si Ma'am kapag sa iba pa po at sa akin niya lang po talaga pinag katiwala tong naging disesyon niya" wika ko"Ikaw naman ang mahihirapan niyan anak, baka mamaya niyan saktan ka lang ng anak niya aba hindi ako makakapayag kung gayoon" "Itay hindi naman po ata mangyayari iyon m
Marco PoV;Ano naman kong masasaktan siya sa sinasabi ko' kulang pa nga iyon sa kaniya eh!'Pero buti na lang din, di kami na huli sa ganon eksena namin kanina.Mukhang nag e enjoy naman kasing tong isa na'to sa tuwing ganon ang ginagawa ko sa kaniya tssk!. Pahinhin pa kunyare!Mag antay ka lang makakamit mo na kung ano man ang inaasam mo mas sasagarin ko pa sa gusto mo. May kung ano na naman ang pumasok sa isipan ko."Mapa saan ka man Hijo?" tunong probinsyano naman ang narinig koPag lingat ko ang kaniyang Itay pala. Hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan niya. "Uhm' mag papahangin lang po sana" sagot ko naman "Ah' ganon ba? sige pasok na ako sa loob aayusin ko pa kasi ang magiging kwarto mo" paalam naman nito"Sige po"Mukhang mabait din naman ito, Oo nga pala ano kayang pinag usapan nila kanina?Nakita ko din kasi silang dalawa mag ama nag uusap, sumunod kasi ako sa kaniya pag ka tapos kong mag hugas ng plato.Tumingala naman ako sa langit sarap pag masdan ng mga bituin.,
LEXIEN PoV;Diko alam kung paanong pag uusap ang ginawa ng itay at ni Ma'am Esme at na papayag niya itong sumama sa amin pag balik ng maynila. Medyo nangalangan kasi ako nakaraan pag uusap namin na baka hindi siya sumama. Aantayin lang daw na matapos ang pag aani ng palay aabutin na lang daw ng dalawang araw kaya sobrang excited naman si Ma'am na sinabi niya iyon sa akin. 'Siya excited pero ako kabado bente'Pero bilib din ako sa itay ko kahit alam niya na hindi kami tunay na nag mamahalan, maayos parin ang pakikitungo niya kay Sir Marco. Lagi niya naman itong binabati minsan sabay pa silang kumakain. Ako kasi naiilang sumabay sa kanilang dalawa para kasing umiinit ang paligid ko na nanggagaling sa kanilang dalawa. Pareho kasing di na nag iimikan kapag nasa lamesa na silang dalawa. Baka mamaya bigla kaming e hot seat ng itay., Kaya minsan aantayin ko pa si Princess dahilan ko o kaya busog pa.Kay Sir Marco naman na papansin ko din sa kaniya tong mga nakaraan araw, minsan na aabutan k