Share

CHAPTER SIX

Marco POv;

"Talaga bang di ka titigil sa kahibangan mo MARCO?!" galit na bungad sa akin ni mommy, Nalaman na kasi niya na binigo na naman ulit ako ni Natalie diba ang bilis talaga kumalat ng balita dahil sa pisteng assistant niya pinagkalat lang naman nito yong issue namin dalawa,. Kaya biglang sugod si mommy dito sa condo ko at ito na naman ang paninirmon ng aking inang mahal na mahal ako.. Pero hangang ngayon di niya parin sinasabi sa akin yong tungkol sa malubha niyang sakit kahit anong pangungulit ko sa kanya..

    "ito na naman po tayo sermon na naman ang maririnig ko tsskk" di nalang ako naimik sa halip inikot ikot ko na lang ang baso na hawak kong may lamang alak at saka ininom ito.

Dahil ayokong makipagsagutan sa kaniya' iniisp ko din kasi na tama siya, kaya hinayaan ko na lang sermonan ako ng sermonan di na lang ako umiimik'

"Ano Marco ganyan ka na lang ba talaga palagi?!! Ang magmukmok at magpakalasing sa halip na tulungan ako sa kompanya" hindi parin ako umiimik patuloy parin ako sa pagiinom ko, kaya gigil na lumapit siya sa akin at inagaw ang baso pinagiinoman ko tinapon ito kung saan

"Ano ba Marco?!! Hindi ka ba talaga titigil sa kakainom mo!!"

   "Ma'am huminahon po kayo,.. baka po kasi paano kayo"  nung lumingon ako para tingnan kong sino iyon yong nerd na secretary pala ni mommy may biglang sumagi sa isipan ko at sa inis ko parang napunta sa kanya

  "tsskk!! kasama niya pala ang nerd na ito" I stood up and approached her closely

"Hi' Nerd!.. we met again.." kahit hawak hawak niya si mommy lalo parin akong lumapit sa kanya iyon din ang pagatras niya

"Marco umayos ka nga!!" pigil niya sa akin at pinalipat si Nerd sa likuran niya

"Tsskk' Mom.,, I just want to say hi to her"

"Marco ayusin mo na ang buhay mo hindi yong iikot mo lang ang buhay mo kay Nathalie na walang ginawa kundi iwan ka"

"Para ano?' ipapakasal niyo ako dito sa nerd na'to?!!" dinuro ko si Nerd na ikinagulat naman nito

"Ano ba Marco??!!.. Stop calling her nerd!!" Iniwaksi niya ang kamay ko na nakaduro kay nerd

Imbes na makipag sagutan pa ako sa kaniya kay Nerd ko na lang ibubuhos ang inis ko kaya lalo akong lumapit sa dito na lalo naman pinapaatras sa likuran ni mommy lalo akong nainis dito sa ginawa ni mommy

"Tssk...hoy nerd!! ano ba kasi pinakain mo sa mommy ko at nag kaka-"

Diko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla dumapo na sa pisnge ko ang palad ni mommy

   "M-Mom?!" nagulat ako sa ginawa niya,..paglingon ko sa kanya nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin sa galit nang dahil lang sa nerd na'to

"Sumusobra kana talaga Marco!!! diko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sayo!!"

   Napangisi na lang ako "Tssk!!" imbes na sumagot pa ako nagpasya na lang akong umalis baka kasi ano pang masasakit na salita ang masabi namin sa isa't isa sasama lang lalo ang loob sa akin ni mommy

"Marco saan ka pupunta?! hindi pa tayo tapos mag usap!!

But I continued to walk

"Marco!!

"Ma'am!! ma'am!

"Sir Marco... si Ma'am...

Nung paglingon ko sa kanila nakita ko na lang nakahiga na si mommy sa hita ni nerd walang malay at pilit ginigising ni nerd

"She's suffer from heart attact mas matindi ito kumpara last year kaya mag ingat from now on baka ano na mangyari sa mommy mo hayaan mo muna siyang magpahinga" sabi ng doctor

  "F**k its all my fault hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari masama sa kaniya" sising sisi ko ang sarili ko sa nangyari. hawak hawak ko ang kanan kamay niya habang tinitigan ko siyang natutulog parang kinukurot ang puso ko at namalayan ko na may dumadaloy na mga luha sa aking pisnge

"Mom' im sorry" paulit ulit kong binibigkas iyon hinalikan ang palad nito

Napapunas agad ako ng mga luha ko nang marinig kong may nagbukas ng pinto..

"Dude kamusta na si tita?" tanong ni Aaron na kakapasok lang kasama si din Leo

Bumuntong hininga muna ako "Medyo okay na siya kylangan lang niya muna magpahinga"

"Thanks God naman' wag ka na kasing pasaway sa mommy mo Marco-

  Diko na pinatapos pa ang sasabihin ni Leo dahil tiningnan ko na ito ng masama  napatiim bagang na lang ito "sarap talaga kutusan kumag na'to"

Tinapik na lang ako ni Aaron sa balikat "Kumain kana ba Marco?"

"Hindi pa" Oo nga pala anong oras na palibhasa alak yong inalmusal ko kanina

"Tara kain muna tayo gutom na din kami eh.. galing pa kami ng davao ni Leo dumiresto na kami dito nung nalaman namin na sinugod si tita dito sa ospital"

"Sige hayaan muna natin si Tita na makapag pahinga na andyan naman ang nurse nag babantay sa kanya eh" sabi naman ni Leo

Bahagyang tango na lang tugon ko, pagkabukas ni Leo ng pinto bumungad sa amin si Nerd na nakaupo sa sahig sa tapat ng room ni mommy at makikita mo pa sa kaniya ang pagaalala at mukhang pagod na din, napakunot noo ako Paano kaya nakasunod to?' diko kasi napansin kung nakasakay din ba siya ambulansyang naghatid kay mommy dito.

Biglang tayo na din nito at sumalubong sa amin

"S-sir Marco kamusta na po si Ma'am?" hindi ako sumagot sa halip tinitigan ko lang siya

"And you are?" nagtatakang tanong ni Leo

"She is my mom's secretary"

"Oh' really" wika ni Leo

"You don't have to worry pa, she's okay now naman na..she need more rest lang" palanding wika naman ni Leo na ikagulat namin ni Aaron

  Tssk baliw talaga tong kumag na to'

"By the way, kakain pala kami sabay kana sa amin halata kasing di kapa kumakain eh" Aya naman ni Aaron dito

"Hindi na po sir uuwi na din naman po ako aantayin ko lang po magising si ma'am"

   pabebe pa ang nerd na'to tsskk' sa isip ko, nanatili lang akong walang imik

"Sabi ng Doctor hayaan muna natin makapagpahinga ang patient kaya habang natutulog pa si tita kain muna tayo" sabay hatak pa ng kumag na ito sa braso ni Nerd

"What happened to you' why do you have a bruise on your arm?" takang tanong ni Leo napatingin din ako sa braso niya na dagli naman nito tinakpan na hawak hawak niyang folder.

"Ah ei..wala po ito, baka po nung kanina nabangga po kasi ako sa pinto sa pagmamadali din po"

    May kung anong kumurot sa puso ko konsensya?  pero diko na lang pinansin iyon.

"Ano di na tayo kakain? mag uusap na lang ba kayo diyan? sarkastiko kong sabi sa mga ito

"Let's go" aya ni Leo kay Nerd at biglang hinawahan ulit ito ang kamay na gulat naman namin ni Aaron sa inasta nang isa na to'

"P-pero sir..." wala nang nagawa si nerd kundi sumama na lang din dahil di na siya binitawan ni Leo

Habang kumakain panay daldal parin ni Leo kinukulit si Nerd about sa pagtatrabaho nito kay mommy don ko nalaman na matagal na pala itong nagtatrabaho sa company namin as a secretary kaya pala sobrang close nilang dalawa at sobra kung mag alala tong Nerd na to' sa mommy ko kanina. May beses na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin agad agad naman umiiwas, ngayon naman pangiti ngiting kausap si Leo at si Aaron naman busy sa pag ce-cellphone.

   "Tssk parang wala lang yong panakot ko sa kanya nakaraan nakuha niya pang ngumiti sa harapan ko"  sa isip ko

Mga ilang oras lumipas nagpasya na kaming bumalik sa ospital, kasama parin namin si Nerd aantayin niya daw magising si mommy bago siya umuwi hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

"Nabusog kana don sa kinain mo ang unti naman non'?

"Opo sir Leo..,s-salamat nga po ulit"

"Tssk kaya ang payat payat mo ehh kasi ang unti mo siguro kumain!"

"H-hindi naman po" nakayuko na wika nito

"Patingin na din natin yang pasa mo sa doctor kung anong pweding mabisang gamot para mabilis matangal iyan" sabi ni Aaron na nakatingin sa braso niya

Pati ako napatingin na din sa braso niya'

"Naku wag na po sir okay naman na po tsaka hindi naman po masakit" tanggi nito

"Sure?"

Nahihiyang tumango na lang ito

"Sir tamang tama po ang dating niyo gising na po ang pasyente" wika samin ng Nurse na nagbabantay sa mommy ko'

   Thanks God"  nabigkas namin lahat'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status