Share

CHAPTER FIVE

Carla POV;

ANONG oras na di parin nabangon si Lexien kaya tumungo ako sa silid niya para gisingin ito at ito nga nakahilata pa ang sarap ng tulog

   "Aba parang walang pasok ah ilang araw na siyang ganyan dati naman laging maaga ang gising niya, siguro nakikipag date pa ata ito di lang nagki kwento sa akin"  iiling iling akong lumapit sa higaan niya

"Hoy payat gising na" gising ko dito

Aba sarap ng tulog niyugyog ko na ang balikat niya para magising na nga

"Lexien gising na!"

"UhhMm 5 minutes pa po" sabi nito sabay takip pa ng unan sa mukha

"Hoy ikaw ba'y walang pasok anong oras na po oh?" tinangal ko ang unan na nakatakip sa mukha niya

"Anong oras na?!" tanong nito biglang napabalikwas

"9:50 am na po"

"Naku patay late na naman ako!" wika nito at biglang tayo

"Sira ka talaga paano yan? magmamadali ka naman di moko sinabihan para maaga kitang ginising di dapat-"

"Joke lang day off ko po ngayon" natatawang wika nito at bumalik sa pagkakahiga

Hinampas ko yong hawak kong unan sa kanya

"Baliw ka talaga"

"AHhh!!! sorry po! diko talaga sinabi para surprise ko sayo hehhe" naka krus pa ang mga braso niya pang ilag nung akmang hahampasin ko pa sana ulit ng unan

"Pasaway ka talaga eh no, tumayo kana diyan para makapag almusal kana kung ayaw mong hampasin ulit kita ng unan na'to"

"Ito na po tatayo na" sagot nito at tumayo na din, napakunot noo ako nung napansin ko ang mga pasa sa hita niya' at nakita niya din na doon ako nakatingin sa mga pasa niya

"Lexien, nakapag pa check up kana ba?"

"Opo"

"Hmm' ano result?"

"Anemia daw eh"

"Anemia??' dahil ba diyan kaya ka may mga pasa??"

"Opo"

Sobrang nag alala na talaga ako dito sa bestfriend ko dahil kung ano ano na lang ang napapasin ko sa kaniya kakaibang sintomas tong mga nakaraan sa sakit niya kaya parang hindi ako naniniwala na Anemia nga ang sakit niya. Gusto ko pa sana siyang tanuningin ngunit lumapit ito sa akin at bigla niya akong inakbayan.

"Gala tayo bestie saan mo gusto pumunta hmm?"

"Mag pahinga kana muna kaya at ako'y nag alala sa kalagayan mo ehh"

"Wag ka ng mag alala pa sa akin okay na okay na po ako ohh''

"Eh' kasi naman kakaiba yong mga nararamdaman mo ehh"

"Hmm' ano ka ba masyado kang OA ha ganyan ba talaga kapag buntis hahah"

"Baliw!!"

"Ano ayaw mo bang gumala??, Sige bahala ka itetreat pa naman sana kita"

"Ito na nga po, sabi ko nga maliligo na ako" lumabas na ako ng silid niya para makapag prepare na din

   "Hays' paano ko kaya sasabihin sa kanya na sa next week na ang alis namin ni Eros papuntang America, Gusto kasi ng pamilya ni Eros doon muna kami, ngayon pa lang sobrang nalulungkot na ako at mamimiss ko talaga siya ng sobra.

Lexien Pov:

NAG paalam ako kay Ma'am Esmeralda na mag de-day off muna para makapaggala naman kami ni Carla at makapag pa check up na din sana. Nagsinungaling ako sa kaniya ang alam niya Anemia ang sakit ko pero hindi pa talaga ako nagpapa check up hakahaka ko lang iyon para di na siya sobrang magalala pa sa akin.

KANINA ko pa napapansin si Carla mukhang napakalalim ng iniisip hangang sa pag uwi namin ganun siya

    "Mukhang may gusto ata itong sasabihin sa akin di masabi sabi"

"Bakit bestie okay ka lang ba? kanina ka pa parang ang lalim ng iniisip diyan ah?"

"hmm ano kasi bestie..."

"Alam kong kanina kapa may gustong sabihin sa akin ehh... Ano iyon?"

"Ano kasi.. isasama na ako ni Eros papuntang America next week, lagi kasing nag alala parents niya sa pagbubuntis ko gusto nila nandon ako para nababantayan nila ako doon"

nakayukong wika nito

   Sandali akong natulala sa kanya parang piniga agad ang puso ko.... narinig ko na lang ang pag singhut singhot niya umiiyak na pala nung tumingin na sa akin, umiwas ako ng tingin sa kanya " Self ..,,ayoko... ayokong umiyak  sa harapan niya pigilan mo ang sarili mo ...

"Mamimiss kita panget ka" sabi ko at niyakap ko na siya

Niyakap niya na din ako ng mahigpit at lalong humagulhol

"Uyy tahan na' ano ka ba may Video Call naman po "Hello Messenger" ganun" dadaanin ko na lang sa biro, pero lalong humagulhol ang juntis

"Tahan na makakasama pa sa inyong dalawa ni baby yang pag iyak iyak mo eh"

"Ehh kasi naman e--" nahikbi hikbi pa

Saglit akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya para kumuha ng tubig,

"oh ito tubig uminom ka nga muna" kahit ako gusto ko na din bumigay pero pinipigilan ko talaga dahil lalo lang kaming mag iiyakan dalawa

"Mag iingat kayo palagi ni Eros doon ha sabihin mo sa kanya pinasabi ko kamo, na huwag kang papabayaan at yong baby ha alagaan nyong mabuti, dapat kasing ganda ko iyan huwag lang kasing payatot ko ha" biro ko ulit para kahit papaano mawala wala ang ka dramahan namin dalawa. At natawa nga siya sa sinabi ko pero nahikbi parin

"Sira ka talaga nagalala lang kasi ako sayo paano kapag nalulungkot ka wala ka nang Carla na yayakapin wala na ako sa tabi mo" sisinghot singhot pa na sabi niya

Wala na' talagang dumaloy na ng tuluyan ang mga luha ko sobrang sikip na din ng dibdib ko, oo nga...,paano na nga talaga.., pareho kasing nasa probinsya ang mga pamilya namin kaya simula pa lang kami nang dalawa magkaramay sa hirap at kabaliwan namin dalawa, sobrang swerte ko talaga na may kaibigan akong katulad niya inaalala ako palagi na kahit anong mangyari ako parin ang inaalala niya.

"Ano ka ba wag mo akong alalahin kaya ko naman po ang sarili ko mas okay nga bestie na nandoon ka para may mag aalaga sa inyong dalawa ni baby.. pasaway ka din eh.. mahal na mahal mo talaga ako kaysa kay Eros sumbong kita doon

hahah"

"Baliw!!" at binatukan pa nga ako

" Aray naman!! .." reklamo ko

"Basta magsabi ka lang sa akin kapag di ka okay doon ha susunduin talaga kita gagawin kong malapit iyang america na iyan dito sa maynila" pabiro kong sabi ulit sa kanya

"Opo" natatawa na din na sabi niya

"Tahan na okay" hinimas himas ko likod niya dahil hihikbi hikbi pa ito' "Shhh' tahan na po"

"Pangako mo sa akin na huwag mong papabayaan sarili mo dito ha lagi kang magkakain para pag uwi ko mataba kana"

"Pangako po, cross my heart, basta ipangako mo din sa akin na alagaan mo din sarili mo ingat ka palagi doon lalo na't hindi lang ikaw nag iisa kundi dalawa kayo ng baby mo kaylangan healthy kayo pareho hHmm!"

Bahagyang tango na lang ang tinugon nito at lalo ko na lang hinigpit ang pagkakayakap ko sa kanya..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status