Lexien PoV:Mabilis na mga araw ang lumipas ang bilis din ng pag bagsak ng katawan ko. Putlang putla, maraming buhok na nalalagas lagi na din akong sinusumpong ng pagsasakit ng ulo ko at pagsusuka ng dugo.Nanatili lang ako dito sa bahay treatment iwan ko kung ano pang treatment o paggagamot ang ginagawa sa akin ni Doc. Harold pinupuntahan na lamang nila ako dito sa bahay.Pumayag din ang itay na mag sama na kami ni Marco. Pati din ang itay nanatili din sa tabi ko. Dahil nga sa kalagayan ko, si Princess naman, siya na ang pumalit sa akin sa pamamahala sa ibang company ni Don Mariano.Si Leo naman walang sawa parin na dumadalaw sa akin, nag seselos naman yung isa, tanggap na din ni Marco ang pagkakaibigan namin dalawa ni Leo ngunit di niya parin talaga kayang maiwasan ang magselos. Ang sweet parin kasi ni Leo.Si Carla naman dahil dito na din sila nanirahan ni Eros, sa kaniya ko na pinamahala ang Bake Shop ko, siya at si Maxien."Babe sige na gupitin mo na ang buhok ko." naka ngiting u
Lexien PoV:Nagising na naman ako sa ingay ng kapatid ko. Dahan dahan akong bumangon, naka yakap pa ang mahal kong asawa sa akin, may kung anong ngiti naman kumawala sa labi ko pinag masdan ko pa ito at marahan kung hinaplos ang pisnge niya, napansin ko din ang eyebag nito.Halata din dito na walang maayos na tulog. Nararamdaman ko naman nangingilid na naman ang mga luha ko, nang biglang maalala ko naman ang mga araw na masasayang magkasama kaming dalawa, ngunit ngayon ay para bang nawawala na ang dating saya sa kanyang mga mata napalitan na ng lungkot.Sa tuwing matatanaw ko ang kanyang mga pagod na mata, hindi ko maiwasang maramdaman ang sakit at lungkot sa aking puso."I'm sorry asawa ko, masyado na bang.... masyado na ba akong nagpapahirap sayo... nahihirapan na din akong makita kayong ganyan ng dahil sa akin.". sambit ng isipan ko. Nag siunahan na naman ang mga luha kong mag sibaba."Bawal nga ang ate ko diyan ayaw mong maniwala eh!!""Tatawagan ko nga si Tito Harold kapag pwede
Marco PoV:Habang taimtim kong tinititigan ang mahal ko na mahimbing na natutulog. Sobrang putla na nito.Biglang pumasok sa isipan ko lahat lahat ng mga nagawa kong kademonyohan sa kaniya. Nung unang una na kinupronta ko ito sa office niya. Kung paano siya matakot sa akin noon."Where is Mom?!!""N-naka uwi na po siya Sir""Tsssk!! So' You are Lexien Mendez?!!""So' Ikaw nga yong tinutukoy niya' you know what, diko alam kong anong pinakain mo sa mommy ko at nagkaganoon iyon""S-sir a-ano pong ibig niyong sabihin?"AaHh!""S-sir M-marco masakit po""Look! im warning you! hindi lang ganito ang gagawin ko sayo kapag sumunod ka sa gusto ni Mommy' kaya wag niyo ng ituloy pa ang balak niyong dalawa, kapag pumayag ka sa gusto niyang mangyari, I will make sure your life will be miserable""Understood!!""Stupid... Nerd!!.... "Kung paano ko siya paulit ulit tawagin nerd... Stupid!!"Nerd.. Malandi ka!!!...""Sinisigurado kong maging empyero ang buhay mo kapag nagsama na tayo!! Tandaan mo iya
Leo PoV:"Anak lakasan mo lang ang loob mo." sabi naman ni Dad tumapik tapik pa sa balikat ko."Tiyak na ayaw ni Lexien na makita tayong nalulungkot, ma's lalong mahihirapan siya." ang MomYumakap na lamang ako dito."Kuya Leo palabas na sila okay na ba lahat? Kaka ready ka na?" tanong ni Princess, bahagya naman ako tumango.Ito na ang.. ito na ang araw ng kasal nila Lexien at Marco, matuturing mo na talaga na kasal dahil tunay na nag mamahalan na silang dalawa.Tulad ng pinangako ko sa kaniya ako ang kakanta sa kasal nilang dalawa ni Marco, at iyon talaga ang tanging hiling niya sa akin. Ito na din ang tanging regalo ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Marco.Suminyas na din si Carla kung ready na kami, bahagyang tumango naman ako.Biglang pag tapik naman sa balikat ko ni Marco. Kita ko dito na nangingilid na din ang mga luha nito. Pilit na ngumiti ito tumango na lamang ako dito.At suminyas naman ako sa mga kasamahan ko.Ang hiniling niyang kanta ay,"Beautiful in White" by;WESTLIFE
Marco PoV: "Diba...ang gandang pag masdan ang pag lubog ng araw." Nanghihinang sambit ng mahal ko at sa tuno nitong nahihirapan na magsalita. Ako na walang kapaguran mga luhang dumadaloy sa mga mata ko. Nakaupo kami ngayon sa buhanginan habang siya ay nakasandal sa balikat ko, habang ang isa ko braso naka pulupot sa beywang niya, at taimtim naman pinapanood naming dalawa ang pag lubog ng araw. Ito na.... Ito na ang huling.. huling hiling niyang makita ang pag lubog ng araw. At ang huling araw, ang pinakamasakit sa masakit na mangyayari sa buhay ko. "Ang...ang gwapo kong crush... na crush... ko lang noon sa ...trabaho...asawa ko na... ngayon." tiningnan niya pa ang singsing na suot suot niya. "Sobrang saya ko.. dahil natupad din ang pangarap ko na.. ay hindi... tinupad mo ang pangarap ko na naka magandang white dress na ihahatid ako ng itay sa iyo at haharap sa altar,... naka wheelchair nga lang heheh." "Pangako....mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo ha,.
"No!!! Mom! you can't do this to me! I will not marry that woman!" galit na saad ni Marco, ngaun niya lang nakitang nagkukumahos sa galit ang anak niya. Expected niya na talaga iyon na ganun ang magiging reaksyon ni Marco dahil sa biglaang disesyon niya, kaya napa buntong hininga siya bago nagsalita"You won't be able to do anything Marco' because the two of you are getting married next month""What?!" gulat na saad nito "Ganun lang po ba kadali sa inyo iyon ang ipakasal ako sa ibang babae""Son' matutunan mo din mahalin si Lexien kapag nag sama na kayo""No!, that will not happen! Ni hindi ko nga po kilala yang Lexien na iyan at hindi mangyayari yang gusto niyo Mom!" "And why not?!" May pagtatakang tanong niya dito"Because' I'm also planning to propose to Natalie when she come back from New York, so' why did you make this decision?""What?!! Are you insane Son?! Di mo parin pala talaga nilulubayan yang Natalie na iyan at ilang beses mo ng sinabi yan saken,but it doesn't happen,
"ASAN na ba iyon alam ko dito ko lang nilagay iyon". halos lahat ng gamit nakakalat dahil lang sa susi ng kanyang apartment niya na di mahanap hanap di maalala kung saan niya nailagay."Ay naku naman bestie ano nangyari sayo ba't ang kalat dito?" pagtatakang tanong ng kanyang kaibigan niyang kakarating lang "Eh kasi naman yong susi dito sa apartment kanina ko pa hinahanap anong oras na male-late na ako" "hayss' masyado ka talagang makakalimutin ehh no" wika nito at nagsimula na din maghanap"Iwan ko ba anong nangyayari sa akin stress lang siguro""Sabihin mo naman sa amo mo mag day off ka naman muna para makapag pahinga ka naman muna masyado ka nang hagard Lexien mas maganda pa tuloy ako sayo eh" "Baliw! hindi pwedi, kasi ngayon may panibagong project na naman sila ma'am Esmeralda kaya stress much talaga""Ay naku bestie, you should also get some rest naman. Hindi puros trabaho ang tagal na natin di nag ba-bonding ehh at tsaka weekend ngayon dapat nasa galaan tayo eh, yong huling b
Lexien pOv;KAHIT anong pilit ni Maam Esmeralda na ipahatid ako tumangi parin ako dinahilan ko na lang may tatapusin pa akong mga papeles na kailangan pa naman niya iyon para sa mga bago niyang investors at syempre nahihiya din ako makakaabala pa ako' "Ok fine' pero magpapadeliver na lang ako ng food for you, kain ka okay""Hala ma'am wag na po" tanggi ko ulit ngunit pinandilatan niya lang ako "Hay naku' Lexien puros ka talaga si tanggi""Kumain ka ang payat payat mo baka sabihin ng pamilya mo masyado kitang sinusubsob sa trabaho kaya napapabayaan mo na sarili mo" sermon nito sa akin "Opo' T-thank you po" parang nanay ko na talaga siya eh "I have to go na umuwi ka din ng maaga ha' okay" paalam nito at bumeso di na ako nagulat sa ginawa niya dahil lagi na talaga nito ginagawa sa akin bago siya umaalis"Opo Maam ingat po kayo, thank you po ulit sa food" sabi ko Tumango na lang ito at nagpatuloy ng umalis Mga ilang oras dumating na din yong pagkain na pinaorder ni ma'am kaya